Spirits

By Slylxymndr

449K 22.6K 1.6K

Kapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit for... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
Announcement
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Part 2 Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
Announcement!!
27
28
29
30
31
32
33
35
36
37
38
39
40
41
42
New Story Teaser
43
44
:)

34

6.3K 395 170
By Slylxymndr

Mabilis na ipinakuha ni Shin Feng ang mga librong ginamit ni Kesha.

"Bilisan ninyo! Kunin ninyo ang lahat na ginamit na Martial Art Skills ni Kesha!!" Sigaw niya sa mga gwardyang nakatayo sa paligid.

Mabilis mang kumilos ang mga ito at lumabas ng kwarto para kunin ang mga skills.

Humarap naman si Shin Feng kay Kid at sinabi dito ang tungkol sa cultivation ni Kensha, ang kanyang anak.

"Nasa 2nd Ascended Mortal Realm na ang anak ko. At ang mga Skills na kanyang inaral ay makikita ninyo mamaya maya lang." Aniya.

"Ganon ba, ayos lang." Sagot ni Kid sa Lalaki. Agad namang sumingit  pagsasalita si Harold dahil sa mga nangyayari.

"Teka, anong ginagawa mo bata?! Sa kagkakaalala ko ay bawal ibahagi sa ibang tao ang mga Martial Art Skills ah! Bakit mo kailangang malaman ang tungkol doon?!" Aniya.

Hindi naman maiwasang magtaka ni ShinFeng at Lin Dong sa pinagawa ni Kid dahil totoo naman ang sinabi ni Harold.

Ang mga Martial Art Skills ay itinuturing na sikreto ng mga Cultivators. Mas mainam sa isang Cultivator na gawing sikreto ang kanyang martial art Skills dahil kung malalaman ito ng ibang tao, malaki ang posibilidad na kumalat ito sa ibang tao at gamitin ang kaalamang iyong laban sa kanya. Isa itong paraan upang makapaghanda sa mga hindi inaasahang laban.

Ngunit iba ang tumatakbo sa isipan ni Kid. Hindi na hinitay ni Master Val na sumagot si Kid dahil inunahan na niya ito. Alam niyang kapag sa kanya nanggaling ang mga salita, paniniwalaan ito nila Lin Dong.

"Isa lang ang kasagutan diyan, maaaring Ang Cultivation ng iyong anak, Shin Feng, ay ang dahilan kung bakit nagkaroon ng ganitong sakit ang iyong anak." Aniya.

Nagtaka naman si Shin Feng sa sinabi ni Master Val pero nagpatuloy pa si Master Val sa pagsasalita.

"Ang sakit na Red Fox Disease ay isang sahit na hindi nakakahawa. Karamihan ng mga nakakakuha ng sakit na ito ay ang mga kababaihan, tama ba Lin Dong?" Pagtatanong ni Master Val sa matalinong doktor na si Lin Dong.

"Tama ka riyan." Simpleng sagot nito. Nakasaksi na siya ng nagkaroon ng ganitong sakit at ang mga nakikita niya ay mga kababaihan.

"Isa lang ang ibig sabihin nito. Ang sakit na ito ay dumadapo lamang sa kababaihan. Pero huwag tayong makampante. Dahil kung sa kababaihan ay nakakakuha ng ganitong sakit na Red Fox Disease, mas malala ang sakit sa mga kalalakihan. Tinatawag itong Blue Bear Disease." Aniya.

Nang narinig ito ni Harold ay kumunot ang kanyang noo. Ngayon lang niya narinig ang sakit na iyon at aa kanyang pagkakaala, walang sakit na tinatawag na Blue Bear Disease.

"Hindi ito isang pamilyar na sakit sa mga kalalakihan ngunit kabaliktaran ito ng nangyayari sa kababaihan. Kung ang Red Fox ay nagpapainit ng katawan ng babae hanggang sa hindi na kayanin ng katawan ang init na ito, sa Blue Bear ay nagpapalamig ng buong katawan ng lalaki hanggang sa manigas ito at mamatay." Aniya.

