GANGSTER ROYALTIES: Love and...

By Kirudesu

1.8M 52.2K 8K

Trouble wasn't unusual in Khali Vernon's life. Being the trouble herself she was penalized and was sent back... More

GANGSTER ROYALTIES: Love and Misadventures
PROLOGUE
CHAPTER 1. I'M BACK
CHAPTER 2. MARVEL HIGH
CHAPTER 3. NO ESCAPE
CHAPTER 4. ACQUAINTANCE
CHAPTER 5. AGAIN
CHAPTER 6. A RED FLAG
CHAPTER 7. THE FOUR DRAGONS
CHAPTER 8. A FALLEN ANGEL
CHAPTER 9. THE KING
CHAPTER 10. GIRL FROM NOWHERE
CHAPTER 11. AWE
CHAPTER 12. TROUBLE
CHAPTER 13. BLACK ORDER
CHAPTER 14. BEWILDERED
CHAPTER 15. DOMAIN
CHAPTER 16. SUDDENLY
CHAPTER 17. FISHY
CHAPTER 19. YOU WILL KNOW
CHAPTER 20. WAITING
CHAPTER 21. FOUND
CHAPTER 22. THE QUEEN
CHAPTER 23. STAR RANKED
CHAPTER 24. A DATE?
CHAPTER 25. CONFESSION
CHAPTER 26. UP AND DOWN
CHAPTER 27. WORRIED
CHAPTER 28. FLATTERED, FLUSTERED
CHAPTER 29. PROTECT
CHAPTER 30. WATCHING OVER
CHAPTER 31. POWERLESS
CHAPTER 32. HINDRANCE
CHAPTER 33. MOVE
CHAPTER 34. ALWAYS AROUND
CHAPTER 35. ENVY
CHAPTER 36. PSEUDO
CHAPTER 37. INTENTION
CHAPTER 38. SHE'S NOT COLD
CHAPTER 39. MISSING YOU
CHAPTER 40. EYES, EYES BABY
CHAPTER 41. CHILL
CHAPTER 42. JEALOUSY
CHAPTER 43. MEMENTO
CHAPTER 44. CLOSER
CHAPTER 45. HIDE AND SEEK
CHAPTER 46. RUN, DEVIL, RUN
CHAPTER 47. I LIKE YOU
CHAPTER 48. WITHOUT HIM
CHAPTER 49. DISTRICT XII
CHAPTER 50. STRANGE
CHAPTER 51. MEN IN BLACK
CHAPTER 52. INTERHIGH
CHAPTER 53. THAT KIND OF GAME
CHAPTER 54. THAT GIRL
CHAPTER 55. REASON
CHAPTER 56. UNCONTROLLABLY FOND
CHAPTER 57. MVP
CHAPTER 58. BWISITORS
CHAPTER 59. SHE CARES
CHAPTER 60. REMATCH
CHAPTER 61. RESTRAIN
CHAPTER 62. WARMTH
CHAPTER 63. ALMOST
CHAPTER 64. TEARS
CHAPTER 65. CHANCE
CHAPTER 66. SUSPICIONS
CHAPTER 67. GAME OF LOVE
CHAPTER 68. SURREAL
CHAPTER 69. RING
CHAPTER 70. IN OR OUT
CHAPTER 71. SAFE NOT
CHAPTER 72. RUSH
CHAPTER 73. WRATH
CHAPTER 74. CALL OF DEATH
CHAPTER 75. ANTICIPATED
CHAPTER 76. OPERATION: BREAK THEIR BONES
CHAPTER 77. SURPRISE
CHAPTER 78. BITE THE BULLET
CHAPTER 79. SHE'S GONE
CHAPTER 80. PLEASE, COME BACK
EPILOGUE
NOTE

CHAPTER 18. NEED

20.3K 674 72
By Kirudesu

CHAPTER 18. Need

ERIN‘S POV

May pinasulat lang si Miss Mei sa amin bago kami i-dismiss sa klase. Lumabas ako sa classroom namin saka nagtungo sa kaliwa ko. Napatigil ako sa paglalakad dahil muntik na akong makabangga.

