Villareal #6: Mundane Twilight

By cinnderella

4M 136K 39.7K

Lovice More

Mundane Twilight
MT 0
MT 1
MT 2
MT 3
MT 4
MT 5
MT 7
MT 8
MT 9
MT 10
MT 11
MT 12
MT 13
MT 14
MT 15
MT 16
MT 17
MT 18
MT 19
MT 20
MT 21
MT 22
MT 23
MT 24
MT 25
MT 26
MT 27
MT 28
MT 29
MT 30
MT 31
MT 32
MT 33
MT 34
MT 35
MT 36
MT 37
MT 38
MT 39
MT 40
MT 41
MT 42
#MT43
#MT44
#MT45
#MTwakas

MT 6

75.5K 2.8K 697
By cinnderella

#MT6

My hair feels smooth after blow drying it, tiningnan ko ang sariling repleksyon. I put some liptint on my bottom lip and press my lips together with a sound. Bumusangot ako nang pasadahan ko ng tingin ang aking katawan, hinawakan ko ang tiyan at hinaplos.

I'm still chubby! I still have my bellies and I don't like it! I hate my body so much. At the age of sixteen, this makes me insecure to the point I'd skip eating lunch every break time even how much I wanted to eat because of hunger. Tanging tubig ang dala ko sa aming eskwelahan at iniiwasan ko ang canteen para lang hindi matakam sa amoy ng mga pagkain doon.

"Carly, paano ba pumayat? Gusto ko ng ganyang katawan sayo, e."

Carly looked at me from face to toe. "Hindi mo na kailangan, Lovi. Dadating ka rin sa pagdadalaga, hayaan mo na ganyan ang katawan mo. Mas malusog nga."

Inikot ko ang buhok sa daliri at umirap.

"I don't like my body, I want to get thin."

Masyado akong matakaw noon sa Australia bago mapunta rito, hindi ko naiisip ang ganitong katawan ko dahil madalas sa kaibigan ko ay kapreha ko lang ng figure. Chubby, pati na rin ang mga pinsan ko at si Lola pero ngayong nandito na ako sa Pilipinas ay mahirap na sa aking balewalain ang sariling katawan.

"Hindi ka naman kasi mataba, masyado ka lang conscious. Alam mo, mahirap magkalaman gaya niyang sayo. Ako nga gusto kong tumaba pero ganito pa rin. Makuntento ka na lang diyan." sermon ni Carly.

As a sixteen year old girl who used to live in a foreign country, I am more matured than any other friends I have here with me. Si Carly, nakikipaglaro pa ng habulan tuwing break time namin at walang arte sa sarili. She doesn't use liptint and make ups like me, hindi siya nagpapatuyo ng buhok bago pumasok at minsan pang lukot-lukot ang uniporme. Hindi ako nakakapasok sa eskwelahan na ganoon ang ayos, I used to see myself prepared to go outside because I know there people who talk shits about how we look. Maayos nga akong lumalabas parati at pumapasok sa school pero hindi naman naiiwasan na pansinin ang katawa ko, parati akong natutuksong Jollibee dahil sa tambok ng puwet ko. Ganoon rin ng mga braso kong malaman. Sa edad kong ito ay malaking bulas ako na nakuha sa side nila Lola at mas malaki pa ako sa ibang kabatch kong lalaki rito kaya hiyang-hiya ako parati.

"Hindi ko liligawan iyon, masyado siyang malaki para sa akin baka daganan ako."

Tawanan ng mga lalaki kong kaklase ang narinig sa corridor habang naglalakad ako patungong classroom. Napahinto ako sa paglalakad para makinig dahil may suspetsa ako sa topic nila.

"Oo nga, ang ganda sana dahil half Australian daw kaso ayokong madaganan. Mukha pang maasim."

Humagalpak sila at nag high-five sa isa't isa.

I confirmed it there. Half Aussie, I'm that girl! Only girl with a foreign blood in this little highschool I'm in, damn it. I feel so insulted and hurt.

"Noong sa house party nga nila Erica, walang lumalapit sa kanya. Paano ba naman, mas malaki pa siya sa mga lalaking imbitado roon puwera na lang sa mga higher batch. Kaso siyempre, mas type ng higher batch iyong mga sexy at model type. 'Tsaka angkop sa edad nila."

"Oo nga, naalala ko tinanong kay Carly kung ilang taon na ba si Aussie-m at nung sinabing sixteen. Ayun nag back out sila Bill. Masyado raw bata, akala siguro nila puwede na maging kalandian."

Nagtawanan sila sa huling sinabi ni Marion.

Napairap ako. Akala nila walang lumapit sa akin noon? Puwes, mali sila dahil may lalaking humalik sa akin noong gabi sa house party at kahit hindi ko kilala ay alam ko namang alam niya ang itsura at katawan ko dahil nasa iisang party lang kami. I just can't remember things in between the whole night with him, I just felt him kissing me and grazing my body. I was drunk, hindi ko maalala ang iba at halik ang tanging alam kong nangyari sa madilim na kuwartong iyon. Kinaumagahan noon din ang pinakagamandang umaga kong naranasan kahit ramdam ang hang over. Kahit anong sabihin ng mga kaklase kong ito, hindi maalis na mayroon pa ring nagkagusto sa akin nang gabing iyon.

Ngumuso ako at lumalim ang pag-iisip, it's been a month and I still don't know him. Hindi ko na siya nadatnan sa silid na iyon pagkagising at masakit ang katawan ko dahil sa hang over kaya hindi ko na rin inisip na tanungin pa kay Erica kung sino ang nakasama ko. Isa pa ay nahihiya akong magtanong, dapat nga wala lang sa akin iyon dahil alam ko namang kalilimutan na din ng lalaking iyon ang nangyaring halikan namin.

My tummy suddenly felt cold and it swirled up, mabilis akong napatakip sa aking bibig. Tumingin ako sa nadaanang CR at agad tumakbo pabalik doon para ilabas ang paghilab ng tiyan ko. Ilang linggo ko na itong nararanasan, may trangkaso yata ako o dahil sa hindi ko pagkain ng kumpleto sa araw-araw.

Pagtapos sumuka ay nagmumog ako sa sink at tiningnan ang sarili sa salamin. Nakita ko ang paglabas ng isang matandang janitress sa may pangalawang cubicle. May hawak siyang map, muli akong napaigik at sumuka sa sink. My heart pummeled harshly while puking, sumakit ang lalamunan ko at muling magmumog pagtapos. Hingal pa akong nagpunas ng panyo sa labi ko.

"Ayos ka lang ba?" tanong noong janitress, nag-uumpisa na siyang mag mop ng sahig sa bandang likuran ko.

Lumunok ako at ngumiti. "Opo,"

"Madalas kang sumusuka, buntis ka ba?" she suddenly asked.

Kumunot ang noo ko at natawa.

"Hindi, po. May trangkaso lang siguro ako."

Napailing siya. "May nobyo ka ba?"

"Wala nga, po. Kaya imposible." natatawa kong iling.

She looked at me, the doubt in her eyes was very certain. Umiling siya ulit habang nakatingin sa akin, tiningnan niya ang mga parte ng mukha ko.

"Mabuti siguro kung subukan mong bumili ng PT. Kung ilang araw ka ng puro pagsusuka at pakiramdam mo'y trangkaso lang, baka iba na pala iyan."

Kinabahan ako bigla, hindi ko alam kung bakit. Naisip ko iyong mga nararamdaman ko nitong nakaraang linggo, madalas sumakit ang ulo at mahilo. Ganoon din ang pagsusuka na binabalewala ko dahil posibleng trangkaso o gawa ng panahon lang. Hindi pa kasi ako sanay rito kaya ganoon pero paanong mabubuntis?

Gaya ng sinabi noong janitress ay sinubukan ko nga iyon, natatawa ako pero kabado rin. Natatawa ako na baka masyado akong naniniwala sa imposibleng mangyari, pero kabado rin sa mga naisip kong sintomas. I searched about the symptoms and that were the exact feeling I'm having for weeks. Ilang sandali akong naghintay at saka muling tiningnan ang PT sa aking kamay, abot langit ang takot na naramdaman ko nang makita ang dalawang pulang linya. Pinaliwanag sa akin ng janitress ito kung paano gamitin at kung ano ang negatibo o positibong resulta, I'm positive!

"Lovice, ano ba't ang tagal mo naman diyan!? Malelate na ako!"

Halos mataranta ako nang kalampagin ni Papa ang pinto ng banyo mula sa labas. Namilog ang mga mata ko, takot ang nangunang bumalot sa akin. Nanginginig ang kamay na tinago ko ang maliit na PT sa aking bra at saka inayos ang sarili.

"L-Lalabas na, po!"

Kinagat ko ang labing namumutla sa takot bago binuksan ang pinto para lumabas, tumingin si Papa sa akin. Sumakit ang puso ko nang magtama ang tingin namin, nakita ko ang putla ng labi niya at halos nanghihina pa dahil kagagaling lang sa malubhang trangkaso pero papasok na ulit sa trabaho ngayon para may pang araw-araw kami sa bahay.

Umiwas ako ng tingin at humakbang na palayo, I heard him sigh. Alam niyang malayo pa rin ang loob ko sa kanya hanggang ngayon pero hindi niya ako pinilit na paamuhin at hinahayaan ako sa mga gawain ko simula noong unang taon ko pa lang dito hanggang ngayon. Ganoon din sila Mama at mga kapatid ko na hindi ko masyadong kinakausap, ayaw ko sa kanila. Mas gusto ko kay Lola. Bigla akong nahabag sa lahat ng pinararamdaman ko sa kanila.

Gusto kong humagulgol at magwala dahil sa kamaliang nagawa. I'm fucking pregnant and there's no way I'd tell them about this! Mahirap ang buhay namin dito at hindi ko alam kung paano ko pa sasabihin ito, ni hindi ko alam na may nakasex ako! Hindi ko pa kilala iyon kahit sa pangalan o itsura, paano ko ito sasabihin? Ano na lang ang magiging reaksyon ng parents ko? I'm a big disappointment here, I'm the black sheep and this happened... what the hell I'm gonna do now?

Kailangan kong mahanap ang lalaking iyon para mapanagutan ako? Ganoon ang gawaing nasasaksihan ko sa mga nabuntisan, pero paano ko gagawin kung ni anino niya ay hindi ko kilala? Saang lupalop ko siya hahanapin? Paano itong pinagbubuntis ko?

Iyak ako nang iyak tuwing mag-iisa na sa kuwarto, pumapasok ako sa school at tinitiis ang sama ng pakiramdam sa pagbubuntis. Hindi ko akalain na may dinadala na ako sa halos isang buwang ito, hindi ko lubos maisip na dadating ako sa puntong ito. Ni wala akong matandaan na may nangyari sa amin, ang parati ko lamang napapanaginipan ay ang ibang senaryo pero hindi kami umabot sa bagay na makakabuntis sa akin. Hanggang doon lang ang alam ko.

"Ate," tawag ko sa janitress nang makita ko siya sa may CR ulit, natiyempo na walang ibang gumagamit ng banyo kaya nagkatapang ako.

Tumingin siya sa akin. Naluluha na agad ako kaya kumunot ang noo niya. Wala akong ibang pinagsabihan ng kalagayan ko, kahit si Carly. Tanging sarili ko lang ang nakakaalam.

"Help me." tears run down my cheeks while looking at her, I held her arm weakly. "Buntis po ako."

Suminghap siya habang pinapanood ang pag-iyak ko. Umiling ako at mas lalong umiyak.

"H-Hindi po ito puwedeng matuloy, kailangan ko pong mag-aral at wala po akong kakayahan na buhayin ito."

"Bakit mo ginawa kung ganoon?"

Hindi ako makasagot, wala naman talaga akong maisasagot dahil wala akong alam. I don't know what to think more, I feel so alone in the darkness of what's happening. Hindi na ako makatulog sa gabi sa kakaisip, para na akong mababaliw sa ilang araw matapos kong malaman na buntis ako. Natatakot ako sobra, ang gusto ko lang mangyari ay maging tahimik ulit ang buhay ko at... walang ganito. Walang dinadala.

"Anong balak mong gawin?" she asked quietly.

"I-I need to stop this," I sobbed. "Please, help me how. Ayoko pa po, hindi pa ako handa rito."

"Bakit hindi mo aminin sa mga magulang mo para ipakasal ka roon sa nakabuntis sayo? O sustentuhan ka man lang?"

Umiling ako nang umiling, mas lalong nagdilim ang isip ko at hindi mapakali. Nanginig ang mga kamay at tuhod ko kaya sumandal ako sa sink at humawak sa ulo ko.

"H-Hindi ko po kaya, ayaw ko pong madisappoint sila. Ayoko pong makadagdag pa sa hirap namin... 'Tsaka hindi ko po k-kilalala iyong..." humagulgol ako at nagyuko ng ulo. "Please, help me. I want to get rid of this. I need to stop this. Natatakot po ako... ano pong gagawin ko?"

I was crying like a kid, sobrang takot ako.

I don't know if my reasons are valid.

"Mali iyon, ipagpatuloy mo na lang. Alam kong maiintindihan ka ng mga magulang mo." aniya.

I got so depressed that time. Naisipan kong mali nga iyon, maling-mali na ipalaglag ko ang aking sariling anak pero paano ko naman ipagpapatuloy kung wala akong alam? Kung takot ako sa responsibilidad? Takot akong maging ina. Hindi pa ako handa, iyon lang ang mga lumalabas sa isip ko at hindi ako mapakali sa sarili. Natatakot din ako kila Mama, ayaw kong ipaalam dahil baka atakihin pa si Papa sa puso pag nagkataon. I can't risk it! Tama na ang mga problemang naibigay ko sa kanila simula nang kunin ako.

"Tama na 'yan!" sambit ni Carly at inagaw ang bote ng alak sa akin.

"Pagbigyan mo lang ako, Carly. Birthday mo naman!"

"Kahapon pa ang birthday ko, huwag kang ano!" sabay hawi niya sa kamay ko.

Humalakhak ako sa kalasingan at inagaw pa rin ang bote sa kanya, nasa kuwarto niya kami ngayon at tulog na si Shiela sa kama dahil din sa kalasingan. Tinulak ko si Carly at umiyak ako, namilog ang mga mata niya.

"Hala, ano ba naman? Bakit umiiyak ka?" natataranta niyang tanong.

"Wala! Just let me drink!" iyak ko.

Tinakpan niya ang bibig ko at halos patahimikin ako sa gigil, kabado siya na baka magising ang parents niya. Humikbi ako at nagyuko ng ulo, tahimik akong umiyak. Kahit ramdam ang kalasingan ay hindi mawawala sa isip ko ang katotohanan ng sitwasyon ko.

"Kahapon ka pa umiinom, last week pa nga raw sabi ni Shiela! Baka ako pa ang masisi ng Mama mo pag nagkasakit ka sa atay, hindi naman ako ang lagi mong kasama sa inuman. Ano bang nangyayari sayo, Twillain? Natuto ka lang uminom ay nagkaganyan ka na. Ang pait pait ng alak!" sermon niya sa akin pero hinayaan ako sa muling pagtungga sa alak.

Umiling ako at humikbi. "W-Wala, matulog ka na lang. Hayaan mo na ako rito, hindi ako mag-iingay."

Hanggang ngayon ay problemado pa rin ako kung paano hahanapin ang may gawa nito, gusto kong humingi ng tulong sa kanya na sustentuhan ako bago ko sabihin kila Mama at Papa para wala silang iintindihing sakit ng ulo kung paano pa ako susuportahan dito. Masyado pa akong bata para mabuntis, masyado pa akong bata para magpasan ng ganitong pasanin. Natatakot pa ako para sa sarili ko, iyon ang iniisip ko. Tinanong ko na kay Erica noong nakaraan kung sino ang lumabas sa kuwartong pinagtulugan ko pero wala siyang naisagot dahil wala rin daw siyang malay noon at sa dami ng lalaking bisita, sino ang pagbibintangan kong ama nito?

I gasped out, nang makitang tulog na si Carly sa tabi ni Shiela ay tahimik na bumugso ang luha ko. I punched my tummy in too much frustration. I was drinking since last week, wala akong magawa upang maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Kasama pa ang frustrations at takot.

"Umuwi ka na namang lasing." sermon ni Ate Tricca sa akin kinabukasan.

Bumuntong hininga ako. "S-Sorry."

"Hayaan mo siya, birthday naman ni Carly." depensa ni Mama sa akin at malambot na ngumiti.

The fear inside me started gushing through my vein again, kahit na parating malambot si Mama sa akin ay wala pa rin akong karapatang abusuhin iyon sa ganitong paraan. Ang sakit-sakit, hindi ko na alam ang gagawin ko. Kahit anong pilit ko sa sariling umamin ay hindi ko magawa.

Another depressing week had damaged me real bad and that end of the week, I lost it before I could tell them... it broke me and at some point, fear left me. My heart cried for it but I know it wasn't the right time for that situation where I felt helpless.

Continue Reading

You'll Also Like

37K 1.8K 22
Mighty Jocks Series Book # 01
26.6M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
15.7K 351 122
Chat Novel #5 Serafina Beatrice Evalingesta have a long time crush to a handsome man named Dexter Leoxx Gonmaza. She became a stalker just to know a...