Chapter 22

34.7K 637 226
                                    

    — Bryan —

    “Frenz, alam mo ba kung nasaan si Cass?” Hinarang ko si Frenz para itanong ‘yon. Nakasalubong ko siya rito sa parking lot ng company.

    Kinamot niya ang noo niya at umiling. “No. Hindi pa kami nagkakausap. Ano ba’ng nangyari?”

    Tinitigan ko lang siya. Mabilis naman siyang umiwas ng tingin. Nagtiim bagang ako bago tumabi para padaanin siya. Hindi ko na sinagot ang tanong niya at iniwan na siya ro’n.

    I don’t believe him. Sigurado akong sila ni Angel ang unang pupuntahan at hihingian ng tulong ni Cass. Almost two weeks ko na siyang hindi nakikita, kailangan na namin magkausap.

    Sumakay ako sa kotse ko at tinanaw ang sasakyan ni Frenz. Hinintay kong mauna siyang umalis. Sumunod agad ako nang palabas na ang sasakyan niya.

    Sinundan ko siya at habang tumatagal, nagiging familiar ang dinadaanan namin. Papunta ito sa dati niyang condominium.

    Baka doon niya tinatago si Cass…

    Alam ko naman ang condo unit niya kaya pinauna ko na siya. Pinalipas ko ang ilang minuto bago pumasok at umakyat sa loob.

    Sana makita ko na ang asawa ko rito.

    Kumatok ako nang malakas sa pinto ng unit niya. Bumukas ang pinto. Inaasahan ko na si Frenz ‘yon pero si Angel ang lumabas kaya mas lalong lumakas ang kutob ko na nandito si Cass.

    Nagngangalit agad ang mga mata niya at tinulak pa ako sa balikat. “Hoy, gago kang cheater ka! Ano’ng ginagawa mo rito, ha?”

    Sumilip ako sa loob pero wala akong ibang nakita. “Nandiyan ba si Cass? Ilabas n’yo siya. Mag-uusap kami—”

    “Wala siya rito, tanga!” Nakasigaw na naman siya.

    “Angel, puwede ba? I’m here to talk to her. Hindi ikaw ang gusto kong kausap.”

    Umawang ang bibig niya at sinamaan ako ng tingin. “Gago ka talaga, ‘no? Bakit, dahil aawayin kita? Aba, dapat lang kasi ginago mo ang kaibigan ko!” Dinuro niya pa ‘ko.

    “Angel, bakit ang ingay mo? Sino ba ‘yan?” Si Frenz ‘yon. Sumunod siya rito at nakita ako. “Bryan? What are you doing here?”

    Humawak si Angel kay Frenz habang nakatingin sa ‘kin. “Frenz, pigilan mo ‘ko, masasapak ko ‘to!”

    Napabuntong-hininga na lang ako kay Angel. Naiintindihan kong nagagalit siya pero wala akong panahon para sa kaniya.

    “Alam kong nandiyan sa loob si Cass, ilabas n’yo siya, Frenz.” Sumilip ulit ako sa loob. “Frenz, ilabas n’yo si Cass!”

    “Wala siya rito. Tsaka huwag ka ngang maingay, nakakaistorbo ka ng ibang tao,” mariing sagot ni Angel. “Tsaka sa tingin mo ba, gugustuhin ka pang makita ni Cass? Hindi na, bobo!”

    Napapikit na lang ako nang mariin. “Then nasaan siya? Nasaan si Cass, ha? Saan n’yo siya dinala? Saan na siya nakatira? Where’s my wife?” Nagkatinginan lang sila at hindi sumagot. “Ang sabi ko, nasaan si Cassandra? Ipakita n’yo siya sa ‘kin, sabihin n’yo kung nasa’n siya.” I almost shout.

    “Bingi ka ba? Wala nga sabi siya rito,” inis na ring sagot ni Angel. Napapitlag naman siya nang hampasin ko ang pinto.

    “Nasa’n nga siya? I want to see her! I want to apologize, I want to ask for forgiveness, I w-want to be with her again! Let me talk to my wife, please?”

    Sa loob ng dalawang linggong hindi ko siya nakikita at nakakasama, talagang hinahanap-hanap ko siya. Nami-miss ko siya, oo! Gabi-gabi ko na lang sinsisi ang sarili ko kung bakit siya nawala sa piling ko dahil kasalanan ko naman talaga!

I'm His Wife (PUBLISHED UNDER TBC PUBLICATIONS)Where stories live. Discover now