Spirits

By Slylxymndr

450K 22.7K 1.6K

Kapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit for... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
Announcement
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Part 2 Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
26
Announcement!!
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
New Story Teaser
43
44
:)

25

4.6K 224 17
By Slylxymndr

"S- sino ka!? Nakit ka nandito? Nasaan si Gondolf!?" Sunod sunod niyang tanong.

"Ah. Bibili sana ako ng armas ko eh. Hehe" sabi ni Kid habang kinakamot parin ang ulo na natamaan ng tambo.

"Ah ganon ba.." sabi nito at tumayo sa kanyang pagkakatumba. "Sige, pumili ka na diyan." Sabi niya at pinagpagan ang sarili.

Maigi niyang pinagpagan ang damit ngunit mapapansin na ang dumi nito ay nanuot na dahil sa katagakan nang hindi nalilinis. Inikot ni Kid ang kanyang ulo at tumambad sa kanya ang sari saring mga armas.

Mga Swords, Pana, Spear, Short Sword, mga Dagger at madami pang iba. Mala paraiso ito ng mga armas atmapapansin na magaganda ang kalidad nito.

Nilapitan ni Kid ang isang espada at napansin niyang may maliit na nakasulat na papel sa istante kung saan ito nakalapag. Hinawakan niya ang handle ng espada na gawa sa balat ng hayop.

[#15 Myson Sword

Pan- labinlima sa nagawang espada. Gawa ito sa isang uri ng bakal sa Gaia na ang tawag ay Myson. Matibay ito at kayang magtagal sa paiba ibang temperatura.]

Inilipat ni Kid ang atwnsyon sa sumunod na espada at binasa ang deskripsyon.

[#14 Myson Sword

Pan- labing apat sa nagawang espada. Gawa ito sa isang uri ng bakal sa Gaia na ang tawag ay Myson. Matibay ito at kayang magtagal sa paiba ibang temperatura.]

doon lang niya napansin na ang hilera ng mga espadang iyon ay dawa sa Myson. Kahit na iisang materyal lang ang ginamit sa paggawa nito, iba iba naman ang mga itsura nito sa isa't isa. Namangha si Kid sa kanyang nakitang mga espada. Ngayon lang siya nakakita ng ganitong uri at itsura ng mga espada.

Idinako niya ang tingin sa pangalawang istante. Nakalagay dito ang ibang mga armas na pana. Namangha si Kid sa mga nakitang mga pana.

"Nga pala, anong armas ang hinahanap mo?!" Tanong ng babaeng dwende kay Kid.

Imilabas ni Kid ang kanyang Gauntlet na bigay ni Rhea sa kanya at ipinakita sa dwende. "Gusto ko po sanang kaparehas ng ganyang armas. Mas sanay po kasi akong gamitin ang ganyang Gauntlet sa pakikipaglaban."

Inabot naman ito ng babaeng dwende at binusisi ang Gauntlet.

"Hhhmm... Maganda ang pagkakagawa ng armas na ito pero gamit lamang ang mga mabababang uri ng materyales. Hindi rin ganoon kaganda ang Metal na gamit." Aniya. Humarap ito kay Kid at nagtanong. "Ilang beses mo na itong nagamit?" Tanong niya.

Inisip ng mabuti ni Kid at naaalala niyang halos dalawang beses palang niya itong nagagamit. "Dalawa po."

"Masyadong mababa ang kalidad ng Metal na ginamit sa Gauntlet na ito. Kahit dalawang beses mo palang ito nagagamit, makikita na ang mga natamong sira nito." Aniya.

Masyadong matalas ang mga mata ng mga Dwarves sa panunuri ng mga armas dahil ito ang kanilang kinagisnang buhay. Maski ang maliliit at hindi mapansing gasgas ng Gauntlet ni Kid ay napapansin nito na para bang isang itim na tuldok sa puting larawan.

"Kung gusto mo ay gagawan kita ng isang pares ng Gauntlet..." sabi nito.

Nagtaka naman si Kid sa sinabi ng babaeng dwende. "Gagawan? Bakit po? Wlaa pa po ba kayong nagagawang tapos na na Gauntlet?" Tanong ni Kid.

"Sa ngayon, oo. Wala pa akong nagagawang Gauntlet. Hindi kasi pangkaraniwan ang ganitong armas lalu na't palagi lang itong ginagamit bilang isang armor sa mga kamay. Pero dahil nga isang armas ang ituturing natin sa iyong Gauntlet, kaipangan ko munang pag isipan ang mga materyales, itsura at laki ng isang ito." Aniya.

"Ah. Ganoon po ba. Sige po, Ayos lang po iyon. Mga gaano po kaya iyong aabutin?" Tanong ni Kid.

"Limang buwan." Kaswal na sagot ng dwende.

"L-limang buwan?!" Gulat na sigaw ni Kid. Alam naman ni Kid na mahirap gumawa ng mga armas pero hindi niya inaasahan na limang buwan ang aabutin ng isang iyon.

"Oo. Limang buwan..." aniya sabay tingin muli kay Kid. Para bang may masama itong iniisip mula sa binatang kanyang kaharap. "... maliban nalang kung mayroon kang 750 Silver."

"Se- 750 SILVER!?"

"Oo. 750 Silver. Kapag nagbayad ka na ngayon ng ganoong karaming Silver, asahan mongg sa susunod na linggo, makukuha mo na ang iyong Gauntlet.." Sabi nito. "..Pero kung wala kang ganoong pera, magbayad ka ng 500 Silver at ibibigay ko sayo ang Gauntlet mo sa susunod na limang buwan." Sabi nito. Isinauli narin ng dwende ang Gauntlet kay Kid.

Hindi talaga maaalis ang pagkasabik ng mga dwende sa pera, lalu na sa ginto. Kung kaya't mataas ang presyong ibinigay niya kay Kid. Kung tutuusin ay aabutin lamang ang kanyang pagpapanday ng gauntlet ni Kid ng halis dalawang linggo pero dahil may iba pa siyang ginagawa, uunahin niya ang mga iyon. Ang totoong presyo ay 500 Silver lamang.

Malaki na ang magiging kita ng dwendeng iton kung magbabayad si Kid ng pera ngayon pero naalala ni Kid ang tungkol sa Badge na ibinigay sa kanila ni Priest Xiao.

Kinuha niya ito sa bulsa niya at inilagay sa kanyang kamay. "Wala po akong pera ngayon." Aniya.

Umasim naman ang mukha ng dwende at tumalikod. "Hhmmph! Sinasabi ko na nga ba, sinayanng mo lang ang oras ko! Lumabas ka na sa tindahan ko hindi ka naman pala bibili!" Sigaw niya.

"Sandali! Wala po akong pera pero mayroon ako nito." Sabi ni Kid at ipinakita sa dwende.

Sinilip ng walang buhay ang mga mata ang badge na nasa palad ni Kid. Ipinikit ang mga mata nito at sinilip muli. Nang makumpirma na ang dala ni Kid na badge. Biglang nanlaki ang mga mata nito at biglang dinakma ang nasa palad ni Kid.

"Hindi mo kaagad sinabing isa kang Guard! Hahaha! Pasensya na sa inasal ko kanina ha!" Sabi niya habang nakatitig sa kanyang hawak na badge. Para bang nagiging puso ang mga mata nito at hinahalikan pa ang badge na hawak niya.

"Bale kailan ko po maaaring makuha ang armas ko?" Tanong ni Kid.

"Isang linggo! Bumalik ka dito at makukuha mo na ang iyong armas. Makasisigurado kang maganda ang kalidad ng iyong makukuhang armas at ibibigay ko ang buong lakas ko sa paggawa nito." Aniya.

"Ano nga po palang pangalan ninyo?" Tanong ni Kid sa babaeng dwende.

"Ava! Ava po ang pangalan ko sir." Sabi nito. Mapapansin na nagbago ang kanyang ugali nang makuha ang badge na hawak ni Kid.

Lumabas na si Kid sa tindahan ni Ava nang makarinig nanaman siya ng malakas na sigaw nito.

"T-teka,nasaan na si Marisa. NASAAN ANG HANZEL KOO!" Sigaw niya at maririnig ang pagkalantsing ng mga espada sa lapag ng kanyang tindahan para hanapin ang martilyong kanyang gagamitin para gawin ang armas ni Kid.

Hindi na bago ang pagbibigay ng mga pangalan sa mga gamit na napakalapit sa puso ng isang tao, lalu na ang mga martilyong gamit ng mga Dwarves. Ang mga martilyong ito ay para bang kanilang mga anak at kailangang ingatan at alagaan ng mabuti. Sinasabi na ang mga martilyong hawak ng mga panday ang kadugtong ng kanilang buhay.

Natawa nalang si Kid sa narinig at bumalik sa pwesto kung saan sila nagkahiwa hiwalay kanina.

Napansin niyang siya ang unang nakabalik kung kaya't dumiretso nalang siya sa pwesto ni Priest Xiao na hindi naman ganoon kalayo sa pwesto niya.

"Kamusta ang paghahanap ng armas?" Tanong ni Priest Meng.

"Ayos lang naman po. Sa isang linggo ko pa po makukuha ang armas ko kaai gagawin oalang po iyon." Sabi ni Kid.

"Ah ganoon ba. Ayos lang iyon dahil sa susunod na linggo nyo pa naman masisimulan ang inyong mga kailangang gawin." Sagot ni Priest Xiao sa binatang nasa kanyang tabi.

Nararamdaman ni Priest Xiao ang Awra ni Kid at hindi naman ito ganoong nakakapahamak sa kanya ngunit iba parin ang kanyang pakiramdam kay Kid.

Para bang may kakaiba sa awra nito at masyadong malinis at walang bahid ng dumi. Para bang masyadong perpekto ang awra ni Kid na nakakahiyang tumabi sa kanya.

Nawala ang alinlangang nararamdaman ni Priest Xiao nang makita na isa isa nang bumalik ang ibang kabataan.

Sumunod na dumating si Lee. May hawak itong isang pana. Isa itong Hardwood Longbow. May nakasabit  ring isang lalagyan ng mga pana na para sa Hardwood Longbow.

[Hardwood Longbow

Isang uri ng longbow na may kakayahang makatama ng target 4 na Kilometro man ang layo. May mabigat itong timbang dahil sa ginamit na materyales na Hardwood. Isa sa mga matitibay na kahoy mula sa Dwarven Kingdom.]

[Hardwood Longbow Arrows

Mga pana na angkop para sa Hardwood Longbow. Kapag ito ang panang ginamit, asahan na mas malakas at eleptibo ang pagtama ng pana sa kalaban.]

Nang makita ito ni Priest Xiao, napatango ito na para bang sumang ayon sa naging pagpili ni Lee.

Ang pana kasi ay isa sa mga armas na inaral ni Lee bukod sa espada. Bihasa rin siyang gumamit nito. Hindi nagtagal ay dumating na rin sila Monet at Jay.

Bukod sa dala ni Jay na espada kanina, mayroon pa itong isang espada na hawak. Iba ang itsura nito at may pagkakurba, iba sa dati niyang espada. Isa itong katana.

[Shadow Steel Katana

Is sa mga sikat na katana na kilala sa nuong Gaia. Panlabing walo ito sa dalawampung katana na ginawa ng isang magaling at magiting na panday. Si Lin Gang. Gawa ito sa bakal na ang tawag ay Shadow Steel dahil sa taglay nitong kulay. Itim ang kulay ng bakal na ito na maihahalintulad sa isang anino.]

bitbit ni Kay ang katanang iyon at halatang komportable at magaan ang pakiramdam ni Jay at sa kanyang hawak na Katana.

Ang dala ni Monet ay isang pana rin ngunit iba ang kulay nito sa hawak ni Lee. Isa itong pana na may kulay pulang katawan. Mapapansin din na may pakurba ito sa dalawang dulo kung saan nakakabit ang lubid sa pana. Katulad ni Jay, may dala itong isang lalagyan para sa kanyang pana.

Ang huling dumating ay si Gian na may hawak na isang malaking martilyo. Nanlaki ang mga mata nila Kid nang makita ang bitbit ni Gian.

[Cold- Form Crasher

Isang War Hammer. Gawa ito sa isang uri ng bakal na tumitibay kapag nakakaramdam ng lamig. Mabigat ang isang ito ngunit asahan na mapaminsala ang bawat atakeng gagawin.]

hila hila ni Gian ang malaking War Hammer at maririnig ang pagkaskas nito sa lupa. Bawat tahak na dinadaanan ng War Hammer at may bumabakat na malalim na uka dahil sa bigat nito.

Ilang sandali pa ay inangat ito ni Gian at ipinatong sa kanyang balikat na para bang wala lang. Mayroong malakas na pangangatawan itong si Gian kung kaya't hindi siya nahirapang buhatin ang martilyo.

"Aba, malaki ang isang iyan Gian ah!" Sabi ni Jay.

Tumango ito at nagsalita. "Medyo lang. Masyado akong malakas para mahirapang bitbitin ito." Aniya na para bang ipinagmamalaki ang sariling kakayahan sa iba.

"Osya, dahil nandito na ang lahat, pupunta na tayo sa ating opisina at doon ay makakapili na kayo ng inyong magiging guro." Sabi ni Priest Xiao.

Ilang sandali pa ay nagsimula na silang maglakad papunta sa isang malaking gusali. May tatlo itong palapag at may malawak na espasyo. Malaki para sa isang opisina.

Ngunit nang makapasok sila Kid sa loob, nagbago ang lahat. Napakaraming taong nasa loob. Ang iahat ay may suot na iba't ibang kulay ng damit. May mga dala silang mga malalaking Fate Beast at mga kakaibang mga armas.

Nanlaki ang mga mata ng limang kabataan sa nasaksihan.

"Nakakamangha." Sabi ni Kid sa sarili.

"Ito ang Mission Hall. Dito mangyayari ang lahat patungkol sa pagiging Official Guard ninyo." Aniya.

Pinagmasdan ng lima ang buong lugar. Maluwag ang espasyo sa sloob pero dahil sa dami ng mga Official Guards sa loob, nagmukha itong masikip na lugar. May mga tidahang nakatayo sa gilid, may mga kainan at marami pang iba. Ilang sandali pa ay pinatawag na ni Priest Xiao ang lima para sumunod sa kanya.

"Sumunod kayo sa akin." Aniya.

Ilang sandali pa ay sinabi na niya ang mga kailangang malaman nila Kid.

"Bilang isang Official Guard na kayong lima, makakapili kayo sa limang High Priest na maaari ninyong maging guro. Makikita ninyo sila sa itaas." Aniya. At tinahak na nila ang hagdan papunta sa pangalawang palapag.

Continue Reading

You'll Also Like

175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
818K 146K 172
Synopsis: Ang mga pangyayari sa Land of Origins ay nagsisimula nang maging kapana-panabik. Naglilitawan na ang mga naiwang kayamanan at pamana ng mga...
11.3M 505K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
667 91 12
Metaverses are immersive three-dimensional virtual worlds in which people interact as avatars with each other and with software agents, using the m...