AFTER an AFFAIR

By hopelessdiana

119K 2.4K 173

Paano kung magbalik ang taong minsan mo nang pinakawalan? Pero tanging hangad lang niya ay makuha ang alam mo... More

AFTER an AFFAIR
Chapter one
Chapter two
Chapter three
Chapter four
Chapter five
Chapter six
Chapter seven
Chapter eight
Chapter nine
Chapter ten
Chapter eleven
Chapter twelve
Chapter thirteen
Chapter fourteen
Special Chapter
Chapter fifteen
Chapter seventeen
Chapter eighteen
Chapter nineteen

Chapter sixteen

3.4K 85 3
By hopelessdiana

HMM, ANG SPECIAL naman ng dinner natin ngayon.”

Pumulupot sa bewang ni Faye ang isang braso ni Steven saka siya hinigit palapit dito at hinalikan.Umuwi siya ng maaga para makapagluto ng masarap na dinner para kay Steven. She made it special for a special a day. It was there monthsary. Walang opisyal na label ang relasyon nila kaya hindi niya alam kung dapat ba silang mag-celebrate ng tulad ng isang magkasintahan o ng dalawang taong nagmamahalan.

They’re just together because they enjoys each other’s company. Napupunan nila ang pangangailangan ng isa’t isa at maayos ang pagsasama nila. It could be lust kung bakit magkasama sila ay wala na siyang pakialam. She’s happy with him. And in the first place, she love him, that’s enough reason para piliin niyang manatili sa tabi nito kahit pa isang malaking pagkakamali at kahangalan ang pinasok niya.

Ngunit hindi niya akalain na sa isang tawag na gumising sa kanila sa dis oras ng gabi ay magbabago ang lahat. Na malaki ang magiging epekto sa sana ay maayos nilang pagsasama ni Steven.

Nagtataka siya habang pinapanood si Steven na nagmamadaling magbihis matapos nitong sagutin ang tawag sa cellphone nito. Bakas ng labis na pagaalala ang anyo nito. Palabas na ito ng pinto ng tila noon lang nito siya naalala. He sighed, tila nag-aalinlangan pa ito sa nais nitong sabihin.

“It was Samantha,” tukoy nito sa caller nito kanina.

Para iyong bombang sumabong sa pandinig niya kasabay ng kabang bumundol sa dibdib niya. Lumapit sa kama si Steven at dinampian siya ng halik sa sentido.

“Something happened to her, and I need to fetch her at the airport.”

Tila namanhid ang buong katawan ni Faye ng makaalis si Steven. Ito na ba ang simula ng pagwawakas ng papel niya sa buhay ni Steven?

Nang gabing iyon ay naging mailap na ang antok kay Faye. Hindi na siya nakatulog pa hanggang sa mag-umaga. She waited for Steven. Pero ni text o tawag mula rito ay wala siyang natanggap hanggang papasok na siya ng opisina. She tried calling him but his line was out of  reach. Kasabay ng pag-aalala niya kay Steven ay ang kabang nagsisimula ng umukupa sa buong pagkatao niya.

Handa na ba siya sa posibleng mangyari ngayong nagbalik na sa buhay ni Steven ang babaeng minahal nito—si Samantha?

Quater to eleven ng mag-ring ang cellphone ni Faye. Mabilis na kinuha niya ang aparato at nanginginig ang kamay na binasa niya ang mensaheng galing kay Steven. He was fine. Ngunit nadagdagan ang pangambang nararamdaman niya nang sabihin nitong kasama nito si Samantha.

Hindi siya nag-reply sa message nito. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito matapos basahin ang mensahe. That sharp pain in her chest was making it hard for her to think.

Hindi na siya nakapag-focus pa sa trabaho kaya nagdesisyon na lang siyang mag-undertime. Umuwi siyang lutang ang isip sa condo unit ni Steven. Ngunit lalo siyang na-depress pagdating sa unit. Nakadagdag sa nararamdaman niya ang katahimikang nadatnan. She never felt that empty just like what she was feeling as she stepped inside that what she had considered her home.  

Tuwina ay lagi siyang exicted na umuwi para ipaghanda ng dinner si Steven. Pangamba ang namamayani sa dibdib niya habang pinapasadahan ang bawat sulok ng unit. Na para bang gusto niyang alalahanin lahat ng detalye ng naging tahanan niya sa loob ng isang buwan.

Handa na ba siyang iwan ang lugar na iyon?

Ngayong nagbalik na ang tunay na nagmama-ari kay Steven, nangangahulugan iyon na ano mang sandali ay maaring mawala sa kanya lahat. Magwawakas ang kung ano mang meron sila ni Steven.

Matagal na niyang pinaghahandaan ang posibilidad na iyon. Ngunit ngayon niya napagtantong hindi pa sapat ang paghahanda niya, na hindi pa pala niya kaya.

Maghapong naghintay si Faye sa tawag o text ni Steven. Papagabi na at katatapos lang niyang maghanda ng dinner nang marinig niyang bumukas ang pinto ng unit. It could be Steven, kaya nagmamadaling lumabas siya ng kusina para salubungin ito. Ngunit napatda siya nang makitang hindi lang si Steven ang dumating. He’s with Samantha.

Tila tinadyakan siya sa dibdib ng makitang magkasama ang mga ito. Nugnit sa kabila ng sakit ay ang naramdaman niyang awa nang mapagmasdan si Samantha. Ang laki ng ipinagbago nito, malayong-malyo sa babaeng kinainggitan niya noon.

Malaki ang ibinagsak ng katawan nito. Kapansin-pansin ang pasa nito sa ibaba ng kanang mata nito na hindi naitago ng suot nitong shades. May maliit na sugat rin ito sa labi na walang bahid ng lipstick, at nangingitim. Wala sa ayos ang pagkakatali ng buhok nito. Though she still look beautiful and elegant by the way she move.

Inalalayang makaupo ni Steven si Samantha na medyo hirap sa paglalakad. Lumapit siya sa mga ito ng senyasan siya ng una.

“ Samantha will be staying here for a while.”

=========================

“Hoy! Natulala ka na d’yan.”

Nagising sa saglit na paglutang ng isip niya si Faye nang pagsanggain ni Julie ang balikat nila. Nakakunot noo ang kaibigan—nagtatanong.

“Ano saan ka nakarating?” Napailing si Julie. “Tanghaling tapat pinagnanasaan mo si Kuya. Pwede mamaya ka na mag-wet-day-dream.Tulu—.” natawa na lang si Julie ng batuhin niya ito ng isa sa mga damit na isinusukat nito.

“Bilisan mo na kaya riyang magsukat at nagugutom na ako. Hindi iyong kung ano-ano pa ang napapansin mo. Kanina pa tayo dito, at halos yata lahat na ng display na damit dito naisukat mo na. Pwede pumili ka na kahit ano d’yan, kasi kanina pa nagwewelga ang alaga ko sa tiyan. Pakainin mo na ako.”

Wala siyang pasok kaya naaya siya ni Julie na samahan itong bumili ng isusuot nitong damit para sa dinner date nito at ni Lenard mamaya. Tatlong boutique na ang pinuntahan nila ngunit wala pa ring mapili ang kaibigan.

“E, kasi naman, kanina pa kita tinatanong kung ok na ba ang suot ko, hindi ka naman umiimik.” Iniladlad ng kaibigan ang suot nitong damit. “Ano, bagay ba?”

Hindi na kailangan pang magtanong ni Julie dahil kahit naman yata basahan ang isuot nito ay tila nagiging mamahaling gown kapag suot nito. She’s pretty and graceful.

“Hmm..” sinipat niya ang kaibigan, umiling-iling pa siya habang pabalik-balik ang tingin niya sa mukha nito at suot nitong damit. Nais lang niya pag-tripan ang kaibigan at sa pagkakakunot ng noo nito tila effective. “’Yong moss green na dress na lang kaya ang isuot mo.”

“Masyado namang mababa ang neckline,”sumimangot ito ng sulyapan ang damit na tinutukoy niya.

“Paniguradong kapag iyon ang suot mo hindi na titingin pa sa iba si Lenard.”

“Yeah, right. Dahil mas nakatitig na siya sa cleavage ko.”

“Kunwari ka pa. I know you like the idea,”

“Tse!” namumulang pumasok uli ng fitting room ang kaibigan. Lihim siyang natawa nang hagipin ng kamay nito ang dress na isi-n-uggest niya. And she did purchased the dress.

Nag-ikot-ikot pa silang magkaibigan sa mall. She had fun, at kahit sa maikling oras ay naisantabi niya ang mga alalahanin niya lalo na nitong mga nagdaang araw.

Ngunit sa pagatatapos ng araw ay kailangang harapin uli niya ang mga gumugulo sa isip niya. Tulad ngayon, takot at pag-aalala ang sa tuwina ay nararamdaman iya tuwing uuwi sa unit ni Steven. Nanlalamig ang kamay na pinihit niya pabukas ang pinto.

She was welcomed with silence. Tinungo niya ang kusina nang makarinig ng ingay mula doon. It must be Samantha. Simula ng dumating ito roon ay ito na ang madalas na maghanda ng dinner nila. Kahit umuwi siya ng mas maaga sa dating oras ng uwi niya ay tuwina ang nakapagluto na ito. At tuwina pakiramdam niya ay nakikipagkumpetensiya siya rito. Well, she was. Nakikipagkumpetensya siya para sa atensyon ni Steven. Dahil ramdam niyang nahati na ang atensyon nito sa kanilang dalawa ni Samantha.

Samantha had been staying with them for four days now. May threat umano itong natatanggap mula sa isang kasamahan nito sa trabaho. Dahil sa inggit at pagseselos ay muntik na itong mapahamak. Binalak itong ipadukot at ipapatay, na sa huli ay palalabasing naaksidente ito. Nagawa nitong makaligtas pero hindi tumigil ang pagbabanta sa buhay nito kaya pinili nitong umuwi ng Pilipinas.

Ngunit dahil wala na itong kamag-anak na pwede nitong hingan ng tulong—dahil pawang nasa ibang bansa na nakadestino—at sa pangamba sa kanyang seguridad ay  iisang tao lamang ang naisip nitong lapitan—si Steven.

Malaking pagbabago ang naging dulot ng karanasang iyon kay Samantha. She was traumatized after what almost happened to her. Tila lagi itong takot at laging alerto sa paligid nito. Gabi-gabi ay nagigising sila sa mga pag-ungol nito na nauuwi sa pag-iyak. Mabilis naman itong pupuntahan ni Steven sa kabilang silid na inuukupa nito. Siya naman ay tahimik lang na nakamasid habang pinalulubag ang loob nito ni Steven. At tuwina ay nakakaramdam siya ng selos kaya tahimik na lang siyang babalik  sa kanilang silid.

Samantha was a nice and humble person. Madalas na sila noong magkausap tuwing naiimbitahan siya sa bahay ni Julie, at ito ni Steven. Magkaibigan na rin kung ituring nila ang isa’t isa. Hindi siya tutol sa pananatili ni Samantha kasama nila sa bahay. Bagkus ay naiintindihan niya ang sitwasyon nito. Ngunit hindi niya maiwasang mangamba sa pananatili nito. Lalo na ngayong ramdam na niya ang ilang pagbabago sa pagsasama nila ni Steven.

Hinamig niya ang sarili at inihanda ang magiliw na pagbati para kay Samantha. Hindi niya gustong dagdagan pa ang alalahanin ni Samantha dahil sa mga pangamba niya.

Ngunit nabura ang inihanda niyang ngiti para kay Samantha sa nadatnan niya sa kusina.Parang hiniwa ng patalim ang puso niya na ikinapatda niya sa kinatatayuan. She didn’t expect it this soon. Na lahat ng pangamba niya ay tuluyan ng nagkatotoo.

Steven was there with Samantha. She didn’t expect that he would be home early. But she was even dumbfounded of what she had witnessed.

They were kissing!

========================

MAIN DISH SA kanilang hapunan ang nakakabinging katahimikan. Tanging kalansing ng mga kubyertos ang ingay na maririnig. In other word, awkward. Matapos ang nasaksihan niya sino nga ba naman ang hindi mawawalan ng sasabihin. Marahil siya, dahil literal na wala siyang sinabi. She acted as if nothing happened, that she didn’t see anything.

Normal sa kahit na sino na magwala o magmumura dahil sa nakita, pero siya hindi niya magawang ipakita ang galit niya. She just keep her mouth shut and kept all the hate word she wanted to throw at them. Wala siyang karapatan, ‘yan ang isinisigaw sa kanya ng isang bahagi ng utak niya.

Sinulyapan niya ang dalawang kasalo sa awkward na hapunan—Steven at Samantha. She could read guilt in their faces that she wanted to sarcastically laugh at them. Tila kasi napaso ang mga ito nang maghiwalay matapos ang mainit na tagpo sa pagitan nila kanina. Ni hindi magawa ng mga itong salubungin ang tingin niya. She had just caught them kissing for crying out loud! And they should be ashamed of what they did. Or should they?

That thought added more pain in her chest.

Ibinaba niya ang hawak na kubyertos sa plato na halos wala pang bawas ang lamang pagkain. Kahit gutom siya ay tila walang appeal sa kanya ang masarap na pagkain na nakahain. Wala siyang malasahan. She could only taste bitterness. At nakakawalang gana.

“Magpapahinga na ako. Napagod ako masyado sa pamamasyal namin kanina ni Julie,”sabi niya saka tumayo.

“Faye, kakaunti pa lang ang nakakain mo. Ni wala ngang bawas ang pagkain mo sa plato,”pigil sa kanya ni Steven.

Saglit niya itong sinulyapan saka ang hindi makatingin sa kanyang si Samantha.

“Busog pa ako. Pinakain na ako ni Julie bago kami umuwi.”

Hindi na niya hinintay pang makapagsalita si Steven, iniwan na niya ang mga ito. Dumiretso siya sa silid nila ni Steven. Pabagsak na naupo siya sa gilid ng kama. There was this urge that she wanted to cry but she can’t. She just can’t. Sa sobrang sakit na nararamdaman niya at kaguluhan sa isip niya tila manhid na siya sa kahit anong dapat niyang maging reaksyon.

“Bakit hindi ka magalit sa akin? You could slapped me right through my face. Say all the hateful words you wanted to throw at me. Come on, Faye!”

Si Steven. Manhid na nga marahil siya dahil hindi niya naramdamang sumunod pala ito sa kanya. Ni hindi rin niya narinig ang pagpasok nito sa silid.

“Nagi-guilty ka ba, Steven?”

Nawalan ito ng imik. She stared at him, not hiding what she was feeling as she looked him in the eyes.

“May karapatan ba akong magalit, Steven? Tell me? Kasi hindi ko alam. Tulad ng hindi ko alam kung ano ba ang papel ko sa’yo. Nagsama lang tayo gayong wala naman tayong pormal na relasyon. You asked me to stay with you, so I did. Nasa iisang bahay tayo at natutulog sa iisang kama pero walang malinaw na dahilan kung bakit tayo magkasama. Basta ang alam ko lang masaya ako na kasama ka at sabi mo ay ganoon ka rin. And we’re both fine with it.”

She paused for a seconds as she let out a deep sigh. Nagsisimula na ring mag-init ang mga mata niya kaya ibinaling na lang niya ang tingin sa bintana kung saan tanaw ang madilim na kalangitan sa Kamaynilaan. It must be going to rain. Parang nakikiisa sa nararamdaman niya ang panahon.

“Naisip ko, wala pa lang ipinagkaiba ang sitwasyon ko sa isang mistress.”

“You know, I never treated you that.”

“You did, Steven.You made me feel one. Kaya nga hindi natin ipinaalam ang tungkol sa relasyon natin sa mga kakilala natin. Even to my bestfriend, who happens to be your sister, we kept it from her. Sinunod ko ang ang kagustuhan mong huwag munang ipaalam sa kanya ang tungkol sa atin. Although, I wanted to share everything to her.”

Mabilis niyang pinahid ang luhang tumulo sa pisngi niya.

“Sa simula pa lang, Steven, inaasahan ko nang mangyayari ito. Ngayong narito na, narealize ko na hindi pa pala ako nakapaghanda. Masyadong maikli ang ibinigay sa aking panahon na paghandaan ito.”

“Faye...I...”

“No, Steven. Don’t you say those words. Mas makakadagdag lang ‘yan sa sakit na nararamdaman ko.”

