Spirits

By Slylxymndr

450K 22.7K 1.6K

Kapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit for... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
Announcement
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Part 2 Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
21
22
23
24
25
26
Announcement!!
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
New Story Teaser
43
44
:)

20

4.9K 247 25
By Slylxymndr

Mabilis na lumipas ang walong buwan at madaming nagbago sa loob ng Barracks. Unang nakaabot ng 5th Mortal Realm ay si Kid na matapos manalo sa unang paligsahan, ilang linggo matapos non ay nakaabot na siya sa 5th Mortal Realm. Madami ang nagulat at hindi makapaniwala sa bilis ng progreso ng Cultivation ni Kid dahil nakaabot na kaagad siya sa ganong kataas na Realm nang makuha niyang dalawang Body Nurturing Pill bilang premyo niya sa paligsahan. Ang hinsi nila alam ay mayron pa siyang napakaraming Body Nurturing Pill na sindi pa nagagamit.

Hindi lang natapos doon ang mga nangyari, una ring nakapasok at nakapili si Kid ng kanyang magiging bahay na para sa mga nakaabot sa 5th Mortal Realm. Pinili niya ang pinaka una dahil siya palang naman ang unang nakakuha ng 5th Mortal Realm.

Nagpatuloy sa Cultivation si Kid at ngayon ay nasa bottleneck na siya sa 6th Mortal Realm patungo sa 7th. Nagtagal si Kid sa 6th Mortal Realm pero base sa kanyang bilis sa pagc- cultivate, maituturing parin siyang isang Henyo.

Apat na Buwan ang makalipas na makapasa si Kid bilang 5th Mortal Realm, nakaabot na si Jay at Lee sa Realm na ito. Hindi na kagulat gulat ang naging resulta nito at naging masaya ang pagtanggap ng mga gwardya sa pagkamit nilang dalawa ng realm na iyon. Ilang linggo rin ang nakalipas at sunod sunod nang nakahabol ang ibang mga cultivators.

Mabilis na napuno ang mga bahay na para sa mga nakakuha ng 5th Mortal Realm kung kaya't madalas narin ang mga paghamon para sa posisyong iyon at base sa reaksyon ng mga gwardya, mayroon silang apat na cultivators na kanilang iniiwasang hamunin.

Si Jay na kasalukuyan nang nasa 5th Mortal Realm peak na. Patuloy parin siyang nagsasanay gamit ang kanyang espada pero simula noong matalo siya ni Kid, naging malapit sila sa isa't isa at paminsan pa'y humihingi ng tulong si Jay kay Kid kapag kailangan niyang sanayin ang kanyang Martial Art Skill na natutunan.

Si Monet naman ay palaging tahimik ngunit marahas paarin sa ibang nagkakamaling humamon para sa kanyang posisyon. Hindi parin niya maalos ang paghanga kay Kid lalu na noong nakaabot na si Kid sa 6th Mortal Realm.

Si Lee na bagama't hindi ganoon kabilis ang progreso kumpara sa dalawa, solido na ang kanyang pundasyon sa kanyang mga Skill. Halos lahat narin ng kanyang Martial Art Skill ay nasa 4★ na.

At ang pinakahuli ay si Kid. Alam ng lahat kung gaano na kalakas si Kid pero mapapansin na madali siyang lapitan pag kailangan na ng kanyang tulong. Mas lalong nakilala si Kid sa buong Barracks dahil sa tulong na ibinibigay niya kay Lee at Jay.

Gumising na si Kid at bumangon na sa kanyang malambot na kama. Iba sa naunang kama na kanyang nagamit na ibinigay sa kanila noong bago palang sila sa Barracks. Mas malaki at malawak narin ang bahay kumpara sa dati niyang tinirahan. Pagbangon niya, nakita niya nakahanda na ang pagkain sa maliit na mesa. Napangiti siya dahil danoon pala kaganda ang trato sa mga gwardyang nakakuha na ng mataas na Realm.

Nakahanda sa kanyang plato ang isang hiwa ng karne, isang buong mais at isang basong tubig. Kahit ganoon lang ang nasa plato, mas maayos naman ito sa pagkaing nakakain niya noong nasa labas pa siya nakatira.

Masaya siyang kumakain ng kanyang almusal nang magambala siya ng pagkatok mula sa pinto niya.

"Kid!! Kid!!" Sigaw ng lalaking nasa labas ng pinto. Tumayo si Kid at binuksan ang pinto. Sumalubong sa kanya si Lee na para bang nagmamadali. "Bilisan mong kumain! Kailangan daw tayo ng Beast Hall!" Aniya at tumango naman si Kid bilang tugon. Umalis na papunta sa kanyang pwarto pata maghanda.

Paminsan ay pinapatawag ng bawat Hall ang mga presensya bila para humingi ng tulong. Hindi na kasi makadalo pa ang ibang mga Gwardya dahil sa dami ng kanilang ginagawa.

Ilang sandali pa ay natapos na si Kid kumain at maghanda para sa pagpunta sa Beast Hall. Paglabas niya ng pinto ay sumalubong sa kanya ang kanyang kapwa gwardya at halatang siya nalang ang hinihintay.

"Halina kayo!" Sabi ni Lee at nagsimula na silang maglakad. Habang papunta sa Beast Hall, sinabi na ni Lee ang kailangan nilang gawin sa Beast Hall.

"Pinapasabi ni Priest Meng na kailangan na raw nating magsanay na lumaban kasama ang mga Fate Beast natin para makapasok sa posisyon bilang Official Guards. Pupunta tayo ngayon sa Beast Hall para doon magsanay." Aniya sa mga kasama.

Tumango ang lahat sa narinig. Isa isa rin nilang kinuha ang kani- kanilang mga Fate Beast sa isang malawak na lupain katabi ng barracks. Doon ay maaari mong patirahin ang iyong Fate Beast at kapag tinawag mo ang kanilang mga pangalan ay magpapakita sila sa iyo at pupuntahan ka.

Isa isa na nilang tinawag ang mga Fate Beast nila habang si Kid naman ay tinawag si Sky sa loob ng Singsing. Ilang sandali pa ay bigalng tumalon nalang si Sky palabas ng singsing na nagpagulat kay Kid ngunit sinalo niya si Sky ng nakangiti.

Nag iba narin ang itsura at laki ni Sky. Wlaa parin itong paningin at hindi na umaasa si Kid na gagaling ang kanyang mga mata ngunit mgayon ay mas malaki na ito kumpara sa dating sinlaki lang mga palad ni Kid. Ngayon ay abot na ni Sky ang mga tuhod ni Kid. Halos tatlong beses ang laki niya ngayon kaysa noong una.

Humahaba rin ang mga balahibo nito sa bandang paaban. Mas naging elegante itong tignan kaysa dati na mukha siyang laruan.

Kahit na ganoon na ang laki ni Sky, gusto parin nitong binibitbit parin siya ni Kid kung kaya't habang ang iba ay nakasakay sa kani- kanilang mga Fate Beast, si Kid ay bitbit ang kanyang Fate Beast at naglalakad.

Nag iba rin ang Fate Beast ni Lee. Ang dating itim na pedasus ay mayroon na itong mga biak sa katawan at kulay loob ang kulay nito. Parang mga magma na nakalagay sa balat nito.

Doon nalaman ni Kid ang mga nangyayari sa kani kanilang mga Fate Beast. Para rin silang mga tao na lumalaki at tumatanda. Nagbabago ang mga itsura sa kung anong uri ng hayop sila. Maaaring nakuha ni Kid si Sky noong kakalisang palang nito sa kanya o di kaya'y hindi pa katagalan nang ipanganak siya kung kaya't si Sky ang may kakaibang pagbabago kaysa sa iba.

Napansin rin ni Kid na hitik ang lugar na pinag iiwanan ng mga Fate Beast sa Essence. Ang Essence ang nagsisilbing nutrisyon ng mga Fate Beast para lumaki silang malakas at masigla.

Napansin ito ni Kid dahil tuwing kumakain si Sky ng mga prutas sa loob ng singsing, bahagyang lumiliwanag ang kanyang katawan at mukha itong lumalakas. Dahil punong puno ang singsing ni Kid ng Essence, mabilis na lumaki si Sky at napili ni Kid na doon nalang niya iwan si Sky imbes na sa malawak na lupain para sa mga Fate Beast.

Ang malawak na lupaing iyon ay puno rin ng Essence ngunit dahil sa dami ng mga Fate Beast na naroroon, napakabagal ng pagbabago sa mga Fate Beast.

"Ibig sabihin ay konektado ang mga Spirit Beast at mga Fate Beast dahil sa Essence na inilalabas ng mga Spirit stones at mga katawan ng Spirit Beast ay ang kailangan ng mga Fate Beast para lumakas." Napagtanto niya.

Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa Beast Hall. Sinalubong sila ni Priest Meng para sabihan ng mga bagay na kanilang malaman.

"Maliwanag na siguro sa lahat ang dahilan kung bakit ko kayo pinatawag. Pero uulitin ko parin ang mga iyon,." Aniya. "Dahil dalawang buwan nalang ang natitira at magaganap na ang pagtanggap sa inyo bilang isang Official Guards, bibigyan kayo ng Central City ng pagkakataon para magsanay ng inyong Martial Arts at pati narin ang inyong mga Fate Beast."

"Sa loob ng tatlong buwan ay maninirahan kayo sa Beast Hall at dito ay inaasahan ko kayong lahat ang makikita ko sa darating na araw ng inyong pagkuha ng mga uniporme para sa mga Official Guards." Aniya at tumingin sa mga bagong guwardya na nasa harapan niya.

Masaya siya sa naging progreso ng mga bagong Gwardya ngayong taon dahil kumpara sa nakaraan, mas mataas at mas marami ang nakapasa ngayon. Napuno ang lahat ng mga bahay para sa mga magiging Official Guards.

Tumalikod na si Priest Meng papasok sa Beast Hall at sumunod ang lahat. Sumalubong nanaman kila Kid ang mga malalaking estatwa ng mga Fate Beast at ang napakalaking Beast Hall na iyon. Ilang sandali pa ay nakaabot sila sa isang pinto. Dalawang metro ang taas nito at isa naman ang lapad. Binuksan ni Priest Meng ang pinto at bumungad sa kanila ang isang malaking larawan ng isang patag na lupa na puno ng damo. Mapapansin na parang isang simpleng larawan lang ito. Kulay bughaw ang kalangitan at maputi ang mga ulap.

"Ipikit ninyo ang inyong mga mata at humawak ang lahat sa isa't isa." Sabi ni Priest Meng sa mga ito at agad namang sumunod ang mga ito sa sinabi ng High Priest.

Pumikit sila Kid at naghawak hawak ang lahat sa mga balikat ng bawat isa at sumunod sa paglakad sa High Priest.

Unti unting naramdaman ni kid ang malamig na hangin na dumampi sa kanyang mga braso't binti.

"Maaari nyo nang buksan ang inyong mga mata." Sabi ni Priest Meng.

Pagdilat ng kanilang mga mata ay nakita nila na sila sa ay nasa isang malawak na lupain. Puno ito ng kulay luntiang mga damo at mangilan- ngilang mga puno. Malalanghap dito ang preskong simoy ng hangin.

Hindi lang iyon ang napansin ni Kid, naramdaman din niya ang Essence na nakabalot sa buong lugar na iyon. Para bang sumisingaw ang Essence mula sa mga damong nakakalat doon at umaakyat ito pataas at nararamdaman ng mga tao at Fate Beast kapag pumasok doon. Kung ano ang pakiramdam sa loob ng kanyang Singsing ay ganoon din ang pakiramdam sa lugar na iyon.

