Hiring: UGLY Secretary (PUBLI...

By queenofactions

790K 13.8K 1.3K

HIGHEST RANK ACHIEVED: #1- wattpadromance #1- tagalogstories #1- secretidentity #2- rivalry COMPLETED (Septem... More

One
Two
Three
Four
Five
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Author's Note
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Characters (OFFICIAL)
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Author's Note
Twenty Eight
Twenty Nine
Promotion
Thirty
Thirty One
Announcement!
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Forty Four
Forty Five
Forty Six
Forty Seven
Forty Eight
Forty Nine
Last Chapter
Epilogue

Six

21.4K 326 4
By queenofactions

LUNA's POV

Halos hindi ako makahinga nang titigan nila ako. Pero, kailangan ko silang i-entertain. Huminga muna ako nang malalim para pigilan ang luha ko at ayusin ang pag-sasalita ko.

"G-Good Afternoon po. W-What can I do for you?"

Mariin nila akong tinitigan.

"We're looking for Mr. Frey. Is he here?'' Tanong ng matandang lalaki.

Wala pa rin siyang pinag-bago. Mukhang suplado pero madali mong malaman na mabait siya. Matikas pa rin ang tindig niya kahit nasa mid-fifties na siya. Siya si Patricio Madrigal.

"Yes, he's here. Please come in."

Ngumiti ako nang bahagya. Napatigtig sa'kin ang kasama niyang babae.

"You know what, hija, you're smile remind me of someone from the past."

Napalunok ako. Past.

Hindi rin nag-bago ang itsura. Sopistikada pa rin siya pero mabait. Katulad ng asawa niya ay nasa mid-fifties na rin ito. Siya naman si Yassi Madrigal

Pinapasok ko na sila at iginiya sa table ni Boss. Mr. Frey is not a fan of setting an appointment kaya okay lang kapag may mga ganitong cases. Malugod naman silang tinanggap ni Boss at sinenyasan ako na bumalik na sa table ko.

Hindi ako makakilos ng ayos. Parang anytime sasabog na ako at iiyak. Hindi na ako sumusulyap sa kanila at pinilit kong itutok ang atensyon ko sa computer kahit wala pang pinapagawa sa'kin si Boss.

I wish Hanzel is here. Mas madali sanang harapin sila. Napabuga na lang ako ng hangin.

"Alam mo, 'yong secretary mo parang pamiliar sa'kin!" Sabi ni Tita Yassi.

Naestatwa ako sa sinabi niya. Shit! Shit! Stop it!

"Oo nga, Mr. Frey. Naaalala ko rin sa kan'ya ang girlfriend ng anak kong si Hanzel." Sabi ni Tito Patricio.

"Talaga ho?" Kunwaring manghang sabi ni Boss.

"Oo hijo, nagsisisi nga kami at itinaboy namin siya noong mga panahong iyon."

Napayuko na ako nang mag-simulang tumulo ang luha ko.

"Would you mind to tell the story?" Tanong ni Boss.

"Well, Hanzel is our unico hijo. He has a heart disease." Tita Yassi pauses and look at my table. Siniguro kong nakayuko ako at hindi ipinapakita na umiiyak ako. "Hanzel meet his girl on highschool and they last until they graduated in college. Matibay ang relasyon ng dalawang iyon. Bagay na bagay sila. Until one day, they celebrate their 8th anniversary. Masaya si Hanzel noon at aalukin na niya ng kasal ang girlfriend niya kaya lang hindi natuloy dahil inatake siya ng sakit."

Sunod-sunod na ang luha ko. I miss Hanzel so much.

"Akala namin ay pinabayaan siya ng girlfriend niya kaya natagalan si Hanzel bago makarating sa hospital, ang hindi namin alam ay muntikan pang masagasaan ang girlfriend niya kakaharang sa mga sasakyan para manghingi ng tulong. Pinangunahan kami ng galit at pinalayo siya sa anak namin. We tried our best para hindi na sila mag-kita. Hindi namin alam na 'yong time na 'yon ay itinakwil siya ng mga magulang niya."

Kung kanina ay nakatagilid ako, ngayon ay tumlikod na ako at pinapatahan ang sarili ko. Bakit kasi nagtanong ka pa Boss, e? Nakakainis ka talaga.

"Hindi namin alam na tutol pala ang mga magulang ng girlfriend niya sa relasyon ng dalawa. Since then, wala na kaming balita sa kanya. Kahit ang pamilya niya ay wala nang alam. Pinapahanap nga siya hanggang ngayon. Pati si Hanzel halos siya lang ang hinihiling na makita."

Mas lalo akong napaiyak. Hinahanap din ako ni Hanzel.

"Kawawa naman siya. Sino po ba ang girlfriend niya baka makatulong ako?"

Nanlaki ang mga mata ko. No one should know kung sino talaga ako. Sana ay 'wag nilang banggitin ang totoo kong pangalan.


LUIGI's POV

I don't know how to feel about Hanzel's girlfriend. Kawawa rin 'yong Hanzel. I want to help him to find his girl.

"May ipapakita ako sa'yong picture. Ito 'yong huli nilang picture bago mangyari ang lahat." Sabi ni Mr. Madrigal.

Napalingon ako kay Luna ng tumayo ito at nakayukong lumapit sa table ko.

"Boss---"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang ipakita ni Mr. Madrigal ang picture galing sa wallet niya.

Nanlaki ang mata niyang napatigtig doon. Kitang-kita ko kung paano nanggilid ang mga luha ni Luna

"This is my son, Hanzel Grey Madrigal. And this is his girlfriend... Luna Althea Knight"

Otomatiko akong napatingin kay Luna na suminghap nang malakas. Kahit sina Mr. and Mrs. Madrigal ay napatingin sa kanya.

"B-Boss excuse me!"

Dali-dali siyang yumuko at tumakbo palabas. Tiningnan ko 'yong picture na inilalahad sa'kin ni Mr. Madrigal.

Matagal akong napatitig doon. May ganitong picture si Luna.

"Anong pangalan ng sekretarya mo? Talagang naaalala ko sa kan'ya si Althea." Sabi ni Mrs. Madrigal.

Tiningnan ko siya sa mata. I don't know why my heart was pounding so fast. Kinukutuban ako na hindi ko maintindihan.

"L-Luna Velarde!"

Nagkatinginan silang mag-asawa. Kahit ako ay medyo tulala.

"Mukhang kilala ko na kung sino ang lalapitan para mahanap ang girlfriend ng anak niyo, Mr. and Mrs. Madrigal!"

Napatingin sila sa'kin at sabay na ngumiti.

"Well then, I secure our investment on your company. Thank you so much, Mr. Frey!"

Tiningnan ko uli 'yong picture. Lalo na iyong Althea. Kamukhang-kamukha siya ng kaibigan ni Luis.

Si Hailey.

Umalis din sila pagkatapos ibigay ang address ng hospital kung saan naka-confine si Hanzel. Mahigit isang taon na palang nawawala si Althea. Magaling mag-tago ang isang iyon, ah. Kahit mga social media accounts niya nakadeactivate.

Napasandal ako sa back rest ng upuan ko. Kung kanina ay business lang ang nasa utak ko, ngayon kasama na ang tungkol sa Althea na iyon.

Napabuntong hininga na lamang ako. Then suddenly, Luna's face popped out. Her reactions... She seems so bothered.

Bakit ganoon ang reaction ni Luna? Bakit may picture siya na katulad ng picture na pinakita ni Mr. Madrigal? Bakit kamukha ni Hailey 'yong Althea? At nasaan ang Althea na 'yon? Bakit hindi siya nagpapakita sa pamilya at sa boyfriend niya?

Aish!

Inis kong ginulo ang buhok ko. Bakit kasi sinabi kong tutulungan ko sila? Pero mukhang madadalian ako rito dahil kay Hailey at Luna.

Tatlong sunod-sunod na katok ang nagpabalik sa'kin sa wisyo. I blow a breath again before I speak.

"Come in!"

Sino kaya ito? Hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik si Luna. At saka imposibleng siya ang kumakatok dahil kung si Luna iyon papasok agad iyon kahit hindi ko pa sinasabi.

"Good afternoon, Boss!"

"Tiffany, ikaw pala iyan. Anong sadya mo?" Tamad kong tanong.

"Ah, pinapasabi lang po kasi ni Luna na hindi na raw po siya makakabalik dito ngayong araw. Masama raw po ang pakiramdam niya."

Matagal bago naproseso ang sinabi niya sa'kin. "Sige. Salamat."

She explains to me that Luna signed an undertime form and hurriedly went out. Tiffany signed it immediately because she said, Luna seems so pale and worried. I just nodded. Tapos naman na siya sa gawain niya sa araw na ito kaya ayos lang din naman. Umalis na rin s'ya pagkatapos noon. I need to talk to Hailey and Luna.

I dialed Luis number and he picked it up after a minute.

"Hey,Luis! Where are you? (I'm at the bar, Kuya. Why?)

At this hour? Nevermind. Can I talk to Hailey? May itatanong lang ako. (Oh, ah, ano kasi Kuya. Wala a-akong contact niya, e!)"

What? Impossible! Inis kong ibinaba ang tawag.

Si Luna! Si Luna na lang muna. Agad kong hinanap ang employee's folder niya at tiningnan ang address ng apartment niya.

Agad ko iyon pinuntahan kahit nagtataka ang guard ng company ko. Usually, kasi ay 8 pm na ako umaalis ng company. Agad din naman akong nakarating sa isang kanto. Malapit na iyon dito. Hindi ko lang maipapasok ang kotse ko sa loob.

Bumaba ako ng kotse at tiningnan ang paligid.

Magulo, madumi at maingay. Kursunada pa ata ng mga tambay ang kotse ko. Lumapit ako sa kanila at inabot ang limang libo.

"Pakibantayan ang kotse ko."

Well, money can always drive people. That's how shit our world is. Hindi ko na sila hinintay na sumagot at dire-diretso sa looban.

May nakita akong dalawang babae na kulang na kulang ang tela sa suot. Tsk! Dapat ay hindi na sila nag-damit.

"Excuse me!" Agaw atensyon ko sa kanila.

Nagkatinginan silang dalawa at ngumuya ng bubble gum. They smile on me seductively.

"Anong maipaglilingkod namin sayo, pogi? Isang gabi?" Tanong noong isa.

"Ako available kahit anong oras!" Ngising sabi pa ng isa. Napangiwi na lang ako. Mga bayaraan ata ang mga ito.

"I'm sorry but I'm looking for Luna. Do you know where is her apartment?"

Napangiwi sila. "Tsk! Si Mahinhin pala ang hanap nito Glydel, e. Pero, pogi, hindi bayaraan si Luna. Hindi iyon nagpapagamit."

Napailing na lang ako. "No! I'm her Boss. Kailangan ko lang siyang makausap."

Nagkatinginan uli silang dalawa at itinuro ang isang pinto. Binayaran ko na lang din sila at agad pumunta sa pintuang tinuro nila.

Kakatok na sana ako nang bumukas iyon at hindi ko inaasahan, lumabas doon ang babaeng hinahanap ko.

Pareho kaming natigilan.

"Althea? Ikaw si Althea hindi ba?" Tanong ko nang makabawi ako.


----

Happy  Hunting!

Continue Reading

You'll Also Like

4.5M 85.6K 40
Unpredictable, that's what love is. You'll never know who you'll fall in love with and when love will strike. You'll just find yourself in love. Gan...
7.8K 165 46
THE UNWANTED GIRL SEASON 2 by cutenixA A tagalog-english story. BTS Jungkook x Blackpink Lisa LisKook story. This is just the beginning of their Fore...
2.2K 167 35
Simple lang ang plano ni Serenaide sa maynila. Makapagtapos at maging doctor. Makapag tayo ng hospital at dalhin sa maynila ang pamilya niya. Hindi n...