Hindi pa rin ito umimik.

“I hate you, Steven. And I hate my self more dahil hinahayaan ko ang sarili kong magpakatanga sa’yo. Magmula nang bumalik siya sa buhay mo, ramdam ko nang kahit hindi ka lumalayo sa akin hindi na kita maabot. Hindi na tayo tulad ng dati, and we’ll never be. Hindi ko s’ya kayang palitan, at kahit kailan hindi mo s’ya kayang alisin sa sistema mo.” 

“I guess, it would do good to both of us if we end this...” Her voive broke in to a sob. “ And then, maybe, we could both move on with our lives.”  

From the reflection on the window she saw Steven furiously brushed his hair. Saka nito sinapo ang batok, he seemed to be trying to think of what he should tell her. Sa halip ay mabibigat ang hakbang na tinungo nito ang pinto. Hinagip pa nito ang vase na nadaanan nito dahilan para bumagsak iyon sa sahig. Then tears welled up in her eyes.

Nang humupa ang emosyon niya, ay lumabas siya ng silid. Nanuyo ang lalamunan niya sa pag-iyak. Nadatnan niya si Samantha na tila hinihintay siya sa labas ng pinto. Saglit silang tahimik lang na nakatingin sa isa’t isa, hinihintay kung sino ang mauunang magsalita. And Samantha did.

“I’m sorry. I didn’t mean to barged in to your quiet existence. Hindi ko ginustong guluhin ang kung ano mang meron kayo ni Steven. Siya lang kasi ang alam ko na pwede kong lapitan. Oo, umasa rin ako na may babalikan pa ako, pero nagkamali ako. Dahil sa pagkakamali ko, gulo ang idinulot ko. Sorry.”

“Hindi ka nagkamali, Samantha, meron kang babalikan. Hindi niya ako kayang mahalin tulad ng pagmamahal niya sa’yo.Kahit nagawa mo siyang iwang miserable, ikaw pa rin ang mahal niya.Hindi kita kayang palitan sa buhay at puso niya. He’s still yours.”

 She walked past her.

Guess, until now, Samantha still owns his heart.

Deja vu, Faye thought. Tila kasi nauulit ang nagyayari noong magkasama pa sila ni Steven, a year ago.

Kahit kailan hindi magiging kanya si Steven. Iyon ang katotohanang patuloy na isinasampal sa kanya, habang pinapanood ang parehang masayang nag-uusap sa loob ng restaurant. Dalawang gabi nang late kung umuwi si Steven simula nang marinig niyang kausap nito sa cellphone si Samantha. Kaya sinundan niya si Steven nang mabasa niya sa cellphone nito ang text message ni Samantha na gusto ng huli na makipagkita. She may seemed like a nagging wife, but she just wanted to know the truth between Samantha and Steven.  

May sapantaha na siya sa kung ano ang namamagitan sa dalawa. At gusto lang niyang malaman kung ano ang lagay niya at ng mga anak niya sa buhay ni Steven.

Walang nababangit si Steven tungkol kay Samantha, at iyon ang ipinagtataka niya. In the first place, bago pa sila isinama ni Steven sa Manila, she thought the two were already married. Kaya  nagtaka siya nang malamang hindi nagsasama ang dalawa. Na kung tutuusin ay mahal nila ang isa’t isa at kasal na lang kailangan. The thought added more question in her mind. At dumadami  pa iyon habang pinagmamasdan ang dalawang tao na dahilan ng mga katanungan sa isipan niya.

Paano na sila ng kanyang mga anak? Ano ba siya sa buhay ni Steven? Bakit hindi niya magawang magalit kay Steven? Bakit ba patuloy niyang minamahal ito, sa kabila ng kaalamang hindi nito magagawang tugunan ang nararamdaman niya? And the list continue...

She decided to leave. Bukod sa nag-aalala na siya sa kambal, ay masyado na siyang nasasaktan sa ginagawa niyang pagsubaybay kina Steven.  

Mabilis niyang pinahid ang luhang umalpas sa pisngi niya saka nakiusap sa taxi driver na umalis na sa lugar na iyon. She needed to be tough, and she held onto it. Kailangan niya iyon para sa kanyang mga anak.

==================

Continue Reading