Chapter 7

30.4K 536 41
                                    

    — Cassandra —


    “May babae ka ba? Nambababae ka ba, Bryan?”

    Napahilamos sa mukha si Bryan habang pareho kaming nakatayo sa gitna ng living room. Nasa gilid niya lang ako at hindi ko talaga maiwasang magtanong na naman.

    “Si Shane ba ang babae mo?” panibagong tanong ko nang hindi siya sumagot.

    Napahagod siya sa buhok niya at tinalikuran ako. “Cassandra, will you please stop this? Wala akong babae!”

    Napapitlag ako matapos niyang sumigaw. Napapikit na lang ako dahil doon. Nasigawan na ‘ko pero ayoko pa ring tumigil.

    “Bryan, pakiramdam ko niloloko mo ako!”

    Ang pinakamahirap sa lahat, ang maramdaman mong niloloko ka ng mahal mo pero wala kang ebidensya.

    Nakita ko na ang paglabas ng mga bakat ng ugat niya sa leeg. Alam kong nagpipigil lang siya sa ‘kin. Nakipagtitigan ako sa kaniya no’ng titigan niya rin ako. Pumikit muna siya nang mariin at sinilip ang wrist watch niya. Kanina ko pa siya tinatanong no’ng nagre-ready pa lang siya sa pagpasok. Hindi kasi talaga ako naniniwala sa kaniya kahapon.

    “Hindi kita niloloko, hindi ako nambababae. Nagtatrabaho lang ako para sa pamilyang ‘to, Cass.” Tumahimik ako no’ng sumeryoso na talaga siya habang matalim na nakatitig sa ‘kin. He tsked before pinching the bridge of his nose. “Talaga bang ipipilit mo sa ‘kin na nambababae ako? Gusto mo bang gawin ko talaga, ha—”

    Nasampal ko siya nang wala sa oras.

    Bumaling ang mukha niya sa kaliwa pero agad ding ibinalik ang tingin sa ‘kin. Nawala na ang matalim niyang titig pero nandoon pa rin ang pagkadisgusto niya sa nangyayari.

    “Fuck you, Bryan! Fuck you!” Hahampasin ko pa sana siya pero hinuli niya ang dalawang kamay ko. “How could you fucking say that?” mahinang tanong ko habang naluluhang nakatingala sa kaniya. “Hindi mo alam kung gaano kahirap sa ‘kin na maramdaman ‘to, na pakiramdam ko'y may iba kang babae!”

    Tuluyang tumulo ang luha ko. Doon ko naramdaman ang pagluwag ng hawak niya kaya naging malaya akong hampas-hampasin siya.

    “I-I’m sorry, hon.”

    Napatigil ako at hinawakan niya na rin muli ang mga kamay ko. Malumanay niya ‘kong tiningnan. Pinigilan ko namang humikbi habang hinihintay ang sasabihin niya. Yumuko na lang ako at binawi na ang kamay ko mula sa kaniya no’ng hindi na siya nagsalita pa. Tinalikuran ko siya para makaalis na rin.

    “Sorry kung ganiyan ang nararamdaman mo, hon. But I’m telling you the truth. I just want you to believe me.”

    Napayuko ako habang nakatalikod pa rin. Tumulo na naman ang luha ko pero sinubukan kong hindi ipahalata sa kaniya ‘yon. Ang sakit lang na parang nahihirapan na talaga akong maniwala. Gustuhin ko mang paniwalaan siya, parang hindi ko na kaya.

    He gave me many reasons to make me feel this.

    Umayos ako ng tayo at tumango na lang. “Umalis ka na.”

    Wala na akong narinig na salita mula sa kaniya, narinig ko na lang ang pagbukas ng pinto at pagpasok ng liwanag dito sa loob. Napaupo ako sa sofa at humawak sa tiyan ko.

    “Ma’am? Tahan na po, hindi po maganda ‘yan para sa inyo ng baby mo po.”

    Napatingala ako at tumingin kay Ana. Malungkot niya ‘kong tiningnan na ikinasinghap ko. Tumango lang ako sa kaniya at humawak na lang sa sentido ko habang nakayuko. Mayamaya, nakita ko na ang mga paa niya sa harap ko at ang baso ng tubig na inaabot niya sa ‘kin.

I'm His Wife (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now