Spirits

By Slylxymndr

450K 22.7K 1.6K

Kapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit for... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
Announcement
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Part 2 Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
Announcement!!
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
New Story Teaser
43
44
:)

27

4.6K 241 17
By Slylxymndr

"Himala nakarating ka dito!" Sabi ni Priest Xiao sa lalaki. May inis sa mukha ni Priest Xiao dahil sa inasal ng kanyang kasamahan.

Tahimik lang si Aban at naglakad papunta sa pwesto ng kanyang mga kapwa guro. Sinundn naman ng tingin ng limang gwardya ang paglalakad ni Aban hanggang makarating ito sa kanyang pwesto.

"Osya, dahil nandito ka na, pagpapatuloy ko na ang aking pagpili. Ang pipiliin kong Official Guard na aking magiging edstudyante at si Jay." Sabi ni Roma.

Napangiti ng malaki si Jay sa narinig. Naruwa siya gdahil isang maging na guro ang magyuturo sa kanya ng mga nalalaman nito para mapalakas niya ang kanyang sarili.

"Maraming salamat po." Aniya.

Tumango si Tandang Roma at tumingin sa pwesto ni Kid. May panghihinayang sa kanyang mukha dahil sa desisyong kanyang nagawa.

Ilang sandali pa, inabot na ni Tandang Roma ang kanyang regalo para kay Jay at ntinanggap naman ito ni Jay ng bukal sa loob. Isa itong supot ng Body Nurturing Pills. Malaki ang magiging tulong nito para sa Cultivation ni Jay para makaalis na siya sa Mortal Realm.

Nang makapili na ang apat at natira nalang si Aban, lumapit ito kay Kid at nagsalita. "Ikaw ang aking magiging estudyante huh!" Aniya at naglakad na palabas ng kwarto. Ganoon narin ang ginawa ng ibang mga guro't kanipang esyudtante para masimulan na ang kanilang pagsasanay.
Habang naglalakad ang mga guro kasama ng kanilang mga estudyante, mapapansin ang pagiging makapangyarihan ng kanilang guro. Maririnig din ang mga pag uusap ng mga ito patungkol sa Cultivation at sa iba pang mga bagay patungkol sa katawan ng kanilang mga estudyante.

Muling humarap si Aban kay Kid at sumigaw. "Ano!? Tatayo ka nalang diyan? Sumama ka sa akin!" Aniya. Nagulat si Kid sa narinig at hinabol ang kanyang 'guro'.

Sa pagkakataong iyon, hindi nakaramdam si Kid ng lungkot o dismaya sa kanyang naging guro dahil hindi naman niya kailangan ng isa pang guro. Nasa isip niya na sapat na si Master Val bilang kanyang guro at hindi na niya kailangan ng isa. Ngunit naisip ni Kid na nasa Gaia nga pala sila at hindi sa dati nilang mundo. Madami pa siyang kailangang malaman at maturunan bukod sa kanyang mga nabasa sa Library.

Habang naglalakad ang magkasamang si Tandang Roma at si Jay, napansin ni Jay na nasa harapan na sila ng isang kwarto. Binuksan ito ni Roma at niyayang pumasok ang binata.

"Ito ang akong opisina dito sa loob ng Mission Hall. Maaari mo akong matagpuan dito sa loob o maaari namang diyan." Aniya sabay turo sa isang salamin na sinlaki ng isang tao. Ang salamin na nasa kanyang harapan ay isang uri ng portal na magagamit lamang sa buong Central City.

"Maaari kang pumasok diyan at makikita mo ang aking tahanan." Aniya at tumayo sa tabi ng portal. "Bilang aking bagong estudyante, bibigyan kita ng otoridad na makapasok sa portal at doon sa aking bahay ka maninirahan. Kumpleto na ang mga kagamitan at pngangailangan sa loob kung kaya't inaasahan kong habang hawak kita ay maipapalabas natin ang iyong buong potensyal bilang isang Cultivator."

Mahahalata sa mga mata ni Jay ang mangha at tuwa sa narinig. Isa siyang maswerteng Cultivator bilang ang kanyang naging guro ay magaling at may malasakit sa kanyang estudyante.

"Maraming salamat po." Aniya.

"Osya, huwag na nating patagalin ito. Pumasok na tayo sa loob." Sabi ni Roma at pumasok na da loob. Sumunod naman si Jay papasok sa loob nang may galak at pasasalamat sa mukha.

Bukod kay Jay, sila Gian, Lee at Monet ay pare parehas ng nararamdaman sa kanilang mga guro. Halos pare parehas sila ng mga natanggap na prebelehiyo mula sa kanilang mga guro.

Habang naglalakad at sinusundan si Aban, pinagmasdan ni Kid ang likuran ng kanyang guro. Hindi naman pala ito ganoon kapayat. Naging ganoon lang ang kanyang itsura dhil sa malalaki niyang suot na damit ngunit pansin niya na ang mga damit na ito ay madumi. Hindi na niya naipagpatuloy ang pag iisip nang makaharap sila sa isa pang pinto palabas ng Mission Hall.

Paglabas ng Mission Hall, nagtaka si Kid kung saan sila pupunta ni Aban kung kaya't walang atubiling nagtanong ito dito.

"Saan po tayo pupunta?" Tanong niya.

Huminto sa paglalakad si Aban at humarap sa likod. May pagtataka ito sa kanyang mukha nang makita si Kid. Nakalimutan niyang may kasama nga pala siya.

"Ay! Oo nga pala. Nakalimutan kita." Aniya. "Bukas nalang pala tayo magsisimula. Tinatamad ako ngayon. Bukas, alas otso ng umaga, pumunta ka sa harapan ng Mission Hall. Sisimulan natin ang iyong pagsasanay." Aniya.

May pagtatakang makikita sa mukha ni Kid nang marinig iyon. Pagtataka na may halong inis. Ngunit wala siyang magawa kundi kausapin ang sarili. "Hindi ba sabi niya kanina sundan ko siya?!"

Walang nagawa ito kundi bumalik sa loob ng Mission Hall at maglibot libot. Unang sumalubong kay Kid ang isang malaking pisara. Ito ay ang Mission Board.

Sari saring nga Mission ang nasa kanyang harapan kung kaya't hindi niya mapigilang lumapit dito. Isa isa noyang binasa ang mga papel na nakadikit sa pisarang iyon.

_____

Clover Village Defense
✩✩✩

Ang Clover Village ay isang maliit na nayong ito ay nangangailangan ng tulong mula sa mga pag atake ng mga goblin.

Reward:
3 Gold
_____

Nanlaki ang mga mata ni Kid. "3 Gold!?" Aniya sa sarili.

Ang katumbas ng isang ginto ay 100 na silver bilang Silver ang pinakamababang pera sa Gaia.

Sa isandaang silver, madami ka nang mabibili doon kung kaya't nagulat si Kid nang makita ang reward na makukuha.

Sa katabi niya, mayroong isang Guard na kasalukuyang naghahanap ng kanyang susunod na magiging misyon. Napansin niya ang binatang nakatayo sa harapan ng isang poster na may gulat sa mga mata.

"Mukhang bagong salta itong batang ito ah." Aniya sa sarili. Nilapitan niya si Kid at tinanong. "Bago ka dito?" Tanong niya.

Napalingon naman si Kid sa lalaki at may gulat sa mukha. Napatango nalang si Kid sa lalaki bilang sagot.

"Halata ngang bago ka dito." Aniya. Tinignan niya ang poster na tinignan ni Kid kanina  at napangiti ito.

"Ilang buwan na ang poster na iyoan ngunit walang kumukuha." Aniya.

"Bakit po?"

Huminga ng malalim ang lalaki at inangat ang papel na tinignan ni Kid. "Ang nayon na iyan ay hindi sakop ng Central City." Aniya.

Ang lupain kung saan sakop ng mga tao ay nahahati sa anim na pangunahing lungsod. Ito ay ang  Central City, Longbottom City, Firefly City, Sungrass City, Dark Harmony City at ChillHound City.

Ang bawat bayan na iyon ay may kanya kanyang mga lugar kung saan sila komportableng tumira. Halimbawa nalang ang ChillHound City. Ang lugar na ito ay nakakaranas ng walong buwan ng taglamig at apat na buwan ng tag araw. Natural sa kanila ang snow dahil nasa ibabang parte ito ng Gaia.

May mga lugar din sa mapa ng Gaia na hindi sakop ng kahit aling kilalang lungsod sa lupaing iyon. Nagtayo sila ng kani kanilang mga nayon na mas maliit sa nga lungsod sa kanilang palogid.

Isang halimbawa na dito ang Clover Village. Halos katabi na ito ng Central City ngunit hindi ito sakop ng lungsod. Ilang kilometro ang layo nito sa Central City at sa loob ng apat na oras ay mararating mo iyon gamit ang isang kabayo.

"Malapit lamang ito sa Central City ngunit hindi ito sakop ng lungsod kung kaya't walang kumukuha ng misyong iyan." Sabi ng lalaki.

"Bakit po? Hindi naman siguro tamang rason na porket hindi ito sakop ng Central eh hindi na ito kukunin ng iba diba?" Tanong ni Kid.

"Hhmmm. Siguro nga. Pero bilang isang Guard, kailangan mong makakuha ng mga puntos mula sa Central City na makukuha mo lang kapag nakatapos ka ng misyon sa loob ng Central City." Aniya. "Ang mga puntos na iyon ay ibibigay sa iyo ng taong nagpagawa ng poster na iyan kapag natapos mo na ang misyon. Ang mga puntos na iyon ay pwede mong ipalit sa isang Counter sa loob ng Mission Hall at makuha ito bilang pera." Aniya.

"Mga puntos?"

"Oo. Mga puntos." Sabi ng lalaki. Itimuro niya ang mga itim na stars na nasa poster. "Nakikit amo itong mga bituin na ito? Dalawa ang gamit niyan. Una ay para malaman mo kung gaano kahirap ang misyong iyong kukunin. Pangalawa ay para malaman mo kung ilang puntos ang makukuha mo."

"Sa bawat puntos na makukuha mo ay may katumbas na 1 Gold. Kung kaya't madaming mga Official Guards katulad natin na kumukuha ng mga misyong may tatlo o higit pang stars." Aniya. "Ang pinakamadaming Stars na maaaring ibigay sa isang poster ay sampu. Habang dumadami ang mga stars, mas mahirap gawin ang misyon."

Nang malaman ito ni Kid, napatango nalang ito. Napatingin ito sa Poster ng Clover Village at napansin niya na kulay puti ang bituing nasa poster.

"Ano po ang ibig sabihin nito? Bakit kulay puti?" Tanong ni Kid.

Halos lahat kasi ng mga poster na nakadikit sa Mission Board ay may kulay itim ng bituin sa bawat poster. Bilang lang sa mga daliri ang may kulay puti.

"Ibig sabihin niyan ay ang misyong iyon ay nasa labas ng lungsod. Wala kang matatanggap na puntos para ipalit. Ipinapakita nito kung gaano iyon khirap na misyon ngunit bilang kapalit ay wala kang makukuhang puntos." Sabi niya.

Ngayon ay mas maliwanag na ang kahat kay Kid, iniikot nito ang mga mata para itanong ang iba pa niyang napansin na katanungan para sa lalaki.

Ilang sandali pa at nakapili na ang lalaki ng kanyang misyon at kinuha ang poster na iyon.

"Maiwan na kita ah! Magmimisyon muna ako." Aniya.

"Marami pong salamat!" Sabi ni Kid. Nakita naman ni Kid ang kamay ng lalaking kanyang nakausap na nasa kanyang harapan.

"Nga pala, ako si Yuro. Isa ring Official Guard." Aniya.

"Kid. Bago lang."

"Bago? Ibig sabihin, kakakuha mo palang ng pagsusulit sa Beast Hall?"

"Oo. Kanina lang at mabuti ay nakapasa." Aniya at napakamot sa kanyang batok. Medyo nahiya ito sa sinabi.

"Ibig sabihin hindi pangkaraniwan ang lakas mo!"

"Hindi naman po sa ganon. Normal lang ang aking lakas katulad ng iba."

"Ay, maiba ako, Sino ang Guro mo?" Tanong ni Yuro.

"Ah, napili po ako ni Aban. Siya ang ak--"

"Ha!?" Sigaw ng lalaki. Muling bumalik ang lahat ng bangungot na kanyang pinagdaanan noong siya ay baguhan.

"B-bakit?" Tanong ni Kid.

"Bakit siya ang pinili mo!? Naku Kid! Ang akala ko pa naman ay may magaling kang guro katulad ni Ramon o di kaya'y si Xiao. Nakakakitaan pa naman kita ng malaking potensyal. Tapos mapupunta ka lang sa kanya!?"

"H-hindi ko siya pinili." Sabi ni Kid ng may hinayang sa mga mata. "Wala na pong ibang guro ang maaaring tumangggap ng estudyante dahil lima kaming magkakasama. Nakuha na ng apat ang unang apat na guro at wala nang natira kundi siya nalang kaya wala na akong nagawa." Sagot ni Kid.

"Ha!? Lima kayong nakapasa?!" Sigaw ni Yuro. Hindi ito makapaniwala sa narinig. Noon kasi, dalawa lang silang nakapasa bilang Official Guard sa kanilang panahon.

Tumango si Kid bilang sagot na nagpaisip kay Yuro. "Halimaw ang mga bagong Official Guard ngayong taon!"

Katulad ni Kid, naging estudyante rin siya ni Aban. Wala siyang nalaman o naramdaman na tulong mula kay Aban sa mga panahong iyon kung kaya't siya lamang ang laging gumagawa ng paraan para matulungan at matustusan niya ang pangangailangan ng Kanyang sarili. Bilang naranasan niya iyon, sabi niya sa sarili, kapag nakatagpo siya ng kaparehas na sitwasyon pagdating sa guro, tutulungan niya ito para hindi nito maranasan ang kanyang naranasan.

"Osya, alam ko ang pinagdadaanan mo ngayon. Bilang iyong senior, tutulungan kita sa iyong mga pangangailangan." Aniya. Napangiti naman si Kid nang marinig iyon. Wala kasi siyang matutulugan ngayong araw mabuti nalang at mayroong tutulong sa kanya.

"Pero wala nang libre sa mundo. Kaipangan mong magbayad ng renta kada buwan sa akin. Hindi lang iyon. Kapag kailangan ko ng tulong mo sa mga misyon, tutulungan mo akong magawa iyon." Sabi ni Yuro kay Kid.

"Magkano po ba ang babayaran ko sa inyo?"

"20 Silver kada buwan. Ayos na iyon." Sabi ni Yuro.

Mayroong halos 300 silver ni Kid sa kanyang bula kung kaya't may maipambabayad siya sa rentang hinihingi ni Yuro sa kanya. Mababa ba rin iyon kumpara sa ibang renta ng mga kwarto.

"Sige. Pumapayag ako." Sabi ni Kid at naglakad na papunta sa lugar ni Yuro.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 173 17
Isang taksil sa kaharian ng Alvarez, ito ang pagkakakilala sa ninuno ni Rael na si Odin at sa buong pamilya ng Ambrose. Ngunit sa kabila ng lahat ng...
62K 3.2K 39
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
24.1K 1.7K 50
Nakapagdesisyon na ang batang si Li Xiaolong na gusto nitong pumasok sa loob ng isang prestirhiyosong paaralan sa Dou City, ang Cosmic Dragon Instit...