Chapter seventeen

3.5K 116 9
                                    

MAINGAT NA inihiga ni Faye si Kristel nang makatulog ito. Pagkarating na pagkarating niya sa bahay ay agad niyang pinuntahan ang kambal. Nadatnan niya si Manang Lety na inihihiga sa crib si Kenneth, at sakto namang nagising si Kristel. Siya na ang nagpatulog kay Kristel at hinayaan na siya ni Manang Lety. Hindi niya alam pero tila ba habit ng kambal na kapag nakatulog na ang isa saka naman gigising ang isa. Wala kaso iyon sa kanya, sabagay hindi niya kailangang mataranta kapag nagsabay pumalahaw ng iyak ang kambal.

Nag-inat siya ng mailapag ang sanggol sa crib. Quarter to six na ng gabi nang tingnan niya ang orasan. Marahil hanggang ngayon ay magkasama pa sina Steven at Samantha. Bumagsak ang mga balikat niya sa naisip. And that pain...

Hinamig niya ang sarili. There’s no point kung parati niyang hahayaang masaktan ang sarili dahil na rin sa pagiging masokista niya. And she had enough. Mabuti nang magkalinawan na sila ni Steven para matapos na rin ang pagpapahirap niya sa sarili dahil sa pagiging duwag niya. Yes, she was scared to face the truth. But she knew she should to.

Tama na rin ang palaging umaasa sa bagay na kahit siya ay alam niyang walang kasiguraduhan. Dahil kapag hinayaan pa niyang patuloy na umasa, patuloy lang din na nadaragdagan ang sakit na nararanasan niya at sa huli maiiwan siyang nasasaktan.

She placed one hand on her chest and breath in deep. Ngunit tila kinapos naman siya ng hangin ng makapang may nawawala sa kanya. Her necklace. She looked around trying to find it. She was even praying na sana naroon lang ito sa silid na iyon at hindi sa taxi na sinakyan niya kanina dahil hindi niya alam kung paano pa iyon makukuha. Pero nanlulumong napaupo siya sa kama nang matapos niyang halughugin ang buong silid ngunit hindi nakita ang hinahanap.

Then she remembered.

Mabibilis ang hakbang na lumabas siya na silid at tinungo ang kwarto ni Steven. Naalala niyang palihim siyang pumasok ng silid nito habang nasa banyo ito at naliligo. Kaninang umaga, habang nag-aalmusal sila ay tumunog ang cellphone nito. Matapos nitong basahin ang message ay nagmamadali itong nagpaalam at hindi na tinapos ang pagkain nito. It was Sunday, at wala itong pasok. Sigurado rin siyang wala itong meeting kaya nagtaka siya sa ginawi nito. At dala ng pagdududa, palihim siyang sumunod sa silid nito. That’s when she found out that he will be seeing Samantha. Mali man, pero hindi kasi niya napigilang pakialaman ang cellphone nito.  

She tried looking for her necklace in Steven’s room. Hindi na naka-lock ang pinto ng silid nito kapag umaalis na ito ng bahay, at may basbas na rin nito na malaya na siyang makakapasok doon.

“Nasaan na ba ‘yon,” halos maiyak na siya sa paghahanap.

Kinailangan pa niyang tanggalin ang lahat ng unan sa ibabaw ng kama ni Steven, saka tumuwad para tingnan naman ang ilalim na higaan.

That necklace was special and she can’t afford to lose it. It was Steven’s gift to her when she graduated in college.

“Aray!”

Nauntog pa siya sa study table nang tiningnan ang ilalim niyon sa pagbabasakaling naroon ang hinahanap. Hinihimas ang ulong umayos siya ng tayo. Ngunit sa pagtayo niya ay muntik pa siyang madulas sa lapis na nahulog marahil. Muntik pa siyang mawalan ng balanse kung hindi lang siya mabilis na nakakapit siya sa isa sa mga drawers ng table. Ngunit dahil hindi naka-lock ang drawer bumukas iyon at humiwalay sa mesa. She silenlty cursed nang magsikalat sa sahig ang laman niyon. Mabilis niyang pinagpupulot at inayos ang laman ng pasaway na drawer.

Then she noticed something, a folder caught her attention. Bukod sa naiiba ang kulay niyon sa karaniwang puting mga folder na nasa mesa, nakasulat roon ang pangalan niya. At sa hindi malamang dahilan bigla ay sumipa ang kaba sa dibdib niya. Bakit pakiramdam niya, may mababago kapag nakita niya ang kung anoman ang nilalaman niyon?

AFTER an AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon