Chapter ten

5.3K 122 9
                                    

ANG CUTE ng mga apo natin, Arman, nakakatuwa. At itong si Kenneth, kamukhang-kamuha ni Steven noong baby pa.”

Sumang-ayon ang Daddy ni Steven sa sinabi ng asawa nito at inakbayan ang ginang. Kita ang kaaliwan sa mukha ni Tita Amanda habang karga nito si Kenneth. Maingat naman na ipinasa ni Tita Amanda si Kenneth kay Tito Arman, saka kinuha sa kanya si Kristel.

Kahapon dumating ang mga magulang ni Steven galing sa isang cruise para sa 32nd anniversary ng mag-asawa. At tulad nga ng sinabi ni Steven ay magiliw ang pagtanggap ng magulang nito sa kambal, maging sa kanya. Mahigpit pa nga siyang niyakap ni Tita Amanda pagdating nila.

Hindi alam ng pamilya ni Steven ang tungkol sa naging relasyon nila noon kaya nag-alala siya sa kung anong maaaring isipin ng mga ito sa kanya. At inaasahan na niyang magagalit ang mga ito dahil ginawa niyang paglilihim ni Faye tungkol sa mga apo nito.  

“At itong si Kristel, my pretty princess, siya ang susunod sa yapak ko. She’ll be famous in fashion world when she grow up just like me.”

“Mommy, huwag masyadong excited. Isang buwan pa lang ang apo n’yo, at hindi natin alam kung ano ang gusto niya paglaki. Malay natin gusto pala niyang maging pulis o sundalo,” ani Julie.

“Que horror, Julie! Babae ang pamangkin mo, at hindi bagay sa apo ko ang maging pulis o sundalo. I cannot allow it! At saka baka atakihin ako sa puso dahil sa sobrang pag-aalala at kaiisip.”

“Mas parang ikaw pa ang nanay ng kambal kung makapag-react ka naman, honey,” sabad ni Tito Arman.

Tita Amanda adorably frowned. “Bakit ba? Sigurado naman na pareho kami ng pananaw ni Faye. Hindi ba, hija?”

“Opo, Tita Amanda.”

“Pero Mommy, kung maisipan nga ni Kristel ng maging pulis o sundalo, siyempre kung saan siya masaya at napili niya ay susuportahan namin siya.”

“Isa ka pa, Steven. Basta hindi ako papayag!”

Tatawa-tawang inakbayan ni Steven si Tita Amanda.

“Biro lang, Mommy. Siyempre bilang magulang ayoko rin namang mapahamak ang anak ko sa pipiliin niyang propesyon paglaki, lalo na’t babae pa. ”

Kinurot nito sa tagiliran si Steven na ikina-piksi nito. Tumatawang lumayo ito sa mommy niya. Lumapit kay Tita Amanda si Manang Lety at inaya na sila para sa hapunan.   

========================

HINDI KAYA mahirapan sina Tita Amanda at Tito Arman sa kambal? Hindi sila patutulugin ng mga iyon.”

Dahil sa sobrang pagkaaliw ng mag-asawang Villarez sa mga apo nito, nagdisisyon ang mga ito na sa kanila patulugin ang sanggol. Kaya hindi maiwasang mag-alala ni Faye kung kakayanin ba ng mag-asawa ang mapuyat ngayong gabi. Notorious pa naman sa pagka-iyakin ang kambal. Minsan trip pa naman ng mga itong sabay na umiyak at pahirapan pang patulugin pag-gabi.

Mabuti na lang sa bahay ni Steven hindi siya nahihirapan sa pag-aalaga sa kambal dahil katuwang niya si Manang Lety.

“They will be fine. Para namang hindi sila sanay mapuyat. Siguradong naranasan na nila ‘yan noon sa amin ni Kuya Steven,” tugon ni Julie sa kanya.

Nasa veranda sila nakatambay na magkaibigan at nagpapa-antok. Sumilip siya sa hallway, dahil baka natatarantang nagtatakbo si Tita Amanda dahil sa kambal na ayaw paawat sa pag-iyak. Pero mukhang nagpapakabait naman ang kambal.

“Faye.”

Napatingin si Faye kay Julie. Napakunot-noo siya dahil sa parang batang excited na makuha ang regalo sa pasko ang ekspresyon ng mukha nito. Naku, parang alam na niya kung ano ang tumatakbo sa isip ng kaibigan.

AFTER an AFFAIRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon