♡ Playing Love Games ♡

By nyghtdreamer

2M 21.1K 4.9K

"We played with love. But now that the time came and we realized that we want to get serious, love plays with... More

Bet Your Heart ♡ Chapter 1
Bet Your Heart ♡ Chapter 2
Bet Your Heart ♡ Chapter 3
Bet Your Heart ♡ Chapter 4
Bet Your Heart ♡ Chapter 5
Bet Your Heart ♡ Chapter 6
Bet Your Heart ♡ Chapter 7
Bet Your Heart ♡ Chapter 8
Bet Your Heart ♡ Chapter 9
Bet Your Heart ♡ Chapter 10
Bet Your Heart ♡ Chapter 11
Bet Your Heart ♡ Chapter 12
Bet Your Heart ♡ Chapter 13
Bet Your Heart ♡ Chapter 14
Bet Your Heart ♡ Chapter 15
Bet Your Heart ♡ Chapter 16
Bet Your Heart ♡ Chapter 17
Bet Your Heart ♡ Chapter 18
Bet Your Heart ♡ Chapter 19
Bet Your Heart ♡ Chapter 20
Bet Your Heart ♡ Chapter 21
Bet Your Heart ♡ Chapter 22
Bet Your Heart ♡ Chapter 23
Bet Your Heart ♡ Chapter 24
Bet Your Heart ♡ Chapter 25
Bet Your Heart ♡ Chapter 26 & 27
Bet Your Heart ♡ Chapter 28
Bet Your Heart ♡ Chapter 29 & 30
Bet Your Heart ♡ Chapter 31
Bet Your Heart ♡ Chapter 32
Bet Your Heart ♡ Chapter 33
Bet Your Heart ♡ Chapter 34 & 35
Bet Your Heart ♡ Chapter 36
Bet Your Heart ♡ Chapter 37
Bet Your Heart ♡ Chapter 38
Bet Your Heart ♡ Chapter 39
Bet Your Heart ♡ Chapter 40
Bet Your Heart ♡ Chapter 41
Bet Your Heart ♡ Chapter 42
Bet Your Heart ♡ Chapter 43
Bet Your Heart ♡ Chapter 44
Bet Your Heart ♡ Chapter 45
Bet Your Heart ♡ Chapter 46
Bet Your Heart ♡ Chapter 47
Bet Your Heart ♡ Chapter 48
She Played Her Part ♡ Chapter 1
She Played Her Part ♡ Chapter 2
She Played Her Part ♡ Chapter 3
She Played Her Part ♡ Chapter 4 & 5
She Played Her Part ♡ Chapter 6
She Played Her Part ♡ Chapter 7
She Played Her Part ♡ Chapter 8
She Played Her Part ♡ Chapter 9
She Played Her Part ♡ Chapter 10 & 11
She Played Her Part ♡ Chapter 12
She Played Her Part ♡ Chapter 13
She Played Her Part ♡ Chapter 14
She Played Her Part ♡ Chapter 15
She Played Her Part ♡ Chapter 16 & 17
She Played Her Part ♡ Chapter 18
She Played Her Part ♡ Chapter 19 & 20
She Played Her Part ♡ Chapter 21 & 22
She Played Her Part ♡ Chapter 23
She Played Her Part ♡ Chapter 24
She Played Her Part ♡ Chapter 25 & 26
She Played Her Part ♡ Chapter 27
She Played Her Part ♡ Chapter 28
She Played Her Part ♡ Chapter 29 & 30
She Played Her Part ♡ Chapter 31 & 32
She Played Her Part ♡ Chapter 33, 34 & 35
She Played Her Part ♡ Chapter 36, 37 & 38
She Played Her Part ♡ Chapter 39, 40 & 41
She Played Her Part ♡ Chapter 42, 43 & 44
She Played Her Part ♡ Chapter 45 & 46
She Played Her Part ♡ Chapter 47 & 48
She Played Her Part ♡ Chapter 49 & 50
She Played Her Part ♡ Chapter 51
Still Playing ♡ Chapter 1 & 2
Still Playing ♡ Chapter 3
Still Playing ♡ Chapter 4 & 5
Still Playing ♡ Chapter 6 & 7
Still Playing ♡ Chapter 8
Still Playing ♡ Chapter 9 & 10
Still Playing ♡ Chapter 11
Still Playing ♡ Chapter 12
Still Playing ♡ Chapter 13
Still Playing ♡ Chapter 14 & 15
Still Playing ♡ Chapter 16, 17 & 18
Still Playing ♡ Chapter 19
Still Playing ♡ Chapter 20, 21 & 22
Still Playing ♡ Chapter 25 & 26
Still Playing ♡ Chapter 27 & 28
Still Playing ♡ Chapter 29, 30 & 31
Still Playing ♡ Chapter 32 & 33
Still Playing ♡ Chapter 34 & 35
Still Playing ♡ Chapter 36 & 37
Still Playing ♡ Chapter 38, 39 & 40
Still Playing ♡ Chapter 41, 42 & 43
Extra Chapter

Still Playing ♡ Chapter 23 & 24

13.4K 180 42
By nyghtdreamer

Chapter Twenty-Three

Lianne's POV

Sa mga sununod na araw ay palagi na ulit kaming magkasama ni Mark kahit pareho kaming medyo busy. Hinahatid-sundo niya ako sa university kapag puwede. Nakikita ni Ate Hannah ang lahat ng iyon dahil madalas akong umuuwi ng bahay para hindi mahirapan sa pagsundo at paghatid sa akin si Mark.

Well... she's now aware about us now because Tito Rick announced it in Mark's birthday. And yes, I'm yes I'm so dumb not to realize it that night at nagdrama pa ako kay Mark. Mabuti na lang ay hindi ginawa ni Mark ang gusto kong mangyari. Magkakaroon lang ng problema kung sakali.

Ate Hannah seem to be okay about it. Pero hindi ko alam ang totoo niyang nararamdaman. Hindi namin napag-uusapan ang tungkol kay Mark. Pero hindi man naming pag-usapan, alam kong pareho kaming tense sa nangyayari at pareho rin kaming nagkakailangan. But I really don't know... maybe to me, we seemed to be okay, but to her, we're not.

Ang isa ko pang hindi alam ay kung anong status namin ngayon ni Mark. Wala kaming napag-uusapan. Hindi siya nagtatanong at wala rin naman akong sinasabi sa kanya. Basta, bumalik na lang kami sa dati nang walang paglilinaw kung kami na ba ulit.

"Hello, Tita Belle. Si Mark po?" tanong ko kay Tita pagkapasok ko sa bahay nila.

Nandito na naman ako para manggulo. Joke lang! Gusto ko lang sabihin kay Mark na may tugtog kami mamaya at itatanong ko kung sasama siya o kung gusto niya bang sumama. Baka kasi pagod siya at gusto niya na lang muna magpahinga ngayong weekend. Okay lang naman sa akin.

"Nasa kuwarto pa siguro niya, anak. Akyatin mo na lang," sagot ni Tita then she went to the kitchen.

Umakyat na nga ako sa taas at nagtuloy sa kuwarto ni Mark. Pagkabukas ko ng pinto, nakarinig agad ako ng music na nagpangiti sa akin. Ang ni-record niya kasi para sa akin ang tumutugtog. Kahit ako na-adik na rin doon na pati sa kuwarto ko ay iyon lang din ang pinapakinggan ko magdamag.

Hindi ko nakita si Mark sa loob kaya hindi na lang ako pumasok. Baka lumabas siya at hindi lang napansin ni Tita Belle. Ite-text ko na lang siguro siya. Bumaba na lang ulit ako. Dumaan pa ako sa kusina para magpaalam kay Tita saka ako umuwi sa bahay. Pagkapasok ko pa lang sa gate ay natanaw ko na si Ate Hannah at Mark sa garden.

Napangiti na naman ako. Nandito lang pala ang hinahanap ko. Nagkasalisi siguro kami kanina. Baka sa bakod na naman siya tumawid!

Naglakad ako palapit sa kanila pero napahinto ako nang marinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Hannah... what is it this time?" tanong niya kay Ate. Halata sa boses niya ang pagkainis at kahit hindi ko nakikita ang mukha niya mula sa puwesto ko ay alam kong nakakunot ang noo niya.

"Mark, please..." Narinig ko pa ang paghikbi ni Ate.

May kabang bumundol sa dibdib ko dahil sa naririnig ko sa kanila. Bakit umiiyak si Ate Hannah? Did she just tell Mark about her feelings for him? And Mark rejected here?

Parang may kumurot sa puso ko sa isiping iyon. This is what I don't want to happen. For her to be hurt...

"Please, lumayo ka muna." Patuloy sa pag-iyak si Ate Hannah.

"But why would I do that again?" he asked in disbelief.

Kumunot ang noo ko at para bang biglang naiba ang mga nangyayari. Hindi ko maintindihan pero may nabubuong hinala sa likod ng isip ko.

But no...

"Please, Mark, lumayo ka muna and I promise, maaayos din ang lahat." Humahagulgol na si Ate.

Niyakap naman siya ni Mark. "Han..."

My eyes started to water at naitakip ko ang isang kamay ko sa bibig ko para hindi ako makagawa ng ingay.

Tama ba ang pagkakaintindi ko? Ate Hannah is just like me. She's willing to give Mark to me and Mark... oh, god... he's now in love with my sister! At pinagpapanggap siya ni Ate Hannah na mahal niya pa rin ako katulad ng gusto kong gawin ni Mark sa kanya.

Gusto kong matawa na sobrang pareho pala kaming mag-isip na magkapatid. Pero hindi iyon ang nararamdaman ko. Parang pinipiga ang puso ko.

Hon...

So that's how he called my sister.

All this time na akala ko ay akin pa rin siya, ay hindi na pala. Or was he ever been mine?

"Why are you telling me this now?" tanong niya pa kay Ate habang yakap niya pa rin ito. "Hindi ko kaya, Han. Not this time, please..." he pleaded also.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Kahit hindi ako sigurado sa pagkakaintindi ko sa pag-uusap nila ay pinaniwalaan na ng isip ko ang mga pumasok sa isip ko. Well, what else would be the meaning of the things they said to each other?

Nanatili akong nakatingin sa kanila habang tahimik na pumapatak lang ang mga luha ko. Kahit paghikbi ay hindi ko hinayaang kumawala mula sa bibig ko. Mga hikbi lang ni Ate Hannah ang narirignig ko hanggang sa pati iyon unti-unti na ding nawala sa pandinig ko. Nabibingi na yata ako.

Humiwalay si Mark kay Ate and he cupped her face. He was saying something, but I couldn't hear a single word. Hindi ko maintindihan kung bakit parang wala akong marinig. Nakikita kong bumubuka ang bibig niya pero parang walang lumalabas na boses.

Nakita ko na lang na pumikit si Ate Hannah and the next thing I saw shattered my heart into pieces. Mark claimed her lips.

Naramdaman kong nanginig ang tuhod ko. Nanlalabo na rin ang mga mata ko dahil sa mga luhang patuloy lang na umaagos mula roon. Pero kahit hindi ko gusto ang nakikita ko at nasasaktan ako ay hindi ko magawang iiwas ang tingin ko. For a minute or two, nanatili lang akong nakatingin sa kanila na parang nakita ko ang heartthrob ng campus and I can't take my eyes away.

Kinagat ko ang ibabang labi ko to bring my senses back. At kahit na nanginginig ang mga tuhod ko, I managed to make a turn and walk away. Lumabas ulit ako ng gate namin at naglakad papuntang highway para makahanap ng taxi na sasakyan. Luckily, pagdating ko sa labasan, may taxi agad akong nakita na walang pasahero. Pinara ko iyon at sumakay ako agad.

"Saan tayo, Miss?" tanong ng taxi driver. Parang nagtataka pa siyang nakatingin sa akin doon sa rare-view mirror. Siguro dahil mukha akong tanga na umiiyak.

Sinabi ko lang ang address ng unit ni Myleen at hindi ko na lang pinansin ang pagtataka sa mukha niya. Pakialam niya ba? Ngayon lang ba siya nakakita ng magandang umiiyak?

Habang nasa biyahe, paulit-ulit kong naiisip ang pinag-usapan nila kanina na narinig ko. Napapapikit na lang ako ng mariin dahil iisa lang ang pumapasok sa isip ko na ibig-sabihin ng mga iyon, pero sa tuwing pumipikit din ako ay nakikita ko kung paano hinalikan ni Mark si Ate Hannah.

"Please, Mark, lumayo ka muna and I promise, maaayos din ang lahat."

"Why are you telling me this now? Hindi ko kaya, Han. Not this time, please..."

Pipinipilit kong alisin sa isip ko ang mga narinig ko pero ayaw nilang mawala. Paulit-ulit na nag-e-echo ang mga iyon sa pandinig ko.

Ate Hannah is selfless and she's always ready sacrifice her happiness for me. Parang noong mga bata pa kami. She'd always give me what I want without anything in return.

Pero napaka tanga ko... bakit ako naniwala kay Mark? Well... who wouldn't believe? He's too real not to believe in! Gosh... I really thought we're getting back together. Ni hindi ko siya nakitaan ng kahit na anong sign na may nararamdaman na siya kay Ate Hannah. He's keeping his promise to her too well.

Pero ano bang iniiyak-iyak ko ngayon? Ito naman ang gusto ko, 'di ba? Ang hayaang mapunta si Mark kay Ate. Ngayon, ayan na. Narinig ko na mula sa kanya na hindi niya na kayang lumayo pa kay Ate Hannah. Tapos na! I won't worry anymore na masasaktan ko ang kapatid ko.

Pero bakit ganito? Bakit ang sakit-sakit naman? Ang sakit-sakit na parang pinaasa pa ako ni Mark na nagkakamabutihan na ulit kami. Napaniwala niya akong mahal niya pa rin ako at kailanman ay hindi niya magugustuhan si Ate Hannah. Ayon naman pala ay sila na talaga ang nagkakamabutihan.

Did he really plan it? Para maranasan ko rin ang sakit na naramdaman niya noong nakipag-break ako sa kanya? Na para ipakita sa akin na, 'Ito na. Nagawa ko na ang gusto mo. Mahal ko na si Hannah at hindi ko na siya kayang mawala pa. Happy now?'

Ako nga naman ang nagtulak sa kanya sa iba. So, tama lang na ipamukha niya sa akin what I told him to do so.

Pagkahinto ng taxi sa tapat ng building ng condo ni Myleen, tinawagan ko agad siya. Wala kasi akong pangbayad sa taxi driver! Mabuti na lang at nadala ko ang cellphone ko.

"My..." I uttered when she answered my call. Medyo paos pa ang boses ko dahil sa pag-iyak.

"O, bruh? Napatawag ka? Tsaka, bakit ganyan ang boses mo?" puna agad niya.

"My, nandito ako sa baba ng condo mo."

"Ha? Bakit hindi ka umakyat? Ayaw ka ba papasukin ng guard? Teka, teka... baba na ako d'yan. Wait lang." And she hung up.

Bumaba na ako sa taxi at nakiusap sa taxi driver na maghintay lang sandali para sa bayad. Dumating din naman agad si Myleen. Halatang nagulat pa siya pagkakita sa akin.

