The Heiress and the Manwhore

By frozen_delights

1.5M 54.1K 5.9K

He had nothing to offer her, not even his name. He's a manwhore, a male prostitute who caters his clienteles... More

Dancing in the Dark
The Nearness Of You
Bad Dream
Beautiful
Tell Me What Is Love
(I Think About You) 24/7
Ooh, la, la, la
Growl
Hurt
Electric Kiss
Sign
Baby
Tender Love
Love, love, love
My Lady
Xoxo
Deep Breath
Tempo
Lucky One
Monster
They Never Know
Lotto
'Can't Bring Me Down
Stronger
Coming Over
With You
Let Out The Beast
Boomerang I
Boomerang II
In this World
Damage
Unfair
Run
Promise
Cry
Nightmare
History
Saschia
Sachi is gone
Portrait of You
Chill
Going Crazy
Gravity
Sweet Lies
Overdose
Love Shot
Walk On Memories
I'll Be There
My Turn To Cry
Angel
Cloud 9
Love Words
One and Only
Heaven
Cherish
Smile On My Face
Flower
Moonlight
Forever
Let bygones, be bygones

Fall

24.8K 1K 116
By frozen_delights

ang sexy pala ng sayaw no'ng The Eve (exo dance practice).

waley, share ko lang. ang galing gumiling ni Sehun, manhole na manhole 😂😂😂😂

.

Chapter Six

"HI, babe," amused na tinawanan ni Julianna ang paraan ng pagtawag kay Maxine. Sinalubong niya ng beso ang kaibigan nang dumating ito sa kanyang apartment.

Niyayaya kasi sana siya nitong rumampa, in short maglakwatsa. Gusto rin daw nitong ma-sight ang bago niyang driver. Two days na ang nakakaraan mula nang huling magkasama sina Julianna at Sachi. Kahit gustong-gusto na niya itong muling makita ay inawat niya ang sarili dahil masyado siyang nao-overwhelm sa mga nararamdaman kapag kasama ang binata. Sinabi na lang niya rito na kapag kailangan niya ito ay tatawagan na lamang niya sa cellphone.

"Uy, shala," reaksyon ni Maxine nang iligid ang tingin sa apartment niya. "Mabuti ka pa, may sarili ka ng baler. Ako, ayaw pa akong payagan ni mudrabels na umalis ng pugad. Baka raw kung sinu-sinong mujer ang dalhin ko sa aking magiging bahay. Masyadong morbid mag-isip si mudra."

Natawa si Julianna sa sinabi ng kaibigan.

"Ang hindi niya alam, isa kang paminta," bungisngis na dugtong niya. "And instead of mujer, hombre ang iuuwi mo."

"Hay, naku, baks. Sa totoo lang ay hirap na hirap na akong maging artista. Lalo na kay Amador."

"Amador? Sino na naman 'yan? Bilib na ako sa'yo, ang dami mong kalalakihan." 

"Tange, ang mahal na Poon na ipinaglihi kay Hitler ang tinutukoy ko, si Papa. Natatakot na nga ako dahil parang may gay detector ang ilong no'n. I tried naman, eh. I really, really tried. Pero isa talaga akong mujer na lumabas sa katawan ng isang hombre."

Kahit seryoso ito sa pag-i-emote ay muntikan na namang matawa si Julianna. Nakaka-amused kasing panoorin ang mga galaw nito, sumasabay sa malantik na daliri ang bawat pilantik ng dila.

"Hindi mo naman kasi masisisi na mag-expect nang husto sa'yo ang Papa mo. Bukod sa nag-iisang lalaki ka sa inyong magkakapatid, Junior ka pa."

"'Yon na nga, eh!" napapadyak na sagot nito. "Kasalanan ko bang ginawa niya akong Junior? Pinagtiyagaan ko na nga lang ang pangalang ibinigay niya pati ba naman sexual orientation ko ay siya pa rin ang masusunod?"   

No comment na lang siya. Ayaw naman niyang lalo pang dagdagan ang sama ng loob nito sa sariling ama. Kung tutuusin ay pareho lamang halos sila ng sitwasyon ni Maxine. They both don't want to disappoint their parents even at the expense of their own happiness. 

"Kailangan ko ng lalaki," parang desperadang sabi nito.

"Grabedad! Kapag may problema lalaki ang solusyon, gano'n?"

"Oo!"

"Tumahimik ka nga. Kumain na lang tayo, baka Tom Jones ka na."

"Hmp! Sige na nga."

Nauna na siya rito papunta sa kanyang kusina. 

