I'm His Wife (PUBLISHED UNDER...

By JenyxViolet

1.5M 18.3K 2.4K

(Revised Version) Fixed marriage- isang pagkakasundo na hindi inakala ni Cassandra'ng ginagawa pa rin pa... More

PUBLISHED UNDER TBC PUB.
Copyright
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Epilogue
Author's Note

Chapter 25

33.9K 598 208
By JenyxViolet

    — Bryan —


    “Tama na kakainom, dude!”

    Itinulak ko agad palayo ang kamay ni Dev nang hawakan niya ang bote ng alak na iniinuman ko.

    “Dev, gusto kong makasama ang mag-iina ko!” asik ko at tumungga ulit.

    “Tanga, sana naisip mo ‘yan bago ka nagloko,” ganti niya.

    Napainom na naman ako dahil tama siya.

    Ilang araw na akong umiinom dahil ayaw pa rin akong harapin ni Cass. Ilang linggo na simula nang bumalik sila rito sa Manila at ilang linggo ko na rin siyang pinupuntahan para suyuin pero mukhang ayaw niya na talaga.

    Natawa ako nang malakas at hinampas si Dev.

    “’Tang ina, sino nga naman ba talagang hindi aayaw sa ginawa ko?” natatawa kong tanong. “Ako na manloloko, nakakadiri, at madumi raw!”

    “Anong raw? Totoo ‘yan!” natatawa niya ring sabi na ikinatango-tango ko na lang. “Dude, huwag mo na pilitin si Cass. Alam mo kasi, ang babae kapag nasaktan ‘yan at nasira ang tiwala, hirap na silang maibalik ‘yung tiwala nila. Mga anak mo na lang ang habulin mo kasi mukhang wala ka na talagang pag-asa sa asawa mo.”

    Umiling ako. “I love her…”

    “Pinadalhan ka na ng annulment paper, dude. Wala na ‘yan.”

    Na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin pinipirmahan.

    “Si Shane pala, kumusta ‘yon?” tanong niya na ikinataas ng kilay ko.

    “I don’t know. Hindi na nagpakita sa ‘kin, simula no’ng nakunan siya.”

    At pabor sa ‘kin ‘yon. Iniisip kong baka lumayo na siya, at sana nga ayun ang ginawa niya para hindi niya na kami magulo pa.

    Kinabukasan, nagpawala muna ako ng hangover bago nag-ayos para puntahan ulit si Cass sa bago nilang tinitirahan. Araw-araw niya akong pinagtatabuyan pero hindi ako magsasawang puntahan siya.

    Pagkarating sa tapat ng bahay niya, may isang kotseng nakaparada sa labas. Kumunot ang noo ko bago nag-doorbell.

    “Cass!” sigaw ko.

    Palakad-lakad ako sa harap habang hinihintay siyang lumabas. Nang napansin ko ang pagbukas ng pinto, napakapit ulit ako sa gate at nag-abang.

    Natigilan ako dahil hindi si Cass ang unang lumabas kun’di ang mga magulang niya at si Joshua…

    “Anak, please, patawarin mo na kami,” pakiusap pa ni tita habang sinusubukang hawakan si Cass.

    “Umalis na kayo,” mariing pananaboy niya sa kanila. Napatingin siya sa ‘kin at napairap na lang bigla. “Isa ka pa!” Malalaki ang hakbang na lumapit siya sa gate at binuksan ito. “Ano na naman?”

    “Cass, can I see them?” I asked.

    Bumuntong-hininga siya at nilingon ang iba niyang bisita. “Umalis na kayo. Bukas na bukas ang gate ng bahay ko para sa pag-alis n’yo.”

    Nagkatinginan ang mga magulang niya at si Joshua. Walang imik silang sunod-sunod na lumabas kaya gumilid muna ako.

    “Anak, sana mapatawad mo pa kami…” sabi naman ni tito na ikinaiwas tingin lang ni Cassandra. “Mahal na mahal ka namin.”

    Napakamot ako sa kilay ko.

    Mahal na mahal pero parang hindi tinuring na anak? Si Joshua nga ang parang anak nila— si Joshua na lalaki pa ni Shane.

    I wonder kung sila pa rin ba.

    “Alis na!” mariing tugon ni Cass.

    Wala na silang nagawa kun’di sumakay sa sasakyan nila. Hinintay kong makaalis sila bago ko hinarap ulit si Cass.

    “Cass, please, gusto kong makita ang mga anak ko.

    Umiling siya at hinila pasara ang gate. Napakapit tuloy ako ro’n.

    “Hindi kita tinatanggalan ng karapatan sa mga anak natin,” sabi niya na ikinangiti ko naman kahit papaano. “Pero hindi mo muna sila puwedeng makita.”

    Naglaho ang ngiti ko at napamaang. Hindi na ako nakasagot nang talikuran niya ako at mabilis na naglakad pabalik sa bahay.

    “Damn.”

    Nasipa ko ang gate bago tumalikod. Mukhang tama si Dev, mahihirapan ako kay Cass. Kahit ang mga anak ko ay ayaw niyang ipakita sa ‘kin.

    Nakakainis lang kasi alam kong hindi ako puwedeng magreklamo dahil kasalanan ko rin kung bakit wala sila sa tabi ko.

    Habang pabalik na ‘ko ng kotse, naka-receive ako ng call, kaibigan ni Shane na si Kristina.

    “Hello?”

    “Bryan, puwede ba tayong magkita? May importante akong sasabihin sa ‘yo.”

    Kumunot ang noo ko at ini-start na ang engine. “If it is just about Shane, I have no time to talk to you.”

    “Yes, this is about her but I’m sure na gugustuhin mong malaman ito para sa hustisya.”

    Hustisya?

    Wala nang tanong-tanong at sinabihan ko siyang i-text na sa ‘kin ang location kung saan kami magkikita.

    Sana nga importante talaga ang sasabihin niya.

    Pinuntahan ko ang location na ibinigay niya. Malapit lang kaya nakarating agad ako. Nasa loob siya ng isang restaurant.

    “Bryan.” Tumayo agad siya nang nakarating ako sa table niya. “Buti dumating ka.”

    Umupo ako at bumalik din siya sa pagkakaupo.

    “Ano’ng sasabihin mo?”

    May kinuha siya sa bag niya. Tuningin lang ako sa paligid habang hinihintay siya.

    “Kunin mo ‘to, Bry.”

    Napatitig ako sa isang naka-seal na flash drive na nilapag niya sa table. Nagtatanong ko siyang tiningnan.

    “Para saan ‘yan?”

    Tumukod siya sa lamesa para mas mapalapit sa ‘kin.

    “Diyan mo mapapanood kung sinong sumagasa noon kay Cassandra. Makikilala n’yo na kung sinong dahilan ng pagkakunan niya.”

    Napaayos ako bigla ng upo dahil sa sinabi niya. Kinuha ko ang flash drive at tinitigan ito.

    Ang ibig niya bang sabihin ay ebidensya ito sa nangyari? Pero bakit sa kaniya nanggaling ‘to? Anong kinalaman ni Kristina rito?

    Biglang pumasok sa isip ko si Shane…

    Sinulyapan ko ulit si Kristina na nakayuko na ngayon at pinaglalaruan ang kamay niya.

    “Puwede bang sabihin mo na lang sa ‘kin kung sinong makikita ko rito at anong laman nito? Tsaka bakit ikaw pa ang nagbibigay nito sa ‘kin?” sunod-sunod kong tanong. Napalabi naman siya. “Tell me, may kinalaman ba si Shane rito? You are her bestfriend—”

    “Correction, ex-bestfriend,” putol niya sa sinasabi ko na ikinakunot ng noo ko. “Tinapos ko na ang pagkakaibigan namin.”

    “B-Bakit?” naguguluhan kong tanong dahil alam kong sila lang ang pinakamalapit na magkaibigan.

    Magkasama nga silang umalis noon ng bansa para sa mga career nila.

    “I don't have to tell you any more stories. I only know one thing, she betrayed me when we were in Canada. She was one of the reason for some of my career failures,” she answered emphatically.

    Wala akong ibang sagot kun’di isang tango. Hindi na ako nagtanong pa at ibinulsa na agad ang flash drive. Tumayo kami pareho at nagtanguan.

    “Bryan, I’m sorry kung ngayon ko lang binigay ‘yan. Nakokonsensya na rin ako kaya inilabas ko na ‘yan. Ikaw na ang bahala, umaasa akong hindi ako madadamay sa kaso.”

    Tumango-tango ako pero dahil sa sinasabi niya, mas lumalakas ang kutob kong si Shane nga ang nasa likod ng nangyari.

    “I can’t promise that, Kristina. Ikaw ang magiging witness sa kaso,” sagot ko.

    Napabuntong-hininga siya. “Okay, sige. Papayag naman ako.”

    “Salamat, Kristina.”

    Nagpaalam na kami sa isa’t isa. Umuwi ako sa bahay para isaksak ‘tong flash drive sa laptop ko.

    Dinala ko ang laptop sa living room at doon umupo. Hindi matigil sa pagtaas-baba ang isang paa ko habang binubuksan ang files sa flash drive.

    Isang folder lang ang laman nito. Pagka-click ko ro’n, isa lang din ang laman ng folder.

    Video…

    Dashcam record ang nakapangalan dito.

    Pinindot ko na agad para mapanood ang laman nito.

    Dashcam record nga ito dahil sa harapan ng sasakyan ay nandoon sina Shane at Kristina, nag-uusap hanggang sa ibinigay ni Kristina kay Shane ang isang susi.

    Umikot si Shane para sumakay sa sasakyan. Ini-skip ko ang record ng byahe niya hanggang sa pagpasok niya sa isang village… ang village namin.

    Salubong na salubong ang mga kilay ko habang pinapanood ang pagtigil ng sasakyan sa gilid at paglapit ng isang palaboy na bata.

    “Gusto mo ba ng pera?” rinig kong tanong ni Shane.

    “Opo, ate!”

    “Okay, nakikita mo ba ang babaeng ‘yon?”

    Sa record na ‘to ay nakita ko si Cass sa tapat ng bahay namin. Bumaba siya mula sa sasakyan ni Frenz.

    “Lapitan mo siya at manghingi ka ng pagkain sa kaniya.”

    “At bibigyan mo po ako ng pera?”

    “Oo, ito na agad-agad. Bilis!”

    “Wow, salamat po! Gagawin ko po!”

    At tumakbo na nga ang bata papunta kay Cass. Umawang tuloy ang bibig ko habang nanonood. Kumuyom na lang ang kamao ko nang nagsimulang umandar ulit ang sasakyan no’ng tumatawid na sina Cass at ang bata.

    Gumilid pa ito para matamaan si Cass!

    “Damn!” malakas akong napamura at pabagsak na isinandal ang likod.

    Nautusan niya pala ang batang ‘yon! Plano niya talagang banggain si Cass!

    Fuck, Shane, hindi na talaga kita kilala.

Continue Reading

You'll Also Like

20K 72 1
(To be published under Good Samarites Bookshop) "When you know your worth, no one can make you feel worthless, baby." Pierce Azier F. Del Marcelo Sa...
93.2K 4K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
47.5K 3.4K 54
A Beautiful Disaster is both an adult romantic novel and a slice of life experiences that revolves around the passionate and tumultuous relationship...
2K 73 22
COMPLETED General Fiction Under PaperInk Imprints Collaboration Monitored by The Project Finish Wife Series Collab House How far can Cindy Arizala-Vi...