Pagtingala ko ay parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa inis.

Akala ko ay ligtas na ako sa iritasyon na dala ng taong ‘to ngayong araw. Akalain mo nga namang masasalubong ko pa siya ngayong uwian na? Tss.

Humakbang ako sa gilid, para makadaan. Sakto namang ganon din ang ginawa niya, kaya nahaharangan parin namin ang daan ng isa‘t isa.

Humakbang ulit ako pakanan, kasabay nung paghakbang niya.

Aarrrg!

Hindi ko alam kung sinasadya ba niya o hindi! Pero hindi ako natutuwa!

Basta makita to talaga ang lalaking ito, naiinis agad ako! Lakas mang badtrip eh!

Kung anong ginanda ng mukha, ganon naman kapangit ang ugali!

Kaya hindi ko maintindihan ‘yung mga babaeng nababaliw sa lalakeng yan!

Most of people nowadays admire someone based on their physical appearance. Hindi muna nila kinikilala bago nila magustuhan. Kaya maraming nasasaktan!

Oh sige hugot, Erin.

“Ano ba? Paharang-harang kang pandak ka!” sigaw niya.

Aba—Ako? Pandak? Pandak pa ako sa lagay na ‘to? Palibhasa kasi kapre siya!

“Ako pa talaga ang nakaharang? Ikaw ‘tong napakalaking tae sa daan eh!” sagot ko naman.

Aba, hindi ako papatalo sa mokong na ‘to pagdating sa asaran!

Matalo na ako sa kahit na kanino, huwag lang sa lalaking ‘to!

“Hay nako, badtrip.” sabi ko.

Nang gumilid ulit ako ay sakto namang gumilid din siya sa way na ‘yun.

Tinignan ko siya ng masama, ganon din ito. Huminga ako ng malalim bago humakbang pakanan. At ang hinayupak na kapre hinarangan na naman ako!

“Linte—” sisigaw palang sana ako nang bigla niya akong hawiin na parang kurtina, saka niya ako nilagpasan!

“Paharang-harang!” pahabol pa niya.

AKO PA TALAGA?! HMP!

Hayaan na nga! Lalo lang akong mai-stress pag sinundan ko pa siya at pinahaba pa ang pag-aaway namin.

Mabibigat ang yabag kong lumakad papasok sa CR, tinatawag na kasi ako ni Inang kalikasan.

Nagtungo ako sa lababo pagkatapos, para maghugas ng kamay.

Lagi nalang ganon basta nagkikita kami! Kung hindi magsisigawan, mag-aasaran, o kaya naman walang pansinan. Pero siya naman ‘tong madalas mapikon.

Ganon na kami ngayon, hindi na tulad nang dati...

Hindi ko nga alam kung matatawag ko pa bang ‘childhood bestfriends’ kami.

Hindi ko rin alam, basta isang araw, bigla nalang nagbago ang lahat...

Humugot ako ng isang napakalalim na paghinga at naudlot lang ito dahil sa nakita ko sa salamin.

Muntik na akong sumigaw dahil sa gulat. Paano ba naman, pag-angat ko ng tingin sa salamin, may tumambad na dalawang babae na sobrang kapal ng make-up! Jeez.

Akala ko multo na. Phew.

Takot pa naman ako dun...

“Look who‘s here.” sabi ng isa. Mahaba ang nakatali niyang buhok at kulot ang dulo nito.

“Nilalandi mo na naman si baby ko Jaeshin.” sabi naman ng kasama niya. Maikli naman ang berdeng buhok nito na abot hanggang balikat.

Baby? Si Jaeshin? Baka baby damulag!

Saka teka nga, anong nilalandi?

At bakit ko naman lalandiin ‘yung kupal na ‘yun?!

Hinarap ko silang dalawa upang sagutin. “Hindi ko nilalandi ‘yung kapreng ‘yun ah.” Nakaka-offend kaya ‘yung sinabi niya!

Wala na naman bang magawa ang mga ito kaya ako na naman ang napagdiskitahan? Sa dinami-dami ng Marvelians diyan bakit ako pa ang napili nila?

Well, alam ko naman ang sagot sa mga tanong na ‘yan. Walang iba kundi dahil kay Jaeshin Park!

Bwisit talaga ang kapreng ‘yun. Pahamak sa buhay kahit kailan!

Yeah, madalas akong ma-bully dahil sa kaniya. Kasi nga isa siya sa ‘Four Dragons.’ Tss. At alam ng lahat na malapit kami sa isa‘t isa—No! Scratch that. Malapit ang pamilya namin!

Pero minsan pinagtatanggol ko rin naman ang sarili ko pag hindi ko na nagugustuhan ang sinasabi at ginagawa nila sa‘kin, no!

Hindi ako martyr!

‘Yun nga lang, hindi rin ako malakas...

“Huh! How dare you to call my baby a kapre?!” maarteng sagot ng naka-ponytail.

Sino ba ‘tong mga ‘to? Hindi ko naman kilala, at hindi naman nila ako kilala, pero ang hilig nilang paratangan ako ng kung anu-ano.

Noon nga sinabihan pa ako na nagpapanggap lang daw ako bilang childhood friend ni Jaeshin para sumikat. Ni hindi ko nga pinagsabi ang tungkol doon.

At saka paanong may maniniwalang magkaibigan kami non, eh, lagi nga kaming nag-aaway. Kaya nga tina-target ako ng mga fans niya dahil may lakas ng loob akong sigaw-sigawan siya.

Kasi nga, kilala ko na siya mula pa noong mga bata kami. Hindi nila matanggap na ginaganon ko ‘yung prinsipe nila kaya ako ang pinagti-tripan nila at pinagbubuntunan nila ng galit.

“Kapre naman talaga ‘yun eh.” bulong ko na mukhang narinig pa yata nila.

Kinabahan ako nung tinaas na ng may berdeng buhok ‘yung kanang kamay niya, sasampalin niya sana ako pero napatigil siya nung may nagbukas ng pinto ng cubicle.

Napatingin kami sa babaeng lumabas galing doon, diretso lang sa paglalakad hanggang makapunta siya sa lababo. Sa gitna pa talaga namin siya dumaan...

Kaya naman nainis ‘yung mga babae sa kaniya at sinigawan siya ng naka-ponytail.

“HEY! Who the hell are you to butt in?!” inis na sigaw nito.

Ngunit si Khali ay patuloy parin sa paghuhugas ng kamay at hindi man lang pinasadahan ng tingin ito.

Whoa. Pati ako nagulat sa kaniya.

Lalo pang nainis yung babae nang talikuran siya nito at harapin ako.

“Let‘s go.” aniya.

Napa-Huh? Naman ako dahil hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin.

“Buy ingredients, of course.” said she and started to walk away.

Sumunod naman ako sa kaniya kahit na confused pa ako.

Mabuti nalang at hindi na sumunod pa ‘yung dalawa. Pero narinig kong sumigaw ‘yung isa dahil sa inis.

“Ah oo nga! About pala diyan... pwede bang sa Sunday nalang tayo pumunta?” tanong ko.

“Okay.” aniya, saka naglakad na palayo.

Tinawag ko ang pangalan niya kaya naman lumingon ulit siya.

“Thank you pala kanina!” pagpapasalamat ko.

Tinignan niya ako na parang hindi niya alam ‘yung sinasabi ko.

“Oh, that? I didn‘t help you, tho.” sabi niya nang ma-realize ang tinutukoy ko.

Sinundan ko siya.

“Kahit na, thanks parin.” pag-uulit ko.

Kahit hindi niya sinasadya ‘yun, nagpapasalamat parin ako. Dahil kahit papaano ay naka-iwas ako sa gulo.

THIRD PERSON POV

Habang naglalakad ang dalawang dalaga. Hindi nila inaasahan na may naghihintay palang panganib sa kanila.

“We‘ll just teach her a lesson.” sabi ng babaeng nakaupo sa loob ng isang gazebo malapit sa back gate ng paaralan.

Pinapaikot niya ang dulo ng kaniyang buhok gamit ang daliri habang tinatanaw ang dalawang babaeng naglalakad sa gitna ng madamong oval.

“Ano bang kasalanan sayo niyan, Queen Dianne?” tanong ng lalaking may hawak na baseball bat, habang winawasiwas ito sa ere.

“Nakikita mo ba ito, huh? Nakikita mo ba?” nanggi-gigil na wika ni Dianne habang tinuturo ang kanang parte ng mukha niya kung saan may bitak ang labi, may pasa ang baba ng mata at may sugat niyang ilong na hindi pa tuluyang gumagaling.

“‘Yan! ‘Yang Khali na ‘yan ang may gawa nito sa akin!” galit na galit na sabi nito.

“And of course, I will not forget na pagbayarin siya about harming my King‘s arm! How dare she!” inis na dagdag pa nito.

“Yeah right!” sabay-sabay namang segunda ng dalawang alipores niya sa kaniyang tabi.

“Totoo nga sabi-sabi? Totoo rin kaya na kinuha siya ng The Sinisters kanina? How come that she‘s still okay?” tanong ng kasamang lalaki bago humithit ng sigarilyo.

“Aba malay ko! Ba‘t di mo tanong sa kaniya?!” inis na sagot ni Dianne.

“Baka malakas siya! I-recruit kaya natin sa gang?”

“Hoy! Mga impaktong ‘to! Baka nakakalimutan niyong ako ang leader niyo? Kung makapag-plano kayo diyan!”

Napangiwi naman ang ilan sa sinabi niya. Kung hindi lang sila binayaran ng malaking halaga nito, baka siya pa ang tinira nila ngayon dahil sa kaartehan niya.

Agad namang napansin ni Khali na malapit na ang paglubog ng araw. Dumudilim na ang kalangitan ngunit hindi pa sila nakaka-uwi.

Maganda at disente man ang mga gusaling nakikita sa kanilang siyudad, marami pa rin ang nakakubling masasamang loob dito.

Delikado rito kapag dumilim na. Ramdam na rin nila ang lamig ng simoy ng hangin.

Nang malapit na ang dalawang dalaga sa gate, nagsimula na ring gumalaw ang mga kalalakihan mula sa gazebo at hinarang ang daan nina Khali at Erin ng may mga nakakalokong ngisi sa kanilang mga labi.

Napahawak si Erin sa manggas ng uniporme ni Khali nang gapangan kaagad si ito ng takot dahil sa masamang pakiramdam sa mga lalaking ito.

Samantalang si Khali naman ay nanatiling kalmado tulad ng palagi niyang reaksiyon.

Dalawang babae, laban sa mahigit benteng kalalakihan na may hawak pang armas? Tss.

Maya-maya‘y nahawi sa gitna ang kalalakihan, at lumabas dito ang tatlong babaeng pamilyar sa kanila.

“Hi, we met again, bitch.” nakangisi at nakakalokong bati ni Dianne kina Khali.

Nanatiling nakatitig si Khali sa kaniya, gamit ang normal niyang pagtitig, blanko ngunit malamig.

Kaya lalong nakaramdam ng pagkainis si Dianne sa kaniya. Ni hindi man lang niya makitang natatakot ito kahit pinaharap na siya sa mga delinkwenteng nakahawak ng kung anu-anong armas na sa kahit na anong sandali ay maaaring lumapat sa mga katawan nila!

“Can you move aside? You‘re blocking our way.” bagot na turan ni Khali.

Nagulat si Erin sa kaniyang inasta kaya hinila niya ito sa manggas ng uniporme, dahilan para mapatingin ito sa kaniya.

Kitang-kita ni Khali ang takot sa mga mata nito. Ngunit si Erin, tanging blangkong mata lang ang nakikita niya kay Khali.

Tumawa si Dianne at mga alipores niya, kaya tumawa rin ang mga kalalakihan bilang suporta.

“H‘wag ka nang magtapang-tapangan, bitch! Bibigyan kita ng chance. Hahayaan namin kayo, pag nagmakaawa ka sa harapan ko.” nakangising wika ni Dianne.

Makaawa? Not in my vocabulary. Khali thought.

She‘d rather choose to die than beg for her life.

“Paano kung ayoko?” nanghahamong tanong ni Khali.

“Then, prepare to die.” sagot naman ni Dianne, gamit ang galit na tono.

“Let‘s kill each other, then.” bagot na sambit ni Khali.

Hindi malaman ni Erin kung bakit siya kinikilabutan ngayon...

Dahil ba natatakot siyang mapahamak si Khali? O dahil natatakot siya kay Khali?

Naisip niya rin naman kung bakit naman siya matatakot kay Khali? Alam naman niyang biro lang iyon!

Kumukulo na ang dugo ni Dianne sa inis!

Inutusan niya agad ang kalalakihan na sugurin si Khali.

Inihanda naman ni Khali ang sarili niya at hinintay na makalapit ang mga lalaki sa kaniya.

“Step back.” utos ni Khali kay Erin, upang maiwasang madamay ito sa gulo.

Nabalot ng kaba ang puso ni Erin. Nag-aalala siya para kay Khali.

Kahit pa sabihing marunong siyang lumaban, matapang siya, pero hindi sapat iyon dahil nag-iisa lang siya!

Napakarami ng kalaban niya ngayon at may mga dalang sandata pa!

Parang bumagal ang oras nang makita niyang inambahan ng pamalo si Khali—isang tubo, bakal na tubo.

Pero nanatili parin siya sa pwesto niya, nakasuot ang mga kamay sa bulsa ng coat na parang walang masamang nangyayari.

Anong gagawin ko?! naghi-hysterical na tanong Erin sa sarili.

Kung hihingi siya ng tulong, malamang wala na siyang mahihingian dahil halos lahat yata ay nakauwi na.

Kung meron man, may magtatangka ba? Kung hindi tatakbo iyon dahil sa dami ng kalaban, malamang ay manonood na lang ito ng laban.

Malapit na! Malapit nang tumama ang tubo kay Khali. Pero wala paring ginagawa ang huli.

Tila ba may hinihintay siya... ‘yung tubo na lalapat sa kaniya dahil napagtanto niyang walang siyang laban sa kanila at tanggapin nalang ito... o tyansa dahil may pinaplano siya?

Kung nandito lang sana siya. Kung nasa tabi ko parin siya..

Wala sanang mangyayaring ganito.

Kayang-kaya niya sana ang mga iyan...

Napapikit na lamang si Erin dahil ‘yun lang ang kaya niyang gawin ngayon. Ni hindi nga siya marunong sumuntok, kaya useless din kung makikialam siya. Baka nga maging pabigat pa siya kay Khali eh!

Pero, hindi niya maintindihan. Kung bakit bigla nalang siyang tumakbo palapit sa lalaki at itinulak ito.

Natumba silang dalawa sa sahig. Nagulat si Khali sa kaniyang ginawa. Napailing nalang ito.

“Such an idiot.” mariing wika ni Khali.

Habang nakatingin si Khali sa direksyon ni Erin, may sumugod na lalaki sa kaniya.

Agad niya namang tinuhod ito sa sikmura nang may sapat na lakas. Hindi na muling nakatayo pa ang lalaki dahil sa natamo.

