Chapter 14

31K 486 27
                                    

    — Cassandra —

    “Fuck you, Bryan.”

    Tiningnan ko nang masama si Bryan pagkagising na pagkagising ko. Hubo’t hubad kami sa ilalim ng kumot. Nakayakap pa nga sa ‘kin ang isa niyang kamay na sinubukan kong tanggalin at doon siya nagising. Dahan-dahan siyang dumilat kaya umiwas ako ng tingin. Humigpit ang yakap niya sa ‘kin habang umaayos siya ng higa.

    “Hon?” tawag niya pero hindi ko siya pinansin.

    Hindi ko alam kung alam niya ba ang ginawa niya kagabi. Lasing lang siya last night pero masakit pa rin sa parte ko.

    Ang hirap makipagtalik kapag may kabit ng asawa kang iniisip.

    Kumunot ang noo ko nang itaas niya ang kumot. Tiningnan ko siya pero sinisilip niya na ngayon ang katawan namin. Bigla siyang napaupo at tumingin sa ‘kin.

    “What happened?” he asked.

    Bahagya rin akong umupo at sumandal sa headboard. Mahigpit kong hinawakan ang kumot na tumatakip sa ‘kin habang si Bryan ay nakatitig pa rin at naghihintay ng sagot ko.

    Kinunotan ko siya ng kilay. “Ano sa tingin mo?”

    Napalunok siya at yumuko. “D-Did I hurt you?” nauutal na tanong niya at akmang hahawakan pa ako pero tinabig ko lang ang kamay niya. Napasinghap siya. “Nasaktan ba kita habang lasing ako? Look, I'm sorry.”

    Always naman, Bryan.

    Gusto ko siyang sumbatan tungkol sa mga pinagsasasabi niya kagabi na she left at sa ginawa niya sa ‘kin. Kahit na mag-asawa kami, napilit pa rin ako, pero walang lumabas na salita mula sa ‘kin. Napasinghap lang din ako at yumuko.

    “Hon.” Huminga ako nang malalim nang mas lapitan niya ako. “I’m sorry...” Hindi ko na siya napigilan nang hawakan niya ng dalawang kamay ang mukha ko at pinaharap sa kaniya.

    “Wala na bang iba?” seryosong tanong ko at tinapatan ang pakikipagtitigan niya.

    Napailing siya at bigla na lang akong hinatak para mayakap niya. Hindi ako nakagalaw sa ginawa niya, hindi ko maintindihan ang naging reaction ko pero isa lang ang alam ko…

    Yakap niya pa rin talaga ang pinakagusto ko sa lahat.

    Napapikit na lang ako dahil para akong maiiyak sa ginagawa niya. Alam kong may babae siya pero ganito pa rin ang ginagawa at pinapakita niya sa ‘kin. Para saan pa ba ‘to? Para paikutin ako at hindi na siya paghinalaan pa?

    Paano na, Bryan? Paano na kapag nakasiguro akong may babae ka nga?

    “Sorry for everything. Sorry sa lahat ng nagawa at naiparamdam ko sa ‘yo,” mahinang sabi niya habang mahigpit pa rin ang yakap. “I’m so sorry. Hindi ko sinasadya ‘yung kagabi. Hindi ko sinasadya ‘yung nangyari, please, sorry. Alam kong hindi pa tayo maayos pero nagawa ko ‘yan, I'm sorry.”

    Nakagat ko nang mariin ang labi ko habang sunod-sunod na nagbagsakan ang mga luha. Hindi ko na napigilang mapahikbi at doon ko naramdamang mas humihigpit ang yakap niya sa ‘kin.

    Gusto kong magalit at sigawan siya para sa lahat. Gusto ko siyang saktan pero para akong pinipigilan ng ginagawa niya.

    Alam ko sa sarili ko na hindi ako handang mawala siya sa ‘kin. Hindi ko kayang magkahiwalay kami.

    “M-Mahal mo pa ba ako?” nahihirapan at umiiyak na tanong ko. Hindi agad siya nakasagot kaya bahagya kong nakagat ang balikat niya dahil sa matinding pag-iyak. “Mahal mo pa ba ako, Bryan?”

I'm His Wife (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum