The Heiress and the Manwhore

By frozen_delights

1.5M 54K 5.9K

He had nothing to offer her, not even his name. He's a manwhore, a male prostitute who caters his clienteles... More

Dancing in the Dark
The Nearness Of You
Bad Dream
Beautiful
Fall
(I Think About You) 24/7
Ooh, la, la, la
Growl
Hurt
Electric Kiss
Sign
Baby
Tender Love
Love, love, love
My Lady
Xoxo
Deep Breath
Tempo
Lucky One
Monster
They Never Know
Lotto
'Can't Bring Me Down
Stronger
Coming Over
With You
Let Out The Beast
Boomerang I
Boomerang II
In this World
Damage
Unfair
Run
Promise
Cry
Nightmare
History
Saschia
Sachi is gone
Portrait of You
Chill
Going Crazy
Gravity
Sweet Lies
Overdose
Love Shot
Walk On Memories
I'll Be There
My Turn To Cry
Angel
Cloud 9
Love Words
One and Only
Heaven
Cherish
Smile On My Face
Flower
Moonlight
Forever
Let bygones, be bygones

Tell Me What Is Love

28.7K 1K 60
By frozen_delights

Chapter Five

ANG mga natirang pagkain ay ipinabalot ni Sachi. Akala ni Julianna ay iuuwi nito iyon kaya dadagdagan pa sana niya ng karagdagang order. Ngunit sa buong pagkamangha niya ay ipinamahagi iyon ng binata sa mga batang-lansangan. Ang umuusbong na damdamin ni Julianna para kay Sachi ay tila lalo pang nadagdagan.

Alam niyang regular na nagkakaloob ng tulong ang kanyang mga magulang sa mga charity institutions. Niyayaya pa nga siya ng mga ito na sumama kung minsan. Pero katwiran niya ay busy siya at walang time. Ngayong nakikita niya ang maliit na akto ng kawanggawa ni Sachi sa mga batang iyon na nagugutom sa lansangan, may isang parte ng pagkatao niya ang naantig. Hindi man siya ang nag-abot o nakaisip gawin iyon, isang bahagi niya ang natutuwa na sa maliit na halaga ay nagdulot ng ngiti sa mukha ng mga bata ang konting pagkain.

"Ayos ka lang? Sabi ko naman sa'yo, huwag ka ng sumunod, eh. Mainit dito."

Mainit nga. Pero mas lamang ang curiosity niya na malaman kung saan ito papunta kaya sinundan niya ito nang lumabas ng mall bitbit ang ipina-take out nilang leftovers.

Hinubad nito ang suot na cap at isinuot sa kanya.

"Tara na. Saan ba tayo pupunta?" anito na sinabayan siya pabalik ng mall.

Parang may mga paruparo sa kanyang sikmura sa naging gesture nito. Kinikilig siya. Inayos pa niya sa ulo ang ipinasuot nito sa kanyang sumbrero.

"Magsa-shopping."

Malayo-layo rin ang nilakad nila pabalik ng mall. At dahil mas mahaba ang mga biyas ni Sachi kumpara sa kanya, ang isang hakbang nito ay dalawang hakbang sa kanya. Wala sa loob na napakapit siya sa braso nito para hindi siya maiwan. Kung nagulat man ito ay deadma na lang siya.

They're friends. Ano ang masama sa magkaibigang naghahawakan ng braso?

Dumiretso sila sa basement parking ng mall. Ibinigay niya kay Sachi ang kanyang key fob.

"Akala ko ba takot kang mag-drive mag-isa?" nagtatakang tanong nito pagbaba nila sa basement parking area.

"Hindi naman ako ang nag-drive, si Max. 'Yong kaibigan ko."

Curious pa nga ang baklita na makita kung sino ang kakatagpuin niya pero pinandilatan niya lang ito. Natatakot siyang ipakilala rito si Sachi at baka landiin nito. Kaya, ayun. Gorabels na ito lulan ng taxi para makipagkita sa date nito.

"Wow, mukhang bagong-bago pa itong kotse mo, ah."

Nasa tapat sila ng isang kulay puting BMW. Ang Daddy niya ang pumili ng kulay niyon. Iyon ang regalo nito sa kanya last year when she turned nineteen. Maliit na salu-salo na lang din ang inihanda ng Mommy niya dahil isang brand new car naman ang regalo ng kanyang ama.

Nang akmang ipagbubukas siya ng pinto ni Sachi sa backseat ay umiling siya.

"I want to sit in front. Sasanayin ko na ang sarili ko para hindi na ako masyadong nao-overwhelm sa bigat ng traffic."

Kumiling lang ang ulo nito na parang sinasabing you're-the-boss. Lumigid ito sa tabi ng passenger side para buksan ang pinto.

"Thanks." 

Julianna was feeling giddy when she settled on her seat. Ikinabit niya ang kanyang seat belt nang okupahin ni Sachi ang driver's seat.

Gosh. Why does he look so right sitting in the driver's seat of my car?

"Where to?" he asked when he started the car and maneuvered it out of the basement parking.

"MOA."

Tahimik itong nagmaneho. Alam niyang malayo-layo rin ang magiging biyahe nila. Pero naisip niyang mas mabuti na iyon para hindi na ito magkaroon pa ng free time na makipagkita sa nag-text dito kung sino man iyon. The possibility that that person is one of his customers annoys her to the core. Heto nga at binigyan na niya ito ng trabaho para hindi na ito bumalik pa sa gawaing 'yon. 

Lihim niyang naipilig ang ulo sa mga naiisip. She's acting like a possessive girlfriend. Ni hindi niya manliligaw si Sachi pero gusto niyang i-monopolized ang atensyon at oras nito.

"Are you sure wala kang ibang lakad today? Baka makaistorbo ako sa'yo."

"Wala nga, ayos lang. Atsaka parang test drive na rin 'to para malaman mo kung okay ba sa'yo ang pagmamaneho ko."

"It's more than okay," mabilis niyang sagot na ikina-tsk nito. He sounds amused na ikinapamula ng mga pisngi niya.

Sabi nila ang mahusay na lover ay makikita sa paraan ng pagmamaneho. Parang lalong nag-init ang mga pisngi niya. Kung siya ang tatanungin ay gusto niya ang paraan ng pagmamaneho ni Sachi. Tantiyado ang bilis. Hindi bigla-biglang pi-preno na katulad ng ibang driver. Hindi rin reckless o kaskasero na akala mo ay nakikipagkarera kay Kamatayan. Suwabe at smooth ang pagpapatakbo nito. Maingat. Hindi basta-bastang sumisingit nang alanganin.

"Graduating ka na this year, right?" pag-iiba niya ng topic.

"Yes. Ikaw ba?"

"One more year."

Tumango ito.

"Where do you plan to work after graduation?" she asked again.

"Hindi pa ako sure kung makaka-graduate ako, eh," may himig-birong sabi nito.

"'Sus, ang harsh mo kay self."

Natawa lang ito, amused. Napangiti na rin siya. She wanted to ask more personal questions. Pero kinulang siya ng lakas ng loob. Alam niyang lumalabas ito kasama ng kung sinu-sino. Ngunit iyong matatawag na steady girlfriend o exclusive na karelasyon ay hindi kasama sa report na natanggap niya. Alam niya ring solong anak ito at ang tanging kasama nito sa bahay ay ang sakiting ina at isang pinsang babae. He is also twenty-three years old. Tumigil ito ng dalawang taon sa pag-aaral dahil sa kakapusan sa pera. Tatlong taon ang age gap nila. Average student lamang din ito at kung minsan ay sumasabit pa sa ilang subjects. Nag-try-out ito sa varsity team ng basketball during his freshman year since he's very tall, probably around six feet. Pero nagkabanggaan ito at ang team captain ng team. Hindi na ito tumuloy.

"I'm sure, makaka-graduate ka. Are you planning to work overseas?"

"Oo. 'Yon ang plano namin ni..."

Walter. Si Julianna na ang nagtuloy sa isip ng pangalang hindi nito binanggit.

Nakukunsensyang ipinukol niya ang tingin sa daan. She noticed they didn't encounter much traffic. Mukhang kabisado rin nito ang mga daan at kung paano sila makakaiwas sa heavy traffic. 

~0~

PAGKALIPAS ng mahigit isang oras ay narating din nila ang pakay na mall. Naisip ni Sachi na malaki rin naman ang mall na pinanggalingan nila ngunit mukhang hindi pa nakuntento ang lady boss niya at dumayo pa sila ng MOA. Lihim na lang siyang napailing. Sa kabilang banda ay ayos na rin ang nangyari para at least nakita nito kung paano siyang magmaneho. And it's more than okay nga raw ayon dito. Kung hindi niya napigilan ang sarili ay matatawa siya nang malakas. Hindi kasi nalingid sa kanya ang pamumula ng mukha nito matapos iyong sabihin.

Sa paraan ng mga ikinikilos nito ay ayaw niyang mag-assume. He knew the signs very well. At bagaman nakaka-flatter iyon sa side niya bilang isang lalaki, kailangan niya pa ring ipaalala sa sarili niya kung sino ito. Kung ano ang katayuan nito sa lipunan at kung ano siya.  

Matapos niyang mai-park nang maayos ang kotse ay pumasok na sila ng mall. Kusa niyang binagalan ang paglalakad dahil napansin niyang hirap si Julianna na sabayan ang mga hakbang niya. Ngayon niya lang din napansin, na kapag naka-sneakers pala ito ay abot lamang sa ilalim ng baba niya ang tuktok ng ulo nito. Parati kasi itong nakatakong na sapatos kapag pumapasok ng school kaya hindi kapansin-pansing maliit na babae lamang ito. Hula niya ay nasa 5'3" o 5'4" ang height nito.

"Dito tayo," hinila siya ni Julianna patungo sa isang high-end botique.

Sumunod na lang siya rito. Napagkamalan pa yata silang magkasintahan ng mga sales clerk sa paraan ng pagkakatingin ng mga ito sa kanilang dalawa ni Julianna. Ang higpit naman kasi ng hawak nito sa braso niya na para siyang makakawala. Bumitiw lang ito para tingnang mabuti ang disenyo at tela ng damit. Nang masulyapan niya ang presyo ng bawat item ng mga paninda roon ay parang gusto na niyang lumabas. Isang napasimpleng blouse, ni walang pambihirang disenyo nagkakahalaga ng sampung libo?

Ano kaya ang ginamit nilang sinulid dito? saloob-loob niya.

"Gusto mo ba 'yan?" nangingiting tanong ni Julianna nang malingunan niya.

"Ha?"

She giggled, nakatakip ang isang kamay sa bibig.

Napailing siya habang nangingiti.

"Ang sama kasi ng tingin mo sa blouse. Siguro kung may laser beam 'yang mga mata mo kanina pa nabutas."

At malamang butas din ang bulsa ko, naisip ni Sachi.

Tiningnan ni Julianna ang blouse, hinipo ang tela atsaka ininspeksyon ang harap at likuran.

"In fairness, maganda ang tela. I'll take it."

Muntik ng masamid si Sachi. Inabot ng sales lady ang napiling damit ni Julianna. Nadagdagan pa iyon ng isang tunic blouse at long skirt na flowing ang tela. Nang bayaran iyon ng dalaga sa cashier ay hindi na lamang siya tumingin sa presyong nag-appear sa cash machine. Baka mangilo lang ang ngipin niya.

"Thank you for shopping, Ma'am, Sir. Come again," magiliw na sabi ng mga sales clerk paglabas nila ng botique.

Kinuha ni Sachi ang shopping bags ni Julianna at siya na ang nagbitbit.

"Thanks."

Ilang high-end shops pa ang pinasukan nila ngunit mukhang walang nagustuhan ang dalaga.

"Masakit na ang mga paa ko. Pahinga muna tayo," ani Julianna.

Pumasok sila sa loob ng isang kilalang coffee shop.

"Can you order for us, please?" Inabutan siya nito ng dalawang one-thousand peso bill.

"Sige, ano ang gusto mo?"

"Cinnamon Dolce Latte, grande. Then order anything you like."

Ibinaba niya ang shopping bags ni Julianna sa bakanteng upuan sa tabi nito.

~0~

NANG tumalikod si Sachi ay parang gustong pagsisihan ni Julianna na inutusan pa itong um-order ng kanilang pagkain. Chick-magnet kasi ang height nito. Not to mention, he carries himself well. Hindi ito mukhang gawky kahit matangkad. Nasa tamang proportion ang built at maganda itong magdala ng damit. Hindi nakapagtatakang maraming kababaihan ang nakatingin dito. Mula sa mga female crew hanggang sa mga female customers na nasa loob ng coffee shop.

You're doing it again, Julianna Madrigal, saway niya sa sarili. 

Pero mukhang wala siyang dapat ika-threaten sa mga babaing nakapaligid dito kundi sa taong kausap nito sa cellphone.

At tumawag pa talaga? ngitngit ng isang panig ng utak niya.

Pero ano naman ang malay mo kung barkada niya lang ang tumatawag o nag-text sa kanya? kontra ng sensible na parte ng utak niya.

Kung barkada o kaibigan lang nito ang tumatawag bakit naman ganoon ka-intense ang expression ng mukha niya? katwiran niya pa.

Ganoon na ganoon din ang reaksyon nito kanina nang masulyapan niya ang text sa cellphone nito. Parang alanganin kung rereplayan ang kausap o hindi.

Pinilit niyang kontrolin ang sarili nang makitang pabalik na si Sachi dala ang kanilang order. Kunwari'y abala rin siya sa cellphone. 

Inilapag nito sa harapan niya ang plastic cup pati na ang sukli na mahigit pang isang libo.

"You didn't order food?"

"Akala ko kasi 'yan lang ang gusto mo."

"No, hindi para sa akin kundi para sa'yo."

"Ayos na 'to," itinaas nito ang baso ng iced coffee.

Napailing na lang siya.

"Is your girlfriend checking on you?" nakagat ni Julianna ang ibabang labi nang ma-realized kung ano ang lumabas sa bibig niya. Gosh, baka isipin niya I'm fishing for infos!

Pero hindi nga ba?

Mabilis niyang sinipsip ang straw sa kanyang inumin para itago ang pamumula ng magkabilang pisngi.

"Wala 'yon," balewalang sagot nito.

Hindi na siya nagsalita. Kung nag-iisa lamang siya ay baka natampal na niya ang sariling bibig.

"At wala rin akong girlfriend." 

Her heartbeat stops then it beats again like crazy!

-

  😍 😍 😍 😍 

frozen_delights

Continue Reading

You'll Also Like

97.7K 4.1K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
108K 4.9K 27
Alecxandra was broken-hearted from her past relationships. Nang magbakasyon sila ng kaniyang best friend sa isang island resort, ang Villa Martinez...
6K 297 42
Jeni is living two lives a day. An alter ego she's been hiding from everyone else. It is a secret life indeed. A secret life is hidden in a mask, red...
232K 13.1K 42
I changed everything in me. My name, the way I look. From Carlo Santos, I've decided to become Oliver Madrid in this island. I've turned my back fro...