KAEDE (Way Back to Your Heart)

By justbetch

444K 8.8K 539

"I miss you... and people say just because you miss someone doesn't mean you have to take him back. But I re... More

PROLOGUE
CHAPTER ONE:
CHAPTER TWO
CHAPTER THREE:
CHAPTER FOUR:
CHAPTER FIVE:
CHAPTER SIX:
CHAPTER SEVEN:
CHAPTER EIGHT:
CHAPTER NINE:
CHAPTER TEN:
CHAPTER ELEVEN:
CHAPTER TWELVE:
CHAPTER THIRTEEN:
CHAPTER FOURTEEN:
CHAPTER FIFTEEN:
CHAPTER SIXTEEN:
CHAPTER SEVENTEEN:
CHAPTER EIGHTEEN:
CHAPTER NINETEEN:
CHAPTER TWENTY:
CHAPTER TWENTY-ONE:
CHAPTER TWENTY-TWO:
CHAPTER TWENTY-THREE:
CHAPTER TWENTY-FOUR:
CHAPTER TWENTY-FIVE:
CHAPTER TWENTY-SIX:
CHAPTER TWENTY-SEVEN:
CHAPTER TWENTY-EIGHT:
CHAPTER TWENTY-NINE:
CHAPTER THIRTY:
CHAPTER THIRTY-ONE:
CHAPTER THIRTY-TWO:
CHAPTER THIRTY-THREE:
CHAPTER THIRTY-FOUR:
CHAPTER THIRTY-FIVE:
CHAPTER THIRTY-SIX:
CHAPTER THIRTY-SEVEN:
CHAPTER THIRTY-EIGHT:
CHAPTER THIRTY-NINE:
CHAPTER FORTY:
CHAPTER FORTY-ONE:
CHAPTER FORTY-TWO:
CHAPTER FORTY-THREE:
CHAPTER FORTY-FOUR:
CHAPTER FORTY-FIVE:
CHAPTER FORTY-SIX:
CHAPTER FORTY-SEVEN:
CHAPTER FORTY-EIGHT:
CHAPTER FORTY-NINE:
CHAPTER FIFTY:
CHAPTER FIFTY-ONE:
CHAPTER FIFTY-TWO:
CHAPTER FIFTY-THREE:
CHAPTER FIFTY-FOUR:
CHAPTER FIFTY-FIVE:
CHAPTER FIFTY-SIX:
CHAPTER FIFTY-EIGHT:
EPILOGUE:
Thank You Note!!!

CHAPTER FIFTY-SEVEN:

5.9K 138 17
By justbetch

CHAPTER FIFTY-SEVEN

Kaede's

"George?" hindi ko inaasahang tatanggapin niya ang project na offer ni Mrs. Sandoval dahil sa hectic niyang schedules, kaya naman laking gulat ko ng makitang nandito siya ngayon.

Umiwas agad siya ng tingin ng banggitin ko ang pangalan niya.

"Nice place you have here." komento ni Mrs. Sandoval habang nililibot ng tingin ang loob ng coffeeshop.

"Thank you, ma'am." sagot ko nalang ng hindi inaalis ang tingin kay George.

God, I miss her so much. Ngayon ko nalang ulit siya nakita ng ilang hakbang ang lapit simula nung fashion show niya sa France six months ago. Sa tuwing nanonood kasi ako ng noontime show kung saan isa siya sa mga host ay palagi akong nakapwesto malapit sa entrance ng studio o di naman kaya ay sa likod na likod na audience. Alam ko kasing hindi niya din ako gustong makita at baka magbago ang mood niya kapag nalaman niyang kasama ako sa mga audience nila at pinapanood siya.

"It's very sweet of you to display the portraits of your wife around here huh." sabi pa ni Mrs. Sandoval saka ko nakitang napatingin din si George sa mga portraits niyang nakapalibot sa loob ng coffeeshop.

