Chapter eleven

4.8K 128 10
                                    

LET'S TALK. I’ll wait outside.”

Hindi na siya hinintay pang sumagot ni Steven. Tinalikuran na siya nito at tahimik na lumabas ng silid. Naiwan siyang yakap ang kumot sa kanyang kahubdan, at habang kinakabahan. Would Steven hate  her now?

Nagkakagulo pa rin ang isip niya ng magsimula siyang magbihis. Memory of last night made her smile as she stepped outside. Pero dagli rin iyong nabura ng madatnan niya si Steven. Tila ito pinagbagsakan ng langit sa anyo nito. Nakayuko ito habang nakapatong ang siko nito at magkasalikop  ang mga kamay nito sa likod ng batok nito. Malalim ang paghinga nito.

Guilt striked her big time. Kahit iginigiit ng isang parte ng isip niya na walang mali.Pero iba ang sitwasyon kay Steven.

Last night was like a dream come true. But seeing the person who made it happened suffering, pakiramdam niya parang siya ng ang pinakamasamang tao sa ibabaw ng mundo.

Tumuwid ito ng upo ng marahil ay maramdaman ang presensya niya. Bumuka-sara ang bibig nito na para bang may gusto itong sabihin pero nanatili itong nakatingin lang sa kanya. She swallowed, wanting to say something to him, na kahit kunti ay makakabawas sa kung anong bigat sa kalooban nito. But she can’t find the right word. Masyado siyang lito sa saya at guilt na nararamdaman niya.

“I’m—.”

“No. Please don’t,” pigil niya sa kung ano mang sasabihin nito.

She doesn’t want to hear how sorry he was for what happened last night. It was a great memory she wanted to keep, at ayaw niyang sirain ang alaalang iyon sa sasabihin pa nito.

“I am not, Steven.”

Pinatatag niya ang anyo para maitago ang sakit na nararamdaman niya habang nakikita ang kalituhan sa mukha nito.

“But—.”

“Tama na, Steven. Ginusto ko rin ang nangyari at wala akong pinagsisihan. Huwag kang mag-alala, mananatiling lihim ang lahat.”

Natahimik ito, at pinakatitigan siya na tila inaarok ang isip niya. Napabuntong-hininga ito saka tumayo na hindi inaalis ang tingin sa kanya.

“Why?” tanong nito.

Nagkibit-balikat siya at walang pagdadalawang isip na tinugon ito.

“Gusto kita, e.”

Naisuklay nito ang kamay sa buhok nito na kulang na lang ay sabunutan nito ang sarili. Lalong kumunot ang noo nito.

“Listen here, Steven. Hindi mo kailangan pahirapan ang sarili mo tungkol sa nangyari. It was just a sex. We can just move on with our lives na parang walang nangyari. You can forget what happened, at bahala na ako sa sarili ko.”

She breath deeper para humugot ng dagdag na lakas ng loob.

“Take care of yourself, Steven. Bye,” she said keeping her tears not to betray her.  

Naglakad na siya patungo sa pinto. Tama na. Hindi na niya hahayaang masira ang magandang alaalang baon niya habang nakikita ang tila pagkamiserable nito.Masyado na rin siyang nasasaktan.

“You know what, Steven. Hindi mo naman kailangang isipin na nagtaksil ka dahil lang sa nangyari sa ating dalawa. Dahil walang kang pinagtaksilan,” huling hirit niya saka ito iniwan.

Pilit na pinapatatag niya ang sarili na huwag umiyak habang papalayo kay Steven. Every steps she take parang isang parte ng katawan niya ang dahan-dahang nawawalan ng buhay. Nakasakay na siya ng elevator at pasara na ang pinto niyon nang may kamay na pumigil doon pasara. Humahangos si Steven nang buksan nito ang pinto ng elevator.

Nagulat si Faye ng hilahin siya ni Steven palabas at ikulong sa mahigpit na yakap. Gusto niyang maiyak nang may ibulong  ito.

“...Stay. Don’t leave me, Faye. Please stay.”

Nagising si Faye nang maramdaman niyang may dumantay sa bewang niyang mabigat na bagay. Nalingunan niya ang mahimbing na natutulog na si Steven habang nakayakap sa kanya ang braso nito. Maingat siyang kumilos paharap dito. She lightly trailed his face with her fingertips and admired him in his slumber. She used to do that when they were still together then. Her lips curved in a smile. Pagkatapos ng halos isang taon na pagkakalayo nila, akala niya ay hindi na niya mararanasan pa ang napakagandang nangyari sa kanya kagabi. They just made love. 

Ngunit tulad ng nangyari noon, pansamantala rin ba ang kaligayahang nararamdaman niya?

Naalala pa niya kung gaano kamiserable si Steven ng panahong iniwanan ito ng long time girlfriend nito na pinili ang pangarap nito kesa sa taong labis ditong nagmamahal. Halos malaki ang ipinagbago ni Steven noon. Labis nitong napabayaan ang sarili at maging ang negosyo nito. At minsang ngang puntahan niya ito sa bar kung saan nilulunod nito ang sarili sa alak ay halos maaawa siya dito. Lugmok na ito sa counter at muntik pa itong makipag-away. She had enough seeing him like that—suffering and hurting .

Kaya nananatili siya sa tabi nito kahit maraming beses na siyang itinataboy nito. She took care of him whenever he gets home drunk, na kulang na lang ay tumira siya sa unit nito para lang maalagaan ito tuwing hindi na ito makakilos sa kalasingan. She was always there in his worst state.

And then, marahil sa kalasingan nito inakala nitong siya ang kasintahan nito. Sa kanya nito ibinuhos ang galit nito para sa babaeng nang iwan dito, at hindi nga sinasadyang nasaktan siya nito. Tila naman nawala ang kalasingan ni Steven ng mapagtanto nito kung ano ang nagawa nito sa kanya. He immediately apologized to her, at malambot ang puso niya pagdating dito kaya madali niya itong napatawad. He hugged her as she felt him showered her with kisses. Hanggang sa hindi namamalayang nauwi sila sa hindi nila inaasahang mangyayari.

She was in the right mind to stop him, but she choose to let it happened. She wanted his touch and feel him. She wanted him. At hindi na niya kaya pang pigilan ang pagnanais na maranasan kung paano bigyang atensyon ni Steven. Bahala na ang bukas.

At kinabukasan, ang akala niyang matatapos na ang lahat sa pagitan nila ni Steven, he asked her to stay with him. Kulang ang salitang shock para ilarawan ang saktong naramdaman niya. Halos matunaw ang puso niya sa bahid ng pagmamakaawa sa boses nito. At hindi na siya magpapakaipokrita pa para tanggihan ito, kaya walang gatol niyang niyakap ang pagkakataong manatili pa sa tabi nito. They ended up in his bed and just cuddled, while she watched him sleep in her arms.

I still love you, Steven.  

Hinawi ni Faye ang buhok na tumabing sa mukha ni Steven at hinalikan ito sa labi. Agad niyang inilayo ang mukha ng maramdaman niyang humigpit ang pagkakayakap ng braso nito sa bewang niya at hinapit siya palapit dito saka siya siniil ng halik.

“Such a nice way to wake me up, babe,” pilyong sabi nito.

Tiningnan nito ang wrist watch nito sa side table.

“We still have half an hour.”

Tuwing nasa bahay ang buong pamilya ni Steven, mahigpit na ipinapatupad ni Tita Amanda ang pagkain ng sabay-sabay ng pamilya. It’s half an hour before breakfast, kaya kailangang kumilos na sila. Nakakahiya kapag nahuli sila sa mesa, at baka kung ano ang isipin ng pamilya ni Steven.

Nanlaki ang mata niya ng hawiin nito ang kumot niya at pumaibabaw ito sa kanya saka isiksik nito ang katawan sa pagitan ng hita niya. His body pressed against her, and feeling his warmth made her shivered with the delightful sensations that rushed through her.

“S-steven.”

Itinukod niya ang mga kamay sa dibdib nito nang subukan nitong halikan siya.  

“What?”

“Baka kasi gising na ang kambal.”

“Bahala na sina Mommy sa kanila.”

“Pero—.”

“Ten minutes, babe,” sabi nito saka siya siniil ng halik.

===========================

AFTER an AFFAIROnde as histórias ganham vida. Descobre agora