Spirits

بواسطة Slylxymndr

450K 22.7K 1.6K

Kapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit for... المزيد

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
Announcement
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Part 2 Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
22
23
24
25
26
Announcement!!
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
New Story Teaser
43
44
:)

21

4.6K 248 18
بواسطة Slylxymndr

Dalawampu't walong taon na ang nakalipas, sa Central City, naganap ang isang malaki at mapaminsalang Gyera. Laban ito ng dalawang malalakas na race sa Gaia, ang mga tao at mga Goblins.

Nag ugat ito nang balak sakupin ng mga goblins ang kalupaan ng mga tao. Ngunit hindi sila nagtagumpay dahil mayroong mga dahilan kung bakit napigilan ang kanilang pagsakop sa mga tao.

Una na dito ang paggawa nila ng bakod na humaharang sa kalupaan ng mga tao at mga goblins. Ginawa ito ng mga God Mortal Realm Cultivators noong unang panahon pa para protektahan ang buong lugar. Isa itong Invisible Barrier kung kaan hindi maaaring makapasok ang mga hindi tao. Mayroon ding mga matatalas na hangin at delikadong mga lugar na naghaharang sa mga lupaing ito kung kaya't dehado ang mga goblin nang subukan nilang sakupin ang kalupaang iyon.

Pangalawa sa dahilan ay ang pagkamangmang ng mga Goblins. Hindi sila maruning sa pagc- cultivate kung kaya't malaki ang diperensya ng kanilang mga lakas.

Pangatlo ay ang pagsasama ng pwersa ng mga dwende at mga tao. Malaki itong dahilan kung bakit nanalo ang mga tao laban sa mga goblin.

Bago pumutok ang pulang buwan sa kalangitan, nagkaroon na ng babala sa mga tao na magkakaroon ng malaking pagsasakop sa kalupaan ng mga tao. Dahil sa isang kasunduan, tinulungan ng mga dwarves at humans ang isa't isa.

Tinulungan ng mga tao ang mga Dwarves sa pangangalap ng pagkain. Ang lupain kasi ng mga Dwarves ay mabato at kaunti lang ang lupain na maaaring pagtamnan kung kaya't ito ang naisip na ipagpalit ng mga tao. Kapalit ng mga pagkain at pananim, tutulungan ng mga Dwarves ang mga tao sa paggawa ng mga armas.

Bilang kilala ang mga Dwarves sa larangan ng pagpapanday, tinulungan nila ang mga tao sa pamamagitan ng paggawa ng mga matitibay at magagandang mga armas.

Matapos ang halow isang buwang paghahanda, dumating na kinakatakoy na pangyayari ng mga tao. Tapos na maghari si haring araw at napalitan ang kalangitan ng mapula at nakakatakot na buwan.

Sa panahong iyon, si Joshua, kasama ang ibang mga galing sa ibang mundo at ang ama ni Kid, ay tumulong sa pagprotekta ng lupain ng mga tao. Katulad ni Kid ay nakapunta narin siya dito sa Gaia at naabutan niya ang pinakamalaking pananakop na mangyayari.

Pagputok ng pulang buwan maririnig ang mga sigaw at tawanan ng mga Goblins.

*Gggrrrrraaaaarrrll!!

*Shcrrriieeekkk!

*Chhraaaagg!!

Nagdulot ang paninindig balahibo ang mga boses at tunog na iyon. Hudyat para sinulan ng mga goblin ang katakot takot nilang paglusob. Nakatayo ang mga tao at hinihintay ang pagpasok nila sa loob.

Mistula bang yumanig ang lupa nang magtakbuhan ang mga Goblin salubong sa harang na ginawa ng mga tao. Sobrang dami ng mga Goblins na para bang hindi na mahulugan ng karayum ang mga espasyo nila sa isa't isa.

Madaming mga goblin ang pumalibot sa barrier na ginawa ng mga tao. Tuloy tuloy sa pagtakbo ang mga maliliit na Goblin. Maiingay sila at napakarami.

Mapapansin ang kanilang mga matatalas na ngipin at mahahabang tenga. Maymga dala silang matatalim na bato at ang iba ay may hawak pang mga dagger. Kulubot ang kanilang mga balat na kulay luntian. May nga tumutulong laway mula sa kanilang mga bibig at nanlilisik ang kanilang mga mata.