"At sa dalawang sakit na iyon, iisa lang ang dahilan.." sabi ni Kid. "Ang maling Martial Art Skills." Aniya.

Nang narinig ito nila Lin Dong at Harold ay lumaki ang kanilang mga mata.

"Totoo ba ang sinasabi ninyo? May mga maling Martial Art Skills?!" Sabi ni Shin Feng.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mga gwardyang may hawak ng mga makakapal at madaming libro.

Nang makita ito ni Kid ay parang kumislap ang kanyang mga mata sa nakita ngunit pigil niya itong ginagawa. Napalunok nalang ito sa sabik na mahawakan nag mga libro.

"Napakaraming libro!" Hindi na niya napigilang sabihin.

"Oo. Tama ka diyan." Mayabang na sabi ni Shin Feng kay Kid. "At ipinaaral kong lahat ang mga iyan sa kanya."

Tumayo naman sila Kid at Master Val para kumuha ng isang libro upang tignan. Napigilan naman sila nang marinig ang malalim na boses ni Shin Feng.

"Anong ginagawa ninyo?!" Aniya.

Lumingon si Master Val sa pwesto ni Shin Feng at blangko ang kanyang itsura. "Ginagamot ang iyong anak." Aniya.

"Paano mapapagamot ng mga iyan ang anak ko!? At bakit ninyo binabasa ang mga iyan! Hindi ko iyan ipinapabasa aa ibang tao dahil ang mga may dugong Feng lang ang maaaring makaalam ng mga Martial Art Skills na iyan! At ang mga walang dugong Feng ang nakabasa at gumamit niyan, kamatayan agad ang hatol!" Mahabang lintaya niya.

"Pero kung hindi namin malalaman ang mga skills ng iyong anak, hindi namin siya magagamot!" Maang maangan ni Kid.

Wala nang nagawa si Master Val kundi huminga ng malalim at isara ang librong kanyang hawak.

"Osya, sasabihin ko na ang rason at ang gamot sa iyong anak." Aniya.

"Ang sagot sa tanong mo kanina, wala. Walang maling Martial Art Skill. Kulang  namartial arts, meron pero mali, wala. Ngunit may mga Martial art Skills na inaaral ng maling tao." Aniya. "Katulad nalang ng iyong anak."

"Paano iyan nasabi? Sa buong henerasyon naming mga Feng, walang nagkasakit ng ganito--"

"Maliban sa iyong anak, tama?" Sabi ni Kid.

"Oo. Maliban kay Kesha." Malungkot na sabi ni shin Feng.

"Dahil ang lahat ng mga ninunong tinuruan at nag aral ng mga Martial Art Skill na ito at mga kalalakihan, tama?" At tanging tango ang naisagot ni Shin Feng.

"Dahil iisa lang ang sagot dito, ang mga Martial Art Skill na inaral ng iyong anak ay nagtataglay ng mga elementong para lamang sa mga lalaki at nakaapekto ito sa katawan ng iyong anak." Aniya.

"Anong ibig sabihin non?"

"Ibig sabihin ay ang awra ng iyong anak ay imbes na maging awra ng isang malumanay at eleganteng babae, napapalitan ito ng brusko at matapang na awra ng isang lalaki." Sabi ni Kid.

"Unti unting napapalitan ang awra ng isang Cultivator base sa kanyang Skill na inaral o inaaral. At base sa aking nakita at nabasa, ang halos Martial Art Skills ng iyong anak ay nakabase sa pagpapalakas ng katawan ng isang tao. Tama?" Sabi ni Kid. "Halimbawa nalang nitong 1,000 Force Punch na kailangan ng malakas na pangangatawan upang maisagawa."

"Ang ibig sabihin nito, mali ang mga Cultivation ng iyong anak. Ang mga Cultivation na magandang aralin ng isang babae o dalaga ay katulad nito!" Sabay kuha ni Kid ng isang librong nakita niya kasama sa  mga binitbit ng mga gwardya.

Nang makita ito ni Shin Feng ay naghalo halo ang mga emosyon sa kanyang mukha. Nagulat siya na naiiyak dahil sa martial art skill na hawak ni Kid.

"Ang isang ito ay ang Pearl Hardening Technique. Isang Martial Art Skill na para sa mga kababaihan." Sabi ni Kid.

"P-paano mo nalaman iyan?" Sabi ni Shin Feng.

"Dahil nabasa ko na ang isang ito. Pero huwag kang mag alala, hindi ito para sa iaang lalaki kaya hindi ko kukunin ang Skill na iyan." Aniya. "Ang skill na ito ay maganda para sa isang babae. Bakit? Dahil hindi lang ito para mapalakas ang pangangatawan ni Kesha, habang lumalalim ang iyong kaalaman tungkol sa skill na ito, kumikinis at pumuputi ang balat ng isang cultivator na parang isang -- "

"Perlas." Simpleng sagot ni Shin Feng.

Ang Pearl Hardening Technique ay isang Technique na inaral ng kanyang yumaong asawa. Isa raw itong pamana na galing sa pamilya ng babae at ibinigay niya ito sa kanyang anak na si Kesha. Ngunit dahil namatay ang ina ni Kesha at tuwing nakikita ni Shin Fenng Ang Martial Art Skill na ito, bumabalik ang kanyang alaala sa kanyang asawa kung kaya't minabuti niyang itago ito.

Nakita ito ni Kesha at hindi alam ni Shin Feng  inaaral ito ng kanyang anak.

"Mabuti nalang at inaral ito ng iyong anak dahil kung hindi, walang kumokontra sa maling awrang nasa katawan ng iyong anak." Sabi ni Kid.

"Ngayon, para gumaling na ang iyong anak, isa lang ang maipapayo ko." Sabi ni Master Val. "Ipamaster mo sa iyong anak Ang Martial Art Skill na ito at huwag mo mang ipagpatuloy ang ibang Martial Art Skill na kanyang alam. "Sabi ni Master Val.

"At para lalong bumilis ang paggaling ng iyong anak, kailangan nating paabutin ng 3rd Ascended Mortal Realm si Kesha." Sabi pa niya.

Lumapit naman si Kid kay Shin Feng at binigyan ng isang maliit na pakete ng mga pills.

"Inaasahan kong bukas ng umaga ay magigising na ang iyong anak. Paggising niya, agad mong bigyan ng malamig na tubig at hintayin mong maubos niya ang isang baso. Kapag tanghaling tapat na, huwag mo siyang palabasin ng bahay at saka mo ipainom ang mga pills na ibinigay ko sa iyo. Pag inom niya, sabihan mo siyang magcultivate at iwanan mo siya sa kwartong ito. Pero kung gusto mong magyelo ang buo mong katawan, manatili ka sa loob." Sabi ni Kid.

"At kapag nainom na niya ang pill na iyan, huwag mo siyang gagalawin o iistorbohin. Hayaan mo lang siyang gumaling. At sinasabi ko sa iyo, bukas na bukas, bigyan mo siya ng mga Martial Art Skills na gusto niya. Huwag ang gusto mo." Sabi pa niya.

Naglakad na sila Kid at Master Val palabas ng kwarto nang biglang magsalita ni Harold.

"Iyon lang?! Ganon lang! Magaling na siya?!" Pagtataka niya.

"Oo." Simpleng sagot ni Master Val.

Hindi namang makapaniwal si Harold sa mga nangyayari kaya't agad siyang nagsalita.

"Teka! Hindi ba't napakahirap gamutin ang sakit na Red Fox Disease!? Bakit saglit nyo lang siyang ginamot, magaling na siya!? At bakit makikinig na sa batang iyan! Shin feng !" Paggagalaiti niya.

"Dahil pinagaling niya ang anak ko. Teka! Bakit ka pa pala nandito!? Hindi mo naman pinagaling ang anak ko ah! Labas!" Sigaw ni Shin feng hudyat aa mga gwardya para hilain ang Doktor na si Harold.

"Teka! Hindi ninyo maaaring gawin sa akin iyan! Ako si Harold! Isa sa pinakamagagaling na doktor dito! At wala kayong karapatang paalisi- Aray!!"

At maririnig nalang ang kalabog ng pagsara ng pinto ng Kwarto.
Uurrrgghh!*

Napalingon naman ang lahat nang marinig ang boses ni Kesha. Agad na tumakbo sa pwesto ni Kesha ang ama nitong si Shin Feng at niyakap niya ito ng mahimbing.

"Anak! Mabuti at magaling ka na!"

Napangiti nalang si Kid sa kanyang nasaksihan. Nagsalita naman si Master Val nang makita si Keshang bumangon.

"Aba! Malakas ang batang ito." Aniya at tinawag ang atensyon ni Shin Feng.

"Maaari mo nang gawin ang sinabi sa iyo ni Kid kanina dahil gising na ang iyong anak. Mauuna na kami." Sabi nito.

"Teka! Sandali!" Sigaw ni Shin Feng. "Hindi kayo maaaring umalis nang hindi ako nagsasabi!" Aniya.

Tumayo siya at naglakad paputa sa pwesto ni Master Val.

"Hindi ko alam ang sasabihin ko sa inyong dalawa! Napakabilis ng pangyayari at hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung hindi ko kayo bibigyan ng gantimpala. Sabihin ninyo sa akin, kahit ano! Gagawin ko para lang mapasalamatan kayo!" Aniya at hindi na napigilang lumuhod sa harapan ni Master Val.

Bago ito sa paningin ng mga gwardya dahil hindi pa nila nakikita ang ganitong ugali ni Shin Feng kung kaya't nagulat silang lahat.

"Hhhmmm.. hindi na kailangan." Sabi ni Master Val.

"Hindi! Hindi kayo maaaring lumabas dito nang hindi ninyo sinasabi ang inyong gusto!" Aniya ng may maotoridad na tono.

"Pppssshhh. Osya," sabi ni Master Val.

"Magtatagal pa kaming dalawa dito ng aking estudyante at nais rin naming makatulong sa ibang may sakit." Aniya. "Kailangan lang namin ng aking estudyante ng isang munting bahay kung saan maaari kaming tumuloy pansamantala para makatulong sa iba."

"Iyon lang ba! Huwag na kayong lumayo! Dito nalang kayo manirahan!" Sani ni Shin Feng.

"Hindi. Kailangan namin ng bukod nabahay. Ayos lang sa maliit na bahay pero ang gusto ko ay malapit dito sa syudad upang marami ang matulungan namin." Aniya.

"Osya! Bukas na bukas, makukuha mo na ang gusto mo. Ngunit pansamantalang manirahan muna kayo dito upang mabantayan natin ang lagay ng aking anak. Ayos lang ba iyon?!" Sabi ni Shin Feng.

Nagtinginan ang dalawa bago sumagot sa tanong ni Shin Feng.

"Sige."

====

Note:

Sorry guys sa sobrang delay ng ud. Sobrang busy talaga sa School dahil sa mga Structural Plans na pinapasa namin.

Nga pala guys, medyo papabilisin ko ang pacing ng story na ito para maka part 3 na po ako. Haha

Salamat guys sa pagbabasa at  suporta😄

Continue Reading

You'll Also Like

15.5K 2.1K 103
Teiro Cannia is a ninth grade high school student living inside a big mansion, which he calls life prison because of its miserable rules and orders...
389K 2.6K 39
Ang mababasa nyo ay kathang isip at gawa gawa ng malilikot na imahenasyon.. may mga scene ako na kinuha sa totoong nangyari. If you are not matured...
11.2M 504K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
4.1K 760 38
"It doesn't matter how you survive the war; the only matter here is how you choose the right time to die." Lockwood City, isang lungsod kung saan bin...