I Secretly Married The Campus...

By ivyjrsh

9.7M 176K 14.3K

[COMPLETED||123115] NOTE: This story is still UNEDITED. Asahan ang mga nakakalokang grammatical and typo erro... More

000
001
002
003
004
005
006
007
008 (SPOILER)
008.1
008.2
SIDE STORY
009
010.1
010.2
011
012
013
014
015
016
017
018
019
Author's Note - DELETED
020
021
022
023
024.1
024.2
024.3
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
SPECIAL CHAPTER
039
040
042
043
044
045
046
047
048
049
050
EPILOGUE
Last author's note
BOOK TWO
NOTICE [PLEASE READ]

041

83.7K 1.6K 136
By ivyjrsh

Chapter 41 Scholarship

Jewille's POV

Gumising ako ng maganda ang mood ko. Ewan ko ba, maaga akong nagising pero ang ganda pa din ng mood ko.

Tumayo na ako at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nag bihis na ako ng school uniform at binlower yung buhok ko. Pagka-ayos ko lahat ng kailangan ko, bumaba na ako bitbit yung bag ko.

Nakita ko si manang na nag aayos ng mga magazine.

"Good morning po! Ano pong pagkain natin?" Tanong ko. Nagugutom na ako eh.

"Good morning, hija. Nandoon, nag luto ako ng pancakes. Hindi ba't sabi mo ayaw mong kumain ngayon ng kanin? Kaya ayun nalang yung niluto ko." Sabi ni manang.

"Ay thank you po! Diet po kasi ako. Hahaha. Sige po, kakain na ako." Sabi ko at pumunta ng dining table para kumain.

"Good morning, Jewille." Sabi ni William na nasa likuran ko. Nagulat naman ako kasi ang aga nya ding magising.

"Good morning!" Sabi ko naman at nag patuloy sa pag kain. Naupo si William sa tabi ko.

"Ganda ng mood mo, boss ha? Bakit ba?" Tanong ni William.

"Oo nga eh. Hindi ko din alam." Sabi ko.

"Alam ko na ang dahilan." Sabi ni William.

"Huh? Ano?" Tanong ko sakan'ya.

"Napanaginipan mo ako kaya ganyan ka ngayon." Proud na sabi nya. Galing din netong si William eh, 'no? Galing mag assume. Assuming masyado.

"Luh, joke na ba yan?" Pabiro kong tanong. Sumimangot naman sya.

"Pangit mo." Sabi ko. Natawa naman ako kasi sumimangot lalo sya. Para syang bata, i swear!

"Tara na, Jewille. Magpa-check up na tayo ng mata mo. Malabo na mata mo." Sabi nya. Laughtrip 'tong si William! Jusko!

"Ewan ko sa'yo, William. Kumain ka nalang dyan! Lakas ng trip mo eh." Sabi ko.

"Eto na nga, boss." Sabi nya. Napansin ko lang, nakasanayan na nya akong tawaging boss eh, 'no? Lakas ng tama, ano? Pero mahal ko yan. Hahaha.

Kumain lang kami habang naguusap. Madaldal din pala 'tong si William. Akalain mo yun? Tumatawa din sya. Parang ibang William Cuizon nga 'tong kasama ko ngayon habang kumakain. Iba yung nakasanayan kong tahimik, masungit, hindi ngumingiti o tumatawa at yung William na sobrang moody na dinaig pa ang babaeng may b'wanang dalaw.

May mga bagay talagang nakasanayan na natin tapos kapag biglang nag bago, hindi na tayo sanay. Pero sa sitwasyon namin ni William, nakakapag adjust pa ako sa pagbabago nya o hindi naman talaga sya nag bago kasi hindi nya lang talaga pinapakita sa ibang tao yung ganitong ugali nya.

"Bakit nakangiti ka dyan?" Tanong ko kay William na nakangiti.

"Nakangiti ka kasi." Sabi nya. At doon ko lang narealize na kanina pa pala ako nakangiti dahil na din sa ngiti ni William na kanina ko pa naiimagine.

"Halika na nga, pumasok na tayo sa school. Ma-late pa tayo." Sabi ko at tumayo na. Sumunod na din naman sya sa'kin. Nagpaalam kami kay manang bago sumakay ng kotse nya.

Maaamoy mo sa kotse ni William yung pabango nya. Pinapaliguan nya kaya 'to ng pabango nya? Ang bango eh.

"Fasten your seatbelt, boss." Sabi nya. Oo nga pala, hindi ko pa nalalagay yung seatbelt ko. Kukunin ko na sana yung seatbelt ko pero naunahan na ako ni William na kunin 'to. Ang lapit ng mukha nya sa'kin. Parang kaunti nalang, malapit ng mag dikit yung mga labi namin. Amoy na amoy ko din yung pabango nya. Ang bango nya, sobra. Hindi ko alam kung pinapaligo ba neto yung pabango nya o ano dahil sobrang amoy yung pabango nya. Gusto nyo bang maamoy din sya? Palit tayo, gusto nyo? Hahaha. Joke lang, akin lang sya.

Hindi ko namalayang nakalayo na pala sya sa'kin at nag simula ng mag drive.

"Maya mo nalang ako i-kiss, boss. Kapag nasa bahay na ulit tayo." Sabi nya at tumawa ng mahina. Alam kong pabiro yung pagkasabi nya no'n pero biglang uminit ang paligid at naramdaman ko ang pagkamula ng mga pisnge ko.

"Manahimik ka nga!" Sabi ko.

"Totoo namang gusto mo ng kiss ko, diba?" Tanong nya.

"Ewan ko sa'yo!" Sabi ko. Sige Jewille, deny pa more. Kaya mo yan.

"Kung hindi mo nga gusto, tumingin ka sa'kin ng diretso. Kapag hindi ka makatingin, ibig sabihin no'n, gusto mo talaga." Sabi nya.

Hindi ako makatingin sakan'ya. Nahihiya ako. Pero kailangan kong panindigan na ayoko kaya tumingin ako sakan'ya. Nakangise naman sya habang naka-focus sa daanan.

Kahit kailan talaga 'tong William Cuizon na 'to, lagi akong inaasar. Kapag ako bumawi, nako, lagot 'to sa'kin. Papatayin ko sya ng pagmamahal ko.

After ng ilang minutes, nandito na kami ni William sa school. Nag park na sya tapos lumabas na ako ng kotse nya. And as usual, pinagtitinginan at pinaguusapan na naman kami. May bago pa ba? Halos araw-araw naman ganyan ang nangyayari. Minsan nga, nakakasawa na. Wala ba silang ibang pagkaka-abalahan? Wala ba silang ibang pagchi-chismisan? Puro kami nalang ba talaga?

Hinayaan ko nalang sila. Nag lakad na kami ni William. Nasa likod nya lang ako. Ayokong sumabay sakan'ya mag lakad. Nakakatunaw yung tingin ng iba sakan'ya.

Nagulat ako ng bumangga ako sa likod ni William. Huminto pala sya. Tumingin ako sakan'ya ng may pagtatanong kung bakit sya huminto. Bigla naman nyang hinawakan nya yung kamay ko. Tinabi nya ako sakan'ya at nag simula na ulit syang mag lakad. Nakahawak pa din yung kamay nya sa'kin kaya napasunod ako. Nag simula na naman yung bulong bulungan. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa kamay ko pero etong si William naman, ang higpit ng hawak nya. Hindi ko kaya. So no choice, maglalakad ako ng nakahawak sa kamay nya.

Ang kulit talaga neto kahit kailan. Sinabi ko na ngang wag syang gagawa ng move kapag nasa school kami dahil paniguradong usap-usapan na naman kami.

Hanggang sa makarating kami sa classroom namin ay hindi pa din nya binibitawan yung kamay ko.

"Oh! Official na ba?" Tanong ni Cj. Buti nalang may kanya-kanyang ginagawa ang mga tao dito sa classroom.

"Tagal na." Sagot naman ni William.

"Pacheeseburger ka naman!" Sabi naman ni James at nag tawanan na sila. Hinila naman ako ni Cass kasama sila Aly at Nicole.

"Kailan pa, best?!" Tanong ni Nicole. Seryoso? Pati ba naman sila?

"Ang alin?" Tanong ko din.

"Kayo ni William?" Tanong naman ni Aly.

"Sinabi na ni William, diba? Kaya 'di nyo na kailangang mag tanong." Sabi ko.

"Eh best, hindi ko narinig eh!" Sabi naman ni Cass.

Kunwari pa 'tong mga 'to. For sure, gusto lang nila na ako ang mag sabi.

"Matagal na." Sabi ko. Tumili naman sila ng mahina. Anong nangyari sa mga 'to?

"Omg, best! Level up kung level up na talaga kayo!" Sabi ni Cass.

"Bakit nga pala absent kayo kahapon?" Tanong ni Aly na may nakakalokong ngiti.

"Nag date kami." Sabi ko.

"Ayie! Mag love life na sya!" Pang aasar ni Nicole sa'kin.

"Lahat na tayo meron! Ay hindi pala, wala pala si ate Aly!" Sabi ni Cass at tumawa pa.

"Wag kayo, may Hope Santiago yan!" Sabi naman ni Nicole.

"Oo nga! Nag date pa nga sila kahapon eh! Ayie! Kamusta naman pala yung date nyo, ate?" Tanong ni Cass. Kahit kailan talaga 'tong si Cassandra.

"Nag date kayo?" Tanong ko kay Aly.

"Oo." Sagot nya at bigla syang namula.

"Anong nangyari sa date nyo?" Tanong ko.

"Hindi nyo na kailangan pang malaman yun." Sabi nya at pumunta na sa pwesto nya.

Aasarin pa sana namin ng biglang dumating si ma'am. Ano ba yan, wrong timing!

Bumati sya sa'min at pinaupo kami.

"By the way, Ms. Romero, pinapatawag ka daw sa Principal's office." Sabi ni ma'am kaya tumayo ako. Inasar naman ako ng mga classmate ko na lagot daw ako. Lakas ng mga trip netong mga 'to.

Nag punta na ako sa principal's office. Bakit naman kaya ako pinapatawag? Wala naman akong nilabag na rules and regulations ah.

Nasa tapat na ako ngayon ng principal's office. Kumatok muna ako.

"Come in." Narinig kong sabi mula sa loob kaya pumasok na ako.

Nakita ko naman yung principal namin.

"Good morning po." Sabi ko.

"Good morning din, hija. Have a seat." Sabi nya. Naupo naman ako.

"Bakit nyo po pala ako pinatawag?" Tanong ko.

"May scholarship kasi na ino-offer from Korea's number one university, Seoul National University. At tutal ikaw naman ang running for valedictorian, ikaw yung bibigyan namin ng scholarship na 'to." Sabi ng principal namin. Wow, is this even real?

"Sige po! I'm okay with that, ma'am. Pangarap ko din naman pong makapunta at makapag aral sa school na yun." Sabi ko.

"I'm glad that you take the scholarship, Ms. Romero." Ani ni ma'am Vallery, yung principal namin.

"Thank you po, ma'am." Sabi ko. Sila na daw ang bahala sa visa ko pati sa mga papers na kailangan. Nag thank you naman ulit ako bago ako lumabas. Ang saya! Grabe, bata palang ako, pangarap ko na doon mag aral. Maganda kasi doon eh.

Biglang pumasok sa isip ko si William. Shit. Paano ko sasabihin sakaniya 'to? Bakit kasi tinanggap ko kaagad yung scholarship? Hindi muna ako nag isip! Pero siguro naman maiintindihan ako ni William. Pangarap ko yun eh.

Nag punta na ulit ako sa classroom namin. Buti nalang maagang nag dissmiss si ma'am at wala si William. Nag cr daw eh. Nag kwento naman kaagad ako kila Cass tungkol sa scholarship ko. Masaya naman daw sila sa'kin. Nasabi ko na din sakanila na hindi ko kuna 'to sasabihin kay William at wag silang maingay.

Hahanap muna siguro ako ng magandang timing para masabi 'to sakan'ya.

May feeling ako na hindi naman tututol si William sa natanggap kong scholarship. Matagal ko na 'tong pangarap. Ayoko namang maudlot pa. Eto na yun, eh. Pakakawalan ko pa ba?

Makakayanan naman namin ang long distance relationship, diba? Walang malayong lugar kung ang puso nyo ay nasa isa't-isa.

~~~X

Date posted: December 07, 2015

~ImKpopperInspirit

Continue Reading

You'll Also Like

206K 1.6K 11
Perfect boys only exist in books. Akala ko din eh. Hanggang isang araw dumating na lang si Nicolo Sandivan Monreal, the future first presidential son...
48.3K 1.2K 55
Alam mo na namang masasaktan ka sa huli ay sumugal ka parin. Alam mo ng niloloko kana nag bubulagbulagan ka parin. Alam mo ng mali ginagawa mo paring...
2.1K 97 13
Zhaniah Del Franco was suffering on a serious disease. She has only one-year or shorter span of living. She met the band Which Option including the b...
2.8M 53.4K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...