Kung isang normal na tao ang makakakita ng ganitong uri ng nilalang, paniguradong kakaripas sila ng takbo. Pero nang makita sila ng mga Cultivators, para bang nangati ang kanilang mga kamay at gusto nang makapaslang ng mga goblins.

Ilang sandali pa ay tumama na ang mga goblins sa barrier at isa lang ang kumalat sa lugar na iyon, ang kanilang mga dugo't laman.

Bumalot sa buong lugar ang amoy ng masangsang na amoy ng mga katawan ng mga Goblin. Wala ni isa ang nakalusot sa loob ng barrier ngunit nang dumating na ang mga higanteng goblins, ang mga Ogre.

Sila ang isang uri ng Goblin na may malaking pangangatawan at matatabang mga tiyan. Iba ang kulay nila kumpara sa mga goblin dahil kulay abo ang kanilang mga balat. May mga hawak silang mga pamalong gawa sa kahoy. May mga pangil rin silang matatalas.

Unti unti nilang pinuwersa ang kanilang mga sarili na makapasok sa loob ng barrier ngunit kahit anong gawin nila, parehas lang ang nanging kinahantungan nila.

May mangilan ngilang mga Ogre na nakapasok sa loob pero agad na naagapan ito ng mga Cultivator.

Ngunit nang dumating na ang kanilang kinakatakutan, para bang nakaramdam ng takot ang lahat. Naglalabas ito ng madilim at mabigat na awra na nagpahirap magpahinga sa mga tao. Ang iba ay nanginig s takot nang nasaksihan ang Goblin King.

Mala-tao ang porma nito. May malalaking katawan at may suot pang korona at armor. May parusok itong mga tenga at may matutulis na ngipin pero ang kakaiba sa Goblin King na ito ay may hawak siyang espada.

At batay sa mga kilos nito, marunong siyang gumamit ng armas at ng espada.

Natakot ang lahat sa nasaksihan. Pero hindi si Joshua. Nang masira ng Goblin King ang barrier at pumasok na ang mga halimaw na ito, sumugod na ang mga Official Guards ng bawat bayan para protektahan ang buong lupain.

Nakakatakot ang araw na iyon. Puno ng mga dugo at mga malalamig na bangkay ng mga tao at goblin. Sa huli ay nakatamo ng matinding sugat ang Goblin King na nagpahina sa kanya pero sa lagay na iyon, wala naring lakas si Joshua para makipagpalitan ng lakas sa Goblin King.

Ang labanan ng mga tao at Goblin na umabot sa tatlong sunod sunod na buong araw ay nauwi na tagumpay ng mga tao. Umatras ang Goblin King sa laban nila ni Joshua dahil sa mga pinsalang kanyang natamo.

Libo libong mga bangkay ng mga Goblin ang nakakalat sa buong lugar at wala silang paglilibingan ng mga ito. Nakaisip si Joshua ng isang paraan para mawala ang mga katawang iyon. Kinuha niya ang space ring na tinatago niya mula sa iba dahil isa itong napakamahalagang bagay.

Wala pang laman ang storage ring na iyon at nanghihinayang si Joshua na gamitin ang Storage Ring na yon dahil hindi wala naman siyang makukuhang pakinabang sa mga katawan ng mga maduduming Goblins na iyon.

Nakita nalang ng mga tao na wala na ang mga karawan ng mga goblin pati na ang mga labi ng mga Cultivators. Alam naman ni Meng Gao ang nangyari. Alam niya ang ginawa ni Joshua kung kaya't nang nagkaroon na siya ng kapangyarihan at naging isang High Priest, bago umalis si Joshua palabas ng Eye of Hamlet, pinatuloy niya ito sa Beast Hall.

Niyaya niyang pumasok si Joshua papunta sa litratong may magandang lupain. Pagpasok nila, pumunta sila sa punakadulo at pinakamalayong parte ng lupain.

"Ground Break Collision!"

Nang sinuntok ni Priest Meng ang lupang kanyang tinatapkan at biglang gumalaw ang lupa. Umangat ang isang buong tipag ng lupa sa kalangitan.

At dahil sa nangyaring iyon nabuo na ang maliit na isla sa loob ng singsing. Kung kaya't ganoon ang nangyari sa loob ng singsing. Ang nararamdaman ni Master Val ay ang reaksyon ng lupang kanyang tinatapakan.

"Ang singsing na iyan ay galing sa akin." Sabi ni Priest Meng.

Hindi makapaniwala sa narinig si Kid. "S-sa inyo po ito galing?!" Simpleng tango lang ang isinagot ni Priest Meng.

"Sumama ka sa akin." Aniya kay Kid. Naglakad silang dalawa sa isang malayong parte ng lupaing iyon. Habang naglalakbay papunta sa malayong parte ng lupaing iyon, naikwento ni Priest Meng ang kanyang mga karanasan kasama ang ama ni Kid.

Makikita ang saya at pagkamangha ni Priest Meng sa kanyang mukha at sa tono ng kanyang boses ang makilala ang ama ni Kid. Malaki na naiambag ni Joshua sa nakaraang paglalabanan ng dalawang nasyon.

"Naging matalik kong kaibigan si Joshua, ang iyong ama. Halos tatlumpung taon narin ang nakakalipas nang magbukas ang portal na sa tingin ko ay kung saan kayo galing. Dahil sa nangyaring sakripisyo niya para sa lupain natin, nagpagdesisyunan kong bigyan siya ng parte ng lupa ng lugar na ito. Ginawa niya itong lupain sa loob ng singsing." Aniya.

"Ganoon pala kagaling at kalakas si ama." Sabi ni Kid sa kanyang sarili. Para bang mayroong maliit na apoy na unti unting nagliliyab sa kanyang puso simbolo ng kanyang pagkamangha sa ama at isang dahilan din ni Kid para palakasin ang kanyang sarili. Nagsimula nang idulohin ni Kid ang kanyang ama dahil sa mga kwento ni Priest Meng.

"Nga pala, sa aking pagkakaalala, ang singsing na iyan ay isang space ring. Ibig sabihin ay mayroong kakayahan ang singsing na iyan na magbigay at magpanatili ng buhay sa loob. Pwede ba tayong pumasok sa loob? Nais ko lang makita ang ginawa ni Joshua sa lupang ibinigay ko sa kanya." Sabi ni Priest Meng kay Kid.

Nag alinlangan si Kid sa sinabi ng High Priest. Dahil kung sakaling makapasok siya sa loob ng singsing, baka makita niya si Master Val at ang mga pananim nila doon.

Pero sa huli ay pumasok din sila sa loob. Bumungad sa kanila ang magandang tanawin ng lupain. Ang maliit na isla ay puno ng mga puno't halaman at pananim. May munting bahay rin sa gitna nito na kahit simple lang ay maganda sa paningin.

Napansin din ni Priest Meng ang tubig na nakapalibot sa buong isla. Inisip niya kung saan ito galing pero hindi masyadong isinapuso ang dahilan. Napansin din niya na ang Essence na nararamdaman sa labas ng singsing ay halos pareho sa loob nito.

"Ganito pala ang pakiramdam sa loob ng singsing na ito." Sabi ni Priest Meng. Napangiti ito sa ganda ng tanawing kanyang nasasaksihan. Ngunit nag iba ang kanyang mukha nang makaramdam ng ibang awra mula sa loob ng singsing.

Napalingon ito sa paligid ngunit wala siyang makitang katawan. Malakas ang awrang iyon at alam ni Priest Meng na ang awrang kanyang nararamdaman ay ang awra ng isang nasa God Mortal Realm.

"May cultivator sa loob ng singsing." Sabi niya sa sarili. Nakakatakot ang awrang iyon dahil malaking malaki ang pagkakaiba ng lakas niya sa awrang kanyang nararamdaman.

Sa kabilang dako naman, makikita si Master Lao na nagmamasid sa dalawang tao na nasa loob ng singsing. "Bakit nandito si Kid? Bakit may kasama siya?!" Aniya sa sarili. Dahil bumalik na ng tuluyan ang kanyang katawan, bumalik narin ang totoong lakas ni Master Val. Matindi ang awrang kanyang inilalabas sa katawan para malaman ang lakas ng nakapasok sa loob.

"Master!" Sigaw ni Kid para tawagin ang atensyon ni Master Val. Biglang napalingon si Priest Meng sa pwesto ni Kid na may pagtataka sa mukha. "Master?!"

Biglang mayroong isang pigura ng lalaki ang makikitang lumulutang sa ere at dahan dahang bumababa sa lupa na parang dahong bumabagsak mula sa puno.

"Bakit Kid?" Sabi niya sa kanyang estidyante. Napatingin siya sa pwesto ni Priest Meng ng bahagya at ibinalik muli ang kanyang tingin kay kid.

"Alam ko na po kung saan nakuha ng aking ama ang singsing na ito!" Aniya sa kanyang master. Ikinuwento na niya ang kanyang mga nalaman sa kanyang master na nagbigay naman kay Master Val ng isang sagot mula sa katanungang bumabagabag sa kanya kanina pa.

"Hhhhmm. Ibig sabihin, maaaring ang  lupaing ito ay parte ng isang sagradong lupain sa isang larawan na may kakayahang maglabas ng mga essence na kailangan sa Cultivation." Aniya. "Hindi ko ito sigurado pero maaaring ang lugar na ito ay ang Painting of the Pleasant Morning." Aniya.

Kumunot ang noo ni Kid sa narinig dahil parang pamilyar sa kanya ang binanggit ng kanyang Master. Iba naman ito sa mukhang ipinakita ni Priest Meng. Gulat at pagtataka ang gumuhit sa mukha niya dahil sa narinig.

"P-paano mo nalaman ang pangalang iyan!?" Sigaw niya.

Hindi siya makapaniwala na ang lalaking nasa kanyang harapan ay isa sa mga nakakaalam ng pangalan ng pinakatatagong yaman ng Central City. Tanging amg mga pinuno lang ng bawat bayan ang nakakaalam pangalang iyon dahil itinuturing ng mga tao sa Gaia, lalu na ng mga taga Central City ang pangalang iyon.

Itinagong lihim ito ng mga taga Central City mula sa mga karatig bayan dahil maaaring magdulot nito ng malaking kaguluhan.

Ang larawang iyon ay isang Source ng Essence na kailangan ng mga Cultivators at mga Fate Beast para lumakas ang kanilang katawan. Sa kabilang banda, ang Essence naman ay ginagamit ng mga Spirit Beasts at Spirit Bearers para tumaas ang kanilang Step at makapag breakthrough.

Bukod sa mga nabanggit na benipisyo na matatanggap sa larawang ito, patuloy parin ang pagdiskubre ng mga taga Central City ang iba pang makukuha nila sa larawang ito.

"Alam ko ang tungkol sa lugar na ito ngunit mula sa aming mundo, kakaunti at napakabihila lang ang kaalaman tungkol sa walang hanggang essence na lugar na ito." Sabi ni Master Val.

"Ang larawan na ito ay ang Painting of the Pleasant Morning. Isa sa mga Mythical Weapons na ginawa ng Spirit King." Aniya.

Nanlaki ang mga mata ni Kid sa narinig.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

24.1K 1.7K 50
Nakapagdesisyon na ang batang si Li Xiaolong na gusto nitong pumasok sa loob ng isang prestirhiyosong paaralan sa Dou City, ang Cosmic Dragon Instit...
6.1K 689 36
Isang Annual Harvest Month na naman ang nilahukan ni Wong Ming na siyang dinaluhan ng napakaraming outer disciple. Ano namang kakaibang karanasan ang...
37.1K 3.5K 95
Matapos ang lahat ng pangyayari at sunod-sunod na pagkabigong natamo ng batang si Li Xiaolong dahil sa naging desisyon niya. Could he really find aga...
Grimoire: After Legends بواسطة Last_Owl

الخيال (فانتازيا)

1.4K 173 17
Isang taksil sa kaharian ng Alvarez, ito ang pagkakakilala sa ninuno ni Rael na si Odin at sa buong pamilya ng Ambrose. Ngunit sa kabila ng lahat ng...