"Ang cute naman ng kitchen mo, baks. Ikaw na talaga ang maraming anda."

"Lokah. Alam mo naman si Mommy. Halos lahat ng nakikita mo rito ay siya halos ang nag-decide sa designs. This house was already furnished when we got here. Ipina-redecorate niya lang at pinapalitan ang ilang furnitures, especially my bed. Baka raw may surot."

"Sosyalan talaga 'yang mudrabels mo."

Ngumiti lang si Julianna.

"So, what do you want to eat?" Binuksan niya ang fridge para tumingin ng pagkaing puwedeng mailuto para sa kanyang guest.

Sa nakalipas na isang buong semestre ay natutunan na niyang magluto ng ilang simpleng recipe. Iyon ang isa pa sa nagustuhan niya nang magkaroon siya ng sariling tirahan. Natuto siyang maging independent at hindi umaasa sa mga katulong. 

"Gusto ko ng sausage."

"Ow-key."

"'Yong matigas na matigas at pumipintig-pintig."

Na-freeze ang kamay ni Julianna sa pagkuha ng Italian sausage sa ref sa sinabi ni Maxine. In an instant nag-register sa utak niya ang image ng tinutukoy nitong sausage!

"Ang halay mo talaga."

"Hindi, ano? Imaginative ka lang masyado," nakalabi pang sagot nito.

"Aber nga. Ano 'yong sausage na matigas na matigas at p-p-pumipintig-pintig?" 

"Ano pa, e di sausage? Try mong isalang sa oven ang nagyeyelo sa lamig na sausage. Watch closely habang naluluto, makikita mo pumipintig-pintig 'yon habang naglalabas ng..." kusa nitong ibinitin ang huling sasabihin.

"Ano?" pinandilatan ito ni Julianna.

"Ano pa, e di mantika?"

Namumulang inambaan niya ng isang frozen pack ng sausage ang mahaderang baklita.

"Bakit ka nautal? Gusto mo ba uling makatikim ng jumbo hotdog?"

Natigilan siya. Nang ma-realized ni Maxine ang sinabi ay mabilis nitong itinikom ang bibig. It was a sore subject dahil alam naman nito ang nangyari sa kanya. 

"Sorry."

Ikinibit lang ni Julianna ang mga balikat saka tahimik na nagsimulang magluto.

"Ahm, d-do you have some bread?" ani Maxine, hoping to break the awkward silence.

"Meron. Gusto mo bang initin muna?"

"Oo. Pero ako na. Abuso na masyado."

Iyon lang at nagkangitian na sila. Magkatulong silang nag-prepare ng Italian sausage sandwich. Nang maihanda iyon ay naglabas na rin siya ng sugar-free orange juice. Iyon ang pinagsaluhan nilang magkaibigan habang nakaupo sa sala at nakaharap sa malaking telebisyon. They're watching A Cinderella Story.

"Ang guwapo talaga ni Chad Michael Murray," almost dreamy na sabi ni Maxine.

"I like him more in The House of Wax." 

"You really have a penchant for bad boys."

Napakagat-labi siya nang biglang gumuhit sa kanyang alala ang isang partikular na mukha.

Two days niya pa lang itong hindi nakikita pero missed na missed niya na.

"Sino 'yan, ha?" nanunuksong sinipat na mabuti ni Maxine ang mukha ni Julianna.

Natatawang itinulak na palayo ng dalaga ang mukha ng kaibigan na halos lumapat na sa kanya.

"Ewan ko sa'yo. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo."

"Chos! Nai-intriga na talaga ako sa driver mong 'yan."

"Tumigil ka nga."

"Ano ang hitsura?"

"Kamukha no'ng kalbong tv host sa isang noontime show sa GMA."

"Si Wally Bayola?" pati butas ng ilong ni Maxine ay nanlaki.

"Oo."

"Maniwala ako sa'yo."

"Bahala ka," balewala niyang ikinibit ang mga balikat.

"Mga ganoon ang type mo?" parang naririmarim na tanong ni Maxine.

Naitirik ni Julianna ang mga mata. Ang kulit talaga ng baklita.

"Oo na nga."

"Anong oo na nga."

"He's cute."

"Si Wally Bayola?"

"Ugh, no! Si Sachi."

"Sachi-who?" parang bombilyang sumindi ang mga mata ng beki.

"My new driver."

"Sinasabi ko na nga ba, eh. 'Yong tigas mong kaiiwas na ipa-sight-sung sa akin ang lalaking katagpo mo noong nakaraan ay nagduda na talaga ako. Tsika na, baks." 

Naisip ni Julianna na unfair na maglihim siya sa kaibigan samantalang halos lahat ng tungkol sa buhay nito ay alam niya. Isa pa ay alam naman niyang hindi siya nito titigilan ng pangungulit.

"I met him in school."

"Dito sa bago?"

"Yes."

"O, tapos? Ano ang hitsura? May picture ka ba?"

Inilabas niya ang cellphone at ipinakita rito ang snap shot na kinuha niya nang malingat si Sachi.

"Aaay, Sushmita Sen! Kekiru. Sinasabi ko na nga ba, ang hilig mo sa mga bad boy look. Puwede ko ba siyang maarbor maski isang gabi?"

"Heh!"

"Sabi ko nga, off-limits. Mukhang Dakota Harrison, huh?"

"Ano?"

"Dakila, daks, malaki."

"Ah, oo."

"Nakita mo na?!"

"Oo naman. Hanggang--oops," natutop ni Julianna ang bibig bago halos mag-apoy ang magkabilang pisngi sa sobrang pamumula. "Tangeks! Matangkad ang ibig kong sabihin. Hanggang dibdib nga lang yata ako, eh." 

Ang lakas ng halakhak ni Maxine. Hinataw ito ni Julianna ng throw pillow, pero mabilis itong nakailag.

"Crazy!"

Halos mamilipit sa katatawa ang baklita.

"Pero seryoso, baks. Malaki ang ilong, Dakota Harrison tiyak 'yan."

"G-gano'n?" wala sa loob na napalunok siya.

"Oo. Maniwala ka sa akin, proven."

"Ano naman ang kinalaman ng ilong sa... er, ewan ko sa'yo! Kung anu-ano ang mga sinasabi mo."

"Pero aminin, na-curious ka."

Namumulang inirapan niya ito.

"Wala ka ba talagang natatandaan sa nangyari ng gabing 'yon?"

Umiling siya.

"I lost my V-card without a single memory of what happened. When I woke up I feel sore all over."

"Gusto mo bang kausapin ko si Drigs?"

"What for?"

"Kunsabagay nga."

Pareho silang natahimik.

"Baks?" mayamaya ay si Maxine din ang hindi nakatiis.

"O?"

"Alam kong madaling sabihin. But I really hope you can get over it soon. Don't dwell on it too much. At kung makakatulong na ibaling mo ang atensyon dito kay Dakota Harrison para makalimutan mo ang nangyari sa'yo, gow lang. Sa tingin ko kasi, you really like this guy. Huwag mong hayaang pigilan ka ng nangyari sa'yo ng gabing 'yon na sumubok pumasok sa isang relasyon."

"H-he's my driver."

"So? Snob ka, gano'n? Kung nagkataon palang anak lang ako ng hardinero namin hindi ka makikipagkaibigan sa akin?"

Natigilan siya.

"Oo nga naman," mapaklang reaksyon nito. "Isa ka nga palang heredera at unica hija ng mga Madri--"

Mabilis na sinunggaban ng yakap ni Julianna ang kaibigan. "Silly you."

Saglit lang namang natigilan ang beki. Nang makabawi ay niyakap na rin nito ang dalaga.

"O, siya, siya. Tama na ang drama at baka malunod na ako sa watermelon mo."

"Ang exag mo. Hindi naman ganoon kalaki, eh," niyuko ni Julianna ang dibdib. Pakwan daw?

"Ayaw mo ba no'n? Meron kayong common denominator. Pareho kayong may ipagmamalaki."

Nang hampasin ni Julianna ng throw pillow si Maxine ay hindi na ito nakailag. Halos mamilipit na naman ito sa katatawa.

-

mabuti na lang umabot pa ng Sunday.

give me some votes and comments, pampagana :)

frozen_delights




Continue Reading

You'll Also Like

10.6K 319 35
FAR IN TIME (Completed) Romance/Teen & General Fiction Language : Tagalog-English "You are the sun that light up my life, but can be the heat that w...
233K 6.6K 36
Samantha's marriage with the love of her life is shaken when an uninvited guest returns to their lives. But as dirty secrets arise, can they still re...
5.9M 183K 46
This is the story of a syndicate leader who fell in love with a hostaged Nun. "I found peace and..love in her. Mapapatawad ba ako ng Diyos niya kung...
11.1M 361K 62
Warning: Mature Content Men from Hell Series No. 1 Tyler Craig Smith's story "Don't trust what you see. Even salt looks like sugar." Tyler Craig Smit...