Chapter 3

29.9K 528 44
                                    

    — Cassandra —

    Tahimik ko lang na pinapanood si Bryan na nagbibihis sa harapan ko ng office attire niya. Seryoso lang siyang nag-aayos ng sarili at napapatingin din sa ‘kin.

    “Ano ba talagang problema? You don't talk much these past few days,” mahinahong tanong ko na ikinatigil niya sa pagta-tuck-in.

    Umiling siya at umiwas ng tingin. “Wala. I'm just tired and marami akong iniisip sa trabaho.” Tumaas lang ang kilay ko sa sagot niya.

    Tumayo ako at kinuha ang necktie. Tahimik akong lumapit sa kaniya at ikinabit ‘yon. Hinayaan niya lang ako. Napabuntong-hininga na lang ako habang nakatitig sa necktie na itinatali ko sa kaniya. Pakiramdam ko kasi’y may mali talaga. Hindi lang siguro ako sanay.

    Hindi niya na ‘ko masyadong kinakausap, e. Minsan, nakatulala lang siya at gusto niya laging mapag-isa.

    “I have to go, hon. Take care here,” paalam niya bago humalik sa pisngi ko.

    Hindi na ‘ko nakasagot at sinundan lang siya ng tingin nang kuhain na niya ang bag niya at lumabas ng kuwarto.

    Napapikit na lang ako at humawak sa tiyan ko. Bumalik ako sa kama dahil parang ayoko munang kumilos-kilos ngayon. Tinawagan ko si Angel para may mapagsabihan naman ako ng mga naiisip ko. Mababaliw yata ako kakaisip kay Bryan at sa inaakto niya these past few days.

    “Ba’t ka napatawag?” tanong agad ni Angel.

    “Busy ka ba?”

    “Hindi naman, bakit?”

    “Bryan was acting so strange. I don't know why,” pagsisimula kong magkuwento at napabuntong-hininga na lang ulit.

    “E ikaw? Ano sa tingin mo kung bakit?”

    Napaisip naman ako sa tanong niya. Inalala ko ang mga nangyari kung ano nga ba sa mga ro’n ang puwedeng dahilan kung bakit parang malalim lagi ang iniisip ng asawa ko.

    “Hindi kaya dahil doon sa nakita niya no’ng nakaraan sa Super Market?” mahinang tanong ko nang maalala ko ang paghahabol at pagmamadali ni Bryan noon no’ng nakita niya ang sinasabi niyang kakilala niya lang.

    “What about that?”

    “No’ng nakaraan kasi, may nakita siya at hinabol na kakilala raw pero hindi naman niya yata naabutan.” Napasandal ako sa headboard at tumingin sa bintana. “Curious talaga ako kung sino ‘yon kasi ayaw niyang sabihin sa ‘kin.”

    “Baka naman kakilala niya from the past?”

    Napaisip na naman ako sa sinabi niya at tumango na lang. Kung gano’n, sino nga siya? At kung siya nga ang dahilan, bakit parang nagugulo niya ang isipan ni Bryan?

    Bryan is so unfair. Bakit hindi niya sabihin sa ‘kin ang mga pinoproblema niya? I'm his wife for Pete's sake.

    “Alam mo, Cass, huwag mo na lang isipin ‘yon. Malay mo, stress lang si Bryan sa trabaho, ‘di ba?” Napatango-tango ako at huminga nang malalim. “At hindi magandang ma-stress ka rin. That's not good for your baby, for the both of you.”

    “You are right. Thank you, Angel. Tatawagan na lang ulit kita.”

    “Sure. Ingat ka diyan.”

    “Likewise.”

    Gaya ng sabi ni Angel, hindi ko na nga muna inisip ang mga nangyayari. Siguradong babalik din agad sa dati si Bryan. Sinabi rin naman niya na marami siyang iniisip sa trabaho kaya ayun ang paniniwalaan ko.

I'm His Wife (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now