Spirits

By Slylxymndr

448K 22.6K 1.6K

Kapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit for... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
Announcement
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Part 2 Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
20
21
22
23
24
25
26
Announcement!!
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
New Story Teaser
43
44
:)

19

4.5K 232 10
By Slylxymndr

Nakahanda na si Kid sa pag atake kay Jay. Itinaas nito ang dalawa niyang kamao at nakatitig kay Jay. Tinititigan niya ito na para bang natatakot na mawala sa kanyang paningin.

Wala namang emosyon ang mukha ni Jay nang makita ang mga Gauntlet na suot ni Kid. Ganoon din ang kanilang mga manonood. Ilang sandali pa ay napalitan ang katahimikan ng malakas na hiyawan.

*Phhhfffttt

"Hahaha! Nagbibiro ba siya?"

"Nasisiraan na ata ng bait sa sobrang lakas ni Jay!"

"Haha! Saan ka nakakita ng Gauntlet na ginawang armas! Hindi ba armor ang Gauntlet!?"

Biruan at asaran ng mga manonood. Hindi sila makapaniwala na ang itatapat ni Kid sa matalas na espada ni Jay ay isang uri ng Armor. Isang Gauntlet.

Sa pangkaraniwang mata ng mga gwardya, ang Gauntlet ay isang uri ng armor o pamprotekta sa katawan na isinusuot sa kamay para maprotektahan ang mga kamay ng magsusuot nito. Tumutulong rin ito para hindi dumulas ang hawak na espada kapag nakikipaglaban. Kung kaya't bago sa kanilang paningin ang gawing armas ang Gauntlet at ang unang nakita nilang gumawa nito ay si Kid.

Habang nagtatawanan naman ang lahat, hindi naman maipinta ang mukha nila Priest Meng at Priest Xiao.

Sa una ay natatawa rin si Priest Xiao sa inasal ni Kid. Hindi rin ito makapaniwala sa ginawa ni Kid na paggamit ng Gauntlet bilang armas. Pero unti unting napawi ang kanyang ngiti nang makaramdam ng kakaibang awra.

Tinititigan ng dalawa ang pigura ni Kid na unti unting umaapaw ang awra sa katawan. Nakakatakot ang awrang iyon at nakakatayo ng balahibo.

Hindi makapaniwala si Priest Xiao sa nasaaaksihan. "T- totoo ba itong nakikita k-ko?!" Aniya na medyo nabubulul dahil sa awrang kanyang nararamdaman. Kahit na hindi ito singlakas ng kanyang awra, nakakarakot parin ito dahil 3rd Mortal Realm palang si Kid at kaya na niyang maglabas ng ganitong nakakatakot na awra.

Humarap naman si Priest Meng sa katabi at napangisi. Hindi parin nawala ang kanyang gulat sa mararamdamang awra pero nang marinig ang sinabi ng kasama, mawala ito ng bahagya.

"Hindi ba, sabi ko sa iyo, huwag mo siyang husgahan kaagad?!" Aniya sa kasama. Humarap naman si Priest Xiao sa katabi at hindi mastadong maintindihan ang gustong ipahiwatig ni Priest Meng.

Biglang nanlaki ang kanyang mga mata. Doon lang niya naalala na si Priest Meng ang nagsagawa ng mga pagsusulit para sa mga ipapasok na bagong gwardya. Ibig sabihin at nasaksihan na ni Priest Meng ang kakayanan ng binatang nasa entablado.

"T-teka, ala- alam mo ang tungkol dito!?!" Gulat niya. Ngumiti si Priest Meng at tumango. Humarap ito kay Kid na puno ng pagkamangha at pag asa.

"Taglay ng batang iyan ang Sword intent noong nasa pagsusulit palang siya. Lahat kami ay nagulat sa kanyang ipinakita." Panimula niya.

"Naalala mo Tao? Ang isa sa mga Outer Guards natin na bihasa sa paggamit ng Shield? Napaatras niya si Tao ng ilang metro sa pagtama ng espada niya sa shield na hawak ni Tao. Nagulat kami, lalu na ako. Dahil ngayon lang ako nakasaksi ng isang bagong gwardya na hindi pa nakakapag Cultivate ay mayroon nang Weapon Intent." Aniya.

Unti unti ring namangha si Priest Xiao sa mga sinabi ni Priest Meng. Ang pagsasanay kasi ng Weapon Intent ay kailangan ng mahabang panahon at matinding pagsasanay. Ang makahanap ng isang tao na ipinanganak ng bihasa sa Weapon Intent ay sobrang bihira lang. Para bang naghahanap ka ng isang butil ng bigas sa buhanginan.

Pero ang hindi alam ng dalawa ay taglay ni Kid ang isa sa mga pinakamalalakas na bagay na ginawa sa mundo, ang Bemeroth. Dahil doon, nagkaroon siya ng kakayahang maglabas ng awra at ipamalas ang Weapon Intent base sa kung anong armas ang hawak niya.

Pero dahil sa ang kanyang gamit na armas ngayon ay kanyang armas na nakatakda para sa kanya, unti unting lumalabas ang potensyal ng Bemeroth sa kanyang katawan. Isa sa mga ito ang maglabas ng nakakatakot na awra.

Unti unti naring maramdaman ng mga manonood ang awrang inilalabas ni Kid. Bumibigat ang kanilang pakiramdam na para bang may dumadagan sa kanila. Unti unti narin silang nahihirapan sa paghinga dahil bumibigat ang hanging kanilang hinihinga.

Unti unti ring nawawala ang tawa sa mukha ni Jay at unti unting sumeryoso ang kanyang mukha. Kahit na sa tagal ng kanyang pagsasanay at pagmamahal sa espada, hindi pa niya nakakamit ang ni- katiting na sword intent. Kung kaya't mang maramdaman niya ang ganitong awra, biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso at biglang kinabahan.

"Anong nangyayari?" Aniya. Hindi niya alam ang nangyayari ngunit para bang bumibigat ang hangin na kanyang milalanghap at ang kanyang katawan ay para bang hinihila pababa ng kung anong pwersa.

Biglang sumugod si Kid kay Jay. Nagulat si Jay sa nasaksihan at nataranta. Hindi niya alam ang gagawin.

"8 Starlight Slash!" Sigaw niya. Namuo ang walong mala- bituin na mga matatalas na hangin sa himpapawid. Lumaki naman ang mga mata ni Kid nang makita ito. Pero hindi parin siya tumigil sa pagsugod kay Jay. Hinarap niya ang mga matutulis na hangin at sinalag ito gamit ang kanyang suot na Gauntlet.

*Shlingg!!

*Clangg!!

*Zhinngg!!

Hindi mang masyadon natablan si Kid,  may mga sugat parin siya sa kanyang braso at balikat. Maliliit lang naman ito at mabababaw. Huminto siya sa pagsugod at tinignan nag mga sugat na ito.

Ngumiti ito ng nakakatakot at tumingin kay Jay. Sumugod itong muli at umatake na.

"Calamity Punch!" Sigaw ni Kid.

Wala nang nagawa si Jay kundi isalag ang kanyang hawak na espada sa ginawang atake ni Kid.

*JHIINNNGGGG!!

Naramdaman ni Jay ang panginginig ng kanyang espada nang magtama ang hawak niya sa Gauntlet na suot ni Kid.

"Uurrrgghh!" Sabi niya at naramdaman niya na may tumutulong mainit na dugo sa kanyang bibig. Hindi na niya napigilan ang atake ni Kid at tumalsik ang kanyang hawak na espada.

Pagtalsik nito, naramdaman ni Jay ang pwersang inilabas ni Kid sa kangyang kamao. Masyado itong malakas kung kaya't hindi niya napigilan ang panginginig ng kanyang kamay. Parang nawalan din ng lakas ang kanyang tuhod at napaluhod nalang ito sa kanyang pwesto. Tumulo dugo na nasa kanyang labi papunta sa entablado.

"Ha! Ha! Ha! .." hingal na sabi niya. Pinilit niyang tumayo at ibalanse ang kanyang sarili.

Hindi siya makapaniwala sa kanyang naranasan. Maski ang mga manonood ay hindi rin makapaniwala sa nasaksihan. Ang kaninang pinagtatawanan, ipinakita nanaman ang totoo niyang lakas sa lahat.

Ibinura ni Jay ang dugo na nasa kanyang bibig. Humarap ito kay Kid na may galit at takot sa mga mata. Sa kanyang buong buhay, wala pang nakakagawa ng ganito sa kanya. Bilang isang anak ng kilalang Official Guard sa Central City, hindi siya nakaranas ng ganitong pagpapahiya sa kanyang buong buhay.

Nag iisang anak siya ng mag asawa kung kaya't halos lahat ng kanyang gusto ay nakukuha niya. Ang espadang kanyang gamit kanina ay ibinigay pa sa kanya ng kanyang ama noong kanyang kaarawan.

"Hindi ka pa ba susuko?" Tanong ni Kid sa kanyang kaharap. Nakikita na ni Kid ang sakit na nararamdaman ni Jay ngunit hindi niya kayang tumungan ito hanggat hindi pa natatapos ang labanan nilang dalawa.

"Ha! Hinding hindi ako susuko sa iyo!" Aniya at itinaas ang nanginginig niyang mga kamay. Kahit na nahihirapan at sugatan na siya, may yabang parin sa kanyang puso at ayaw sumuko sa harapan ng maraming tao.

Wala nang nagawa si Kid kundi ipagpatuloy ang laban. Umiling ito at muling sumugod kay Jay. Bumakat naman ang takot sa mukha ni Jay nang masaksihan ang pagsugod sa kanya ni Kid.

"T- Three Colossal Movement!" Sigaw niya. Humakbang siya ng isang beses patalikod at malalaki ang bawat hakbang na kanyang ginawa. Isa itong tier 2 Core Rank Martial Art Skill na ginagamit sa pag iwas ng mga atake. Makakagawa ito ng tatlong hakbang palayo sa atakeng maaaring matamo.

Malalaki ang hakbang naginawa ni Jay ngunit hindi niya maiwasan ang awrang inilalabas ni Kid. Sa panghuling hakbang niya patalikod, nagulat siya dahil nasa harap na niya si Kid. Tumindig ang kanyang mga balahibo at nararamdaman na ang hanyang katapusan.

Napalikit ito ng tuluyan at hinintay nalang ang pagtama ng kamao ni Kid sa kanya. Kanina ay may kompyansa siyang matatalo niya si Kid ngunit ngayon ay para bang umurong ang kanyang buntot at natakot sa kanyang katapusan.

Mas gugustuhin niyang matalo sa isang labanan kaysa sumuko sa harapan ng maraming tao. Hawak parin niya ang kanyang pangalan at ayaw din niyang mapahiya ang kanyang mga magulang.

Ilang segundo na ang nakalipas pero wala parin siyang naramdaman. Unti unti niyang idinilat ang kanyang mga mata at nakita niya ang lalaking humahabol sa kanya. Nakangiti ito at wala na ang nakakatakot na awrang inilalabas niya.

Hindi niya napansin na ang kanyang isang paa ay nakalagpas na sa pulang marka ibig sabihin ay natalo siya. Nang ibinaba niya ang tingin niya, nakita niya ang kanyang kanang paa ay nasa labas ng linya.

Para bang ang bagal ng pagproseso ng mga impormasyon sa kanyang isipan at nalilito pa siya. Namumuo narin ang mga luha sa kanyang mga mata dahil sa pagkadismaya sa sarili.

Bago pa tumulo ang kanyang mga luha, may nakita siyang isang kamay na nasa harapan. Galing ito kay Kid. Nais niyang makipagkamay sa kanyang nakalaban na si Jay. Hindi na napigilan ni Jay na hawakan ang kamay ni Kid at tumulo na ang kanyang mga luha.

"Ngayon ko lang naramdaman ang pagkatalo. Ganito pala kasakit." Aniya habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Huwag kang mag alala. Naramdaman ko narin ang pagkatalo." Aniya. "Mas malala pa ang naramdaman ko sa iyo kung kaya't huwag kang mawalan ng kompyansa sa sarili at pag asa." Aniya.

"Alam mo,.." sabi ni Kid. "Gusto kitang maging kaibigan." Aniya. Nagsimula nang umiyak si Jay at nawalan ng lakas. Nawalan siya ng malay at bumagsak sa balikat ni Kid. Mabuti nalang at naalalayan niya ang binata at ibihiga ito sa intablado. Pinainom niya ito ng Mending Pill para unti unting gumaling ang kanyang mga sugat sa katawan. Tumakbo narin si Priest Meng sa pwesto ni Jay para tulungan si Kid sa paggamit sa binata.

Sa buong pangyayari, nabalot ng katahimikan ang lahat. Hindi sila makapaniwala sa nasaksihan at naramasan. Ilang sandali pa ay kinuha na ng mga manggagamot ang walang malay na si Jay at dinala na ito sa bahay nito para gamutin.

Ilang sandali pa ay nagpatuloy ulit ang paligsahan. "Sunod!" Sigaw ni Priest Meng.

"H-Hindi na po ako lalaban." Sabi ng lalaki.nanginginig anGkanyang mga paa dahil sa nasaksihang labanan ni Kid at Jay.

"Ganon ba?" Sabi ni Priest Meng sa lalaki. Humarap ito kay Lee para tanungin ang desisyon.

"Sunod?" Aniya.

Tumingin si Lee kay Priest Meng at sunod kay Kid. Nguniti ito at inalala ang mga nasaksihan sa paglalaban nila Kid at Jay. Huninga ito ng malalim at ngumiti.

"Hay!" Singhal niya. "Alam ko na hindi ko pa kalebel ang galing mo, Kid kung kaya't hindi muna ako lalaban." Aniya. "Bilib ako sa iyo Kid. Sana ay maging magkaibigan parin tayo." Aniya at ngumiti.

Gumanti naman si Kid at ngumiti. "Huwag kang mag alala. Ikaw ang una kong naging kaibigan dito sa Barracks at hindi magbabago iyon." Aniya.

"Salamat." Sabi ni Lee kay Kid at nagbigay ng bow kay Kid.

Tumango naman si Priest Meng sa sagot ni Lee bipang pagsang ayon.sa desisyon ng binata. Tumingin ito sa uling kalahok at umiling rin ito bilang sagot.

Humarap na si Priest Meng sa mga manonood para ipaalam ang rwsulta ng unang patimpalak.

"Itinatanghal kong panalo sa unang patimpalak na ito si Kid. Bilang pangako, makakatanggap siya ng dalawang pirasong Body Nurturing Pill at magkakaroon siya ng pagkakaktaon na makakuha ng isang Martial Art Skill sa Martial Hall." Aniya.

"Sa susunod na buwan ay magkakaroon muli ng paligsahang ganito kung kaya't inaanyayahan ko ang lahat namagsanay pa ng mabuti para makamit ninyo ang inyong mga pangarap." Aniya at umalis na saentablado kasama si Priest Xiao. Tinawag naman ni Priest Meng si Kid para makuha na ang kanyang premyo. Natapos ang buong araw at nakuha na ni Kid ang mga prenyong kanyang napanalunan.

Bumalik na siya sa Barracks at doon ay nagpahinga.

Continue Reading

You'll Also Like

389K 28.4K 45
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
562K 114K 102
Synopsis: Sa bagong yugto ng buhay ni Finn, isang panibagong pakikipagsapalaran at paglalakbay ang kanyang mararanasan kasama sina Poll, Eon, at Paul...
132K 12.8K 145
Lucas Galileo Mizutani, also known as the mage healer LGM Purifier, was given a quest to protect an Amulet inside the online game Leimhyark Online. H...