Spirits

By Slylxymndr

450K 22.7K 1.6K

Kapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit for... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
Announcement
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Part 2 Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
Announcement!!
27
28
29
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
New Story Teaser
43
44
:)

30

5K 276 52
By Slylxymndr

Nang matanggap ni Kid ang sunod niyang misyon, bumalik na siya sa kanyang tinutuluyan at nagpahinga para sa kanyang susunod na gagawing misyon.

Paggising ni Kid ay naghanda na siya at lumabas papunta sa tahanan ni Shin Feng. Habang naglalakad siya papunta doon ay may nakasalubong siyang dalawang nag uusap na matanda at ang kanilang pinag uusapan ay walang iba kundi ang kundisyon ng anak ni Shin.

"Kaawa awa naman pala si Rhein ano! Hindi raw niya aikilos ang katawan niya." Sabi ng matanda.

"Oonga. Dalawang araw na ang dami ng mga manggagamot na pumunta dito sa Central City para gamutin ang sakit ng bata pero wala paring nakakapaglunas ng sakit niya!" Sabi ng isa pa.

"Oonga eh! Ano kayang sakit ang dumapo sa batang iyon. Napakabait pa naman ng dalagang iyon."

"Oonga. Kabaliktaran sa ugali ng kanyang ama, Napakasungit."

"Oonga! Baka karma na ni Shin Feng ang isang iyon!"

"Hoy! Baka may makarinig sa iyo ipatapon ka nila sa kulungan! Bilisan narin natin! Baka mamaya mahawa pa tayo ng sakit na iyon eh." At nagmadali na silang umalis sa kanilang kinatatayuan.

Hindi man maintindihan ni Kid ang halos lahat ng pag uusap ng dalawa pero narinig niya na ang isa sa mga sintomas ng sakit ng dalaga ay hindi makakilos.

Unti unti nang nakakabuo ng spekulasyon si Kid sa kanyang isipan kung ano ang maaaring sakit ng dalaga.

Ilang sandali pa ay nakarating na siya sa harapan ng naturang Manor kung saan nakatira ang pamilya ni Shin.

May mga taong nakaabang sa labas na sa spekulasyon ni Kid ay mga nagbabakasakaling makapagpagaling sa anak ng isa sa mga mayamang tao sa Lungsod.

Habang naglalakad si Kid papunta sa mga gwardyang nakabantay sa harapan ng bahay, nagkaroon ng komusyon nang lumabas ang tarlong doktor na nanggaling sa loob ng Manor.

"Ayan na sila! Ang magkakapatid na Lou!"

"Ang tatlong magkakapatid na magaling sa larangan ng medisina! Sa tingin ko ay wala na tayong pag asa sa pagpapagaling sa anak ng may ari ng Manor na ito dahil napagaling na nila."

"Oonga! Magaling talaga ang tatlong iyan. Silang tatlo ang gumamot sa isang sikat na Cultivator sa Central City. Napakagaling talaga ng tatlong iyan!"

Iyan ang mga usap usapan nang makita ang katawan ng tatlong lalaki na lumabas ng Manor. Halo ang mga nararamdaman ng mga doktor sa paligid. Ang iba ay lungkot at ang iba ay saya. Nalulungkot ang iba dahil hindi na nila masusubukan ang kanilang galing at swerte para mapagaling ang babae. Kung mapagaling kasi nila ito ay tiyak na makakakuha sila ng malaking pabuya.

Nang makalabas na ng tuluyan at nakaharap na sa ibang mga doktor ay nagsalita ang isa sa tatlong magkakapatid. "Ginawa namin ang lahat ng aming makakaya pero hindi namin malaman ang sakit ng bata." Sabi ng isa.

Nagkaroon naman ng kaunting liyab sa mga puso ng ibang doktor dahil sa narinig. Parang lalu silang ginanahan na subikan ang kanilang galing sa paggagamot.

Habang nakatayo si Kid sa likurang bahagi ng mga tao, hindi na niya pinansin ang iba at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa harapan ng gwardyang nagbabantay.

Napansin naman siya ng mga doktor na nasa paligid at hindi maiwasang magtaka sa ginagawa ng isang binata.

"Anong ginagawa ng batang iyon?"

"Hindi ba niya alam na bawal pumasok ang mga taong walang alam sa pagmemedisina sa loobng Manor ngayon?"

"Haha! Baka kalaguyo iyan ng anak ng may ari ng Manor!"

"Malabo na nga talaga ang mata ng matandang ito. Paano magiging kalaguyo ni Rhein ang isang iyan! Tignan mo nga ang suot niya! Parang gusgusin ang isang iyan noh!"

Hindi na pinansin ni Kid ang mga sinasabi ng ibang tao sa kanyang likuran at dumiretso papunta sa harapan ng dalawang gwardya.

"Ano ang balak mo dito bata?" Tanong ng isang gwardya.

"Susubukan ko ang aking kakayahan sa paggagamot para mapagaling ang anak ng may ari ng Manor na ito." Sabi ni Kid.

Hindi naman maipinta ang mukha ng gwardya sa narinig. Hindi siya nakapaniwala na may isang batang lalaki na magtatangkang maggamot sa nakakatakot at marahas na si Shin Feng.

"Hoy bata! Kung wala kang sasabihin na maayos umalis ka na dito!" Sabi ng isa pang gwardya. "Sino po ang susunod na papasok sa loob?" Tanong nito sa mga doktor na nasa labas.

"Hindi ako nagbibiro. Manggagamot ako." Aniya.

Nang marinig iyon ng mga doktor sa likuran ni Kid ay hindi nila maipinta ang nararaman nila sa narinig na sinabi ni Kid.

"Hangal itong batang ito ah! Ano sa tingin na ang pagmemedisina isang libro lang na madaling basahin!?"

"Hoy bata! Kailangan mo ng sampu pang taon para maging magaling sa pagmemedisina katulad namin! Huwag mong masyadong lakihan ang tingin mo sa sarili mo!"

"Panigurado, kapag nakita ito ni Shin Feng siya mismo ang babali sa leeg ng batang ito."

Amok ng mga doktor. Hindi rin kasi biro ang paggagamot. Madaming pinagdaanan ang mga ito bago nila narating ang ganoong estado ng kaalaman sa pagmemedisina at ngayon na nakaharap nila si Kid, na nasa 16 na taong gulang palang at sinasabi na bihasa rin siya sa pagmemedisina, parang sinasabi rin ni Kid na minamaliit niya ang mga ito dahil kaya niyang pagalingin ang dalaga.

"Teka nga, kung totoo yang sinasabi mo, nasaan ang iyong Badge para malaman namin na isa ka ngang manggagamot." Sabi ng gwardya.

Ang badge na sinasabi ng gwardya ay ang magsasabi na ang isang persona ay may sapat na kaalaman sa pagmemedisina ang isang iyon. Hindi lang sa pagmemedisina makakakuha ng badge kundi pati narin sa pagpapanday, pill making at iba pang kilalang trabaho sa lungsod.

"Wala akong Badge." Sabi ni Kid. "Pero kaya kong pagalingin ang may sakit." Dagsag pa niya.

"Aba! Umalis ka dito! Wlaa kang proweba na kaya mong magpagaling at may lakas ka ng loob para pumunta dito sa harapan ng Manor ni Shin Feng!" Sigaw ng gwardya at inakma niyang sipain si Kid.

Mabuti nalang at mabilis na nakapag- reak si Kid at nakasalag siya sa sipa ng gwardya.

"Iron Fullbody!"

Nang tumama ang sipa ng gwardya sa bandang braso ni Kid, nakaramdam si Kid ng pagmamanhid ng braso dahil sa sipang iyon.

Hindi alam ni Kid na nasa 8th Ascended Mortal Realm na ang mga gwardya at mas makalas ito kay Kid. Ilang sandali pa at napatalsik si Kid at sumadsad sa maalikabok na lupa.

"Yan ang nararapat sa iyo!"

"Huwag ka nang babalik dito! Masyado kang mayabang!"

Singhal ng mga doktor sa paligid. Gumuhit naman ang dugo sa gilid ng labi ni Kid at tinanggal niya agad ito. May inis na nararamdaman si Kid ngunit wala siyang magagawa dahil ang mga bagay na iyon ay nangyari na.

Nang makatayo si Kid ay makikita ang isang maliit na karwahe. Hila ito ng isang kulay kayumangging kabayo. Habang naglalakad ang kabayo papunta sa pasukan papunta sa loob ng Manor, tumayo si Kid at punagpagan niya ang sarili dahil sa mga alikabok at mga lupang napunta sa kanyang damit.

Habang tintahak ng karwahe ang daan papunta sa mga gwardya, maririnig ang mga boses ng mga doktor sa paligid.

"T-teka, diba iyan ang sikat na karwahe ng sikat na doktor sa silangang parte ng Central City ah! Si Lin Long!"

"Ang isa sa sikat na doktor sa Central City ay nandito na! Mabuti at nakarating siya dito kung hindi ay wala nang pag asa ang anag ni Shin Feng na gumaling."

Habang tinatagak ni Lin Dong ang daan, digla itong huminto sa harapan ni Kid at binuksan ang pinto. Nagtaka ang lahat nang makita ang nangyayari dahil ilang minuto lang ang nakakalipas nang sipain si Kid ng isang gwardya at ngayon ay huminto sa harapan ni Kid ang karwahe ng magaling na doktor.

May pagtataka rin sa mukha ni Kid nang makita ang paghinto ng isang karwahe sa kanyang harapan. Nang binuksan na ang  pinto ng karwahe, bumungad kay Kid ang isang matandang lalaki. "Sakay." Simple nitong sabi.

"P-po?"

"Ang sabi ko, Sakay." Simple ngunit ma- otoridad na sabi ng lalaki.

"Bakit ako sasakay sa loob niyan? Hindi naman nita kilala." Sabi ni Kid na may pagtataka sa kanyang mukha.

Ilang sandali pa at nakarinig si Kid ng boses ng isang babae.

"Hindi mo siya kilala, pero ako, kilala kita at kilala mo ako. Kaya kung gusto mong manatili diyan sa labas, tutuloy na kami papunta sa loob." Sabi nito. ".. Kid."

Ang nagsasalitang babae ay nakasuot ng isang belo na tumatakip sa kanyang mukha dahilan para hindi makita ni Kid ang itsura nito.

Nagulat si Kid na alam ng babae ang pangalan niya. Hindi tuloy maiwasan ni Kid na magtanong.

"S-sino ka?"

Makikita naman sa mukha ng babae ang pagngiti sa ilalim ng belo. Inangat niya ang knyabg mga kamay at unti unting tinanggal ang telang nakaharang sa kanyang mukha.

Unti unting lumabas ang mukha ng babae at bumungad kay Kid ang mukha ng babae. May halong gulat at tuwa sa mukha ni Kid.

Sa sobrang tuwa ay walang atubiling sumakay ito sa loob at hindi pinansin ang mga gulat at hindi makapaniwalang mga tao na nakasaksi sa kinilos ni Kid.

"S-sino ang batang iyon!?"

"Paani niya nakilala ang doktor na si Lin Dong!?"

"Mukhang nagkamali tayo ng husga sa batang iyon. Natatakot ako dahil baka parusahan tayo ni Lin Dong dahil kinutya natin ang batang iyon."

Kung hindi makapaniwala sila sa nakita, nanlaki naman ang mga mata ng gwardyang sumipa kay Kid.

Unti unting humabalik ang mga sinabi ni Kid sa kanyang isipan.

"Wala akong badge pero kaya kong pagalingin ang may sakit."

"Hindi ako nagbibiro. Manggagamot ako."

At nang maalala ang mga katagang iyon at masaksihan ang mga nangyari ngayon, parang nawalan ng lakas ang gwardya at nawalan ng cultivation.

Huminto ang karwahe sa harapan ng gwardyang iyon at hinarap siya ni Lin Dong.

"Nandito kami para gamutin ang anak ng may ari ng Manor. Maaari ba kaming pumasok?" Seryosong sabi ni Lin Dong sa gwardya.

Parang pumulupot naman ang dila nito at nawalan ng lakas. Muntikan na niyang masaktan ang kasama ng isa sa pinakasikat na manggagamot sa buong lungsod.

Tumango nalang ito hudyat para ipagpatuloy ng karwahe ang pagpasok sa loob ng Manor. Nang makalagpas na ang karwahe, namutla ang gwardya sa mga nangyari at kinakabahan sa mga mangyayari kapag nalaman ito ni Shin Feng.

Sa loob naman ng karwahe, nakangiti ng malawak si Kid katabi si Lin Dong at kaharap ang babae.

"Hindi talaga ako makapaniwala! Isang taon narin ang nakalipas. Ang akala ko ay hindi na kita makikita.." sabi ni Kid

"..Scarlet!"

Continue Reading

You'll Also Like

109K 11.4K 103
Si Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga...
675 91 12
Metaverses are immersive three-dimensional virtual worlds in which people interact as avatars with each other and with software agents, using the m...
16.5K 2.1K 103
Teiro Cannia is a ninth grade high school student living inside a big mansion, which he calls life prison because of its miserable rules and orders...
24.1K 1.7K 50
Nakapagdesisyon na ang batang si Li Xiaolong na gusto nitong pumasok sa loob ng isang prestirhiyosong paaralan sa Dou City, ang Cosmic Dragon Instit...