The Heiress and the Manwhore

frozen_delights द्वारा

1.5M 54.1K 5.9K

He had nothing to offer her, not even his name. He's a manwhore, a male prostitute who caters his clienteles... अधिक

Dancing in the Dark
The Nearness Of You
Bad Dream
Beautiful
Tell Me What Is Love
Fall
(I Think About You) 24/7
Ooh, la, la, la
Growl
Hurt
Electric Kiss
Sign
Baby
Love, love, love
My Lady
Xoxo
Deep Breath
Tempo
Lucky One
Monster
They Never Know
Lotto
'Can't Bring Me Down
Stronger
Coming Over
With You
Let Out The Beast
Boomerang I
Boomerang II
In this World
Damage
Unfair
Run
Promise
Cry
Nightmare
History
Saschia
Sachi is gone
Portrait of You
Chill
Going Crazy
Gravity
Sweet Lies
Overdose
Love Shot
Walk On Memories
I'll Be There
My Turn To Cry
Angel
Cloud 9
Love Words
One and Only
Heaven
Cherish
Smile On My Face
Flower
Moonlight
Forever
Let bygones, be bygones

Tender Love

25K 870 38
frozen_delights द्वारा

Chapter Fourteen

"SACHI." 

Sa kalalakad nang walang direksyon ay nagulat na lang si Sachi nang makita ang taong makakasalubong niya. Si Max, ang kaibigan ni Julianna. He realized, sumakay nga pala siya ng dyip. Nagbayad at bumaba ng bangketa. Hindi siya sigurado kung anong lugar ang nababaan niya. He kept on calling Julianna while walking the streets in oblivious state. Gusto niya itong makausap. Ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Galit ba ito sa kanya?

Kapag naiisip niya iyon ay sumisikip ang dibdib niya. He needs to see her. Aalamin niya lang ang lagay nito. Kung galit pa rin sa kanya ay ayos lang, maiintindihan naman niya. Bilib nga siya rito. Kahit ilang ulit na niyang tinanggihan ay very vocal pa rin ito sa pagsasabing gusto siya. At dahil alam niyang masama ang pakiramdam nito noong huli silang magkita ay hindi siya mapalagay. Nag-aala siya na baka mapaano ito lalo pa at walang kasama.

"Max."

"Papunta ka ba kay Jules?" tanong nito. 

Sa tapat ng unit ni Julianna sila nagkasalubong. Ito habang paalis at siya naman ay kadarating lang. Bubuksan na sana nito ang isang kulay itim na sports car, ang sasakyang nakita niyang gamit nito noong una itong ipakilala sa kanya ni Julianna, nang mapansin nito ang pagdating niya.

"Oo. Kukumustahin ko sana kung ayos lang siya."

"She's not."

Sa sinabi nito ay nag-aalalang napatingin siya sa unit ng dalaga.

"Puwede ba tayong mag-usap?" ani Max.

Nagdadalawang-isip pa siya dahil gusto na niyang makita si Julianna.

"I won't take so much of your time. D'yan lang," itinuro nito ang snack bar na walking distance lamang mula sa apartment.

Sumang-ayon na lang siya dahil mukhang seryoso ang kausap niya. Malayo ito sa playful at mabirong Maxine na ipinakilala sa kanya ni Julianna noong una.

Nang makapasok sila ay nagtanong ito kung ano ang gusto niyang order-in. Tumanggi siya. Kung nagugutom man ay hindi niya iyon maramdaman dahil natatabunan iyon ng pag-aalala niya kay Julianna.

"Two iced coffee," iyon na lang ang hiningi ni Max sa lumapit na server.

Nang wala ng idagdag si Max ay umalis na ang server para kunin ang kanilang order.

"May problema ba?" diretsa ng tanong ni Sachi sa kaharap.

"Julianna is pregnant."

Literal yatang hinigop ang oxygen sa baga niya sa walang pasakalyeng pahayag ni Max.

"I know you like her. Hindi lang ako sigurado kung magkasinglalim ang feelings niyo ni Jules. I know Jules likes you. A lot. The question is, do you like her as much as she does?"

"May karapatan ba akong magkagusto sa kanya? Napakalayo ng kalagayan namin sa isa't isa."

"At hindi mo kayang ipaglaban ang feelings mo? O tulad ka rin ng ibang lalaki na kapag may excess baggage na ang isang babae ay nawawalan na ng interes?"

"Hindi ako gano'n. At kung feelings ang pag-uusapan, hindi ko lang basta gusto si Julianna. Mahal ko siya, noon pa. Noong una ko pa lang siyang makita ay..." hindi niya naituloy ang sasabihin nang mag-init ang magkabila niyang tenga.

Si Max ay parang inaawat lamang ang sarili na ngumiti.

Dumating na ang order ni Max. Naunahan pa niya ito sa pagdampot ng cup at mabilis na uminom. Parang nanuyo ang lalamunan niya. Kung dahil sa biglaan niyang confession o dahil sa layo ng nilakad ay hindi niya alam. 

"She's in a very difficult situation right now."

"A-ano ang ibig mong sabihin?"

"She was... uhm, how should I put it? She was raped."

Parang dinakot ang sikmura ni Sachi sa sinabi ni Max.

"The truth is, I was partly to blame," may pagsisising sabi nito. 

Ikinuwento ni Max ang nangyari ng gabing iyon na magkakasama silang magkakaibigan sa dance club. Na wala itong nagawa nang lagyan ng droga ang inumin ni Julianna ng mga kaibigan nila at samantalahin iyon ng kaibigan nilang may gusto rito--si Drigs. He took her out of the club and took advantage of her vulnerability.

Mariing kumuyom ang mga kamao ni Sachi.

"Sa ngayon ay hindi pa namin nakakausap si Drigs. Gusto ko siyang puntahan at kausapin para panagutan ang ipinagbubuntis ni Julianna. Pero ayaw ni Jules. Alam kong galit na galit siya sa dimonyong 'yon. At hindi ko siya masisisi kung pag-isipan niya mang ipalaglag ang batang ipinagbubuntis niya."

"I-ipalaglag?"

"I advised her against it. But in her current state of mind, I'm not sure what she's going to do next."

"Ako ang ama ng anak ni Julianna, pananagutan ko ang dinadala niya." 

"A-are you serious?"

"Kakausapin ko siya."

"Sachi."

"Mahal ko siya. May excess baggage man o wala."

"Paano kung itakwil siya ng kanyang mga magulang, maipaglalaban mo ba siya?"

"Kapag mahal ko ang isang tao, handa akong magbenta maski kaluluwa ko para sa taong 'yon."

Isang satisfied na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Max.

"Good luck to you both."

Tumayo na siya at nagpaalam kay Max. Sa natuklasan ay lalo siyang nag-alala kay Julianna. Baka kung ano ang maisipan nitong gawin sa sarili. Muli niya itong tinawagan habang naglalakad. Panay lang ang ring sa kabilang linya. Lalong lumakas ang pintig ng puso niya sa takot. Hindi ito sumasagot. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya.

Lakad-takbo ang ginawa ni Sachi para makarating kaagad sa apartment. Nag-buzzer siya sa pinto habang habol pa ang hininga. Nang may ilang saglit ang lumipas ay nai-redial niya ulit ang number ni Julianna. Narinig niya ang tunog niyon mula sa likuran ng pinto.

"Julianna, alam kong naririyan ka sa loob. Please, buksan mo ang pinto. Gusto kitang makausap."

"G-go away. I don't want to t-talk to you."

"Hindi ako aalis dito hangga't hindi mo ako kinakausap," desperado niyang sabi.

"Bahala k-ka."

Sa kabila ng nakapagitang pinto ay nahimigan niya ang pagkabasag ng boses nito. She's crying.

"Julianna." Kinatok niya nang kinatok ang pinto. Wala siyang pakialam kung makabulahaw man siya ng ibang tao roon.

She's confused and probably in pain dahil sa ipinagbubuntis nito. Natatakot siya sa puwede nitong gawin. Kung kinakailangang ugatan siya roon para lang labasin nito ay ayos lang sa kanya. Hindi siya aalis.

Bumukas ang pinto. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib nang saglit na mapagmasdan ang ayos nito. Mrahan niya itong hinigit at niyakap nang mahigpit.

"Huwag kang mag-alala. Nandito lang ako, hinding-hindi kita iiwan. Nakahanda akong panagutan ang dinadala mo..."

~0~

"S-SACHI," napaawang ang bibig ni Julianna sa walang kaabog-abog na sinabi nito. "Ulitin m-mo nga ang sinabi mo."

"Alam kong buntis ka, nakausap ko si Max. At kung anuman ang iniisip mo ay huwag mo ng ituloy. Nakahanda akong panagutan ang dinadala mo."

Hindi niya maipaliwanag kung ano ang eksaktong nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Nananaginip lang ba siya o pinaglalaruan siya ng kanyang pandinig?

"Ayos ka lang ba? Hindi ka na ba nagsusuka?" hinaplos nito ang mukha niya. Puno ng pag-aalala ang mukha.

"S-Sachi?" parang wala ng ibang gustong bigkasin ang bibig niya kundi ang pangalan nito.

"Namumugto ang mga mata mo. Atsaka, gabi na. Bakit naligo ka pa?"

"S-sanay naman akong m-maligo maski gabi."

"Kahit pa. Iba na ngayon, may baby na sa tiyan mo. Mas dapat na doble mong alagaan ang sarili mo dahil dalawa na kayo. Kumain ka na ba? May gusto ka bang kainin na wala rito?"

"Sachi."

"Mangga? Gusto mo pa ba ng mangga? Maghahanap ako."

"Sachi."

"Alamang. O bagoong ba ang mas gusto mo?"

"Sachi, please! Stop it!"

Natigilan ito. May ilang sandaling nagkatitigan lang sila habang nakatayo sa tabi ng pinto.

"Kung naaawa ka lang sa akin, don't. I can take good care of myself. Hahanapan ko ng solusyon ang problemang ito."

"At anong klaseng solusyon?"

"Wala ka na ro'n. Huwag kang ma-guilty da--ump!" nanlaki ang mga mata niya nang muli siya nitong higitin at ilapat ang bibig sa kanyang mga labi.

Parang sandaling tumigil sa pag-ikot ang mundo. Very poetic. Pero iyon ang nararamdaman niya nang may ilang sandaling naglapat ang mga labi nila. Nang banayad na gumalaw ang mga labi ni Sachi ay kusang pumikit ang kanyang mga mata. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga mata. At saglit pa ay tumulo ang kanyang mga luha habang mainit na magkahinang ang kanilang mga labi.

"I love you."

Napahikbi si Julianna nang marinig ang tatlong katagang 'yon.

"N-naaawa ka lang sa akin," sumisigok na sabi niya.

Ikinulong ni Sachi sa pagitan ng dalawang palad ang mukha niya at tuwid siyang tinitigan sa mga mata.

"Look into my eyes and tell me if I'm lying."

Lalong nanubig ang kanyang mga mata nang makita niyang ito man ay parang naiiyak din.

"I love you."

"Oh, God! I love you, too." 

Muling naglapat ang kanilang mga labi. Pagkuwa'y naramdaman niyang umangat ang kanyang mga paa mula sa sahig. Binuhat siya ni Sachi at dinala sa sala. Naupo ito sa sofa habang magkalapat pa rin ang kanilang mga labi.

"Sorry kung hindi ko kaagad inamin sa'yo ang nararamdaman ko," sabi nito. He pulled her close at isiniksik ang ilong sa kanyang leeg. "Pero alam mo naman, di ba? Noon pa kita gusto. At aaminin ko, ang laki ng selos ko kay Walter."

Mahigpit na yumakap ang mga braso niya sa leeg nito. Kailangan niya lang palang mabuntis para mapaamin ito.

"Sachi, kaya mo ba talagang tanggapin ang ipinagbubuntis ko?" natutuwa man siya sa mga nangyayari, nasa isang sulok pa rin ng isipan niya ang pag-aalinlangan sa kanilang sitwasyon. 

She's pregnant, for freakin's sake. And to top it all, ni hindi siya sigurado kung si Drigs nga ang ama ng batang ipinagbubuntis niya. Ganoon ba kalaki ang pagmamahal nito sa kanya para matanggap ang kalagayan niya?

"I don't think I can continue with my preg--"

"Shh, maririnig ka ni baby," tinakpan ni Sachi ang bibig niya bago pa man niya makumpleto ang sinasabi. "Itutuloy mo 'yan. Babies are blessings from God. Pareho ko kayong aalalagaan."

"P-pero paano ang pag-aaral ko?" isa pa iyon sa mga concern niya.

"Hindi pa naman siguro malaki 'yan hanggang sa matapos mo ang sem na 'to. Kung mahihirapan ka sa susunod na sem, saka natin pag-isipan kung ano ang tamang gawin."

"I'm scared," tumulo na naman ang mga luha niya.

"Shh," kaagad nitong pinahid ang mga luha niya. "Sabi ko naman sa'yo, naririto lang ako. Hindi kita iiwan. At sana, ikaw rin. Kahit gaano pa kahirap ang mga pagsubok na darating sana ay manatili tayong matatag. Hinding-hindi ako bibitaw."

"Promise?"

"Promise." 

-

bukas na si Fafa Sean. hindi ko pa tapos :)

frozen_delights



पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

233K 13.1K 42
I changed everything in me. My name, the way I look. From Carlo Santos, I've decided to become Oliver Madrid in this island. I've turned my back fro...
2.2M 7.1K 7
Miracle Hermaine Zapia might be your playful, outgoing and free kind of girl. But after she met The Kevin Stefano Salvador, she let him have her unde...
1M 35.4K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
485K 12.2K 24
Elise loved Stefan Prieto since she was just a girl. They were childhood best friends. She was his first love, his girlfriend, before Stefan married...