Chapter one

9.2K 135 5
                                    

GOOD MORNING, everyone!”

Masiglang bungad ni Faye pagpasok niya ng shop. Gulat naman na napalingon sa kanya ang mga tao sa loob.

“Bruha ka! Anong ginagawa mo dito?” tanong sa kanya ni Marj. Nanlalaki ang matang sinulyapan nito ang tiyan niya. “Baka dito ka pa manganak nang ‘di oras.”

“Nababagot na kasi ako sa bahay at nami-miss ko na itong shop. At saka next week pa naman due date ko, no.”

Inalalayan siya ni Marj na makaupo sa upuang nasa likod na counter. She’s having twins kaya may kalakihan ang tiyan niya at medyo hirap siya na makapaglakad. Pero hindi iyon hadlang sa kanya para humilata na lang maghapon. Mas gusto pa rin niyang kumilos at maglakad-lakad. Kaya naisipan na rin niyang bisitahin ang novelty shop na pag-aari nila ng kanyang pinsan na si Marj.

Bukod sa kababata niya si Marj ay naging magkaklase pa sila noon sa elementarya at high school. Matanda lang ito sa kanya ng ilang minuto. At marami rin silang pagkakatulad at napagkakasunduan kaya sobrang malapit sila at parang kambal na rin kung ituring nila ang isa’t isa.

“Kahit kailan talaga napakakati ng paa mo. Hindi ka mapirmi sa isang lugar. Sarap lagyan ng Mighty Bond ‘yang paa mo at nang ‘di ka na naggagagala lalo na sa kalagayan mo,” naiiling na sabi nito.

“Relax ka lang, ok. Ako ang buntis kaya alam ko kung kailan ako manganganak. At saka inaalala ko lang na baka nakukunsumi ka na sa pag-aasikao nitong shop ng mag-isa. Hindi pwede ang ninang na losyang sa binyag ng babies ko.”

“Tse! Sa’yo ako nakukunsumi, e.”

Nginitian na lang niya ito. Naki-usisa na rin tungkol sa pagbubuntis niya ang dalawang tauhan nila sa shop. Dahil wala naman gaanong customer kaya libreng magtsimisan silang apat. Ito ang na-miss niya sa halos dalawang linggo niyang hindi pagtambay sa shop, ang pakikipagtsismisan at ang nasasagap na mga tsismis sa baranggay nila.

“Hoy! Hinay-hinay lang sa pagtawa at baka mapaanak ka dito,” paalala ni Marj nang hindi niya napigilang humagalpak ng tawa sa kwentuhan nila.

“E, sa nakakatawa naman talaga.”

Natigil sila sa pagkukwentuhan ng may dumating na ilang estudyante. Agad namang nilapitan ng tindera nila ang bagong dating na mga customers. Anim na buwan pa lang nilang nasisimulan ang shop pero patok na patok na iyon sa mga taga-roon lalo na sa mga kabataan. At masaya siya sa nagiging takbo ng negosyo nila at sa bagong simula niya.

Then memories came back to her in a flash. But she immediately shook them away.

“Siya nga pala, Faye, may naghanap sa’yo dito kahapon,” pukaw sa kanya ni Marj.

“Ate Faye, ang gwapo,” kinikilig na singit ni Liz, isa sa tindera nila. Sabay naman na tumango-tango sina Marj at isa pa sa tindera nila na si Dess.

Napakunot noo siya. “Sino?” Sa hindi malamang dahilan ay kinabahan siya.

At bago pa siya masagot ni Marj ay tumunog ang chimes sa pinto at sabay silang napabaling roon.

Narinig niyang tumikhim si Marj. “Hindi s’ya.”

Lihim na nalukot ang mukha niya nang umaliwalas naman ang anyo ng bagong dating. Kung hindi lang siya gaanong hirap kumilos baka nagtatakbo na siya papunta sa back door at kumaripas pauwi. Kung may isang bagay siyang pinakakaiwasan kung maaari hanggat hindi pa siya nakakapanganak ay ang makipagbolahan sa lalaking papalapit sa pwesto nila habang malapad ang pagkakangiti. Si Marciano. Nai-stress siya dito.

 “Parang biglang lumakas yata ang hangin?” bulong ni Dess.

Pasimple niyang pinandilatan ang mga kasama.  

Ipinatong ni Marciano ang mga braso sa counter at sumandal paharap. Buti na lang at nakapagitna sa kanila ang counter kaya ligtas siya sa pabango nitong nagpapasakit ng ulo niya.  

“Hi, Faye. Sabi ko na nga ba ikaw ‘yong nakita ko kaninang pumasok dito. Ang tagal kitang hindi nakita, ah. Na-miss kita,” pa-cute ni Marciano na hindi naman cute. Kata-cute!

Hindi naman sa nanlalait siya pero hindi keri ng powers niya ang confidence nito. Over! Hindi naman ito pangit at hindi rin ito gwapo, ordinary ika nga. Pero kung purihin nito ang sarili parang angkin na nito ang lahat ng magagandang katangian ng isang lalaki. Matalino ito at kilalang Engineer sa lugar nila kaya he’s a good catch naman. Pero hindi talaga niya feel ang karakas nito.   

“Naka-house arrest kasi ako. Bilin kasi ng doctor na huwag akong masyadong magpapakapagod kaya paminsan-minsan na lang ako naliligaw dito sa shop. ‘Lam mo na,” iminuwestra niya ang umbok sa tiyan.

“Malapit ka na nga palang manganak. Hindi ka ba mahihirapan niyan, I mean, maging single parent? Sa kambal pa.”

“Heto na naman siya,” pasimpleng bulong i Marj nang nagkunwari itong may iniabot sa tabi niya. Pumuwesto ito sa cashier nang may lumapit na customer para magbayad. Pero alam niyang kahit abala ito ay lihim pa rin itong nakikinig sa usapan nila ni Marciano.

“Hindi naman siguro,” tugon niya. She wanted to roll her eyes like when Marj did.

“Mas maganda siguro kung lalaki ang mga anak mo na may kinikilalang ama na mag-aaruga sa kanila. At Alam mo naman na nakahanda ako na gampanan ang tungkuling iyon, Faye. Wala ng mas babagay na maging ama ng mga anak mo kundi ako. Ipinapangako ko na lalaki sila ng matiwasay at masaya kapag tinanggap mo ako na maging bahagi ng buhay ninyo. Mamahalin ko sila tulad na pagmamahal ko sa’yo,” seryosong sabi nito. Gasgas na ang linyang iyon dahil sa tuwing nagkikita sila laging iyon ang pamatay na linya nito sa kanya.

Nagtatayuan ang balahibo niya, hindi dahil kinikilig siya, kundi dahil kinikilabutan siya. Mas gugustuhin pa niyang lumaki ang mga anak niya ng walang ama kesa makasama ito. At iisang tao lang ang kinikilala niyang ama ng nasa sinapupunan niya. Walang sinuman ang pwedeng punan ang bahagi nito sa buhay niya at ng kanilang anak.

“Marciano kasi—Aw!”

Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng biglang kumirot ang tiyan niya. Naging alerto naman agad si Marj at mabilis na lumapit sa kanya. Naramdaman niya ang likidong umagos sa binti niya. Manganganak na siya!

“Marj!”

“’Eto na nga ba ang sinasabi ko sa’yo, e!” natatarantang sabi ni Marj. Inutusan nito ang isa sa tindera nila para tumawag ng masasakyan.

Lumapit na rin sa pwesto niya si Marciano para alalayan siyang makatayo. Sa sobrang sakit na nararamdaman niya ay tila nanghina na ang tuhod niya at hindi na niya makayang makahakbang pa.

“Dala ko ang kotse ko. Isanakay na natin siya doon para maihatid siya sa ospital,” ani Marciano kay Marj.

Kahit inis ang pinsan niya dito ay sumang-ayon na rin ito. Akmang bubuhatin na siya ni Marciano nang may pumigil dito.

“Let me,” anang baritonong boses na pamilyar sa kanya. Napansin rin niyang napatanga rin si Marj.

“Teka! Sino ka ba?” narinig niyang tanong dito ni Marciano.   

“Pwede ba mamaya na ‘yan. May manganganak na po!” ani Marj.

Napaangat ang tingin niya dito. Nagha-hallucinate lang ba siya? Was he for real? Nasiguro niyang totoo ang kaharap ng pangkuhin siya nito at yakapin siya ng init at bango nito na gustong-gusto niya—na parang laging bagong ligo. Maingat siya nitong idiniposito sa backseat ng kotse nito at tinabihan siya ni Marj.    

Nanghihina na siya sa sobrang sakit ng tiyan niya at unti-unting parang namamanhid ang mga pakiramdam niya. Pero sa kabila noon ay hindi nakaligtas sa pandinig niya ang huling sinabi ng lalaki kay Marciano.

“...’You stay away from Faye and my child, got that,” nagpipigil sa emosyong sabi nito na may diin.

=================

AFTER an AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon