Split Again

By JellOfAllTrades

1.5M 42K 9.4K

Graduate na ng psychology si Genesis at nagtratrabaho na para sa isang malaking kumpanya. Si Raegan naman nas... More

Split Again (GirlXGirl)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
From the Author

Chapter 38

20K 778 88
By JellOfAllTrades

Split Again by JellOfAllTrades
Chapter 38

"Are you sure about this?"

Tiningnan ko ng maigi si Alexa at tumango. "I want to hear what she has to say,"

Tinanggap ni Alexa yung sagot ko at tumingin siya sa security sa may pinto. "Open the door."

Binuksan nung security yung pinto at pinapasok kami sa isang kwarto.

Mukhang ordinaryong kwarto lang yung pinasok namin. May kama, bedside tables, cabinet, dresser at isang study desk. Sa desk ay may babaeng nakaupo at nakatalikod sa amin.

"Someone's here to see you," sabi ni Alexa.

Lumingon yung babae and halata sa itsura niya na hindi siya nakakatulog ng maayos. Maga yung mga mata niya na para bang palagi siyang umiiyak.

"What do you want?" Galit ang boses ni Katarina at muling tumalikod sa amin. "Wala ka nang makukuha sa akin. Nakuha mo na lahat."

"I just want to talk," kalmado kong tugon.

Tiningnan ko si Alexa at sinenyasan na gusto kong makausap si Katarina mag-isa. Kumunot ang noo niya dahil ayaw niya akong iwan pero sinamaan ko siya ng tingin. Napagusapan na namin kanina bago kami pumunta rito na gusto kong harapin si Katarina mag-isa. Hindi niya mababago ang isip ko. At mukhang naintindihan naman niya iyon kaya huminga siyang malalim at lumabas na ng kwarto.

Nang sumara yung pinto sa likod ko ay muling lumingon si Katarina para tingnan kung mag-isa na siya. Parang nagulat pa siya nang makitang pumayag ako na maiwan sa isang kwarto kasama siya.

"Asan si Roli?" Pag-basag niya sa katahimikan ng kwarto.

"Nasa bahay nila, nagpapahinga."

Napakagat ng labi si Katarina at umiwas ng tingin sa akin.

"You're probably here to gloat,"

"Nope," naupo ako sa kama at napatingin sa pocket watch ni daddy. Binuksan ko yung cover nito at nakita ang oras. 10:25 ng umaga. Napalitan na ng battery itong watch at gumagana na.

"What do you want, Gene? Raegan's all yours, your family's rich as hell, you're an heir and you're probably already engaged to her. Di mo na kailangan ipamukha sa akin na natalo mo na ako."

"Sinabi ko na sayo, hindi ako pumunta dito para makipag-away. I just want to talk."

Lumingon muli si Katarina para makita ako. "Talk about what?"

"I'm curious about your relationship with Raegan."

Napakunot ang noo ni Katarina na para bang may sinabi ako sa kanya sa kung anong lenggwahe na hindi niya naintindihan.

"Alexa and the others told me what you and Raegan were like in highschool, nung nagsisimula pa lang ang relasyon niyo. But Raegan herself never talked about you. Kahit nung magkaibigan pa tayo sa Rodriguez Corporation wala kang naikwento other than the vague details of why you left her and went to Spain."

"And why would I tell you?" Maldita niyang sagot.

"I just... I just want to know your side of the story." Mahina kong sabi. "Nung nakilala kita sa trabaho, I knew you're a smart person, mabait ka naman pag ginusto mo and you were an okay boss. Maybe we could have been really good friends. Nasira lang naman tayo sa isa't isa dahil kay Raegan."

Huminga ng malalim si Katarina pero tumingin lang siya sa direksyon ng bintana.

"They told me a lot of negative things about you," kwento ko sa kanya, umaasa na magoopen up siya sa akin kahit onti lang. "That you're very controlling kay Raegan. Sobrang selosa mo daw. Palagi mo inaaway si Raegan. But if there's anything good that they told me, it's that despite all your shortcomings, you made Raegan happy. The two of you were happy and very much in love."

"We were," mahina ang boses niya.

"But you left..."

Masama ang tingin na ipinukol sa akin ni Katarina. "What are you trying to do, Gene? Di kita therapist. What do you want from me?"

"I just want answers, Katarina. Sinaktan mo si Raegan noon and she changed after you left. That's one of the first things her friends told me when they met me. That Raegan changed so much after you left and after she lost her family and right now, Raegan isn't okay. I just don't want her depression to get any worse kaya aalamin ko na lahat ng pwede ko alamin so I can help her."

Nanlaki ang mga mata ni Katarina. "What do you mean she's not okay?"

Humigpit yung kapit ko sa pocket watch ni daddy. "She's depressed, di ba?"

"Of course I know that. But ate Marian's already helping her. She's in good hands." Sagot ni Katarina. "Or isn't she?"

"Well, Raegan's still trying to work through her problems. Pero nakausap ko si ate Marian and I realized na there's something not adding up sa mga kwento nila tungkol sa relasyon niyo."

"What's not adding up?"

"The people in Raegan's life that knew what your relationship was like painted you as a despicable person for leaving Raegan, but if you were happy and in love with her, why leave?"  Tanong ko. "Nagsawa ka lang ba talaga?"

Tumayo si Katarina at pumunta sa may bintana. Hinawi niya yung kurtina at tumingin sa labas. "You wouldn't understand."

"Try me."

Humarap siya sa akin at saka ko lang narealize na pumayat siya. She doesn't look as good as when she was noong nagtatrabaho pa ako sa kumpanya nila. Hindi ko alam if stress lang yun ng break up nila ni Roli o baka stress talaga siya leading up to the break up.

"I never liked Raegan when I first met her. I was straight, you know. But when my family found out that I'm friends with the Zeus's first house kid, they wanted me to be really really close with her."

Nagulat ako sa sinabi niya. Di ko inaasahang tinulak si Katarina ng pamilya niya para mapalapit kay Raegan.

"When Raegan said she likes me romantically, my family threatened to disown me if I turned her down."

Napanganga ako. Big deal sa Familia Olympia members ang threat na madisown. Ilang beses na iyon napagusapan nila Raegan, Alexa at ng mga heirs. To think na Katarina had to face that at a highschool age? I'm not surprised na sumunod na lang siya sa pamilya niya.

"I was disgusted when we first held hands, first hugged and first kissed." Kwento ni Katarina. "But as all things are, you get used to it. And honestly, Raegan isn't hard to love. It just took time. I did eventually love her."

Tumalikod si Katarina at napansin kong nagpunas siya ng mukha. Naiiyak siguro siya sa kwento niya.

"The stories they told you were true. Toxic ako, I know. But that's just the way I am. Still, Raegan and I were happy, we were in love."

Humarap na ulit siya sa akin. She looks like willing na siya mag kwento kasi wala nang mawawala sa kanya. Nawala na ata lahat sa kanya. She's just here trying to get by.

"When we reached 18, my family started pushing me to propose to Raegan." Mapait ang tono ng boses niya. "Our family is deep in debt and they want me to marry into the highest house to save us. It got so bad that si lola na mismo ang kumausap kay Queen Olivia to arrange our marriage. And as you can imagine, that didn't go so well."

"Pero gusto ka ni King Leo para kay Raegan?" Pag-aalala ko noong party nila Venus at Violet sa Laguna. "Narinig kong nagaaway sila Raegan at King Leo noon tungkol sa relasyon ni Raegan with me."

Natawa si Katarina. "They never liked me for their grand daughter. They all think I'm just trying to marry Raegan for her money. Queen Olivia is the reason why I went to Spain. She threatened to buy out our company if I don't leave Raegan. Naturally, natakot sila lola and pinalayo ako."

"Si Queen Olivia?" Pag-ulit ko. Alam kong may tinatagong pagka-maldita yung lola ni Raegan pero di ko inaasahang ganoong klaseng tao siya.

"My family didn't want me to return, you know. They thought it's best to let me rot in a foreign country for offending the Queen kahit si lola naman talaga yung kumausap kay Queen Olivia. But when Raegan's family died and she became the heir of Zeus, they wanted me to come back. They all thought it's worth risking, our family business for a chance to get connected to the first house of Zeus. To get a chance to get me named as Queen of the Familia Olympia."

Gamit ang kamay niya ay sinuklay niya ang mahaba at magulo niyang buhok palayo sa maganda pero pagod niyang mukha.

"But I returned not for Raegan's money, name or status," diin ni Katarina sa akin. "I returned because I genuinely love her and want her back."

Di ako makapagsalita sa nalaman ko. Kaya naman pala ayaw ng lolo at lola ni Raegan sa akin. Ayaw nilang magkaroon ng partner ang apo nila na pera lang ang habol sa kanya.

"I'm not going to apologize to you for what Raegan and I did behind your back." Mahina pero arogante ang boses niya. "We both wanted what we did that day."

Naalala ko yung eksenang nadatnan namin ni Alexa sa condo ni Raegan sa Manila. Yung hubad na katawan nilang dalawa. Yung mga boses nila. Tandang tanda ko pa iyon na para bang kahapon lang nangyari ang lahat.

"But if I'm going to apologize to you, it's for hurting you physically." Umiwas ng tingin si Katarina. "Di naman kasi talaga kita sasaktan, nadala lang ako ng damdamin ko nung nakita kitang kasama siya sa kwarto niya."

Napahawak ako sa braso ko kung saan nakalmot ako ni Katarina noong unang araw namin dito sa Lucena.

"Hayaan mo na yun, tapos na yun."

Malungkot ang tingin ni Katarina sa akin. "How is she. Yung totoo?"

Maaaring tapos na sila pero kita mo yung concern sa mukha niya. Mahal nga talaga niya si Raegan. Medyo naging desperado lang talaga siya nung dulo.

"Recovering. Did you know about her self harming?"

Tumango si Katarina. "When I saw her arms and chest...Ate Marian wanted Raegan to be under constant surveillance. I couldn't leave her for the first few days. Kung di lang ako kailangan sa office ay di ko siya iiwan."

"How about her...attitude?" Maingat kong tanong. "Did you ever notice anything different about that?"

"Roli is really sweet on her good days, some days she's just really silent, that's when I'm scared she might hurt herself again."

So, hindi pala talaga niya alam na may split personality si Raegan? Hindi niya napansin yung matinding pagkakaiba ng ugali ni Roli at ni Raegan?

Pero sinabi rin naman ni ate Marian na tahimik lang si Raegan noon pag siya ang nasa labas. Baka kaya di napansin ni Katarina na iba yung personality ni Raegan kasi hindi naman siya nagsasalita o ano.

"She gets the worst nightmares too. Nagigising yung buong bahay pag madaling araw pag sumisigaw siya ng 'Sky' na para bang may umaatake sa kanya."

Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi sa akin sinabi ni Raegan, ate Marian or kahit ni Alexa yung tungkol sa mga nightmares ni Raegan.

"Pag nagigising naman siya ayaw niyang sabihin kung ano or sino yung Sky na yun."

Should I tell her?

"Naisip ko baka si Skyler Olivarez ng Ares House yung tinutukoy niyang Sky kaso sa pagkakaalam ko hindi naman sila close," patuloy ni Katarina. "Naging close ba sila?"

Huminga akong malalim. "She wasn't referring to Skyler,"

"So, ano yung Sky na yun?"

"It's our endearment,"

"Oh."

Pinagiisipan ko pa kung sasabihin ko sa kanya yung tungkol sa split personality ni Raegan nang biglang nagkaroon ng sigawan sa labas ng kwarto. Maya maya ay bumukas yung pinto at pumasok ang dalawang babae na mukhang galit na galit. Kasunod nila ay si Alexa at yung security personnel na mukhang pinigilan yung dalawa na pumasok.

"Anong ginagawa mo dito?!" Demanda nung naunang babae. "Hindi pa ba sapat sayo na pinaghiwalay mo si Kat at Lady Raegan?!"

Lumapit si Alexa sa akin at hinawakan ako sa braso. "Tara na,"

Napalapit naman si Katarina sa mga bagong dating at hinarangan sila. Mukha kasing aatakihin ako nung mga bagong dating.

"Let's go," bulong ulit ni Alexa.

"Gene, before you go," parang naipit yung boses ni Katarina. Pumunta siya sa desk at may kinuhang papel. Tiningnan niya yung papel at binigyan ako ng isang malumbay na tingin. "She did love me, right?"

Naalala ko yung paguusap namin ni Roli. Yung pag-suko niya sa pagibig niya para kay Katarina knowing na lumalakas na ulit si Raegan at muling nababawi ang kontrol sa katawan niya.

"Yes,"

Maliit ang ngiti ni Katarina at tumango siya bilang pag-acknowledge ng pagkatalo niya. Tinupi niya yung papel at inabot sa akin. "Give this to her. And take good care of her for me."

"I will."

"KAT!" Sigaw nung isang babae kay Katarina at hinigit ito sa braso.

"Let's go." Hinila na ako ni Alexa palabas ng kwarto pero bago pa kami nakalayo ay may narinig akong smack! sa loob na para bang may sinampal ng malakas.

Napalingon ako sa pinto pero walang lumabas at wala na akong iba pang narinig. I just hope okay lang si Katarina.

Nakalabas na kami sa side door ng Grand Palace kung saan naka-house arrest si Katarina habang hinihintay matapos yung investigation sa kanya. Well, not really a house arrest since di naman niya bahay yun pero ang sabi sa akin ni Alexa, ayaw ni Katarina umuwi sa bahay nila at mas piniling magpa-handle sa Grand Order.

"What's that she gave you?" Tanong ni Alexa. Binagalan na niya yung lakad niya nang mapansing nahihirapan akong habulin yung malalaking hakbang niya.

Mabilisan kong binuklat yung papel at nakitang letter ito ni Katarina para kay Raegan. Tinupi ko agad ito, hindi kumportable sa ideyang mabasa ko yung personal na letter ni Katarina.

"Letter ni Katarina for Raegan," sagot ko. "Idaan na natin since on the way na rin naman."

"Okay. Did you learn anything?"

"A lot,"

"Care to share?" Curious na tanong ni Alexa.

"Well..." Napatingin ako sa letter ni Katarina. Hindi ko alam kung  may ibang nakakalam ng sikreto niya. Sa ilang taon niyang pagkimkim sa pressure ng pamilya niya, may napagsasabihan kaya siya?

"Well?"

"Katarina told me the truth about why she left the country in the first place,"

"Really? There's more to it than her getting tired of Raegan?"

Napakamot ako ng ulo, hindi sure kung tama bang nagkukwento ako kay Alexa. Pero pinagkakatiwalaan ko naman siyang hindi niya ito ikakalat sa iba.

"Her family," sagot ko sa tanong niya. "Na-offend ng lola niya si Queen Olivia."

At ikinwento ko na sa kanya yung nalaman ko kanina lang. Tahimik lang si Alexa habang nagkukwento ako at saktong nakarating na kami sa tapat ng Zeus House nung matapos akong magsalita.

"So that explains why she was such a bitch the first time we met her. I never really liked her back then. But she was eventually tolerable naman like Jenny said." Kwento pabalik ni Alexa.

Kumatok si Alexa sa front door ng mansyon at nang buksan ito ng butler ay pinapasok niya agad kami.

"Lady Raegan is in her room with Lady Marian,"

"Thanks, Alfred. We can take it from here." Pag-dismiss ni Alexa sa butler.

Nagbow si Alfred the butler at umalis na. Dumiretso naman kami ni Alexa sa kwarto ni Raegan. Nang marating namin yung pinto ay kumatok siya at saka pumasok.

"Stop scratching, you idiot!"

"Makati kasi eh!" Reklamo naman ni Raegan.

Nadatnan naming nakaupo sa gilid ng kama si ate Marian at si Raegan. Walang suot na pang-itaas si Raegan other than sa bra niya at basa pa ang buhok niya. Mukhang kakatapos lang niya maligo at tinatakpan ni ate Marian ng gaza at band-aid ang mga sugat niya.

"Eh pano gagaling to kung palagi mo kinakamot?!" Diin ni ate Marian.

"ARAY KO AH!" Sigaw ni Raegan.

"Ang alam ko si Roli yung makati, hindi ikaw?" Pabirong sabi ni Alexa.

"Oh, hey girls." Lingon ni ate Marian sa amin.

"Genesis," parang manghang mangha naman si Raegan na makita ulit ako.  "Hello,"

"Wow ah, andito rin ako." Paalala ni Alexa. "Baka gusto mong mag-hello din sakin?"

Sinamaan lang ni Raegan ng tingin si Alexa. "Hi,"

"Gusto mo bang dutdutin ko yang sugat mo para mas sumakit?" Banta ni Alexa.

"Nag-hi naman ako ah?"

"Compare mo naman yung 'hi' mo sa akin sa dreamy 'hello' mo kay Gene?" Naupo si Alexa sa tabi ni ate Marian. "Need help?"

"Mas gusto ata ni Raegan kung si Genesis na lang gagawa nito," kindat ni ate Marian kay Alexa.

Nagkatinginan yung dalawa at inabot sa akin ni ate Marian yung gaza na hawak niya. Napabuntong hininga na lang ako at tinanggap yung gaza. Ang lapad ng ngiti nung dalawa pero di na nila kami inasar.

Naupo ako sa kabilang side ni Raegan at agad naman siyang humarap sa akin, ngiting ngiti.

"Kumusta ka?" Tanong ko sa kanya, aware na natatawa yung dalawa sa kabilang side niya. Sinimulan ko nang lagyan ng gaza yung mga sugat niya.

"I'm fine, you?"

"I'm fine." Sagot ko. "Kumain ka na ba?"

"Nag-breakfast na kami. It's a little too early for lunch though." Mabilis na sagot niya. "Ikaw, kumain ka na ba?"

"Kumain na po."

"That's good."

Tinapos ko na yung paglagay ng gaza sa isang sugat niya.  "I got something for you pala. May nagpapabigay."

Kinuha ko yung letter ni Katarina at inabot ito kay Raegan.

"Who gave---oh,"

Sandali niyang binasa yung letter at nang matapos ay napapikit-pikit siya. Maya maya ay napatingala siya at lumunok. Tapos biglang naglabasan yung mga ugat niya na para bang kinokontrol niya yung sarili niya.

Bago ako mag-alala sa kanya ay tumingin siya sa akin at kumalma na siya. Pero biglang nandilim yung mga mata niya at nanlilisik yung tingin niya sa akin. Di pa ako nakaka-react ay ngumiti na siya, walang pangil o kung ano man. Normal na ngiti niya lang. Kung gaano kabilis yung pagbago ng itsura niya ay ganoon din kabilis itong bumalik sa normal.

Inabot ni Raegan yung kamay ko at pinisil ito. "Pwede ba tayo mag-usap?"

"Oo naman,"

Ngumiti si Raegan at lumingon kay ate Marian at Alexa. "Okay lang ba na magusap muna kami ni Genesis alone?"

Nagkatinginan si Alexa at ate Marian, halatang gusto pa kami asarin.

"Sure, sa library na lang muna kami ni Alexa if you need us. Or just ask Alfred if we decide to move rooms." Sagot ni ate Marian.

Tumayo na yung dalawa at naglakad papuntang pinto. Lumingon si Alexa at kinindatan ako. Ni-lock niya yung pinto pagkalabas at naiwan na kami ni Raegan sa kwarto.

"How was she?" Tanong ni Raegan. Napansin kong mababa yung tono ng boses niya.

Napakunot ang noo ko. "R-roli?"

Tiningnan niya ako na para bang obvious na yung sagot. "Duh,"

"You were acting like Raegan eh, malay ko ba?"

"I needed to act like Raegan to get you alone, or else Marian and Alexa won't leave us." Sagot niya. "Anyway, how was she?"

"She doesn't look so well." Pagtatapat ko.

Malungkot na umiwas ng tingin si Roli. Napahawak siya sa isang sugat niya.

"I never wanted to hurt her, same way that Raegan never wanted to hurt you. But only one of us can continue living in this body and whoever wins will get to be with the person they love, the other one will just have to move on."

Ginupit ko yung gaza at nilagyan ito ng tape para ipapatong ko na lang sa sugat ni Raegan.

"It's clear from the beginning naman that the only person who wanted me around was Katarina. You and Alexa were pretty vocal about hating me. And despite trying her best to be neutral about all this, Marian's leaning towards Raegan too." Mahina na ang boses ni Roli. "The only chance I got was when you left and Raegan lost her reason to live. But when you came back, she came back with such a force that I'm reduced to....this."

Dinikit ko yung gaza sa katawan ni Raegan. "Roli, you're still Raegan. She lives and you live too."

Ngumiti si Roli sa akin. "I could have lived the life I wanted, you know. But then again, I was never supposed to live in the first place. Raegan owns this body. I'm only a measly portion of her and Katarina's hurt because of me trying to take over."

Napakagat ako ng labi. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya na nilapitan lang siya ni Katarina noon dahil sa pamilya niya. O baka naman isinulat na iyon ni Katarina sa letter niya?

"Genesis, can you do me a favor before I disappear?"

"Ha?"

Disappear? Malapit na siya mawala? Agad agad?

"Make sure Katarina's punishment from the Grand Order be at the minimum. And if you can somehow help her, please do so...para na rin sa akin."

"Hindi ko alam kung pano ko magagawa yun,"

Matapos lahat ng nangyari sa amin ni Katarina, kaya ko bang tulungan siya?

"She's probably gonna be exiled to some distant country. She's gonna be on her own out there and I'm close to disappearing. It's getting harder and harder for me to fight my way out. Raegan's really doing her best to get me out of her system."

Tiningnan ko lang siya ng maigi. "Hindi ko alam, Roli. I can't promise you anything."

"But you're an heir and ikaw yung na-agrabyado niya. The Grand Order will listen to you."

Huminga akong malalim. "Fine, I'll try."

Inabot niya muli yung kamay ko at pinisil ito. "Thank you."

Ipinagpatuloy ko na yung paglalagay ng gaza sa mga sugat niya, maingat na huwag mapadiin at baka masaktan ko siya.

Nang matapos ako ay napatingin ako kay Roli. Nakapikit ang mga mata niya at parang natutulog.

Hinawakan ko siya sa pisngi. "Hey, if you're sleepy, mahiga ka na."

Inaantok man ay bumukas ang mga mata niya. Ngumiti siya sa akin.

"Genesis,"

"Yeah?"

Iba na naman yung tono ng boses niya. Hindi ako sure pero pakiramdam ko ay si Raegan na ulit ang nasa labas.

"Cuddle?"

Inabot ko yung nakatiklop na t-shirt sa bedside table. "Magdamit ka muna."

Nag-pout si Raegan pero tinanggap yung damit at isinuot ito.

"Okay na po?" Tanong niya sa akin.

"No funny business. Cuddle lang."

"Bawal kiss?" Parang batang tanong niya. For a second naalala ko si Rae. Kung mataas siguro boses niya baka akalain kong si Rae na nga ang personality niya.

"Bakit, tayo na ba ulit?"

"Bakit kahapon?"

Napakagat akong labi. "Kahapon yun."

Muling nag-pout si Raegan sa akin. "Daya,"

"Gusto mo ba mag-cuddle or not?"

"Gusto,"

"Mahiga ka na,"

Humiga na siya pero biglang bumangon ulit. "You know, I kinda wanna be small spoon today. Pwede ba?"

"Err, sure."

Malapad ang ngiti ni Raegan na para siyang batang nabigyan ng candy. Hindi ko alam kung matutuwa ako na good mood siya or mabobother kasi umaarte siyang parang si Rae.

Nahiga na ako at hinayaang umunan si Raegan sa braso ko. Niyakap niya ang tiyan ko at ipinulupot ang binti sa binti ko.

Isiniksik ni Raegan yung mukha niya sa may leeg ko. Napakagat na lang ako ng labi kasi nakikiliti ako sa hininga niya sa leeg ko.

"Sky,"

"Hmm?" Napapikit ako kasi sakto sa tenga ko yung bulong niya at nagsitaasan ang balahibo ko sa braso.

"I missed this,"

"Namiss ko rin to,"

Tahimik lang kaming dalawa, ninanamnam yung kapayapaan. Simula noong nakilala ko siya, nag-iba na yung buhay ko. Kung dati ay school work lang ang nagpapasakit ng ulo ko ay dumagdag na siya. Pero hindi naman niya sinasadya, nagkataon lang na ang kumplikado ng buhay at pamilya niya. At dahil parte na rin ako ng buhay niya, madadamay talaga ako sa kaguluhan niya.

"Sky,"

"Hmm?"

"About that guy..."

"Anong guy?"

"Yung sa office niyo." Parang nahihiya si Raegan na i-bring up yung topic.

"Si Jordan?"

"Is that his name?"

Naalala ko yung huling away namin bago kami nagbreak. May nagsesend sa kanya ng CCTV pictures at footage namin ni Jordan sa office. Sobrang selos niya noon na nagawa niya akong akusahan ng pangangaliwa.

"I told you before and I'll say it again, he's just a friend and a colleague. Nothing more."

"Okay,"

Tumalikod si Raegan sa akin. Niyakap ko na lang siya kasi nararamdaman kong bothered pa rin siya doon.

"Did you meet other people after we broke?" Maingat ang pagkakatanong niya sa akin.

"Si Hail,"

"Did you two...?"

"She offered to help me in any way that I needed," marahan kong pagpapaliwanag. "Pero sabi ko sa kanya all I need is a friend, not a lover."

"Did you kiss?" Mahina ang boses niya. "I think Roli saw you in a coffeeshop one time, kissing someone else. Di siya sure kung ikaw ba talaga yun o baka ibang tao lang."

Napalunok ako. I still remember that day na bigla akong hinalikan ni Hail. Parang nakaukit na sa memorya ko yung lambot ng labi niya, yung lasa niyang cheesecake at yung masamang pakiramdam ko pagkatapos. It felt so wrong.

"I'm sorry,"

"Oh," dismayado ang boses niya. "So it really was you?"

"Pero hindi ko naman inaasahang gagawin ni Hail yun. Ang sabi niya gusto niya lang akong protektahan mula sa'yo at kay Roli."

Hindi sumagot si Raegan at natakot akong nasaktan ko siya.

"I'm sorry."

"It's all right. Break naman tayo nun eh. You're free to kiss whoever you want to kiss."

"Nagalit ako sa kanya after that kiss. I told her na wag na niya uulitin ulit."

Walang sagot si Raegan sa sinabi ko at nakaramdam ako na parang may basa sa braso ko.

"Sky?" Hinawakan ko siya sa braso at pinilit na humarap sa akin. "Umiiyak ka ba?"

Tinakpan lang niya ang mukha niya at kahit anong pilit kong tanggalin ito para makita ko siya ay walang nangyari, mas malakas siya sa akin.

"I'm sorry," mahina ang boses ko. Kung iisipin mo, mas malala yung pinagdaanan ko nung nakita ko silang dalawa ni Katarina. Pero kahit saan mo tingnan, masakit pa rin makita yung mahal mo na may kasamang iba. Maaaring mababaw lang yun para sa akin pero baka malalim na yun kay Raegan.

"I'm sorry," pinunasan niya yung mga luha niya. "I feel so pathetic. Ang bilis ko magselos sa mga kaibigan mo eh mas malala pa yung ginawa ko sayo."

"It's all right." Pinunasan ko yung pisngi niya. "Just do me a favor,"

"What favor?"

"If you can, pag nakakaramdam ka ng selos, tell me. Or if I upset you in any way, tell me. Wag ka na magtatago ng nararamdaman mo sa akin. Let's talk about it."

Tiningnan niya lang ako. "Pero..."

"I can't always guess kung anong tumatakbo sa isip mo, Sky. Kaya kung pwede let's be honest with each other. Okay?"

Nag-pout siya pero tumango rin. "Okay."

Nginitian ko siya at saka nilapitan para mahalikan sa labi.

"Mahal na mahal kita,"

"Mahal na mahal din kita,"

===================================

A/N:

I just realized, I never told you guys that I got a new laptop last November hahahaha
No more borrowing from my brother and Vii's netbook is back with her!

Does that mean more updates? Well, if that were the case dapat tapos na tong book nung Christmas pa. But the main reason I got this was for school. And as I've kept on repeating, nakakapagsulat lang ako pag may free time ako.

Sorry, humans, my life doesn't revolve around Wattpad. And honestly, it never did. I don't know where you guys got the idea that I'm always writing. So please, I know ayaw niyo mabitin but I'm trying my best to write more regularly, dahan dahan tayo sa pagdedemand ah?

Still, maraming maraming maraming salamat sa mga nagpapasensya at matiyagang naghihintay ng updates ko! Pagpalain kayo!

For my readers who are also waiting for my Polar Opposites update, wait lang kayo. I'll get back to it soon. Malapit na.

So ayun, I need to sleep na. Magwala muna kayo jan sa comment section about what you want to see before this story ends and I'll take notes. I'll reply when I can hehehe

Ciao~





Continue Reading

You'll Also Like

7.7M 219K 57
Tamara Kienn Alcantara thought she's straight until she met Ava Calista Andrade, the well-known and reputable professor of Callister University. She'...
5.1M 79.4K 50
Simpleng Psychology student lang naman si Genesis eh. She took up that program kasi gusto nyang tulungan yung mama nya sa psychological clinic nila...
446K 6.3K 24
Dice and Madisson
103K 4.3K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...