"Oh, my gosh, bruh! What happened to you? Did something happen na naman sa bahay niyo? Ano? Anong nangyari? May nalaman ka na naman bang anak ng Daddy mo sa labas? Ano? Ano na?" tuluy-tuloy niyang tanong.

Medyo natawa naman ako sa pinagsasabi niya. "My, bayaran mo muna 'yung taxi driver. Wala kasi akong dalang pera."

"Ha?" namilog pa ang mga mata niya. "H'wag mong sabihin na naglayas ka na naman sa inyo?!"

"Sira, hindi!" binatukan ko pa siya habang natatawa-tawa sa reaction niya.

"Ah, 'buti naman. Teka nga, babayaran ko muna si Manong." Kumuha siya ng pera sa bulsa niya at siya na rin ang nag-abot sa taxi driver. Narinig ko pang todo pasasalamat siya kay Manong na inihatid ako ng maayos. Nagba-bye pa siya. Ang adik lang niya.

Pagkaalis ng taxi sa harap namin, humarap siya sa akin at tinitigan ako sa mukha. Balak pa sana niyang magtanong pero inunahan ko na siya.

"My, tara akyat na tayo sa unit mo. Para makapahinga muna ako kahit saglit nang mawala kahit papa'no 'tong pamamaga ng mata ko pati pamamaos ng boses ko. May tugtog pa naman kami mamaya." Hinila ko na siya.

Nagpahila naman siya hanggang sa makapasok kami sa elevator. Kami lang dalawa ang nasa loob niyon at inaasahan ko na ang sandamakmak na katanungan galling sa kanya.

"Eh, bakit ba kasi namamaga 'yang mga mata mo, bruh?" usisa na niya.

Tumingin ako sa kanya. Gusto ko sana siyang tarayan kaso hindi ko magawa. Baka hindi ako patuluyin sa condo niya at palayasin na lang ako bigla. Pero obvious naman kasing umiyak ako. 'Tapos itatanong niya pa kung anong nangyari sa magaganda kong mata.

"Mamaya na lang natin pag-usapan, bruh. Pagkatapos ng tugtog namin mamaya." Pinilit kong ngumiti sa kanya na parang nanghihingi ng pang-unawa.

Naintindihan naman niya iyon at napabuntong-hininga na lang siya kasabay ng pagtango niya.

Nang makarating kami sa unit niya ay dumiretso agad ako sa kuwarto niya. Ni hindi na ako nagpaalam sa kanya. Hinayaan niya lang din naman akong pumasok at hindi na siya sumunod sa akin para mag-usisa pa ulit.

Gusto kong magpahinga kaya humiga ako sa kama. Pero kakahiga ko lang, tumulo na naman ang luha ko. Tumagilid ako patalikod sa pintuan. Baka kasi bigla na lang pumasok si Myleen.

Nakakainis! Bakit kasi ayaw paawat ng mga luha ko? Hindi ko naman sila kailangan. Bakit tulo ng tulo? Nakakabwisit lang!

Eh, ano naman kung sila na at hindi na ako ang mahal ni Mark? Kaya ko namang gawin ulit ang ginawa ko dati. Kaya ko ulit lumayo and I can move on.

Habang sinasabi ko sa sarili ko na kaya ko, lalo lang akong naiiyak at lalo ding nagsisikip ang dibdib ko. Kasi naaalala ko ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw lang, simula noong gabi ng birthday ni Mark.

Nakakatawa lang. Ako lang din naman kasi ang lumapit ulit when I 'decided' na tigilan na namin talaga. Pero nang dahil lang ni-record niyang kanta para sa akin ay bumaliktad na naman ang mundo at sa mga sumunod na araw ay ako lang rin naman ang lumalapit sa kanya. I even asked him to drive me to the university and fetch me after class.

Ako na lang talaga ang may gusto ng mga iyon.

But hell... he never said no or made me feel that he doesn't want to do it for me anymore. Or maybe I just didn't notice because I want him to love me still.

I was ready to be selfish again and set aside what my sister feels for him. Kasi wala rin naman akong magagawa kung ako talaga ang mahal ni Mark. Hindi ko maipipilit sa kanya na mahalin ang kapatid ko. Pero hindi pala iyon ang lagay.

I don't have to ask him to love my sister because he already does.

Another bunch of tears ran down my face.

I thought when I jumped again, he jumped with me, like he said that night of his birthday. Yes, he jumed too, but not with me anymore.

"I can't promise that I can keep to her that I love you, but I can't promise you either that I won't fall in love with her too..."

That's what he said to me nang ipilit ko sa kanyang bigyan ng chance si ate Hannah. Hindi ko inaasahan na iyon na pala ang nararamdaman niya kaya niya iyon nasabi.

Ang tanga ko talaga. Bakit hindi ko naisip na sa mga araw na hindi ko siya kasama at hindi ko siya nakikita ay si Ate Hannah ang kasama niya? Magkasama sila at ginagawa niya ang sinabi ko noong nakipag-break ako sa kanya na si Ate Hannah na lang ang pagtuunan niya ng pansin.

Katangahan talaga! Bakit hindi ko naisip na kayang-kaya naman niya akong palitan? Lalo pa't sa isang mabait at hindi mahirap mahalin na babae ko siya ipinagtulakan.

Masyado naman yata akong naging confident sa sarili ko. Hindi ko naisip ang mga ganoong bagay. Sino nga naman ba ako para hindi niya makalimutan? At ano na lang ba ako kumpara kay Ate? Hindi hamak na mas makasundo niya si Ate kaysa sa akin.

Hinayaan ko lang ang mga luha ko sa pagpatak hanggang sa nakatulugan ko na ang pag-iyak at sakit na nararamdaman ko.

∞∞∞

Chapter Twenty-Four

Lianne's POV

Nagising na lang ako dahil sa ingay na parang nanggaling sa labas ng kuwarto. Kahit hindi ko idilat ang mga mata ko, alam ko kung sinu-sino ang mga nagsasalita.

"Bruh, sure ka? Hindi ba talaga 'yan naglayas? Kung tawagan na kaya natin si Tita Lea?" Tracy suggested.

"Iyon ang sabi niya sa akin kanina," sagot naman ni Myleen. "Hintayin na lang natin siyang magising para malaman natin kung anong nangyari bago tayo tumawag sa kanila. Mamaya hindi naman pala naglayas 'yan. Pag-aalalahanin pa natin sila Tita. Tsaka, ganyan ba ang naglayas? Wala man lang dala na kahit ano? Kahit pera, wala! Ako pa ang nagbayad ng taxi niya kanina!"

"Bakit? Noong unang naglayas ba siya, may dala siya pagpunta niya rito?" kontra naman ni Faye kay Myleen at halatang sang-ayon siya sa sinabi ni Tracy.

Natahimik silang tatlo at kahit nakapikit ako, ramdam ko ang mga mata nilang nakatingin sa akin. Pinilit kong dumilat kahit namimigat ang mga talukap ng mata ko dahil sa pag-iyak ko kanina. At hindi nga akong nagkamaling nakatingin sila sa akin habang nakatayo sa labas ng nakabukas na pinto ng kuwarto ni Myleen.

Bumangon ako at umupo sa gilid ng kama facing them. Hindi man lang sila natinag sa pagtitig sa akin kahit gising na ako.

"Bruh, gising ka na pala." Pumasok si Myleen at lumapit sa pwesto ko. "Gutom ka na ba?" tanong pa niya.

"No. I'm fine, My. H'wag ka nang mag-abala." Ngumiti pa ako sa kanya.

Pumasok na rin si Faye at Tracy.

"Eh, bruh, gusto mo shopping tayo?" tanong naman ni Faye kasabay ng pag-upo niya sa tabi ko.

"Sira!" Binatukan siya ni Myleen. "Shopping ka d'yan?!"

Mga sira talaga sila. Natatawa na lang ako kahit ang bigat ng pakiramdam ko.

"May tugtog kami mamaya. Sama na lang kayo," nakangit kong sabi sa kanila.

Pero alam ko na kahit nakangiti ako, alam nila na may problema ako. Mahigit dalawang taon na kaming magkakasama. Para na rin kaming magkakapatid kaya halos kilalang-kilala na namin ang bawat isa. Wala akong maitatago sa kanila kahit pa hindi ako magsalita.

"Tutuloy ka pa ba? P'wede namang h'wag na," nag-aalalang sabi ni Myleen. "Ako na lang bahala kay Ejhay. Tatawagan—"

"My, I'm fine," putol ko sa sinsabi niya. "Maayos naman ang pakiramdam ko. Okay na rin ang boses ko. Walang problema. Kakanta ako mamaya," I said with finality at ngumiti ulit ako sa kanila.

Nagkatinginan silang tatlo na para bang nagtatanungan kung papayagan ba nila ako. Para silang mga nanay ko na nag-aalala sa gagawin ko. Gusto ko na lang mapabuntong-hininga sa kanila.

Tumayo ako at sa pagtayo ko ay sabay-sabay naman silang napatingin ulit sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin. Lumabas ako ng kuwarto at nagpunta ng sala. Para naman silang buntot na nakasunod sa akin ngayon. Umupo ako sa single couch na malapit sa telephone at nagsiupo naman sila sa harap ko.

"My, patawag ha?" casual kong paalam kay Myleen at kinuha ko na ang telephone receiver saka ako nag-dial ng number sa bahay.

Si Mommy ang nakausap ko. Nagpakuha lang ako ng damit na pamalit at pati na rin ang wallet ko. Ipapahatid na lang daw niya sa driver namin.

Pagkababa ko ng telepono, nakatingin pa rin sila sa akin. Ewan ko sa kanila. Parang gandang-ganda pa rin sila sa akin kahit namamaga ang mga mata ko at bagong gising ako na hindi pa nakakahilamos man lang.

Tumayo na lang ulit ako at nagpunta ng kusina. Ayan na naman sila sa pagbuntot sa akin katulad kanina. Dedma lang ako. Naghanap lang ako ng pagkain sa ref ni Myleen then umupo ako sa isang upuan sa harap ng table.

Si Faye naupo din sa harap ko. Si Myleen may kinuha rin sa ref at si Tracy naman kumuha ng maiinom. Nakatingin na naman sila sa akin at naiinis na ako.

"You, you and you!" tinuro ko pa sila isa-isa kahit na magkakalayo sila ng puwesto. "Why are you staring at me?!"

Parang nasindak naman sila. Walang sumagot sa kanila at nagkanya-kanya na silang labas ng dining.

Okay, I'm so mean. Alam ko namang concern lang sila sa akin kaya sila ganyan. Pero sasabihin ko rin naman sa kanila mamaya ang pinagkakaganito ko. Baka mapaos na naman ako kung ngayon ko ikukuwento sa kanila dahil paniguradong iiyak ako ng bongga. Kakanta pa naman ako mamaya. Kaya after na lang ng pagkanta ko sasabihin sa kanila.

Kabababa ko pa lang sa stage at kauupo ko pa lang sa isang upuan sa table namin, ang dami na agad nilang naitanong sa akin. Pero wala ako muna akong sinagot sa kahit isa sa mga tanong nila. Wala pa kasi silang naitatanong ng tungkol sa amin ni Mark.

Nakatingin lang ako sa glass ko at iniikut-ikot ko ang laman niyon na vodka. Nakahiwalay ang table namin, sa table nila Ejhay at apat na J kaya nakakapagtanong sila ng kahit ano sa akin.

"Bruh, ano na? Akala ko ba, sasabihin mo after mong kumanta? Tapos na!" naiinip nang tanong ni Myleen.

Hindi pa rin ako sumagot. Tinungga ko lang ang laman ng baso ko. Hindi ko na gaanong naramdaman ang pagguhit ng mainit na alcohol sa lalamunan ko. Nakailang shot na rin kasi ako. Wala naman akong balak maglasing. Uuwi pa ako sa bahay ng mag-isa. Ayokong magpahatid sa kanila. Baka mapaano pa ako sa daan kapag naglasing ako.

"Bruh..." parang nagmamakaawa nang tawag sa akin ni Faye. "Look, p'wede mo namang sabihin sa amin kung anong problema mo. Family problem ba? Okay lang 'yan. Madami rin ako n'yan. Kung academics naman, ayan naman si Tracy. P'wede ka niyang tulungan. Kung gusto mo magpagawa ka pa ng kodigo para sa midterms. Kung financial, si Myleen nand'yan lang sa tabi mo. Kahit milyones pahihiramin ka n'yan."

Napangiti na lang ako sa pinagsasabi ni Faye habang nakatingin lang ulit sa glass ko. Ang baliw lang kasi niya. Ang seryoso naming apat 'tapos kung anu-ano ang sinasabi niya.

"Ngayon naman ngingiti-ngiti ka," puna naman agad sa akin ni Tracy. "Ano ba talaga? Problemado ka ba talaga o nababaliw na?"

Nanahimik pa rin ako. Ang tagal naman kasi nilang mabanggit qng problema ko para magsalita na ako. Ayokong magsalita na lang ng tungkol doon. Gusto ko lang sagutin kung anuman ang itatanong nila.

"Bruh, ano ba talagang problema mo? Or should I say, sino bang pinoproblema mo?" dismayado nang tanong ni Myleen. "Daddy mo ba? Nag-away kayo? Si Renz ba, naa-abnormal na naman? Ate mo? Si Mark? Sino?"

Doon na napaangat ang tingin ko sa kanila at napangiti na naman ako. Para lang akong baliw. Ngumingiti na lang bigla. Pero sa pagngiti ko, pinangiliran din ako ng luha. Pero hindi ko hinayaang tumulo ang mga luha ko. Dimanpian ko agad ng panyo ang mga mata ko.

"Oh, my goshes!" tumayo pa siya Myleen at lumapit sa akin para aluin ako. "Did I say something wrong, bruh? I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya. Gusto lang talaga naming malaman kung ano bang problema mo. Sorry..." Niyakap niya pa ako.

Lalo naman akong naiiyak sa ginagawa niya. Nakakapeste! Bakit kung kalian kino-comfort ka na, saka ka lalong naiiyak?

Inilayo ko sa akin si Myleen. "Bruh, h'wag mo na akong yakapin. Nakakainis ka naman, eh. Lalo mo lang akong pinapaiyak. H'wag ka ring lapit nang lapit. Kaya tayo napagkakamalang lesbian minsan, dahil sa sobrang closeness natin! Paano ako makakahanap ng pamalit kay Mark n'yan?" tuluy-tuloy kong sabi habang pinipunasan ko ang mga luha ko. Ni hindi ko na rin naisip ang mga nasabi ko.

Natigilan lang ako sa pagpupunas ng luha nang mapansin kong parang natigilan sila. Nakaupo na ulit si Myleen sa upuan niya at nakatingin na naman silang tatlo sa akin.

Unang nakabawi si Trace at nagtanong. "So, si papa Mark ang problema mo?"

"'Di ba... okay na kayo?" alanganing tanong naman ni Faye.

Hinintay kong magtanong din si Myleen pero nanahimik lang siya at naghintay sa sagot ko sa tanong ng dalawa.

Yumuko ako bago nagsalita. "Oo, si Mark nga. Akala ko rin okay na kami, eh. Kaso wala na palang pag-asa." Nag-angat ako ng tingin at naramdaman ko na naman ang paglandas ng mga luha sa pisngi ko. "Wala na pala akong pag-asa," tuloy ko pa habang hinahayaan ko lang na tumulo ang mga luha ko.

Natahimik na naman sila. Alam kong gusto nilang malaman ang lahat kaya ipinagpatuloy ko ang pagsasalita.

"Narinig ko silang nag-uusap kanina ni Ate Hannah," pagsisimula ko sa pagkukuwento. "Pinapalayo na siya ni Ate pero ayaw niya. Hindi niya raw kaya." Napahikbi ako dahil naramdaman ko na naman ang kirot sa dibdib ko.

Tumigil ulit ako sa pagsasalita at huminga ng malalim. Parang kaunti na lang kasi, hahagulgol na ako kapag nagpatuloy pa ako. Naramdaman kong ipinatong ni Myleen ang kamay niya sa kamay kong nasa table. Pinisil niya pa iyon na para bang sinasabi sa akin na kaya ko 'to at nariyan lang naman siya... sila.

"Pero, bruh, hindi kaya nagkamali ka lang ng intindi? Baka naman hindi 'yon ang ibig-sabihin ni Mark?" Napatingin ako kay Tracy na nagsalita.

Ngumiti na naman ako sa narinig ko. Ngiti na puno ng pait... at nag-uumapaw sa sakit. "Ate Hannah was crying at si Mark? I can feel na nahihirapan siya sa gustong mangyari ni Ate. They hugged and then kissed. Mali rin ba ang nakita ko?"

Natahimik na naman kami ng mga ilang minuto. Tinuyo ko na ang basa kong mga pisngi at pinigilan ko nang pumatak pa ulit ang mga luha ko. Ayoko nang umiyak. Hindi naman nahuhugasan ng mga iniluluha ko ang sakit na nararamdaman ko, eh.

"Pero ayos lang naman ako." I told them kahit na alam kong hindi naman kapani-paniwala ang sinasabi ko base na rin sa hitsura ko ngayon. "Sa nakita ko kasi sa kanila kanina, parang kapag naging hadlang pa ako sa kanila, hindi nila kakayanin. Lalo na si Mark. Hindi ko naman kasi siya nakitang ganoon noong nakapighiwalay ako sa kanya. Hindi niya ako pinigilan. Hindi siya nagmakaawa na h'wag ko iyong gawin. He just let me go. And me? I can move on."

Yeah, I know, I may be lying. But who knows if I can move on or not?

Natatawa ako sa mga pinagsasabi ko at kasabay noon ang pagtulo na naman ng mga luha ko. Natatawa ako sa pagko-compare ko sa pakikipag-break ko sa kanya noon sa nakita ko kanina. At naiiyak ako kasi ang sakit. Ang sakit na hindi niya nagawang sabihin 'yon sa akin dati... na hindi niya kayang lumayo sa akin. 'Tapos narinig ko na sinabi niya sa iba.

"Pero ito naman ang gusto ko, 'di ba?" patuloy ko pa habang nakatingin lang sila sa akin at nahahawa na sa pag-iyak ko. "Ang tanga ko lang din kasi. Bigla-bigla na lang ulit akong nakipaglapit sa kanya. Nagka-amnesia yata ako noong mga nakaraang araw at kanina lang ako nauntog at naalala kong binigay ko na nga pala siya sa iba. At siya naman itong hindi kayang mang-turn down. Parang dati lang din na hindi niya kayang i-turn down si Ate."

Natawa na naman ako. Nakakatawa kasi talaga na bumaliktad na ang sitwasyon ngayon sa amin ni Ate Hannah. Kung dati ako itong nagtatago ng relasyon namin ni Mark sa kanya para hindi ko siya masaktan. Ngayon naman siya ang nagtatago... sila ang nagtatago para hindi ako masaktan.

Parang tanga lang. Biglog nga ang mundo. Puwedeng umikot ang lahat, clockwise or counter-clockwise.

Pinunasan ko ang mga luha ko for the nth time. Then nilabas ko ang make-up kit ko para mag-retouch dito sa table namin. Tinatamad na kasi akong magpuntang restroom. They won't mind naman.

Gusto ko na rin umuwi. Tutal, wala na rin naman akong utang sa kanila. Nasabi ko na ang problema ko. Kung matatawag ngang problema iyon.

"Bruh, kailangan ko na yatang umuwi," paalam ko na sa kanila pagkatapos kong mag-retouch.

"O, sige. Tara na, ihahatid na kita." Nauna pang tumayo sa akin si Myleen.

"No. I'll take a cab," tanggi ko naman. "Ikaw pa ang gagabihin kapag hinatid mo ako."

"O, sige. Ipapasabay na lang kita kay Ejhay." She was about to call Ejhay pero pinigilan ko ulit siya.

"No. H'wag na talaga. I'll take a cab. I'll be fine. Sa bahay ako didiretso," I tried to assure her.

"Pero, bruh, delikado kung ikaw lang ang uuwi mag-isa at gabi na," singit na rin ni Faye.

"Oo nga," segunda naman ni Tracy.

"Alam niyo ang O.A. niyo—" napahinto ako dahil may bigla na lang sumigaw sa bandang likuran ko.

"Oh, f*ck! Look what have you done?!"

Napalingon kami sa babae na galit na galit sa isa pang babae. Nabangga yata ang sumigaw na babae at natapunan ng drinks ang damit niya. Then the mean girl grabbed the arm of the other girl na dahilan para mapaharap siya sa pwesto namin.

Napatayo ako bigla at walang salitang lumapit ako sa kanila. Pagkalapit ko sa kanila, hinila ko na lang din ang buhok ng babaeng may hawak kay Ate Hannah na si Mais pala... si Vanilla!

"Ouch!" Vanilla whined.

"What do you think you're doing to my sister?" tanong ko sa kanya habang hawak ko pa rin ng mahigpit ang buhok niya.

"Let me go!" hiyaw niya sa akin at sinusubukan niya ring abutin ang buhok ko pero hindi niya magawa.

Diniinan ko pa ang pagsabunot sa kanya. At oo, sa kanya ko binubuhos lahat ng sakit na nararamdam ko ngayon. Dahil hindi ko 'yon maibubuhos kay Ate Hannah o kay Mark. O sa kung kanino pa man.

"Lianne, stop!" awat na sa akin ni Ate Hannah pero parang wala akong naririnig.

Gusto kong ilampaso sa sahig itong Mais na sinasabunutan ko ngayon.

"Sa susunod, pipili ka ng taong babagain mo! Not my sister or anyone I know!" gigil ko pang sabi kay Vanilla habang halos makalbo ko na siya sa pagsabunot ko.

Wala naman siyang tigil sa pagtili sa sakit ng sabunot ko at pinipilit akong abutin para gumanti. Hanggang sa may umawat na sa amin. Inilayo ni Ejhay si Vanilla sa akin at hindi ko alam kung sino ang may hawak sa baywang ko ngayon at pumipigil sa akin.

"You, bitch!" Vanilla shouted. "Bitawan mo ako! Gaganti pa ako sa babaeng 'yan!" dinuro niya pa ako.

"Ano ba?! Bitawan mo ako! Kakalbuhin ko 'yang babaeng 'yan!" pagwawala ko rin.

Hindi pa ako kuntento. Gusto ko pa siyang sabunutan. Gusto ko pang manakit. Baka sakaling maipasa ko sa iba itong nararamdaman kong sakit.

"Ano ba?! Bitawan mo sabi ako!" Sinubukan kong alisin ang mga brasong nakayakap at naglalayo sa akin ngayon kay Vanilla.

"Lianne, tama na."

Napahinto ako sa pagpalag dahil sa pagsasalita ng taong nakayakap sa akin. Sa lahat ng lalaking puwedeng umawat sa akin ngayon, bakit ito pang lalaki na ito?

Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko kahit parang gusto kong ibuhos pa sa kanya ang galit ko. "Fine. Now, let me go," mahinahon ko ng utos sa kanya.

Binitawan naman niya ako. Agad din akong lumayo sa kanya at walang salitang lumabas na ako ng bar. Nagsisunuran naman sa akin ang mga kaibigan ko, pati na rin si Ate Hannah na kasama si Mark. Pero wala akong pakialam. Papara na sana ako ng taxi pero may humawak sa braso ko at hand ana sana akong bulyawan siya kung hindi agad siya nagsalita.

"Ihahatid na kita." It was Ejhay and he wasn't asking. Nang iangat ko ang mga mata ko sa mukha niya ay nakita kong seryoso siya at ngayon ko lang siya nakita na ganoon ang ekspresiyon.

Gusto ko mang tumanggi ay parang hindi niya iyon tatanggapin.

"Sa amin na siya sasabay," agap naman ni Mark. Nasa likod ko na silang dalawa ni Ate Hannah.

I smiled bitterly at si Ejhay lang ang nakakita ng ngiti kong 'yon. I hate that I can hear that Mark's care. But of course, he cares... dahil kapatid ako ng babaeng mahal niya.

Hindi ko dapat bigyan ng ibang kulay ang pag-aalala niya. I'm sure kaya niya lang naman niya ako gustong sumabay sa kanila, kasi iyon ang alam niyang gusto ni Ate Hannah.

"Hindi ako uuwi sa bahay. Kay Ejhay na ako sasabay," hindi lumilingong sabi ko.

Naglakad na kami ni Ejhay papunta sa kotse niya. Pinagbuksan niya pa ako ng pinto pero bago pa ako makasakay, nakaramdaman ako ng pagkahilo. Napahawak ako sa ulo ko.

"Are you okay?" tanong ni Ejhay na nakahawak pa rin sa braso ko.

"I'm fine. Baka dahil lang sa nainom ko kani—" hindi ko na naituloy ang sinasabi ko dahil bigla na lang akong napapikit at natumba. Naramdaman ko pa ang pagsalo sa akin ni Ejhay at nawalan na ako ng malay.

>>> Next Chapter >>>

Continue Reading

You'll Also Like

3.5K 171 14
Ang kwento ng isang babaeng asado at bola-bola ang cycle ng buhay pag-ibig.
22K 493 13
Formerly, 'A Thousand Crush' A girl with principles. Matalino, maganda at sobrang bait. 'Yun nga lang... mahilig sa gwapo. Lahat ng gwapong kaniyang...
659K 14.6K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
143K 3.3K 12
Mahal kita... Mahal mo'y iba... Akala mo ba papayag akong maging masaya kayong dalawa?