Pagtingin niya kay Erin, na-alerto siya nang makitang may lalaking handa na itong hampasin ng baseball bat. Sa layo niya kay Erin, hindi siya sigurado kung aabot siya doon bago pa ito mahampas, pero sinubukan parin niyang sambutin ito.

Bago pa man lumapat ang baseball bat kay Erin, may bigla nalang dumating na matangkad na lalaki at pinigilan ito ng walang kahirap-hirap gamit lamang ang isang kamay. Hinila niya ang baseball bat mula sa kalaban at siyang pinang-hampas nito sa kaniya.

Shin.

Marahang hinawakan ng lalaki ang mga braso ni Erin at tinulungan itong tumayo.

Napakabilis ng tibok ng puso ni Erin. Hindi dahil sa takot o kaba, ngunit tila sa ibang dahilan...

“You‘re hitting on girls, huh? Literally.” sabi ni Jaeshin, sa mariin at galit na paraan.

Oh, here comes a dragon. The biggest one. wika ni Khali sa kaniyang isip.

“Guys, I‘m outta here!” anunsiyo ng isa.

Saka tumakbo palabas ng school na sinundan pa ng dalawa.

“Come on, let‘s play.” mapaglarong wika ni Jaeshin. Na akala mo‘y nag-aaya lang maglaro ng taya-tayaan.

Sumugod ang tatlong lalaking may dalang baseball bat ng sabay-sabay. Ngunit sunud-sunod din silang natumba sa sahig...

*♡♤*

KHALI‘S POV

The dragons are strong, indeed.

Napatumba na niya ang kalahati ng mahigit 20 katao kanina, sa loob lang ng maikling oras.

Ang iba ay nagsitakbuhan, ang iba nama‘y hindi na makalaban.

Isa palang ‘yan. Ano nalang kaya ‘yung tatlo pa niyang kasamahan? Lalo na ang leader...

But they forgot something important when fighting.

Ilang sandali rin ay natapos na ang laban. Tumakbo ang tatlong lalaking natitira, kasama ‘yung babaeng pinakilala ko sa tray.

Ipa-ambush ba naman kami sa grupo ng kalalakihan? Balak niya talaga akong bugbugin eh, no?

“Kahit kailan napakatanga mo! Sinong nag sabing bigla ka nalang makisawsaw sa gitna ng away, hah?! Bobo ka talaga!” biglang sigaw nung dragon—Jaeshin Park—kay Erin.

Pinapagalitan pa niya ngunit halata namang nag-aalala lang siya. Psh.

“Anong gusto mong gawin ko? Hayaan kong hambalusin si Khali ng tubo?!” sigaw naman ni Erin pabalik.

Hah? Okay lang naman ako, kaya ko ang sarili ko.

Natahimik ‘yung Jaeshin Park, tapos bigla siyang tumingin sa‘kin. Kakaibang tingin na pinagtakahan ko.

Ipinagsawalang-bahala ko nalang.

“Tsk. Tara na nga, umuwi kana!” inis na sigaw ni Jaeshin Park.

“Tara, Khali! Sabay kana sa amin. Baka kung mapano ka pa sa daan.” alok ni Erin.

Masyado siyang maalalahanin.

“Hindi pa siya pwedeng umuwi.” sabi ni Jaeshin Park.

Binaling niya ang tingin sa‘kin at nagsalita. “Vernon... Trevor needs you.”

Nanatili akong nakatitig sa kaniya habang hinihintay kung anong susunod niyang sasabihin. Baka mamaya nagbibiro lang pala siya.

Why would the King need me, anyways?

“He‘s been sick since his arm was injured. And since that day also ay hindi pa siya kumakain.” aniya.

If that‘s the case... Bakit ako ang kailangan niya? Hindi ba dapat ay doctor ang kailangan niya? At pagkain.

Napabuntong-hininga nalang ako.

“Where‘s he?” tanong ko.

He‘s such an idiot. Ang sabi ko kasi puntahan niya ako sa Sapph, tapos sabihan ba naman akong ‘wag siyang diktahan? Tapos ngayon...

Mag-isa akong pumunta sa Dia dahil umuwi na talaga ‘yung dalawang in-denial.

May nakasalubong pa akong mga kagagaling lang sa DR na mga estudyante.

“TUMIGIL KA!” rinig kong sigaw ng pamilyar na boses nang pagbuksan ako ni Kevin ng pinto pagkatapos kong kumatok ng ilang beses.

Galit na naman? Hindi ba siya nagsasawa sa kasisigaw? Tch.

“Oy, Calla Lily! Bakit nandito ka?” tanong ng Hominid.

Calla Lily? Tss. Another nickname that opposes my real personality.

“Hindi ba‘t pinatawag niyo ako?” bagot kong sagot.

Nagtataka itong tumingin sa akin pabalik sa loob. Kalaunan ay pinapasok niya rin naman ako.

“Shut up and let me sleep! Damn it!”

“Weh? Dito ka talaga matutulog? Mag-isa mo lang?” rinig ko mula sa ibang boses. Tila ba nang-aasar ito.

“Pasok kana, Khali. Ikaw na bahala diyan, ah.” natatawang wika ni Kevin sabay tulak sa akin sa pintuan ng kwarto.

Nasalubong ko si Alexander at malawak ang ngisi niya habang binibigay ang tray na may lamang porridge, water and certain medicine sa akin.

Hindi na ako naka-angal at tinanggap nalang ito agad.

“Get out!” sigaw ng hari.

Pero natigilan din ito nang makitang iba na ang nasa tabi ng kama niya ngayon.

He blinked rapidly like he couldn‘t believe what he was seeing right now.

Do I look like some kind of unnatural creature? Makatingin naman ito, akala mo nakakita ng alien.

Bumalik ito sa pagkakahiga at nagtalukbong ulit ng kumot.

Ilang beses na akong sinisigawan nito, ah? Na-e-enjoy niya na ba?

“Bangon.” utos ko.

Bigla siyang bumangon at nilapit ang mukha sa akin. “Don‘t tell me what to do.” aniya. Eh bakit siya sumunod?

“Tss.” ngumiwi ako habang pinagmamasdan ang nangangayayat niyang itsura.

Anong ginawa niya‘t umabot siya sa ganitong sitwasyon? Okay naman siya kahapon ah...

I sat beside him and spooned some porridge para ipa-kain sa kaniya.

“Eat.” utos ko.

Inilayo niya ang bibig sa kutsara at umupo ng matuwid.

“Bakit ka nandito?” tanong niya.

Hindi ba‘t pinatawag niya ako?

Lumingon ako sa pintuan upang humingi ng sagot sa dalawang dragon na nakadungaw doon. Pero agad rin silang nagtago.

Anong trip ng mga ‘yun?

“Take this medicine and I‘ll leave right away.” sabi ko.

Inabot ko sa kaniya ang platito na naglalaman ng gamot ngunit tinignan niya lang ito.

Ah, alam ko na kung bakit kailangan ako dito...

Napakatigas kasi ng ulo niya! Ako pa talaga ang gustong pahirapan ng mga ‘yun ah!

“Inumin mo nalang.” Nauubusan na ako ng pasensiya ha.

“Don‘t—” I cut him off.

“Whatever, Kang. Just take this medicine so I could leave now, or go to the hospital at dun ka magmatigas.”

Mula sa kunot-noong expression niya ay napalitan ng normal na expression ang mukha niya.

“I hate that thing.” he replied while looking away.

“He can‘t take tablets.” It was Kevin‘s voice from the doorway.

“FCK! CLOSE THE DOOR!” sigaw ni Kang.

