BOOK 1 - EYES OF UNKNOWN

By koorum

10.3K 304 15

"Hindi ako nagkamali, parehas ka rin ng iba at walang hiya magtapat. Nakaka-turn off ka." - Ezekiel Matthew. ... More

TITLE PAGE
EPIGRAPH
PROLOGUE
CHAPTER 1 - PENETRATING
CHAPTER 2 - CURIOSITY
EPIGRAPH 2
CHAPTER 3 - INTIMIDATED
CHAPTER 4 - LOVE LETTER
CHAPTER 6 - KINDNESS
CHAPTER 7 - UNEXPECTED
CHAPTER 8 - HARDWORKING STALKER
CHAPTER 9 - WHAT MATTERS
CHAPTER 10 - A NAME
CHAPTER 11 - SIMPLE QUESTION
CHAPTER 12 - DISTRACTION
CHAPTER 13 - LET US DATE
CHAPTER 14 - MY KIND OF TEMPER
CHAPTER 15 - MISSION
CHAPTER 16 - UNDERCOVER
CHAPTER 17 - LET'S TALK
CHAPTER 18 - UNUSUAL
EPIGRAPH 3
CHAPTER 19 - LET ME STAY
CHAPTER 20 - UNNOTICED
CHAPTER 21 - RUMORS
CHAPTER 22 - PATHETIC
CHAPTER 23 - FAR AWAY ADMIRER
CHAPTER 24 - I'M TAKEN
CHAPTER 25 - THIS MOMENT
CHAPTER 26 - GETTING TO KNOW
CHAPTER 27 - MY PROMISE
CHAPTER 28 - WITH HIM
CHAPTER 29 - UNSPOKEN
CHAPTER 30 - DEEP FEELINGS
CHAPTER 31 - LETTING GO
EPIGRAPH 4
CHAPTER 32 - INFAMOUS
CHAPTER 33 - HESITANT
CHAPTER 34 - SLEEP WITH ME
CHAPTER 35 - GETTING OVER
CHAPTER 36 - FINAL
THE BEGINNING
NEXT SERIES

CHAPTER 5 - MY INTENTION

331 15 2
By koorum

Kinuha ang nakatagong phone at tinawagan ang salarin.

"Kumusta ang interesting situation ko para sa 'yo, kapatid?" Salubong ni Acelus.

"Sabi ko na nga ba. Tsk. Not interesting, it's embarassing." Ang definisyon ng naramdaman kanina.

"Hahaha! I miss you. Hindi ka man lang nagpaparamdam sa akin kaya nauna na 'ko," mas lalong pinaganda ang magandang boses.

"I miss you too. I'm busy sa puro school works at maraming mga matang nakatingin dito kaya kailangan husayan--"

"Wow, nice! Very normal, Trina."

"Of course. Ikaw, how's life?"

"Same as ever. Hindi mo man lang ba itatanong kung bakit ganoon ang ginawa ko kanina?"

Tungkol sa pink love letter? "Nevermind at hindi ako interesado--"

"I know, pero hindi naman masama lagyan ng ibang kulay ang ginuguhit mong buhay. Ni isang boyfriend hindi mo pa naranasan. It's fun to add something spice sa niluluto mong ulam. Kumbaga try mo rin tumikim ng pagkain sa turo turo."

Kasabay ng sinasabi ng kapatid, mula sa kinauupuan sa loob ng sasakyan habang nakatingin sa nakasaradong bintana, nalipat ang paningin sa lalaking kinukuha ang bisekleta sa tabi ng sasakyan. Hindi nito alam nandito ako sa loob dahil heavy tinted ang salamin kaya malayang napagmamasdan ito.

Pumasok sa isip ang letter at ang sinasabi pa ng kapatid.

"I found him looking at you from far away. Naawa ako sa katulad niya, ang kaya lang gawin tumingin sa iyo sa malayo. Ikaw naman kasi hindi mo man lang bigyan ng chance. Kakatok pa lang dinadagdagan mo na ang kandado ng pinto."

Kinakalikot nito ang kadena, luma at kinakalawang. Inaalis ang kandadong nakakabit at kadenang nakaikot sa bakal.

"What do you say?"

Ngayon ay may bagong napapansin, ang suot nitong jeans at tshirt ay kumukupas. Hindi noon masyadong mapapansin dahil sa pagdadala at bumagay sa itsura.

"Hindi naman sa itinutulak ko siya sa 'yo. He is just an example of human being around you na interesting bigyan ng pansin at hindi gawing pader at dinadaan lang."

Or baka ako ang pader sa paligid niya? "Ngayon ko lang nalaman Acelus, magaling ka pala magbigay ng additives sa linya mo. Tsk, convincing queen," sabi ko. At ang lalaki ay...

Humigpit ang hawak ko sa cellphone. Natigilan dahil tumingin ito dito sa sasakyan kung saan ako nakaupo sa paraang nakikita ang loob.

Tumawa si Acelus mula sa kabilang linya. "Anyway, baka magkita tayo soon at ikwento ko na lang ang iba sa 'yo that time. Sige kapatid, keep safe." Naputol ang linya.

Ilang sandali lamang iyon. Umalis ang paningin nito sa sasakyan, nagpedal sa bisekleta at umalis. Napahugot ng malalim na paghinga.

Hard to breathe again.

Maybe, hindi soundproof itong kotse. Tsk.

At umalis din sa lugar na iyon.

Kinabukasan sa palaging routine, pumasok muli sa mga klase at ginawa ang usual. Kagaya ng pinapakitang kabaitan sa mga taong lumalapit at...

May dumaan sa harapan. Naamoy ang panlalaking amoy nito, walang perfume o kung anong pabango. Mula sa nangyari kahapon at sa sinabi ng kapatid, humakbang ang paa at sumunod sa nilalakaran.

If curiosity truly kills the cat.

Mula sa departamento hanggang makarating sa library ay nakasunod ng hindi kalayuan. Mula sa paningin, napansin ang mga babae sa paligid ang pagbibigay dito ng tingin. Ang iba ay hindi hinihiwalayan ng mga mata at todong nakasunod kahit humaba ang leeg. May nagsisitawanan at mayroon gustong lumapit at tawagin ito pero hindi natutuloy at umaatras. Sa reaksyon ng iba, nagkaroon ng pagkakataon hindi mapansin ang pagdaan ko.

Hinanap ng mga mata kung saan naroroon pagkapasok sa loob ng silid aklatan. Tahimik kumpara sa labas, ang mga estudyanteng katulad ko ay puro halos mga nakayuko at nag-aaral.

Patuloy naglakad at tumitingin sa bawat cubicle at estante ng mga libro. Hanggang makarating sa dulo. Tama ang hula, ang kagaya nito ay matatawag na loner. Nasa dulo at nag-iisa sa isang maliit na lamesa. Sa harapan ay nakabukas ang mga libro at notes, seryosong nagbabasa.

Bago gawin ang nasa isip gawin, kumuha muna ng napiling maalikabok na libro mula sa magulong bookshelf saka hinila ang upuan sa harapan ng lamesa, sa harapan mismo ng lalaki at umupo ng tahimik.

Tumingin ang mga mata nitong kulay itim, medyo blanko ang pagtitig, marahil nabigla sa pagsulpot na ito, kasabay ang pagsalubong ng mga kilay. Katulad ng nangyari kahapon, narito muli ang pakiramdam sa harapan ng taong ito. Gusto iyon alisin ng isip pero sadyang nagpapaubaya ang sarili. Nandito ngayon at malayang tumititig sa kaharap kahit ibinalik ko ng seryosong titig, diretso at walang alinlangan.

Marahil ilang segundo ang lumipas at bago ito magsalita nang unahan iyon ng sariling bibig, kasabay ang pagbukas ng hawak kong libro kung saan nakaipit ang papel.

Nagsimula akong magbasa sa harapan niya ng mga salita na mayroon sa papel sa mahina at mahinahong boses, "Dear Dark Handsome, I can't help but notice you. Though you stand from a distance, my eyes always find the place of yours. And my heart flutters from afar. From your far away admirer, Trina Syn Hall Villan."

Ang mga nakasulat na ito, kompleto pa ang pangalan ko. Hindi mapigilan ng sariling mga labi ang mapangisi. Ipinatong sa lamesa ang hawak na libro para ipakita dito ang papel, kasabay ang masusing pag-aaral sa reaksyon ng kaharap sa binasa ko.

Pero ang balik na ngayon ay walang emosyon.

At nagsalita, sa boses nitong mahina pero buo at baritono, "Hindi ako nagkamali, parehas ka rin ng iba at walang hiya magtapat. Nakaka-turn off ka."

Muntik pa mawala sa tamang direksyon ang isip.

Kung direct ang pakay ko dito, mas direct ito.

"Trina."

Napalingon sa kanan at nakita si Ms. University ng campus papalapit sa pwestong ito.

"Oops. Nandito ka pala, Ezekiel. Magkakilala kayo?" Pa-cute nitong tanong sa maliit nitong boses habang pinupungay ang mga mata.

"Hindi," sagot ng lalaki habang inaayos ang mga libro nito ng mabilis, walang imik at paalam ng tumayo, saka umalis.

"Snob, pero cute at gwapo." Habol dito ng tingin sa likod ng lalaki. "He's my type, you know. Kahit hindi siya mayaman, okay lang." Nakakibot ang mga labi. "Have you seen his body? Very sexy halatang banat sa trabaho," nangangarap pang sabi.

Lust.

"Ano pala pinagusapan niyo?"

"Wala. Parehas lang kami ng table," sa balewalang sagot. Ang lamesa sa harapan ay klarado, pati ang librong may pink letter ay wala na rin. Tsk.

"Alam mo ba? Umiyak sa kanya si Ate Luna. Wala na siya dito, member din siya ng royalty club. Graduate na pero muntik pa ngang hindi. Balita ko halos magmakaawa 'yon kay Ezekiel araw araw para lang mapansin. Unfortunately, walang effect ang effort niya. Siguro sa akin siya nakatadhana. Hindi pa ako sumubok pero good thing pinapansin niya ako," sa diretsong kwento at hindi kinapos ng hininga.

"Busy ka ba?" Tanong ko ng nakangiti.

"Nope!" Nangangarap pa rin ang mga mata.

"Tara, icecream tayo." Hinila ko siya palabas para matapos ang walang kwentang pangangarap.

🖤🖤🖤

Tumunog ang sariling cellular phone, tinanggap ang tawag.

"Trina, umuwi ka ngayon request ng lolo mo. Matagal ka ng hindi pumupunta sa family dinner natin," ang boses ng ina, sa nagtatampong tono.

"Sa sunod na lang, Ma. I'm busy."

"No, you should come. Baka ganyan na naman ang sasabihin mo next week!"

Hindi ako umimik.

"You've changed, Trina," mas malungkot ang tono.

Binago ang isip. "Sige, papunta ako." Saka itinigil ang tawag.

Kinagabihan nga ay umuwi. Isang oras ang biyahe pauwi sa mansion. Nag-uumpisa na silang kumain pagdating ko.

"Trina!" Tawag ng lolo, nakaupo sa dulong gitna ng napakahabang lamesa. Nakabukas ang mga bisig at halatang nagpapayakap.

Pagkayakap ko sa kanya ay hinalikan naman sa pisngi ang mga magulang. Nilagpasan ko si Traisie at ang kapatid na lalaki na himalang present. Tumabi kay Acelus sa dulo saka kumuha ng nais kainin.

"Kumusta ang lovelife?" Bulong ng kapatid malapit sa tenga.

"Dramatic. Tsk."

"Trina, how's school?" Si Lolo.

Ibinaba muna ang kutsarang isusubo sana. "Big school, great friends, professional instructors, good lessons, and I easily cope with them. You know Lolo, everything is exciting for me." Sabay ipinakita ang perfect smile.

"Oh, that's great! I'm proud of you!"

Sumingit ang mga magulang, "If something happen, call us immediately."

"School is tough. If you need anything just tell us."

"And ignore the boys, Trina. You are too young to have boyfriends."

"Yeah, no boyfriends, study first only. It will bring you no good."

"Focus on your studies, and have friends but with limits."

Strict.

"Bakit si Trina separate na? What about me? I asked ages ago, and Father, you should let me! And to her? She asked once, and all of you approved. Anak niyo pa ba ako?" Sabad ni Traisie.

Lahat kami ay napatingin sa kanya. Ngayon lang kasi ito nagsalita ng may halong lungkot ang boses.

"Pagtatalunan ba natin ito ulit? You're still young. We trust you, but trust us first why we shouldn't let you."

"At bakit si Acel kabi-kabila ang boyfriends eh hinahayaan niyo?"

Bigla akong napatingin kay Acelus.

"What? Is that true, Acelus?!" Malakas na tanong ni papa.

"Pinagsasabay-sabay niya, Father!" Dugtong pa.

Tumingin si Acelus kay papa at tumango.

"Why are you doing that? Niloloko mo sila!"

"I'm not, one at a time lang po ako, Pa," sagot naman ng kapatid.

Namimilog ang mga mata ni mama at hindi mahagalip ni papa ang boses. Samantalang si lolo ay tahimik.

May biglang tumawa ng malakas. Galing iyon sa kapatid na lalaki. Weird.

Matagal bago tumigil tumawa si kuya.

"Why are you happy, Brother?" Tanong ni Traisie, hindi rin makapaniwala ang nasa mukha.

"Thanks, Acel," sabi ni kuya at tumayo, umalis ng hindi sinagot ang tanong.

"No problem," pahabol ni Acelus dito.

Pinagpatuloy, "What's the difference, Acel? Boyfriends may 's' ibig sabihin marami. You should stop it or you will be grounded!" Galit na si papa. "Dapat hindi ako naging maluwag sa iyo."

"Why should I?" Mahina ang boses.

"Because honey, your father is worried na baka lokohin ka lang ng mga lalaki diyan. Don't stand at the edge baka mabuntis ka ng maaga," sumabad na si mama, "sana hindi umabot sa puntong pagsisisihan mo ang lahat. Alright?"

Magsasalita pa sana si papa pero pinigilan ito ni mama.

Matagal bago sumagot ang kapatid dahil mukhang nag-iisip. "I understand."

Habang hindi kasali sa usapan nila, sinamantala kumain at nakaubos na nga ng first plate.

"Dito ka matutulog?" Bulong ng katabi.

"Oo, dahil marami kang ikukwento."

🖤🖤🖤

Pumunta ako sa silid, naroon na ito.

"Dito ka na matulog," sabi ko sa kanya. Kahit may sarili na itong silid.

"Boring dito kapag wala ka," sabi nito.

"May apartment ka rin kaya. Ba't ka pala nandito? Akala ko busy ka? And as far as I know, lahat ng lugar kung saan ka ay interesting para sa iyo." Habang nakataas ang kilay ko.

Tumawa lamang.

"Kailan ka pa nag-collect ng boyfriends? Nakailan ka na ba?"

"I thought busy ka? May pa good-good at great-great ka pa kanina sa school mo."

"Nevermind, Acelus. Anong nangyari at biglang nasapian si kuya?"

"Napansin mo ba naka-lima ka ng tanong? Hindi ko alam kung ano uunahin."

Binato ko ito bigla ng unan. Hindi umiwas kaya natamaan sa mukha. Biglang nagseryoso, waring nag-iisip. Mayamaya ay nagsalita, "Target ko mapansin ng isang lalaki. Malaki ang connection niya sa black diamonds na hinahanap natin noong isang buwan. Mahirap lapitan ang lalaki pero mahilig daw sa babae. So, kung mahirap makalapit sa kanya, siya ang papalapitin ko."

Nakatitig ako at nakikinig.

"Next Friday ko siya ihuhulog sa patibong ko. Ipapasa ko na ito sa inyo pagkatapos."

"At ang boyfriends?"

"I'm just practicing, get an experience to be with guys, how to manipulate them," simpleng sagot.

"Nagpaturo ka na lang sana kay Frances," ngisi kong turan at ang tinutukoy ay ang manipulator ng grupo.

"Busy, hindi ko mahagilap."

"About kay kuya, anong nangyari doon?"

"Ah 'yon, nasa bar kami ng ka-date ko. Nandoon din si kuya, nililingkis ng babae. Tinulungan ko na, napansin ko kasing irritated na. Akalain mo 'yon? Napansin ko pa ang pagkakaiba ng response ng mukha niya?" Tumawa muna ng malakas. "Tapos, nagpanggap akong lovable and true love ni Kuya Trod," tumawa ulit, "and of course nagalit ang date ko na kinaiinisan din pala ni kuya. Ang labas, four birds in one stone, tig-dalawa kami. Nagkagulo sa bar at hindi ako nahirapan makipag-break sa ika-seventeen kong boyfriend at nakatulong pa ako. Gets mo ba?"

"Umabot ka sa ganoong bilang para lang sa target mo matuto ng flirting?"

"No and yes. Nakuha ko sa ika-apat, enjoyment na lang ang sumunod."

Binato ko ulit ito bigla ng unan, pero nakaiwas.

"Inggit ka?"

"No."

"Balak ko na pala iwanan ang apartment ko, wala ng katahimikan."

"Pinagkakaguluhan ka ng mga lalaki?"

"Correction. Sa apartment sila nagkakagulo, nagkakaabutan."

Ang hirap itigil ang tawa kapag naumpisahan na. Tawa kami ng tawa sa mga nangyari. Marami pa itong nakwento. Sa susunod ko na lamang babanggitin sa kanya ang set up nitong ginawa sa buhay ko.

Continue Reading

You'll Also Like

37.5K 1.7K 34
"I can't beat you so I joined. I never underestimate your kinds, Master." Valentina, is a woman that competent in doing something challenging, and wo...
39.6K 903 30
EZEKIEL MILDRED X NAOMI GUILLAUME What if a woman who was described as perfect will be in love with a blind person? Because of an accident, his life...
305 45 26
It is okay to love someone has a dark past? you will love that person no matter what happens to your life. Nathalie change her life because of this g...
690K 11.4K 63
(RAW/UNEDITED) Ahlisha Zoxzhen Bustamantelo has a simple life. She studies at public school and she always ended up fighting with her schoolmates. Ah...
Wattpad App - Unlock exclusive features