Spirits

By Slylxymndr

450K 22.7K 1.6K

Kapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit for... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
Announcement
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Part 2 Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
Announcement!!
27
28
29
30
31
32
34
35
36
37
38
39
40
41
42
New Story Teaser
43
44
:)

33

5K 325 74
By Slylxymndr

"Kid? Sinong Kid?" Sabi ni Shin Feng kay Val. Agad na inutusan ni Shin Feng ang isang gwardya para hanapin si Kid.

"Hoy ikaw! Hanapin mo ang apprentice ng magaling na doktor na ito!" Aniya.

Ngunit bago pa nakakilos ang gwardya ay bigla nang nagaalita si Master Val. "Hindi nyo na siya kailangang hanapin. Nandito  na siya. Ngunit hindi ninyo pinapasok kanina."

Nagtaka si Shin Feng sa tinutukoy ni Val ngunit halata sa mukha ng gwardyang humarang sa dalawang kabataan kanina ang pagkagulat.

"A-ako na po ang magdadala sa kanila rito." Kabadong sabi nito sa kanyang amo. Natatakot siya na baka pag nalanan ni Shin Feng na siya ang humarang sa apprentice ng doktor  nanasa kanilang harapan ay bigla nalang siyang saktan nito. Kumaripas siya ng takbo papunta sa kwarto ng dalawa.

Hindi naman maalis ang gulat at pagtataka sa mukha ni Lin Dong.

"Ngayon lang kita nakita dito. Saan kang galing na bayan?" Aniya.

Napalingon si Master Val sa kanya at ngumiti. "Hindi na mahalaga kung saan ako nanggaling na lupain. Ang mahalaga ngayon ay mailigtas ang buhay ng dalagang iyan dahil kaunting oras nalang ang nalalabi sa kanya bago maglaho sa mundong ito." Aniya.

Nilingon muli ni Master Val ang dalaga at muling hinawakan ang kanyang pulsuhan sa kamay.

"Nagiging normal na ang tibok ng dibdib niya." Habang sinusuri pa niya ang ibang mga kailangan niyang malaman ay nagtanong muli si Lin Dong.

"Teka, ikaw ang master ni Kid? Ang kaibigan ni Scarlet?!" Medyo gulat na tanong nito.

"Oo." Simpleng sagot ni Master Val.

Nagulat si Lin Dong sa sinabi ni Master Val. Bago kasi siya makapasok sa loob ng manor ay nasabi ni Kid ang tungkol sa paggamot niya sa dalagang may sakit. Bilang isang magaling na doktor na nakikinig sa isang binatang baguhan sa medisina, ipinagsalawang bahala lang niya ang sinabi ng binata at hindi na masyadong inisip.

Ngunit nang makita niya si Val, at nalaman na ang nagturo kay Kid sa pagmemedisina ay siya, nag iba ang tingin nito kay Kid.

"Mukhang hindi nga dapat ako nanghuhusga kaagad agad." Aniya.

Naalala niya, nang matagpuan niya ang katawan ni Scarlet na punong puno ng sugat sa kagubatan, nagulat siya sa tibay ng atawan nito. Hindi normal ang katawan ni scarlet kunpara sa mga cultivators sa mundo nila.

Nang gumaling si scarlet ay dokn na naikwento nito sa kanya ang tungkol sa pagpasok nila sa portal. Naikwento rin ni Scarlet ang tungkol sa kanyang tatlo pang kasama na pumasok sa loob ngunit nagkahiwa hiwalay sila.

Nang makita ni Scarlet si Kid sa daan ay nagtaka ito dahil sa loob ng maraming araw na lumipas ay unang beses palang niyang nakita si Scarlet na may kinausap na ibang tao bukod sa kanya.

Bigla niyang napag isip isip, "ibig sabihin, kasama si Kid at si Val na nakapasok sa portal at nakarating dito?!" Aniya.

Ngunit bago pa niya maitanong kay Val ang nangyari ay bigla nang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang binata.

Si Kid.

"Kid!" Sabi ni Master Val.

"Master!" Gulat na sabi ni Kid. Hindi siya makapaniwala na nandito pala ang kanyang master at nauna pang nakapasok kesa sa kanya.

"Osya, simulan mo nang gamutin ang isang iyan." Kaswal lang na sabi ni Master Val. Nagulat ang lahat sa narinig nila. Sa gulat ni Shin Feng ay hindi na niya napigilang magsalita.

"T-teka, diba dapat ikaw ang maggagamot sa anak ko, bakit mo ipapasa sa tinuturuan mo?!" Aniya.

"Diba ang sabi ko kanina ay hindi ako ang magpapagaling sa anak mo, binigyan ko lang ng oaunang lunas ang anak mo pero hindi pa naaalis ang sakit niya. Ipapaubaya ko sa aking estudyante ang pagpaagaling ng anak mo." Sabi ni Master Val.

