Chapter fourteen

3.8K 102 1
                                    

 

BLOOMING KA.”

Natigil sa pakikipaglaro si Faye sa anak at napabaling kay Julie. “Ha?!”

“Nagbibingi-bingihan, teh? Sabunutan kita riyan.”

She laughed. “Inggit ka lang. Kasi walang naglalambing sa’yo.”

“Heh!”

Ipinaikot pa ni Julie ang mga mata. Magdadalawang linggo na kasing wala sa bansa si Lenard para sa business convention nito abroad. At alam niya kung gaano na ito ka-miss ng kaibigan niya. Lagi namang hindi nawawalan ng kumunikasyon ang dalawa. Pero iba na kapag kasama mo ang taong mahal mo. Just like her.

Lande!

Simula nang magkaayos sila ni Steven lagi nang masaya ang araw ni Faye. Bukod sa nagkalinawan na sila tungkol kay Lenard, tuwina ay lagi ng malambing sa kanya si Steven. He brought her flowers, at lagi na silang sabay mag-dinner. Though, wala itong nababangit tungkol sa naging confession niya, she was ok with it. She could wait for him, just like she did then.

Oo, pinagbigyan na niya ang sariling umasa na may katugon ang nararamdaman niya para dito. At wala naman siyang maramdaman na may mali sa sitwasyon nila. She was happy to be with Steven and their children, iyon ang mahalaga. Saka na ang mga ‘what if’s’.

 Tumunog ang cellphone ni Julie, but her friend just let it ring. She didn’t even bother to look at the device to check who was calling.

“Hindi mo ba sasagutin ‘yan? Baka si Lenard na ‘yan.”

Tumingin lang si Julie sa ibaba ng terrace. Pero hindi nakaligtas sa kanya ang lungkot na dumaan sa mga mata ng kaibigan. Hmm, something’s wrong.

“Juls?”

“I don’t want to talk to liars.”

Ok, something’s happened. And Julie confirmed it...

“The wedding’s off.”

=============================

MAG-USAP KAYONG  dalawa kung ayaw n’yong pagbuhulin ko kayo!”

Halata ang pagtitimpi ni Steven na pag-untugin ang lovers in quarrel na kasalukuyang nasa sala nila. Ilang araw nang nagkakampo sa kanila si Julie at hindi kinakausap o hinaharap man lang si Lenard na ilang araw na rin itong sinusuyo.

Hinila siya ni Steven palabas ng sala para hayaang makapag-usap ang magkasintahan. Pero hindi naman sila gaanong lumayo dahil pumuwesto lang sila sa lanai kung saan makikita at maririnig pa rin nila ang pag-uusap ng dalawa. Kampanteng binuklat ni Steven ang dyaryo sa ibabaw ng mesa saka tahimik na nagbasa at ipinagpatuloy ang pag-inom ng kape, na naudlot dahil umagang-umaga ay naroon na sa harap ng bahay si Lenard. Ngunit alam niyang pasimple lang itong nakikiramdam sa loob ng sala.

Lihim siyang natawa sa gawi nito. Steven was such a protective brother to his sister. Dahil nag-iisang anak siya at maagang naulila, minsan nakakaramdam siya ng inggit sa magkapatid. Pero tuwina naman naiisip niyang buti hindi niya naging kapatid si Steven. Bukod sa masyado itong istrikto sa kapatid, hindi niya pinangarap makatagpo ang salitang ‘incest’.  

Sinulyapan niya ang magkasintahan sa sala. Halatang napipilitan lang si Julie na harapin si Lenard, kung hindi lang dahil sa utos ng kapatid nito. Nakabaling ito sa ibang direksyon habang nakahalukipkip at halatang iniiwasang tingnan man lang ang pobreng lalaki sa harap nito.

Julie has called the wedding’s off nang matuklasan umano nito ang pagtataksil ng kasintahan. Isang kaibigan nito ang nakakita umano kay Lenard na may kasamang ibang babae sa business convention na dinaluhan nito. The two was being sweet, the source added, dahilan para ikagalit ni Julie. But Lenard denied about it.

AFTER an AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon