The Trouble with the Rule

By iDangs

37.4M 1M 420K

Teen Clash (New Generation): An ordinary school with ordinary students following an ordinary rule. What's the... More

The Trouble with the Rule
Prologue
Chapter 1: New Generation
Chapter 3: The New Girl
Chapter 4: Bring it on
Chapter 5: Another Dilemma
Chapter 6: The Punishment
Chapter 7: Attention seeker
Chapter 8: Deadline
Chapter 9: Vacation
Chapter 10: Complicated
Chapter 11: Fixing things
Chapter 12: I like you
Chapter 13: Creating walls and burning bridges
Chapter 14: Never too late
Chapter 15: Reaching out
Chapter 16: Second, third, fourth, fifth
Chapter 17: Fantastic Four
Chapter 18: Question and Answer
Chapter 19: Hunter the Rebel
Chapter 20: Curiosity
Chapter 21: Matter of timing
Chapter 22: Tamara Sartori
Chapter 23: Spy
Chapter 24: Something new
Chapter 25: Save paper
Chapter 26: Another punishment
Chapter 27: Groupless
Chapter 28: Stay or Quit
Chapter 29: Bestfriend
Chapter 30: Badtrip
Chapter 31: I hate drama
Chapter 32: Internal Battle
Chapter 33: Secret Affair
Chapter 34: Welcome to my life
Chapter 35: Two generations
Chapter 36: Sa ngayon..
Chapter 37: Protective Friends
Chapter 38: Kick out
Chapter 39: A mystery
Chapter 40: Riot
Chapter 41: First aid
Chapter 42: Thank you
Chapter 43: Pikon
Chapter 44: Busted
Chapter 45: Shooting Star
Chapter 46: Best Bestfriend
Chapter 47: Cheesecake
Chapter 48: Weird people
Chapter 49: Tammy
Chapter 50: Hindi ko sinasadya
Chapter 51: Crazy
Chapter 52: Almost perfect guy
Chapter 53: Unsure feelings
Chapter 54: Hunter the Joker
Chapter 55: Turn of events
Chapter 56: Resbak
Chapter 57: Worse
Chapter 58: Prefect of Discipline
Chapter 59: Glue
Chapter 60: Solution
Chapter 61: First step
Chapter 62: One more day
Chapter 63: Last straw
Chapter 64: Worth it
Chapter 65: Growing up
More Info.
Book 2 and Other Stories
The Trouble with the Rule Book

Chapter 2: The Groups

1M 23.1K 7.3K
By iDangs

Hailey’s POV

I was so pissed when I saw my schedule for this year. Akala ko pa naman magiging masaya 'yung school year ko kasi puro competitive ang magiging classmates ko pero akala ko lang pala 'yun. I don't know why the school administration changed the system. Biglaan na lang naging magkakaklase na ang hindi magkakagrupo. Hay nako. Tolerable naman siguro ang ganitong set-up basta huwag ko lang magiging kaklase ang leader ng ibang groups lalo na 'yung isang bwisit.

But I guess this isn’t my lucky year.

I cursed under my breath when I saw Nathan or also known as Nate as I enter the room.Bakit ko kaklase ang lalaking 'to? Hindi naman sa ayoko pero.. ayoko nga talaga siyang maging kaklase. He's a leader for crying out loud!

Nathan is just a happy-go-lucky guy at paniguradong wala sa utak niya ang mag-aral ng mabuti. I hate him for being so easy-going. Paano magiging threat ang ganitong klaseng tao? Buhay nga naman!

Umupo na lang ako malapit sa may bintana at magbabasa na sana nang may umupo sa gawing harap sa left side ko. Seryoso ba 'to? Maski si Piper nandito? I can't stand her. Napakaarte niya. Akala niya iniidolize siya ng lahat ng tao pero ang totoo, ayaw naman nila sa kanya.

Just when I thought na malas ako dahil naging kaklase ko ang dalawang ‘to, may mas ikakamalas pa pala ako nang pumasok si Warren sa room. Dala na naman niya ang bola niya. Pakasal pa sila ng bola para masaya. Nakakainis. I hate his guts. I hate him. Akala mo kung sino.

Napatingin ako sa paligid at narealize na lahat na ata ng leader ng bawat grupo ay kaklase ko except for one. But I'm pretty sure na dito rin ang section niya. Late lang 'yun.

And I proved myself right when Hunter entered the room without uttering a single word.

So much for my tolerable year. Anong ginawa kong mali to deserve this kind of punishment? Will I survive this school year? It feels like I'm in hell.

Kaya nang matapos ang klase at mai-announce ang break ay agad akong lumabas.

“Hailey, kamusta ang klase niyo? Sa amin sobrang tahimik.. which is in fact.. a good thing. Mas makakapagcontrate ako sa tinuturo ng teacher.” Pagsabay sa akin sa paglalakad ng isa sa  ka-grupo ko.

I shrugged, “Same.”

“Thankfully hindi ko kaklase ang ilan sa leaders. Pero kung ikaw ‘yung leader na kaklase ko, ang saya ko lang.”

“Unfortunately, kaklase ko sila.” Naiisip ko pa lang naiirita na ako. Ano po ba ang ginawa kong mali at pinaparusahan ako ng ganito ng langit?

Napahinto siya sa paglalakad at halos mapanganga, “Sila? As in hindi lang isa? Sila as in lahat sila?” Napatango na lang ako at napayuko. Tatagal ba talaga ako sa school year na ‘to?

Nang makarating kami sa cafeteria ay halos mapuno na pala ito. At as usual, nasa gitna at mga nag-iingay na naman ang populars.

Group No. 1. The populars. The queen bee. The princesses. The cheerleaders. The bitches. They are those girly girl na laging signatured bag, clothes, shoes o kung ano man ang gamit. Louis Vuitton, Hermes, Fendi, Dior, D&G, Chanel, Gucci, Prada, Versace, Christian Louboutin, etc. Name all the signature brands you know. Meron ang grupong 'to for sure. Dun sila expert e. Sa kaartehan.

Hindi rin sila 'yung klase ng taong kumakain sa fastfood dahil hindi raw healthy. High-class restaurant lang ang alam nila at kapag nasa school naman, it's either magpapadala sila ng sariling pagkain, or tanging veggies lang ang oorderin sa cafeteria. Ni hindi nga ata sila umiinom ng softdrinks. Ang lungkot naman ng buhay nila. Walang softdrinks, walang junkfoods, walang chocolate. Tsk tsk.

Masyado silang high maintenance. Feeling nila mahal at hinahangaan sila ng lahat, but what they don't know is that they're hated. Loved and hated at the same time. Weird.

Puro pagpapaganda at kaartehan lang ang alam nila. Ayaw magsibasa ng libro. At speaking of kaartehan, I just saw Piper's nail polish. "Eww. Duh." is the best description for her nail polish using their language.

To sum it all, they are just a group of people who knows nothing besides fashion, boys, veggies, wealth and of course, popularity. They are led by the most high maintenance of them all.. Piper. My cousin. Ugh.

Nakapila na kami ng grupo ko para pumili ng pagkain nang biglang may pumasok na isang grupo na sobrang ingay. Naghihiyawan sila na akala mo nanalo sa isang game o ano. Nang mapatingin sa gawi namin ang leader nila ay napairap na lang ako. Bwisit.

"Of course. Sino pa nga ba? Jocks." Irap ng kagrupo ko.

"More like jerks."

Group No. 2. The Jocks. Group of athletes. Walang alam kundi sports. Cafeteria, gym, field or kahit saang lugar na pwede nilang pagpractice-an ng sports lang ang alam nila. Basketball, baseball, football, swimming, at volleyball ang expertise nila.

Mostly sa kanila, aminado naman kaming gwapo at makalaglag panga ang itsyura kaya lang wala rin naman sense'yun. What's a pretty face if that's all you've got?

They are a bunch of arrogant boys who think they're better than anybody else. Aside from their athletic skills and pretty face, wala na silang ibubuga. Nagkalaman nga ang abs, biceps, triceps at likod nila pero nakalimutan naman 'yung sa utak nila. Kaya ayan, blangko. Walang kalaman laman. Puro hangin lang ata. Pasimuno pa ang leader nilang kung makaasta akala mo sobrang galing e kapag nilabas mo naman sa court wala na.

Conceited masyado. Akala nila tinitingala sila ng lahat. Akala nila gusto sila ng lahat ng kababaihan at kinaiinggitan ng mga kalalakihan. Asa pa sila. At syempre, ang leader ng grupong ito ay walang iba kundi si Warren.

"Bakit ba nag-eenroll pa ang mga 'yan hindi naman mga nag-aaral?"

"Exactly my thoughts!”

Bakit nga kaya? Tanungin ko kaya one time sila Tita Yannie? Huwag na nga lang. Baka mapagalitan pa ako ni mama.

Naghanap kami ng mauupuan ng kasama ko at nang makahanap na kami ay saka ko lang narealize na ang nasa harap, nasa gilid at nasa likod naming table ay puro mga occupied ng isa pang grupo.

Group No. 3. The Ordinaries. Sa lahat ng grupo, sila lang ang kahit papaano ay nasisikmura ko. Sila ‘yung grupo ng halo-halong estudyante. Kapag hindi kasi pumasok sa ibang grupo ang isang estudyante, paniguradong sa ordinaries ang bagsak niya. Kasi sa grupong ‘yun wala naman silang pinipili.

Ang mga nasa grupo ng Ordinaries ‘yung mga estudyante na masasayahin, walang arte, hindi masyadong pinagpala sa sports, walang masyadong angst sa buhay at hindi masyadong pinagpala ang utak. They are commonly known as the “tapunan ng rejects”. Once kasi hindi pumasok sa criteria na hanap ng leader ang isang estudyante, karamihan sa kanila sa ordinaries na papasok. Less drama. Less bullying. Less studies. Less trouble.

Chill sila kumbaga. At sa sobrang chill nila, nakakainis na. Hindi mo maintindihan ang mga trip sa buhay. Sa sobrang boring ata ng buhay nila, buhay ng ibang tao ang pinagpyepyestehan nila. Sila kasi ang kadalasang nagpapakalat ng chismis sa campus. Confirmed man o hindi.

Si Nathan ang leader ng grupong ‘to. Hindi ko nga alam kung bakit naging leader ang taong ‘to e parang wala namang pakialam sa mundo. Basta nag-eenjoy siya sa buhay niya. Carefree kumbaga. Ni hindi man lang niya minana sa magulang niya ang leadership skills nila.

“This school sucks,” reklamo ng kasama ko.

Alam kong laging may punto ang sinasabi niya kaya lang hindi naman ako agree sa bagay na ‘to. I don’t think the school itself sucks. Ang mga nag-aaral lang dito.

Hindi ko na lang ako nag-react sa sinabi niya at nagpatuloy sa pagkain. Hahaba lang ang usapan.

 ***

“That’s all for today. See you tomorrow.” Paalam ng teacher namin at lumabas na.

Iniligpit ko na ang gamit ko at paalis na sana ng classroom kaya lang biglang may sumipa ng pintuan ng room at sumigaw, “Hunter!”

Sa likod, nandun si Hunter na unti-unting tumingala at mukhang bagong gising lang. Nako. Alam ko na ang kasunod na mangyayari dito. Exciting. First day may away. Cool.

Napangisi na lang ako at isinuot ang backpack ko at saka umupo ulit sa upuan ko. Sayang lang wala akong dalang popcorn.

Napansin ko naman na marami-rami na rin ang lumabas na kaklase ko. ‘Yung iba nagpapanic. ‘Yung iba chill lang. As for the leaders? Kumpleto pa rin kami dito sa loob.

Nakaupo at naka cross legs si Piper habang nakaupo sa teacher’s table habang si Nathan naman ay nakasandal sa may wall at naka crossarms pa. Si Warren naman ay hindi natinag sa upuan niya.

“Gago ka!” sigaw nung lalaking sumugod dito at saka dinuro si Hunter.

Nakasandal lang sa upuan niya si Hunter at nakapamulsa pa habang bored na nakatigin sa lalaking nagwawala at dinuduro duro siya. “T*ngina mo!” Bahagyang tumagilid ang ulo ni Hunter habang nakatingin sa lalaki. Ano kayang pinuputok ng butsi ni kuya at nagwawala siya?

“Bro, practice na. Game!” biglang may sumilip sa pinto ng room namin at tumingin kay Warren. Napakamot naman ito ng ulo pero sumunod na sa lalaki at umalis ng room.

“T*rantado ka!” sigaw ulit nung lalaki at biglang sinugod si Hunter pero hindi man lang siya natinag at nakaupo pa rin.

Susuntukin dapat ng lalaki sa mukha si Hunter pero nakatagilid ito kaya hindi man lang tumama. Susuntok ulit ang lalaki pero biglang yumuko si Hunter kaya nakaiwas na naman siya. Halos umusok na ang ilong nung nagmamagaling na sumugod dito pero hindi man lang siya makatama maski daplis lang sa sinusugod niya. Payuko ulit ‘yung lalaki at sasapakin na si Hunter, konting-konti na lang tatama na kaya lang biglang itinaas ni Hunter ang tuhod niya at nasikmuraan ‘yung lalaki.

Ano ba ‘yan? Weak naman ni kuya. Full force na siya samantalang ‘yung kalaban niya nakaupo lang at nakapamulsa pa. Susugod sugod sa gera wala namang dalang armas. Edi ano napala niya ngayon? Nakabaluktot siya sa sahig at namamalipit sa sakit. Hindi ko alam kung maaawa ako o matatawa.

“Gago ka talaga.. mang-aagaw ka. Pati syota ko sinulot mo pa.” hinang hinang sabi nung lalaki pero napairap na lang ako.

“Ugh.” Nandidiring sabi ni Piper saka isinabit sa balikat niya ang bag at lumabas ng room.

Kasunod naman niyang lumabas si Nathan na iiling-iling pa, “Akala ko naman may nagawang illegal si Hunter wala pa naman pala.” Bulong niya pa sa sarili niya at parang dismayang lumabas.

Syempre maski ako lumabas na. Ano pa bang mapapala ko sa classroom na ‘yun? Wala na. Sayang sa oras.

Magka-grupo si Hunter at ang sumugod sa kanya pero sila mismo ang nag-aaway. Tss.

Group No. 4. The Rebels. Sila ‘yung grupong parang hindi naman grupo kasi madalas sila sila lang din ang nag-aaway-away. Parang ‘yung nangyaring eksena kanina sa room. Common naman na ‘yun. Hindi ko alam kung nagkakaroon ba talaga sila ng problema sa isa’t isa o sadyang gusto lang nilang makipag-basag ulo. Doon sila magaling e.

Sila ‘yung grupong maiinitin ang ulo. Walang pakialam sa mundo at punong puno ng angst sa buhay. Magulo sila. Nakakatakot ‘yung aura nila kaya takot karamihan sa kanila pero wala akong pakialam sa kanila. Sila ‘yung tipong papasok sa school na parang laging may black smoke na nakasunod. Papasok ng late sa klase tapos matutulog lang o kaya hindi makikinig sa lectures. Kunyari pang pumasok.

Maski silang magkakagrupo hindi close kaya hindi ko alam kung paano pa sila nakakatagal sa set-up na ganito. Si Hunter ang leader nila pero hindi ko alam kung sila ba talaga ang nagpilian ng leader o ang mga members na ng ibang grupo ang nag-assume na siya ang leader. Wala e. Siya kasi ‘yung pinakamaangas at nakakatakot sa kanila. Parang any moment papatay ng tao. Pero kahit naman leader siya wala siyang pakialam. Hindi ko nga alam kung alam niyang leader ba siya.

“Those nerds are so weird.” Dinig kong sabi ng isa sa populars pero hindi ko na lang pinansin at mukhang hindi naman niya sadyang marinig ko ang usapan nila ng kaibigan niya. I’ll let it pass since first day naman.

Group No. 5. The Nerds. Ang huling grupo at ang nasa bottom “daw” ng list ng groups. As if naman may list pa. We, nerds, are the most normal group here in Kingdom High. Kami lang ang grupong may pakialam sa grades. Kami ang laging nag-aaral at laging nakaka-top sa mga exams, quizzes or projects. Kapag usapang academics, kami na ang number 1. Kaya huwag lang nila masabi masabing kami ang nasa bottom ng list ng groups. Kung wala kami, baka lumubog na rin ‘tong Kingdom High.

Hindi ko talaga gets 'yung mga taong ibinababa ang mga nerds kasi mahilig daw kaming mag-aral. E malamang mag-aaral ka, nasa school ka e. Baligtad din talaga minsan ang utak ng tao.

Ang grupo namin ay ang grupo ng mga estudyanteng mahilig sa Math, Science, History o kahit na anong mahirap na subjects. Pero ayaw ng karamihan sa amin ng P.E. Pagod lang daw. Most of the time, kaharap namin ang mga libro namin. Lagi kaming may libro sa bag. Academic books man or hindi. Basta may libro kami palagi, tapos.

Hindi rin naman kami introvert. Hindi kami ‘yung mainstream na nerds na makikita mo sa lahat ng school. Tinawag lang kaming nerds kasi mahilig kaming mag-aral at magbasa pero hindi kami ‘yung ganun lang. Marami pa kaming kayang ipakita. And I, Hailey, as the leader of the nerds, can prove that we’re so much more than what most people think.

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
28.5M 853K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...
49.8M 934K 93
Theirs is a story that started all wrong. In fact, it's started with an accidental kiss with a gangster. After so many tragedies, tila hindi kampi ki...
31.3K 971 15
THAT SUMMER WITH A GHOST SERIES #3