The Heiress and the Manwhore

By frozen_delights

1.5M 54.1K 5.9K

He had nothing to offer her, not even his name. He's a manwhore, a male prostitute who caters his clienteles... More

Dancing in the Dark
The Nearness Of You
Bad Dream
Beautiful
Tell Me What Is Love
Fall
(I Think About You) 24/7
Ooh, la, la, la
Growl
Hurt
Electric Kiss
Sign
Baby
Tender Love
Love, love, love
My Lady
Xoxo
Deep Breath
Tempo
Lucky One
Monster
Lotto
'Can't Bring Me Down
Stronger
Coming Over
With You
Let Out The Beast
Boomerang I
Boomerang II
In this World
Damage
Unfair
Run
Promise
Cry
Nightmare
History
Saschia
Sachi is gone
Portrait of You
Chill
Going Crazy
Gravity
Sweet Lies
Overdose
Love Shot
Walk On Memories
I'll Be There
My Turn To Cry
Angel
Cloud 9
Love Words
One and Only
Heaven
Cherish
Smile On My Face
Flower
Moonlight
Forever
Let bygones, be bygones

They Never Know

20.3K 732 54
By frozen_delights

Chapter Twenty Two

"ANG anacondang 'yon. At siya pa ang may ganang i-blackmail ka, ha? Ang kapal ng fezlak niya," nanggagalaiting reaksyon ni Maxine nang ikuwento rito ni Julianna ang naging pagkikita nila ni Drigs. "Ipa-shoot to kill na kaya natin? Tutal mukhang malaki na ang tama sa ulo, eh. Ipasama na natin sa mga najojokhang."

"I want everything to be clean and legal. Ihanap mo ako ng taong puwedeng makatulong sa akin para hukayin ang bahong itinatago ng kanilang pamilya. They stink, I'm sure they're hiding something."

"Malansa ba?"

"I'm not sure. Pero bago pa kami magkaharap ni Drigs ay gusto kong may hawak na akong alas na puwedeng itapat sa sikretong sinasabi niya."

"May kinalaman kaya iyon sa nangyari sa club?"

"Hindi ko alam. It could be about that or about... Sachi."

"So? Gora bels na kina mudrakels at pudrakels bago pa kayo ma-Julie Andrews. At least kung knows na nila, wala ng magiging hold sa'yo si Drigs."

"Hindi ganoon kadali 'yon, Max. Hindi nila alam kung ano ang totoong estado ni Sachi. In fact, ang alam ni Mommy, ikaw ang boyfriend ko."

Gulat na namilog ang mga mata ng beki. Maarte pa nitong natutop ang bibig na para itong nakarinig ng isang nakaka-shock na balita.

"Seryoso ka? Gusto mo akong gawing cover girl--I mean, cover gay?"

"Puwede ba?"

Bumakas ang pagdadalawang-isip sa mukha ni Maxine.

"You should come clean about this, you know. Ang paggawa ng isang kasinungalingan para mapagtakpan ang isa pang kasinungalingan ay lalo lang makakagulo sa sitwasyon mo. Lalo pa nga at ikaw ay jundra."

"Okay, let me asked you this. Kaya mo bang ipagtapat sa tatay mo ang totoo mong sexual orientation?"

"That's unfair. Magkaiba naman ang sitwasyon natin," napanguso ito.

"Ano ba ang pagkakaiba ro'n? Pareho tayong may itinatagong mabigat na sikreto sa mga parents natin na hindi natin magawang sabihin dahil pareho pa tayong nag-iipon ng lakas ng loob. In fact, mas mabigat pa nga ang problema ko kaysa sa'yo. Let's help each other out, okay? If you ever need a cover girl, I am more than willing to volunteer."

"I hate you."

"I know you don't mean it."

"Hmp. Pasalamat ka talaga at mahal kitang watermelon ka," pairap na sagot nito.

Natawa siya.

"I know. Kaya nga kukunin kitang ninang ni Baby Saschia."

"Dapat lang naman, ano? Dahil kung hindi, magkalimutan na tayo."

"Hm, ikaw pa ba? Baka nga ikaw lang ang maging god parent nito, eh. Ay, meron pa nga palang isa. I'll introduced you to her."

"Da who?"

"Si Ella. Classmate ko. You'll like her, for sure."

Tumunog ang buzzer. Excited na tumayo si Julianna. Halos dalawang araw rin silang hindi nagkita ng nobyo. At may palagay siyang si Sachi ang dumating dahil kausap niya ito kani-kanina lang bago pa dumating si Maxine.

"Uy, na-missed niya si Felix," tudyo ni Maxine nang tunguhin ni Julianna ang pinto.

"Kailan pa naging Felix ang pangalan ng boyfriend ko?"

"Felix Bakat. Slow."

"Tse." Natatawang binuksan ni Julianna ang pinto.

At hindi nga siya nagkamali.

"Hi, mahal," tuwang niyakap ni Julianna ang kasintahan pagkapasok nito ng bahay.

Mabilis lang na humalik si Sachi sa kanya pero lumayo rin kaagad ito.

Sumama ang hilatsa ng mukha ni Julianna sa inakto ng nobyo.

"Malansa ako."

"Nahawa ka na kay Max?"

Itinaas nito ang bitbit na plastik.

"Ah."

"Ibinili kita ng paborito mong ulam. GG."

"Yey, nagutom yata ako bigla." Kumalam nga ang sikmura niya at para siyang biglang naglaway.

"Kumakain ka ng GG?" ang ekspresyon sa mukha ni Maxine ay iyong parang nakatuklas ng kakaibang pangyayari.

"Oo naman. Bakit ikaw ba hindi? You're missing half of your life if you haven't tried it yet."

"Ano bang hindi? Paborito ko nga rin 'yan, eh. Dito na ako magla-lunch, ha?"

"Ayoko nga."

"Oo naman. Isang kilo 'tong binili ko."

Magkasalungat ang sagot nila ni Sachi. Napasimangot siya. Ngumiti lang ang kanyang nobyo sabay kudlit ng halik sa kanyang noo. Binelatan siya ni Maxine.

"Lilinisin ko na 'to para mai-prito."

"Do you want some help?"

"Hindi na. Kuwentuhan na lang kayo ni Maxine." 

Dumiretso na ng kusina si Sachi.

"Naku, ha? Ang aga-aga pa. Alam ko kung ano 'yang iniisip mo," malanding sabi ng beki saka nag-dekuwatro sa pagkakaupo.

Namula ang magkabilang pisngi ni Julianna. Inirapan niya ang kaibigan sabay labi.

"I don't know what you mean."

"Sabi nga nila, ang mga buntis raw ay maiinit. Totoo ba?"

"Hindi, ah."

"Chos. Pupusta ako, laging naglalagablab ang inyong gabi."

"Hindi lang sa gabi, pati sa araw."

Bigla itong tumili na parang kiniliti ang tumbong. Nahampas niya ito sa braso.

"Ah-roooouch," maarte nitong nahagod ang brasong nasaktan.

"Napaka-eskandaloso mo kasi."

"Eskandalosa, gagah."

"Mai-istorbo ang mga kapitbahay ko sa'yo."

"Nai-istorbo rin ba sila kapag kayo'y nagdo-do-re-mi-fa-so-la-ti-do? O silent night ang inyong kantahan?"

"Silent night lang, siyempre."

"Hindi ka niya napapa-fly-me-to-the-moon?"

"Gaga, hindi lang moon ang naaabot ko. Isama mo na ang buong solar system."

"Ay, bongga! Ikaw na ang may jowang dakila."

Napabungisngis si Julianna sa mga kaberdehan ng pinag-uusapan nila. 

"Ipahiram mo nga sa akin maski isang gabi."

"Over my dead gorgeous body!"

Ang lakas ng halakhak ng beki.

"Lavatory mortis!"

"Ano 'yon?"

"Hindi ka lang basta in love sa iyong jowa, dead na dead ka pa, baks."

"I am. And I will fight tooth and nail para lang makaiwas kay Drigs."

"Don't worry your big watermelon, I'm sure may maire-recommend si Amador para sa problema mong 'yan."

Magtatanong pa sana si Julianna kung sino ang tinutukoy nitong Amador. Napangiti na lang siya nang maalalang iyon nga pala ang pantukoy nito sa ama.

"Kakain na," bahagyang sumungaw ang ulo ni Sachi sa dibisyon ng sala at kusina.

"Coming, mahal."

"Naku, ang tamis naman ng tawagan niyo. So, siya si Mahal at ikaw naman si Mura."

"Nope. Ako ang kanyang mahal na kondesa."

"At kelan ka pa naging dugong bughaw?"

"Ano ang magagawa ko kung ganoon ang tingin sa akin ng aking mahal?"

"Ikaw na talaga. Ikaw na si Georgina Wilson."

"What more can I say?"

Pumunta na sila sa komedor.

"Hm, yum."

Kaagad na ipinaghila ng upuan ni Sachi ang kasintahan. Parang prinsesang ipinaglagay ng pagkain sa plato at binigyan ng kubyertos.

"Haay, ang sarap talaga ng may jowa," ani Maxine. Nasa mukha nito ang pananaghili habang pinanonood ang sweetness ng magkasintahan.

"May jowa ka rin naman, ah. Panay nga ang date mo, di ba?"

"Naaalala lang ako ng mga 'yon kapag wala silang pang-gasolina. O di kaya ay gusto nilang mag-shopping."

"Huwag kang mag-alala. Makakahanap ka rin ng taong para sa'yo," ani Sachi.

"Baka naman kasi hindi tao ang para sa'yo," biro naman ni Julianna.

"Alam ko dahil isa akong diwata. At ang bagay sa isang diwata ay isang engkanto."

"Engkanto pala ang bagay sa'yo, eh di dapat pumunta ka sa Engkantadia?"

"Bakit? Sigurado ka bang sa Engkantadia nakatira ang mga 'yon?"

"Saan ba nakatira ang mga Englishman? Di ba, sa England?"

"Ha-ha-ha. Tickle me, please?"

"Tse. Ang cute kaya ng joke ko, di ba, mahal?"

"Oo, siyempre. Tawang-tawa nga ako, eh." Isang malapad na ngiti ang ipinaskil ni Sachi sa bibig.

Naitirik na lang ni Maxine ang mga mata.

After lunch ay nagpaalam na rin si Maxine. Muling inulit ni Julianna ang pabor na hinihingi rito.

"Don't worry, ako na ang bahala."

Nagbeso-beso ang magkaibigan bago naghiwalay.

"Mahal, I'll do the dishes," ani Julianna nang madatnang naghuhugas ng pinggan si Sachi.

"Hindi na. Madali lang naman 'to."

"Ikaw na nga ang nagluto, eh."

"Para 'yon lang? Relax ka lang, sanay naman ako rito. Kumusta nga pala sa inyo? Kumusta ang parents mo?"

"They're both okay and well. I already told Dad about the apartment, and he's okay with it. Para raw mas maging independent ako."

Tumango ito.

Sumandal siya sa gilid ng couter top at pinanood ito sa ginagawa.

"May problema ba?"

Napangiti siya at nagtaas ng tingin dito.

"Bakit ang lakas ng radar mo?"

"Kapag mahal mo ang isang tao, mararamdaman mo 'yon."

Lumapit siya sa nobyo at iniyakap ang dalawang braso sa beywang nito.

"I meet Drigs."

Naramdaman ni Julianna na parang natigilan ang kasintahan.

"Nakipagkita siya sa'yo?"

"No. Inimbitahan ng parents ko ang family nila para mag-dinner."

"May nangyari bang hindi maganda?"

"His parents are suggesting a wedding match."

"Ano?" Bahagyang inilayo ni Sachi ang nobya.

"But of course, I decline," mabilis na sabi ni Julianna bago pa mag-isip ng iba ang nobyo. 

"Okay lang sa parents mo?"

"Na tumanggi ako?"

Tumango si Sachi.

"Oo naman. They probably agreed to it kung hindi lang nalaman ni Mommy na may boyfriend na ako."

"Sinabi mo sa kanila ang tungkol sa atin?"

"I told her I have a boyfriend. Pero akala niya ang boyfriend ko ay si Max."

Natigilan si Sachi.

"It's because she met Max on several occasions," agad na paliwanang ni Julianna. "Kaya akala niya noon, manliligaw ko si Max. Pero sasabihin ko rin naman sa kanila ang totoo. Humahanap lang ako ng tamang pagkakataon."

There was a long pause.

"G-galit ka ba?"

"Hindi."

Ngunit parang kabaliktaran niyon ang nasa mukha ni Sachi. Pormal iyon at parang malamig.

"Galit ka nga."

"Hindi sabi."

Nang tangkain nitong kumalas ay hinigpitan ni Julianna ang pagkakayapos sa beywang ng nobyo.

"Please, don't be mad. Ayaw ko lang namang biglain sina Mommy at Daddy, eh."

"Naiintindihan ko naman. Bukod sa mababa ang aking estado ay hindi pa katanggap-tanggap ang naging trabaho ko."

"Sachi," mabilis na nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata ni Julianna.

Ramdam niya ang tila pagtatampo sa himig ng nobyo. At hindi niya ito masisisi.

"Sorry na. Sige, if you want sa Linggo ay ipapakilala kita sa kanila."

"Huwag na."

Tuluyang bumagsak ang mga luha ni Julianna.

-

tampo na tuloy si Sachi-baby :)

si Jules kasi.

frozen_delights


Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 183K 46
This is the story of a syndicate leader who fell in love with a hostaged Nun. "I found peace and..love in her. Mapapatawad ba ako ng Diyos niya kung...
10.6K 319 35
FAR IN TIME (Completed) Romance/Teen & General Fiction Language : Tagalog-English "You are the sun that light up my life, but can be the heat that w...
1.1M 25.1K 51
If you want to read the whole story, you can read it on Dreame (@yourhope15) or Goodnovel (Hope Castillana) or purchase a book on Immac Printing and...
1.2M 3.5K 8
(COMPLETED) [The Architects Series #4: Lilian Del Valle] Lilian Del Valle grew up without the presence of a father. Growing up, she already knew wha...