"Paano kapag nagkamali ang estudyante mo! Paano ang anak ko!" Kabadong sabi ni shin Feng.

Biglang natigilan si Shin Feng nang magsalita si Kid. "Huwag po kayong mag alala. Kaya ko pong pagalingin ang anak ninyo." Aniya at ngumiti sa may ari ng Manor.

Kinakabahan man si Shin Feng ngunit nang makita ang mukha ni Kid na punong puno ng dedikasyon at determinasyon, bahagya itong nabawasan.

"O-osya! Pagalingin mo ang anak ko! Pero tandaan ninyong dalawa, kapag may maling nangyati sa aking anak, makakaasa kayo na hindi nyo na makikita ng bukas." Matigas na sabi ni shin Feng.

Ngumiti lang si Master Val at tumingin kay Kid. Tumingin rin si Kid sa kanyang master at tumango ito.

Agad na kumilos si Kid papunta sa pwesto ng prinsesa. Inangat nito ang mahabang manggas na nakaharang sa makinis na balat ng dalaga.

Tumambad kay Kid ang mapulang balat ng dalaga. May pagkamansanas ang pila nito at naglalabas ng mainit na temperatura.

"Tsk!" Napasinghal si Kid sa nakita. "Medyo malala na ang sakit ng prinsesa." Aniya.

"Maaari po ba akong makahingi ng isang malaking palanggana na may malamig na tubig? Salamat." Aniya kay Shin Feng na agad ipinasa sa isang gwardya. Ikinumpas nito ang kamay hudyat para kumuha ng isang palangganang may malamig na tubig.

Ilang sandali pa ay dumating na ang palanggana. Hanggang tuhod ang lalim nito at kasyaang dalawang tao sa loob nito. Dahan dahang inangat ni Kid ang katawan ng dalaga para subukang tanggalin ang saplot nito.

Nang makita ni Shin Feng ang ginagawa ni Kid, napatalon ito sa galit.

"Hoy bata! Anong ginagawa mo sa anak ko! Bastos kaaa!!!" Akma na niyang susugudin si Kid nang biglang humarang si Lin Dong.

"Hayaan mo siya." Aniya.

Hindi naman maipinta ang mukha ni Shin Feng nang makita ang ginagawa sa kanyang anak.

"Bastos itong binatang ito!" Sigaw nita sa sarili nqng mapansin niya ang mga gwardyang nasa loob ng kwarto na nakatitig sa makinis na balat ng prinsesa.

Biglang nagyanig ang buong kwarto at bumigat ang awra sa loob.

"Lumabas kayong lahat." Simple ngunit nakakatakot na sabi ni Shin Feng sa mga gwardyang nasa loob.

Bigla namang kumabog ang mga dibdib nila sa kaba at kumaripas sa paglabas ng kwarto.

Ang mga natira sa loob ay sila Kid, Master Val, Lin Dong, Harold, si Shin Feng at ang kanyang anak.

"Salamat po." Sabi ni Kid kay Shin Feng. Hindi kasi masyadong sanay si Kid na may maraming mga mata na nakatingin sa kanyang ginagawa.

"Bilisna mo na!" Iritadong sabi ni Shin feng. Tumango naman si Kid at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.

Ilang sandali pa ay nasa loob na ng palanggana ang dalaga at nakapwesto ito na parang magmemeditate.

Nagulat si Lin Dong at Harold sa nakitang ginagawa ni Kid.

"Teka, paano niya nalaman ang paraan ng paggagamot na iyan?" Sabay nilang ulong sa kanilang mga sarili.

Hindi naman maintindihan ni Shin Feng ang nasasaksihang pagpapagamot sa kanyang anak ngunit hindi na niya ginambala ang paraan ni Kid para gamutin ang kanyang anak.

Makikita ang dalaga na nakaupo sa loob ng palqnggana na tanging isang manipis na tela nalang ang pinangtatakip sa kanyang dibdib at pribadong parte ng katawan.

Ang malamig na tubig na kanyang kinapupwestuhan ay unti unting umiinit na para bang naipapasa ang temperatura ng babae sa tubig na iyon.

Agad namang naglabas si Kid ng mga halamng gamot at iba pang mga halamang dahon at isa isang inilagay sa umiinit na palanggana.

"Paano nagkaroon ng ganyang karaming halamang gamot ang batang iyan!?!" Gulat na sabi ni Harold nang masaksihan ang ginawa ni Kid. Bilang isang beteranong manggagamot, malaki ang maitutulong ng mga halamang gamot sa isang manggagamot lalu na kapag siya mismo ang nagtatanim ng mga ito.

Mas maraming halamang gamot kang itinanim, mas marami kang sakit na maaaring magamot gamit ang mga halamang iyon.

Pinagmasdang mabuti ni Harold ang kwintas ni Kid at doon niya napag alaman na isa itong storage ring. Biglang nagningning ang mga mata nito at nahayok sa kwintas ni Kid.

"Paano nagkaroon ng storage ring ang isang batang katulad mo!?" Aniya sa sarili. "Alam ba niyang hindi maaaring makahawak ang mga binaatang katulad noya ng isang napakamahalaga at komplikadong gamit na iyon!?"

Bigla siyang nagkaroon ng iideya na kunin ang storage ring kay Kid para mapasakanya ito.

Habang pinagmamasdan ni Lin Dong ang ginagawa ni Kid, bigla niyang napansin na unti unting nawawala ang pagpapula ng dalaga.

Unti unting nawawala ang init nito sa katawan at naipapasa naman ito sa tubig kung saan siya nakapwesto.

Biglang nagkaroon ng ideya si Lin Dong sa halamang inilagay ni Kid kung kaya't nagmadali itong tumakbo papunta sa palanggana at tinignan ang mga halamang nandodoon.

Nagulantang siya nang masaksihan ang isang uri ng halaman na sobrang mahirap mahanap sa Gaia. Ang Frozen Leaf of Aratti.

"K-kid! Saan mo nakuha ang halamang ito!" Sabi ni Lin Dong sabay turo sa isang tangkay na dahon na may kulay bughaw.

Ang Frozen Leaf of Aratti ay usang uri ng halaman na humihigop ng malamig na tubig at malamig na hangin na unti unting naiipon sa loob ng mga dahon nito na nagbibigay ng  bughaw nitong kulay. Mas bughaw ang kulay nito, mas malamig ang katas ng dahon at tangkay na maaaring magdulot ng frost burn sa katawan at sa malalang pagkakataon, maging yelo ang buong kamay at mabasag mismong kamay.

Mahirap itong makuha dahil hindi normal na mahaman ito na mahahanap mo sa mga kagubatan. Hindi rin ito nahahanap sa malalamig at nagyeyelong lugar na akala ng iba aydoon ito mahahanap. Mahahanap lang ito sa mga matataas na puno dahil isa itong parasite plant. Nakikinabang ito sa kapwa halaman. Ang malamig na hangin mula sa itaas na bahagi ng puno at ang mga tubig na nasa katawan ng kanyang host ang kanyang pinanggagalingan ng tubig.

Simpleng sumagot si Kid kay Lin Dong sa pagturo sa pwesto ng kanyang master. "Sa kanya ko nakuha ang halamang ito." Aniya.

Napalingon si Lin Dong sa Pwesto ni Maater Val na puno ng paghanga at bilib.

"Ang isang simpleng doktor na katulad niya ay nagtataglay ng ganiyong uri ng halaman?! Iba siya sa aking inaakala." Sabi ni Lin Dong sa sarili.

Ilang sandali pa ay unti unti nang naalis ang mainit na temperatura sa katawan ng prinsesa at nawala narin ang pagkakulay pula nitong balat.

Agad na humarap si Kid kay Shin Feng at kinausap ito.

"Magaling na ang anak ninyo." Aniya kay Shin Feng.

"Hay! Salamat sa iyo! Utang ko sa i-" pero naputol si Shin Feng sa pagsasalita nang biglang nagsalita si Master Val.

"Pero maaaring bumalik ang kanyang sakit." Sabi nito na ikinagulat ni Shin Feng.

"Bakit!" Nataranta si Shin Feng nang marinig ang balita mula sa dalawa. Ang makita niya ang kanyang anak na muling makaranas ng ganitong sakit ay hondi na niya kayang makita pang muli. "Anong maaari kong gawin para mawala na ng permanente ang sakit niya! Sabihin nyo lang! Ibibigay ko sa inyo ang lahat nahat mapagaling nyo lang ang anak ko!" Pagmamakaawa niya.

Nagkatinginan ang dalawa at nagsalita si Master Val. "Mamaya na natin pag usapan ang tungkol diyan" aniya.

"Maaari ko bang malaman ang cultivation ng anak ninyo pati narin ang mga martial art skills na kanyang inaaral?" Kaswal na tanong ni Kid sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

389K 2.6K 39
Ang mababasa nyo ay kathang isip at gawa gawa ng malilikot na imahenasyon.. may mga scene ako na kinuha sa totoong nangyari. If you are not matured...
109K 11.4K 103
Si Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga...
140K 11.9K 49
[Completed] Sa mahiwagang mundo ng Illunor, kung saan ang mahiwagang enerhiya ng magicules ay ginagamit sa pagpapamalas ng abilidad at mahika, ang ra...
10M 497K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...