Chapter 12

29.3K 490 18
                                    

    — Cassandra —

    “Puwede ka bang ma-invite mag-lunch mamaya?”

    Natigilan ako sa tanong ni Real at natahimik. Pumunta siya rito sa office ko para lang itanong ‘yan?

    “I’m sorry, sir. Sabay kaming magla-lunch ng asawa ko.” I emphasized the last two words.

    Nawala ang ngiti niya at natahimik. He tapped his two fingers alternately on the table while looking at me. He nodded twice without saying anything. Nahihirapan akong huminga dahil sa mga nagiging reaction niya.

    Ang hirap huminga kapag nasa malapit lang siya.

    “May kailangan ka pa, sir?”

    Natawa siya nang mahina at inilibot ang paningin sa opisina ko. “Atat ka na bang umalis ako?”

    “O— Hindi naman.”

    Napaiwas ako ng tingin dahil muntik ko pang masabi ang totoo kong sagot.

    “I have this feeling na ayaw mo sa ‘kin.”

    Napaayos ako ng upo dahil bigla siyang nagseryoso. Napakamot ako sa leeg ko at kumapa ng mga salitang sasabihin.

    Paano ko naman siya hindi aayawan? Parang laging may ibang meaning ang mga titig niya. Kapag babae ka, ma-fi-feel mo naman talaga ang pinapakitang motibo ng isang lalaki sa ‘yo o baka ganito lang talaga siya sa lahat ng tao?

    “Gusto ko lang makipagkaibigan,” mahinang sabi niya. Ngumiti siya nang tipid at tumikhim. “Hindi ba puwede ‘yon? Bawal ba, Cassandra?”

    Alanganin akong ngumiti sa kaniya. “P-Puwede naman.”

    “Good!” Pumitik pa siya sa hangin. “Kung wala ka lang asawa, hindi lang kaibigan ang gugustuhin ko.”

    Napanganga ako sa sunod niyang sinabi at hindi nakasagot. Nakangiti lang siya sa ‘kin na parang natutuwa pa sa naging reaction ko. Hindi na ako nahiyang ipakita sa kaniya ang ginawa kong paghilot sa sentido ko.

    Masisiraan yata ako ng ulo sa sobrang straight to the point ng taong ‘to.

    “Cassandra.”

    Muntik na ‘kong mahulog sa kinauupuan ko sa sobrang gulat matapos marinig ang boses ni Bryan sa labas ng pinto. Nagpasalit-salit ang tingin ko kay Real at sa pintong anumang oras ay bubukas at iluluwa si Bryan.

    What a shit.

    Napatayo ako nang pumasok na nga siya. Bumuka ang bibig niya para magsalita sana pero agad nalipat ang paningin kay Real. Tiningnan ko rin ito at napapikit na lang ako dahil sa ‘kin pa rin siya nakatingin kahit nandito na ang asawa ko.

    “Mr. Real,” tanging bati ni Bryan pero magkasalubong ang kilay. Mabagal siyang naglakad palapit at tumayo sa tabi ko. “Did I disturb you? May importante ba kayong pinag-uusapan?”

    Napamaang na lang ako dahil in-emphasize pa talaga ni Bryan ang salitang importante.

    “Actually, oo. Naistorbo mo kami.”

    Napangiwi ako sa sagot ni Real. Tumayo siya. Napatingin tuloy ako kay Bryan na mas nagdikit lang ang dalawang kilay habang gumagalaw ang panga.

    “But it’s okay, aalis na rin ako.”

    Dapat lang.

    “Bakit? Ano ba’ng pinag-uusapan n’yo?” pangungusisa pa ni Bryan. Hinawakan ko tuloy ang braso niya pero hindi niya ako pinansin.

I'm His Wife (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now