Chapter thirteen

3.8K 102 5
                                    

I WILL MISS my grandchildren so much. Huwag ninyong kalilimutang dumalaw dito parati, ha.” 

“We will, Mom,” pang-aalo ni Steven sa sintemyento ng Mommy nito.

Kumulas sa pagkakayakap ni Steven ang Mommy nito saka siya nilapitan. Tita Amanda looked cute but still manage to stay elegant with her pleading eyes. Tila ito bata na nagpapaawa na ibili ang puppy na nagustuhan nito sa pet shop.

 Faye, wala akong tiwala kay Steven. He’s such a workaholic at madalas sa hindi ay nakakalimutan niyang dumulaw dito sa amin. Nagtatampo na nga ako. Kaya kahit sana kayo na lang ng mga apo ko ang pumasyal dito paminsan-minsan, that would be better.”

 “Sige po, M-ma.”

 Iginiit ni Tita Amanda na tawagin na niya itong Mama na hindi pa niya nakakasanayan. Gusto niyang tumanggi noong una dahil wala namang silang relasyon ni Steven. Maliban na lang sa pagiging ina ng mga anak nito. Sa huli ay hinayaan na rin niya dahil wala namang naging reaksyon si Steven.

 Katakot –takot na paglalambing muna ang nangyari bago sila pinayagan nang makaalis ng mga magulang ni Steven.

 “Anong problema ng isang ‘yon?” tanong ni Julie nang magpaalam at magyakap silang magkaibigan. Pasimple pa nitong inginuso ang kapatid nito na kasalukuyang ipinapasok ang mga gamit nila sa kotse.

 Napansin marahil nito ang kakaibang aura pagitan nila ni Steven. Kahit nagawa nilang maging normal ang kilos sa harap ng magulang ni Steven, hindi sa kaibigan niyang matalas ang pakiramdam. Bago pa siya makasagot sa kaibigan ay tinawag na sila ni Steven. She just gave her bestfriend an apologetic look and I’ll-call-you-up-later gesture. Julie’s lips formed in to a ‘O’ and nodded.

 Walang kibong pinagbuksan siya ni Steven ng pinto sa passengerseat. Kahit ang salubungin ang mata niya tila iniiwasan nito. Hay, mukhang kina-career ng gwapong mama ang deadmahin siya. Naupo na ito sa harap ng manibela at binuhay ang makina ng sasakyan. Steven’s family waved them goodbye that she returned with a smile. Ang sarap isipin kung magiging bahagi siya ng kanilang pamilya. Sana...

 Sinilip ni Faye si Manang Lety sa backseat na kalong ang nahihimbing na si Kristel. Karga naman niya ang kakambal nito na si Kenneth.

 Tahimik—O mas tamang sabihin, awkward ang naging biyahe nila. Halos manakit ang leeg ni Faye sa kakapigil na mapatingin sa gawi ni Steven. Tahimik lang din ito habang tutok sa pagmamaneho. Hay...

 Hmp. Kung ayaw siyang pansinin, e ‘di huwag. Bakit ito lang ba ang pwedeng hindi mamansin? Matapos nang sinabi nito sa kanya kagabi, siguro naman may ‘k’ siyang magtampo rin dito. Hindi na nakatiis na sinulyapan niya si Steven. Yes, that guy behind the wheel just accused her of flirting his’ sister’s—her bestfriend’s— fiance’. Sarap lang kutusan ng lalaking ito.

 Ibinalik na lang niya ang atensyon kay Kenneth at nilaro ang mga kamay nito. Sana hindi magmana ng kasungitan sa Tatay ang anak ko, piping usal niya.

 Pinagbuksan siya ng pinto ni Steven nang sa wakas ay nakauwi na sila sa bahay. Hindi pa siya nakakapagpasalamat ay tinalikuran na siya nito at inalalayan namang makababa sa kotse si Manang Lety. Binitbit nito ang mga gamit nila paakyat sa second floor. Maingat na inihiga ni Manang Lety si Kristel sa crib nito na nahihimbing pa rin.

 “Manang, hindi na po ako magdi-dinner dito mamaya. I have a client to meet at baka late na po ako makauwi.”

 Napasimangot si Faye sa sinabi ni Steven habang pinapadede si Kenneth. Alam nitong siya ang madalas magluto ng hapunan, at nakakainis lang na kailangan pa nitong sa iba ipaalam na hindi ito makakauwi. At samantalang ilang hakbang lang ang layo niya dito. Nakakainis na tila hindi na siya nag-eexist kung umasta ito sa kanya.

AFTER an AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon