I Love You, ARA

Bởi JFstories

27.3M 696K 790K

Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with cauti... Xem Thêm

✞DOCUMENTARY✞
--
c
UNO✞
DOS ✞
TRES✞
KUWATRO ✞
SINCO ✞
SEIS ✞
SIETE ✞
NUEVE ✞
DIES ✞
ONSE✞
DOSE✞
TRESE✞
KATORSE✞
KINSE✞
✞DISI SAIS✞
DISI-SIETE✞
DISI-OCHO✞
DISI-NUEVE✞
BENTE✞
BENTE-UNO✞
BENTE-DOS✞
BENTE TRES ✞
BENTE-CUATRO ✞
BENTE-SINCO ✞
BENTE-SEIS ✞
EPILOGUE✞
Ara pastel art
xxx

OCHO ✞

650K 21.5K 35.2K
Bởi JFstories


VIII

She not He

Sunday, 11:00 P.M.


Ara's P.O.V.


MANHID.Tanging ingay ng bangaw ang aking naririnig.


Matigas. 


Malamig.


Masangsang. 


Malagkit.


Marahan ko muling iminulat ang aking mga mata. Inilibot ko ang aking paningin. 


Sa kisame. Sa dingding. Sa sahig. 


Nagkalat ang mga hibla ng buhok. Buhok na galing sa akin. Nagkalat ang dugo! Dugo na nagmula mismo sa akin, ang sarili kong dugo.


May UGONG. 


May ugong akong naririnig. Mga BANGAW, ngunit wala naman akong nakikita. Pero alam kong ingay na likha iyon ng naturang insekto.


Humigpit lalo ang pagkakayakap ko sa aking kanang PAA─putol na paa. Niyapos ko ito nang mahigpit, mahigpit na mahigpit, at saka ako umiyak muli. 


Ano na ang gagawin ko? Makaligtas man ako sa kamay ni Roli, kailangan ko namang harapin ang katotohanang pilay na ako, pipi pa. Walang kanang paa at walang dila. I am disabled!


Si Nana! Malamang ay nag-aalala na iyon sa akin at hinahanap na ako. 


Nana! Tulungan mo po ako!


Sa buong sandali ng aking pag-iisa, wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak at humagulgol. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko'y pinanghihinaan na ako ng loob. Wala na akong takas.


Maya-maya'y napahinto ako nang may marinig akong tinig. Bumaling ako sa pinto ng banyo bago muling bumaling sa aking kanang binti.Tinitiis kong pilitang sakit na aking nararamdaman.Dumapa ako at gumapang na animo'y isang sundalong nasa giyera na takot matamaan ng bala. 


Sa tulong ng mga hiblang buhok na nagkalat sa sahig, madali kong narating sapintuan.


Habang palapit ako nang palapit sa may pintuan, mas lalo kong naririnig ang tinig ng babae.Pero malabo iyon dahil kulob ang boses nito. Kaya naman buong lakas pa akong gumapang palabas ng pintuan hanggang sa marinig ko na ang usapan.


"Hindi mo pa rin itinatapon?" tanong ng babae. Sino ang babaeng ito? Pamilyar sa akin ang boses na aking naririnig.


"Natutulog lang siya. Bakit ko siya itatapon?" Malamig ang tinig ni Roli at animo'y napakabait niyang tao.


Narinig ko ang banayad na paghakbang ng babae. "Roli, patay na siya." Pamilyar talaga sa akin ang boses na iyon. Hindi ko lang maalala dahil marami itong katulad.


Humikbi si Roli, dinig ko. "Hindi pa siya patay!" Pimipiyok na ang boses niya.


"No one could survive that. Naubusan sya ng dugo. Bata pa sya, hindi kakayanin ng katawan nya ang—"


"Hindi! Hindi pa sya patay!" Napahagulhol na si Roli. Iyon ang unang pagkakataon na narinig ko syang nagkaganoon.


Humugot ako ng pwersa upang makaabante pa mula sa aking pwesto. Patuloy akong gumapang. Nang makahanap ako ng magandang lugar, pilit akong sumilip upang tanawin kung sino ang babaeng kausap ni Roli. 


Ngunit sadya itong mailap dahil sa pagkakataong iyon, nakatalikod ito sa akin at nakayakap kay Roli. Hindi ko ito gaanong maaninag dahil madilim. Natatakpan nito ang liwanag na nagmumula sa kandila. Nakasuot ito ng malapad na black cowboy hat at natatabingan ng buhok ang mukha nito.


Sino ba ang babaeng ito? 


Girlfirend din ni Roli? Sabi ko na nga ba, hindi ako nagkamali sa hinala kong may iba siyang babae! But that's not important now. Kahit naman mahuli ko sya sa akto, balewala na rin sa akin iyon. Wala na akong nararamdamang pagmamahal kanya. Takot na ang nasa akin. 


Isa syang baliw! At malamang, masahol pa ang babaeng ito sa kanya.


Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at...


Naglapat ang mga labi nila! 


Sabi ko na nga ba! May relasyon sila.


Itinulak ni Roli ang babae pero muli siya nitong niyakap. Muli siyang hinalikan nang mariin sa labi kahit ayaw niya.


Kumalas ang babae mula sa pagkakahalik sa kanya. Pagkatapos ay hinimas nito ang kanyang buhok. "Sinabi ko na kasi sa'yo, wala kang ibang mamahalin kundi AKO. Ako lang Roli, ako lang."


"Huwag mo siya'ng papatayin." Mababakas sa tinig ni Roli ang pagmamakaawa. "Please..."


Natahimik ang babae. Maya-maya'y padabog itong humakbang patalikod kay Roli. "Bullshit! Gusto mo bang matulad sya sa mag-ina mo, ha?!"


Biglang kumabog ang dibdib ko. Nakaramdam ako ng kakaibang takot nang marinig ko ang sinabi ng babae.


Anong ibig nitong sabihin? Hindi si Roli ang pumatay kina Tita Laurie? Hindi talaga mamamatay tao si Roli?!


Mabilis itong tinungo ni Roli upang amuhin. "Wag...maawa ka. Mahal ko sya."


"Bakit Roli?! Bakit sa dinami-rami ng babae, sya pa?! Anong meron sya na wala ako, ha?! Ano?! Ako ang matagal mo nang kasama at hindi siya!" Nanggagalaiti ito sa galit.


Napayuko sa paghagulgol si Roli. Tila ito bata na walang magawa. 


"Bakit, Roli? Bakit ka basta-basta nagmamahal at nagpapakasaya?! Kahit kailan, inisip mo man lang ba ako, ha? Inisip mo ba kung ano ang nararamdaman ko? Kung okay lang ba ako? Kung masaya pa ba ako sa buhay ko? Walang nagmamahal sa akin, Roli! Wala! Ikaw lang sana... ikaw lang sana..." Bahagyang pumiyok ang boses ng babae, ngunit matigas pa rin ito.


Hindi ako nagkamali, baliw rin ang babaeng ito!


"M-mahal naman kita, eh. Sinabi ko naman sa 'yo, bigyan mo lang ako ng panahon. Kaunting oras lang naman ang hinihingi ko para makasama ko si Ara–"


"Patay na sya, Roli!" Hindi na sya nito pinatapos sa kanyang sasabihin.


Nag-angat ng ulo si Roli. Hinawakan sya ng babae sa mukha at hinaplos iyon. "Patay na sya, Roli... Patay na si..."


"Ara..."


Napaatras ako sa aking narinig, napaigtad!


"Hindi pa sya patay!" mariing hiyaw ni Roli.


"Patay na si Ara, Roli. Kagabi pa lang matapos KONG putulin ang kanyang PAA."


Ha? Ano daw? 


Totoo ba ang narinig ko? 


Sya ang pumutol ng paa ko?


Nagwala si Roli at humugot ng bangko sa mula sa kanyang likuran at ibinato ito. "Hindi patay si Ara! Kanina lang pinakain ko pa sya!"


Tama si Roli. Hindi pa ako patay. Akala ng babaeng ito, patay na ako. Heto nga't nasasaksihan ko pa ang usapan nila. Ang walanghiyang babaeng ito! Siya pala ang pumutol sa paa k–


"Roli!!!" Isang malakas na sigaw ang pinakawalan nito. Nakakatakot ang tinig na iyon.


Samantala, si Roli na kanina'y tila mabangis na hayop, ngayo'y parang maamong tupa na unti-unting nagbago ang anyo. Napayuko siya sa tinig ng babae.


"Sinabi ko na sa 'yo na ako lang ang pwede mong mahalin! Tigilan mo na ang kalokohan mo! Ako lang sabi dapat, Roli! Ako lang!" Napakadominante ng boses nito. Pagkatapos ay humugot ito nang malalim na paghinga. "Wala ka nang ibang mamahalin! Tayo lang dapat ang magkasama dahil tayo lang ang nakakaintindi sa isat-isa!"


Walang imik si Roli. Para itong bata na pinapagalitan.


"Or else...matutulad sila sa ginawa ko...sa PAMILYA mo at kay ARA..."


Napaluha ako. Gusto kong bumangon at gumanti. Pero wala akong lakas. Ni hindi ko magawang magsalita.


Napaluha ako. Gusto kong bumangon at gumanti. Pero wala akong lakas. Ni hindi ko magawang magsalita.


"Iuuwi ko siya." Si Roli. Malumanay ang boses niya.


"Ano?!" singhal ng babae.


"Ibabiyahe ko siya... pauwi."


"Hindi mo ba talaga naiintindihan, Roli?! PATAY na si Ara. Dito mo na lang din siya itago sa bahay na ito, kasama ng pamilya mo!"


"Eh, ano kung iuwi ko sya? Pinutol mo naman na ang DILA nya. Hindi na sya makakapagsumbong kahit na kanino. Hindi na sya makakapagsalita." Nanginginig ang tinig ni Roli habang nagsusumamo. Para syang baliw. Hindi, nababaliw na talaga sya! "Isa pa, kakain pa kami." Bahagya pa syang napahinto. "Kakain kami sa paborito naming tapsihan..."


Hindi pwede! 


Hindi niya ako pwedeng iuwi nang ganito ang kalagayan ko. Kailangang ma-convince ko rin si Roli na patay na nga talaga ako tulad ng sinasabi ng babaeng ito. Saka na lang ako mag-iisip ng paraan kung paano ako makakatakas sa bahay na ito at makakahingi ng tulong.


Imbis na lalong magalit, napahalakhak ang babae. "All right. Pero ikaw na ang bahala sa kanya. Ikaw na ang bahala sa bangkay niya."


"Hindi pa nga siya patay, ano ba?! Kanina lang pinakain ko pa siya," pagpupumulit niya.


Natatawa na lang ang babae. "Okay! Let's see."


Oh, my God!


Pupunta sila rito!


Mabilis akong kumilos at umikot pabalik. Gumapang ako.Hindi ako pwedeng makita ng babaeng ito. Pihadong papatayin niya ako kapag nagkataon!


Kailangang makapagtago ako!


Narinig ko ang kanilang paghakbang. Papalapit nang papalapit.


Bilis pa, Ara! Bilis!


Buong lakas akong gumapang!


Hayan na sila at papalapit na.


Gapang, Ara! 


Bilis pa.


Malapit na sila!


Nang marating ko ang pinto ng banyo, lumingon ako sa kanan.Dead End!Pader lang ang nandoon at walang daan.Lumingon ako sa kaliwa, may maliit na lababo. Sa ilalim nito ay may cabinet na butas-butas.


Hayan na sila! 


Malapit na!


Sa harapan ko, ang pintuan papasok sa loob ng banyo. Sa kaliwa ko naman ay ang maliit na cabinet sa ilalim ng lababo. 


Saan? 


Saan ako pupunta?


Malapit na sila sa tapat ng banyo!


Mabilis na humakbang papasok ng banyo ang babae.Nakikita ko ang bawat kilos nila dahil nakasilip ako sa isang butas. Nandito ako ngayon sa maliit na cabinet sa ilalim ng lababo. Natagpuan ko na lamang dito ang aking sarili─nangangatog at takot na takot.


"Roli!" sigaw ng babae.


Itong si Roli naman ay papasok pa lang sa loob nang bigla siya'ng mapahinto. Kitang-kita ko syamula sa maliit na butas kung saan ako nakasilip.


"Roli, nasaan si Ara?" tanong ng babae na nasa loob na ng banyo.


Natutop ko ang sarili kong bibig nang marahan akong nilingon ni Roli. Imposibleng makita niya ako mula sa kanya kinatatayuan. Madilim rito sapwesto ko.Hindi pwede. Napayuko na lang ako. Napakalakas ng kabog ng dibdib ko.


Katahimikan.


Iniangat ko ang aking ulo nang marahan. Sumilip muli ako sa butas.Napaigtad ako sa aking nakita. Si Roli, nakatingin siya rito!


Humakbang siya palapit sa pinagtataguan ko.Naririnig ko ang mga yabag niya papalapit sa akin.Napapikit akosa takot.Halos mapahikbi ako.


Katahimikan.


Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Nangangatog ako. Muli akong sumilip kahit naiiyak na ako, kahit natatakot ako sa maaari kong makita.


Ano itong nakikita ko?


My God!


Napaatras ako kahit alam kong wala na akong maatrasan pa. Labis ang takot na nararamdaman ko. Halos hindi na ako makahinga. Hindi ko na napigilang mapatili at mapasigaw subalit walang boses na lumalabas. Wala akong nagawa kundi takpan ang mga mata ko.


"Roli?" tinig muli ng babae.


Naramdaman kong nagliwanag.


Ngunit nang imulat ko ang aking mga mata, wala na si Roli. Pumasok na siya sa loob ng banyo. Bakit? Hindi niya ba ako nakita? Dahil dito'y sandali akong nakahinga nang maluwag.


"Roli? Nasaan sya?" tanong muli nito.


"Andyan lang sya. Sa Bathtub," tugon nya.


"Walang laman itong bathtub kundi tubig. Duguang tubig."


Lumakad si Roli palapit sa bathtub, rinig ko ang yabag nya na sinundan naman ng lagaslas ng tubig. "Heto sya oh..." Tila may iniangat siyang bagay mula sa tubig na nasa bathtub.


What?! Paanong?! Heto ako! Wala dyan. Nababaliw na nga ang mga ito!


"Linisan mo muna sya bago mo sya ibyahe pauwi," utos ng babae na animo'y isang laruan lamang ang pinag-uusapan nila.


"Paano ang binti nya? Putol?" tanong ni Roli.


Ano ba ang pinagsasasabi ng dalawang ito?


"Don't worry, bumili ako ng packing tape kanina nang mamili ako sa bayan."


"Kunin mo na habang nililinis ko ito." Pagkasabi ni Roli ay narinig kong humakbang palabas ang babae. Nakita ko rin itong lumabas.


Samantala, doon ko na sinamantala ang pagkakataon. Gumapang ako palapit sa pinto at sumilip. Doon na ako napaluha.


Nakita kong nililinisan ni Roli ang katawan ng isang...BABAE. 


Naestatwa ako. Napatanga na lamang ako at napatulala.


Sa likuran ko'y narinig ko naman ang yabag ng babae. Akmang magtatago na sana ako nang pamansin kong nilampasan lang nya ako.Napansin ko ang suot niyang sapatos. Iyon ang red doll shoes na regalo sa akin ni Nana.


Lumapit ito kay Roli. "Oh heto, i-tape mo na lang ang binti nyan. Tapos, itago mo na lang sa suot nyang jeans."


Ngunit bago iyon tanggapin ni Roli, kinuha muna nito ang isang putol na paa at nilinisan ng tubig. Humagikhik naman yung babae at iiling-iling habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Roli.


Tumingin sya nang matalim sa babae. "Hindi pa sya patay. Hindi pa."


Pagkatapos nga noon ay binalutan na nila ng packing tape ang binti ng babae, na para bang kable lang iyong naputol. Sinuotan ng jeans, sinuklayan ang buhok at sinuotan ng itim na jacket. Pagkakuwan ay pinasan na ito ni Roli sa kanyang likod na para bang natutulog lang.


"Wait..." pag-awat ng babae. "May kulang pa." Tinanggal ng babae ang suot nitong sapatos.


Ang red shoes ko!


Ang isa ay isinuksok nito sa dibdib ng bangkay at ang isa naman ay itinupi nito nang dalawang beses at isinuksok naman sa...


BIBIG nito! Teka,katawan ko nga ang bangkay na iyon!


PATAY na ako!?


Akin ang katawan na buhat ni Roli!


Iyong UGONG, naririnig ko pa rin. Iyong mga BANGAW, kitang-kita kong umaaligid sa aking tainga, sa aking bangkay. Patay na ako. Pero ang tainga ko, responsive pa rin sa kabila ng aking sinapit. Paano nangyari iyon?


Ngayon, paano ko ito tatanggapin?Hindi ako makapaniwala. Ang babaeng ito, kasama na pala ni Roli nang gabing pukpukin niya ako at nawalan ako ng malay. Ang babaeng ito ang pumatay sa akin.


Ang babaeng ito, pamilyar sa akin gang pananamit niya! Ngayon ko lang siya napagmasdan nang husto. Ang pananamit nito. Ang boses nito.


Humalik siya sa noo ng aking bangkay na buhat ni Roli. 


Doon lang ako nagkaroon ng pagkakataong pagmasdan ang mukha nya.Jesus!Gulat na gulat ako sa aking nakita.


Hindi maaari! 


Paanong? 


Bakit? 


Totoo ba ito? 


Sa dinami-dami...bakit SYA pa!? Bakit SYA pa?!!!


Ngumiti sya at bumulong. "I love you, ARA."


JAMILLEFUMAH

@JFstories 


Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

3.7K 1.1K 17
Kapag sinabing "RPW" ano ang unang pumapasok sa inyong isipan? Para sa akin ang pagiging isang Girl R'pier o mas kilala sa tawag na "GRP" ay masaya...
134K 5.8K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...
57.1K 4.8K 36
Niki and Andy have been friends since high school. Punong-puno ng kontrobersya ang pagkakaibigan nilang dalawa. Their other friends used to tease the...
921 152 13
NOT EDITED. May mga bagay na kailangan nating intindihin at obserbahan nang maigi upang malaman ang kasagutan. May mga bagay rin na dapat nating pani...