Sa loob naman ng singsing, nakaramdam si Master Val ng kakaibang pwersa na inilalabas ng mismong singsing. Mas bumigat ang ang hangin doon na para bang lumapot ito. Ang mga halaman at iba pang pananim sa loob ng singsing ay kumikinang dahil sa kakaibang pakiramdam na dala ng hangin. Nagtataka si Master Val sa nararamdaman ngunit nang tignan niya ang kanyang mga kamay, napansin niyang unti unting bumabalik ang kanyang balat, laman at dugo. Unti unting kumikinang ang katawan ni Master Val na para bang binibigyan siya ng panibagong buhay at katawan.

"A- anong nangyayari?!" Taka niya. Ilang sandali pa ay bumalik na ang kanyang katawan. Nanlaki ang kanyang mga mata.

Naglakad si Priest Meng sa malawak na lupaing iyon. Ilang sandali pa ay humarap siya sa mga kabataan at nagsalita.

"Sa loob ng dalawang buwan, dito kayo maninirahan. May sapa sa bandang kaliwang dulo ng lugar na ito. May mga mangilan ngilang mga punod sa paligid at lahat ng iyon ay namumunga ng mga prutas. Sapat para sa inyong lahat." Aniya.

"Iiwan ko na kayo dito at babalikan ko kayo pag natapos na inyong palugit." Aniya at tumalikod. Nang madaan niya ang pwesto ni Kid, bigla itong tumigil. "Oh, ano pa ang hinihintay ninyo? Humanap na kayo ng mga pwesto ninyo!" Aniya at mabilis na naghiwa- hiwalay sila. "Maliban sayo Kid." Aniya.

Napahinto si Kid sa paglalakad nang banggitin ni Priest Meng ang kanyang pangalan.

"May gusto sana akong itanong sa iyo." Sabi ni Priest Meng sa binata.

Tumangi si Kid bilang pagsang ayon. "Ano po iyon Priest Meng?" Sabi niya ng may halong pagtataka.

Ngumiti si Priest Meng sa mukha ni Kid. Kinuha ni Priest Meng ang kamay ni kid at tinignan ito. Nadako ang kanyang tingin niya sa singsing na suot ni Kid. Nang mapansin ito ni Kid ay nanlaki ang kanyang mga mata at bigla niyang hinablot ang kanyang mg akamay sa hawak ni Priest Meng.

Napangiti naman si Priest Meng sa gianwa ni Kid. "Huwag kang mag alala. Wala akong balak na kunin ang singsing na iyan..." aniya. Ngumiti ito at para bang may inaalalang isang pangyayari sa buhay niya.

".. sa akin galing ang singsing na iyan." Sabi ni Priest Meng.

Nagulat si Kid sa narinig na sabi ng High Priest. Paanong sa kanya nanggaling ang singsing na iyon? Sa pagkakaalala niya ay galing ito sa kanyang tatay! Bakit sinabi ni Priest Meng na sa kanya iyon? Tumatakbong mga katanungan sa isip ni Kid.

"Huwag kang mag isip ng masyado. Ibinigay ko iyan sa isa sa mga magagaling na naging Official Guard sa Central City halos tatlumpung taon nang nang nakalipas." Kuwento niya na ikinalaki ng mga mata ni Kid.

Continue Reading

You'll Also Like

16.4K 2.1K 103
Teiro Cannia is a ninth grade high school student living inside a big mansion, which he calls life prison because of its miserable rules and orders...
109K 11.4K 103
Si Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga...
61.6K 3.2K 39
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
140K 11.9K 49
[Completed] Sa mahiwagang mundo ng Illunor, kung saan ang mahiwagang enerhiya ng magicules ay ginagamit sa pagpapamalas ng abilidad at mahika, ang ra...