Chapter 11

30.3K 539 56
                                    

    — Cassandra —

    “Gusto kong magtrabaho ulit”

    Biglang napalingon si Bryan habang nagluluto siya at nakaupo lang ako sa lamesa.

    “Ano?” tanong niya na para bang may mali sa sinabi ko. “Bakit pa? Malaki naman na ang sahod ko, kaya ko nang mag-isa ‘to.”

    Kumunot lang ang noo ko at hindi inalis ang tingin sa kaniya. “I know pero gusto ko namang may magawa, Bry. Atleast sa company, magkasama pa tayong dalawa, right?”

    Napalabi siya at umiwas ng tingin, namewang, at ibinalik ang atensyon sa piniprito niya. Sinilip ko ang mukha niya mula sa kinauupuan ko.

    “Bakit? Ayaw mo ba? Kung ayaw mo, ba’t naman?” Pinagmasdan ko ang kilos niya.

    Ayaw mo ba dahil baka mahuli ko kayo ni Shane sa opisina?

    Hindi ko pa rin nakakalimutan ‘yon. Oo, naging sweet ulit si Bryan pero hindi pa rin mawawala sa ‘kin ‘tong pagdududa hangga’t hindi ko pa nasisiguradong hindi niya nga ako niloloko.

    “No, I’m just worried. Kaya na ba ng katawan mong magtrabaho? Y’know, kakakunan mo lang.”

    Ngumuso ako at sumandal muna. “Kaya ko na.”

    Matagal bago siya sumagot kaya hindi ko na naman maiwasang mag-isip. Siguro, laging pumupunta si Shane doon, ’no?

    Mahuli lang talaga kita, Bryan.

    Well, pareho naman na kami ni Angel na papasok sa kompanya kaya hindi na makakapunta si Shane roon, sigurado. Pero huhulihin ko pa rin sila.

    “Okay, if that’s what you want,” pagpayag niya.

    Kumunot lang ang noo ko dahil parang hindi na siya makatingin sa ‘kin. Medyo bumagal na rin ang pagkilos niya kaya sinabi kong kanina pa ‘ko nagugutom para bilisan niya ang pags-serve. Nag-sorry siya at tahimik na hinanda ang hapag-kainan.

    “Start ko na ngayon, sabay tayong pumasok?”

    Natigilan siya sa pagkain at napatingin na naman sa ‘kin. “Ngayon? Agad?”

    Tumaas ang kilay ko. “Oo, bakit?”

    Mabilis siyang umiling at tumikhim. “Wala naman. Sige, sabay na tayo mamaya.”

    Tumango na lang ako at kumain na. Tina-try kong kausap-usapin si Bryan pero mukhang malalim na ang iniisip niya at hindi  makasagot nang maayos. Napatitig na lang ako sa pagkain ko at bumuntong-hininga.

    Hindi pa ako tuluyang nakaka-recover sa pagkakunan ko at hinding hindi ko gugustuhing masaktan na naman ngayon kapag nalaman kong may babae nga siya. Ngayon pa lang na nakikita ko siyang parang aligaga dahil sa balitang papasok na ulit ako sa kompanya, nasasaktan na ako. Nasasaktan na akong isipin minu-minuto na napakaraming tinatago ng asawa ko sa akin.

    Sabay kaming naghanda ni Bryan sa pagpasok. Nagkasya pa naman sa ‘kin ang mga office attire na ginagamit ko noon kaya ayun pa rin ang ginamit ko. Inayos ko muli ang necktie niya.

    “Siguradong makakatrabaho natin si Real.”

    Napatingin ako kay Bryan no’ng bigla siyang nagsalita habang nagda-drive.

    “Huwag kang masyadong lumapit sa kaniya,” bilin niya na ikinataas ng kilay ko.

    “Bakit naman?” pangungusisa ko.

    Huminga siya nang malalim. “Basta, huwag kang lumapit-lapit do’n.”

    “Hindi naman maiiwasan ‘yon since nasa iisang kompanya lang tayo.” Mas tinitigan ko siya no’ng may naisip ako. “Kapag sinabi ko rin ba’ng huwag ka nang lumapit at makipagkita kay Shane, gagawin mo?”

I'm His Wife (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora