Chapter 5

29.8K 527 42
                                    

    — Cassandra —

    Kumatok ako sa kuwartong tinulugan ni Bryan kagabi. Ilang beses akong kumatok pero walang sumasagot o nagbubukas man lang. May naririnig naman akong kumikilos sa loob kaya siguradong gising na siya dahil may pasok din siya.

    “B-Bryan, hon?”

    Pinihit ko ang doorknob at bukas naman pala ito. Dahan-dahan kong itinulak ang pinto at sumilip sa loob. I saw Bryan wearing his polo already. Nakaharap lang siya sa salamin at hindi man lang ako nilingon. Huminga muna ako nang malalim at nakagat pa ang sariling labi. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kaniya at niyakap siya mula sa likod. Natigilan siya sa ginagawa niya at napahawak sa kamay ko pero hinigpitan ko ang yakap.

    “I’m sorry,” I whispered. “Sorry, hon. Na-stress lang din siguro ako kahapon dahil nanggaling pa ‘ko kina mom. Naninibago rin ako sa ‘yo dahil hindi ka na tumatawag sa ‘kin para kumustahin ako. Nasanay lang ako sa dati mong ginagawa kaya tanong ako nang tanong kagabi.”

    Napakalas na ‘ko sa yakap ko matapos niyang tanggalin ang pagkakapulupot ng kamay ko. Humarap siya sa ‘kin at hinawakan ang aking mukha.

    Nagtitigan kami at tipid na ngumiti. “Okay na. Sorry din, hon. Sana maintindihan mong magiging busy kami ngayon at sa mga susunod na araw. You have nothing to worry, hon.”

    Napatango-tango ako sa kaniya at ngumiti rin. “Okay, okay, I understand.”

    “Sorry kung nainis ako sa ‘yo kagabi. I was just tired last night.”

    Kinuha ko ang necktie niya at sinuot sa kaniya ‘yon. Hinalikan niya ako pagkatapos niyang makapag-ayos ng sarili.

    “Aalis na ‘ko. Mag-ingat kayo rito ni Ana,” paalam niya at sinabay na ‘ko sa paglabas. “Hindi na ‘ko magb-breakfast dito, hon. May breakfast meeting kami sa office.”

    Tumango ulit ako at tipid na ngumiti. “Keep safe and goodluck.” Ngumiti rin siya at nagpaalam na sa ‘kin.

    “Okay na kayo, ma'am?”

    “Ana!” naisigaw ko ang pangalan ni Ana dahil sa gulat matapos niyang magsalita bigla mula sa likod ko. “Ginugulat mo ‘ko!”

    “Sorry po, ma'am.” Nag-peace sign pa siya at ngumiti.

    Ngumiti ako at naglakad palapit sa kaniya. “Oo, okay na kami.” Hinila ko siya papuntang kitchen.

    “Buti naman po!”

    Kami na naman ni Ana ang sabay na kumain ng breakfast. Siya na rin ang naghugas at ako naman, naupo lang sa living room habang hinihimas ang tiyan ko.

    Napatingin ako sa phone ko nang umilaw ito, may nag-message. Si Angel lang pala, nagtatanong kung may maleta raw ako dahil lilipat na raw siya. Nire-renovate raw kasi ang apartment na tinitirahan niya. Tumayo ako at nagsimulang maglakad paakyat. Titingnan ko sa taas kung meron.

    Nakita ko na ang isang maleta. Actually, kay Bryan ‘to pero saglit lang naman hihiramin ni Angel tsaka hindi pa naman namin gagamitin. Binuksan ko at ch-in-eck ang loob. Hinagod ko ng kamay ang loob at agad na natigilan no’ng may nakapa ako.

    Kumunot ang kilay ko at kinapa pa ito. Inilawan ko na rin at doon ko lang nakita ang isa pang lagayan sa loob na parang malaking bulsa. Hindi siya halata dahil kakulay lang pero nakapa ko agad dahil may laman ‘yon.

    Ipinatong ko ito sa kama. Inilabas ko ang laman ng lagayan sa loob ng maleta.

    “Pictures?” takang tanong ko matapos makita ang mga laman pero nakatalikod pa ang mga ‘to.

I'm His Wife (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now