Akmang tatayo na sana ako para isara ang pinto ay hinigit niya ako sa pulsuhan para pigilan.

“Hindi ikaw.” masungit na pagsasalita nito.

Alam ko. Pero parang walang balak umalis ‘yung mga unggoy na usyosero kapag hindi pinagsarhan eh.

“Arasseo, arasseo! Yah, stop yelling, you‘re scaring her!” ani Alexander. “Please take care of him, Khali. Hmm?” nakangiting bilin nito bago isinara ang pinto. (Trans: “Okay, okay!” in Korean)

Maya-maya, natahimik na si Kang. Tapos napatingin siya sa paligid, tapos sa‘kin.

Biglang nanlaki ang mata niya tapos namula ang maputla niyang mukha.

“It‘s better to open the door after all...” sabi niya.

Magulo rin ‘to eh.

Alam ko naman kung bakit naging ganon ang reaksyon niya. A guy and girl, inside a room, alone. He‘s probably worried about that.

“I don‘t really mind.” I said.

Kumunot ang noo niya. “Hindi ka ba natatakot?” seryoso ang boses niya sa pagtatanong.

What else would I be afraid of? He‘s been so harsh towards me since then. I‘m always ready for the worst case scenario.

“Why would I? You‘re unwell, and I don‘t think you can do something to me.” sagot ko naman.

Beside, he won‘t ask me like that if he‘s planning something unpleasant.

Nabigla ako sa sunod niyang ginawa. His lips formed a slight curve.

“You told me not to tell you what to do. But what are you doing with your life now? Dumbass.”

“What?!” kunot-noong sigaw niya.

“You won‘t scare me with your condition.” I said with a poker face.

Kung pwede lang batukan siya, ginawa ko na. Tsk. Uwing-uwi na ako.

Tumingin ulit siya sa‘kin. Direct to my lifeless eyes.

“Let‘s go to the hospital.”

“I‘m fine.” mariing saad niya. “Those people are just exaggerating.”

“Then eat.” sagot ko naman.

Sinubukan ko ulit siyang subuan, akala ko kakainin na niya pero pinigil niya ang kamay ko.

“Why did you enter this place?” he asked, suddenly.

“Jaeshin Park told me to.” sagot ko saka binaba ang kamay ko.

“No... This school, Marvel High.” pagtatama niya.

“Because it‘s near from my house?” pagdadahilan ko.

Alangan namang sabihin kong pinatapon ako ni Izu dito sa lungga ng mga leon? At dragon.

“Leave this place...”

What the—is he that mad at me?! No, I can‘t be expelled again!

“This place is dangerous... you‘re putting your life in danger.”

Is he threatening me right now? But he looked so serious and sincere that I‘m too confused to read his intention.

“I can‘t.” walang emosyon kong sagot.

He sighed and took his phone from the bedside table. May tinype sandali dito bago inabot sa akin.

“Save your number.” utos niya.

“Why would I?”

“Because I want to.” he replied with a serious tone. “Just do it.”

Sinunod ko nalang ang sinabi niya. Dahil sa lugar na ‘to, siya talaga ang masusunod. -__-

Naramdaman ko ang vibration ng phone ko sa bulsa ng coat. Tiningnan ko ito at nakitang unregistered number ang tumatawag na sa palagay ko ay kay Trevor Ace Kang.

“Just call when you really need me.” bilin ko. “Kumain ka. Kailangan ko nang umalis.” sabi ko at tumayo na.

Pagtalikod ko ay natigilan ako sa paghigit niya sa kamay ko.

“No. You call me, whenever you need me.”

×××

Continue Reading

You'll Also Like

610K 13.7K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
REPLICA II By Ceres

Mystery / Thriller

4.7K 135 44
"Sino ka?! Why are you wearing my face? Is that your new technique to kill me?" "Ikaw ang sino ka?" "I am the Empress Regnant of this empire. And you...
529K 14.3K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
232K 15.2K 75
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...