Halata sa ekspresyon ng mukha niyang nagtataka siya kung bakit hindi ko pa din tinatanggal ang mga iyon hanggang ngayon. Wala naman kasi talaga akong balak tanggalin ang mga iyon kahit pa madalas nawawalan na ako ng pag-asang maaayos pa namin ang gulo sa marriage namin. At kahit pa parang gusto ko ng tanggapin ang katotohanang hindi na niya ako mapapatawad at hindi na siya babalik sa akin.

Umiiwas siya ng tingin sa akin habang pinag-uusapan namin sa loob ng opisina ko ang gustong ipatayong resthouse sa Pangasinan ni Mrs. Sandoval. Magkatabi silang nakaupo ni Mrs. Sandoval sa sofang nasa opisina ko sa taas ng coffeeshop habang ako naman ay nakapwesto sa pang-isahang sofa na nandoon.

She's being professional. Sumasagot siya sa ilang tanong ko at tinatanggap niya naman ang mga komento at idea na sinasabi ko tungkol sa plano ng resthouse ni Mrs. Sandoval.

Halos dalawang oras lang ang tinagal ng pag-uusap namin tungkol sa budget at design pero pakiramdam ko sobrang tagal ng oras dahil hinihintay ko talagang matapos kami sa meeting para makausap ko siya ng tungkol sa personal na bagay.

"I have to go." paalam ni Mrs. Sandoval pagkalabas namin ng coffeeshop. "Bibisitahin ko pa kasi ang mga apo ko sa Laguna."

Tumango nalang ako.

"I will email you the design by next week." ani George.

"Okay. Thank you to the both of you." sabay besos ni Mrs. Sandoval kay George at sa akin saka ito sumakay ng kotse niya at umalis.

"George pwede ba tayong mag-usap?" lakas loob na sabi ko ng makaalis na si Mrs. Sandoval.

"Abogado ko ang kakausap sayo tungkol sa annulment. Other than that wala na tayong dapat pag-usapan." sagot niya ng hindi tumitingin sa akin kaya muli na namang unti unting nawawala ang pag-asa kong magkakausap kami ng maayos.

"Hindi mo manlang ba ako hahayaang magpaliwanag, George? Pakinggan mo naman sana yung sasabihin ko."

"Ano pa ba ang ipapaliwanag mo? Dahil malinaw na malinaw sa akin na niloko mo ako." kitang kita ko ang nararamdaman niyang galit at sakit sa mga mata niya ng tumitig siya sa akin.

"Hindi kita niloko, George." mahinahong sabi ko nalang. "Bakit ba ayaw mo akong paniwalaang wala kaming relasyon ni Bethany?"

"Because you lied!" sagot niya kasabay ng pagbagsak ng luha mula sa mga mata niya "Ilang beses kitang nahuling nagsisinungaling sakin."

"I'm sorry." ang tangi ko nalang nasabi. Totoo naman kasing ilang beses akong nagsinungaling sa kanya at yun ang malaking pagkakamali ko. Massinunod ko ang takot kong kapag nalaman niyang tinutulungan ko ang dati kong kasintahang si Bethany ay magselos siya at magalit at maging dahilan pa ng hindi namin pagkakaunawaan. Hindi ko naisip na masmagkakagulo kami dahil sa pagsisinungaling ko at ngayon huli na ang lahat dahil gusto niya ng makipaghiwalay sa akin.

"Nagawa ko lang yun dahil-"

"Dahil ayaw mong mag-away tayo dahil baka hindi ko maintindihang tinutulungan mo lang siya." sarkastikong dugtong niya sa sasabihin ko. "What a lame excuse, Kaede. Tignan mo kung saan tayo dinala ng excuse mong yan. At bakit hindi mo nalang aminin na siya pa din talaga ang mahal mo ha? Masmaniniwala pa ako kung yan ang sasabihin mo? Bakit kailangang paulit ulit mo pa akong lokohin at paniwalain na ako ang mahal mo?"

"Dahil yun ang totoo, George." pakiramdam ko nangingilid na din ang luha sa mga mata ko dahil nakikita ko ang mga luha niya. "Mahal kita. Mahal na mahal at ayokong mawala ka ng tuluyan sakin. Ano bang kailangan kong gawin para patunayan sayong mahal kita, George?" nanlulumong tanong ko nalang.

"Wala dahil ayoko na." matigas na sagot niya nalang.

Magsasalita pa sana ako pero biglang may sasakyang huminto sa harapan naming dalawa kaya pareho kaming napatingin doon t nakitang si Cheska at Keiji ang sakay noon.

"Kaede." gulat na sabi ni Cheska pagkababa ng bintana ng sasakyan.

"Pare." sabi naman ni Keiji.

Hindi ko na napigilan si George dahil mabilis itong sumakay ng sasakyan. Kumaway naman agad si Keiji at Cheska para magpaalam pagkasakay niya kaya wala na akong nagawa ng umandar na ang sasakyan paalis.

"Sir, dumating na po yung supplier." narinig ko nalang na sabi ng staff kong si Alex kaya tinanguan ko agad ito saka ako pumasok sa loob ng coffeeshop para kausapin ang supplier namin ng cakes at beverages.

Kailangan ko kasing kausapin ito na dagdagan ang isusupply sa aming beverages at cakes dahil lalong dumarami ang mga customers namin sa coffeeshop at napapadalas ng maout of stock ang ilang inooffer naming products.

Pagkatapos kong makausap ang supplier saka naman dumating si Theo para sunduin ang girlfriend nitong si Saree na isa sa mga staff sa coffeeshop ko.

"Susunduin mo si Saree?" tanong ko. "Maaga pa ha. Mamaya pang 7pm ang out niya."

"Wala kang paki. Gusto kong tumambay dito, bakit ba?" kunot noong tanong niya kaya bahagya akong natawa. Pinagseselosan niya kasi ang isa ko pang staff na si Alex dahil malapit ito kay Saree kaya ngayon binabantayan niya ito.

"Bakit nandito ka?" gulat na tanong ni Saree ng makita si Theo.

"Gusto kong magkape." masungit na sagot ni Theo.

"Magkakape ka ng alas kwatro ng hapon?" ismid naman sa kanya ni Saree.

"Bawal ba? Kape naman inoffer niyo dito diba kaya I want one espresso coffee." ani Theo.

"Umorder ka dun sa counter." masungit na sabi nalang ni Saree.

"Kaibigan ako ng may-ari ng coffeeshop na to, bakit kailangan ko pang pumila?" ani Theo kaya napatingin sa akin si Saree kaya nginitian ko agad ito.

"Magkakape ka ba talaga?" tanong ko nalang kay Theo.

"Oo nga." nakasimangot na sagot nito

"Si Jen nalang ang paghatirin mo ng kape niya, Saree." sabi ko nalang.

"Bakit hindi siya?" kunot noong tanong ni Theo.

"Breaktime niya na, pare." sagot ko.

"Edi mas okay. Siya ang maghatid ng kape ko para dito nalang siya magpalipas ng breaktime niya kasama ako."

"May gagawin ako." halatang naiinis na si Saree kay Theo. "At saka wag mo na akong sunduin mamaya. May group study kami."

"Ano? Sinong kasama mo?"

"Malamang mga kaklase ko." nag-aaral pa kasi si Saree at isang sem nalang graduate na ito sa kursong accountancy.

Hindi na nakasagot pa si Theo dahil pumunta na agad si Saree sa counter para orderin ang kape niya.

"Ihiwalay mo nga ng shift yang Alex na yan." naiinis na sabi nalang ni Theo habang nakatingin kay Saree at Alex na nag-uusap sa counter.

Gusto kong matawa sa inaasal niya ngayon dahil selos na selos siya kay Alex.

"Hindi pwede. Magkapareho sila ng schedule ng klase." sagot ko. Magkapareho kasi ng klaseng pinapasukan si Alex at Saree dahil accountancy din ang kurso ni Alex. Pareho din silang working student sa edad na 22 years old.

"Bullshit. Tanggalin mo nalang sa trabaho yang lalaking yan." seryosong sabi niya nalang.

"Siraulo." natatawang sagot ko.

Maya-maya nagreply na si Keiji sa tanong ko sa kanya kung nasaan sila ni Cheska kaya nagpaalam na agad ako kay Theo para pumunta sa studio.

Pagdating ko sa studio si Art, Keiji at Cheska lang ang nakita kong nakatao sa counter ng shop at halatang nagulat silang tatlo na makita ako.

"Nandito ba si George?" tanong ko agad sa kanila.

"Nasa dressing room." ani Cheska. "Teka Kaede! Baka nagbibihis pa yun." pigil niya pa ng maglakad agad ako papuntang dressing room.

"I need to talk to her."saka ako dumiretso ng dressing room.

Pagpbukas ko ng pintuan ng dressing room niya nadatnan ko siyang nakaupo sa harap ng salamin at nakasuot ng bathrobe.

"What the hell are you doing here?" gulat na tanong pagpasok ko saka siya napatayo mula sa kinauupuan niya.

"We need to talk." sabay hakbang ko palapit sa kanya na siya namang atras niya.

"There's nothing to talk about so get out!" galit na sabi niya pero nilapitan ko padin siya.

Napasandal nalang siya sa closet na nandun ng wala na siyang ibang maatrasan at tuluyan na akong nakalapit sa kanya.

"I said get out--oh my god!" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil mabilis ko siyang binuhat sa balikat ko. "What the hell are you doing?!" galit na sabi niya pa habang hinahampas ang likod ko.

"I said we need to talk." sabi ko nalang habang papalabas ng dressing room.

"Ibaba mo ako!" sigaw niya pa kasabay ng patuloy niyan paghampas sa likod ko.

"Will you stop doing that? Mabibitawan kita kung hahampasin mo ako ng hahampasin!" suway ko sa kanya.

"Ibaba mo ako sabi!" pag-uulit niya.

"Kaede?" nagulat nalang si Cheska, Art at Keiji ng makitang buhat buhat ko si George palabas ng dressing room. "Saan mo dadalhin--?" gulat na tanong ni Cheska.

"Mag-uusap lang kami." sagot ko saka ako nagdirediretso sa labas ng studio.

"Sinabi ng ibaba--" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil pagbukas ko ng pintuan ng kotse sa harap ipinasok ko agad siya doon.

Buti nalang at madilim na sa labas kung hindi ay magmumukha akong creep na buhat buhat si George sa balikat. Baka mamedia pa kami sa ginagawa ko.

Sinubukan niyang lumabas ulit ng sasakyan ng umikot ako sa driver's seat para sumakay. Mabuti nalang at nahila ko siya agad pabalik sa loob pagkasakay ko.

"Let me go!" sigaw niya ng mailock ko na ng tuluyan ang sasakyan saka ako nagmaneho paalis sa lugar na yun. "This is kidnapping!" galit na sabi niya.

"I don't care!"

I can't believe I'm doing this. I am kidnapping my own wife! Pero wala akong ibang maisip na gawin para lang makapag-usap kami na pakikinggan niya ako.

"Please fasten your seatbelt." mahinahong sabi ko ng mapansing hindi niya pa kinakabit ang seatbelt niya.

"Ayoko." matigas na sagot niya.

"Will you just do what you are told to, George?" pero inirapan niya lang ako. "Huwag mong hintaying ako ang magkabit niyang seatbelt mo dahil baka hindi ko makapagpigil at may iba akong magawa sayo." seryosong sabi ko pa. Narinig ko nalang na dahan dahan niyang kinakabit ang seatbelt niya.

Lumuwag na kasi ang pagkakatali ng suot niyang bathrobe at medyo nakikita na ang suot niyang bra. May kaiklian din ang suot niyang bathrobe kaya kitang kita ko ang kinis ng mahahaba niyang hita. Pakiramdam ko tuloy biglang uminit sa loob ng sasakyan.

"Saan mo ako dadalhin?" tanong niya makalipas ang halos trenta minutong pananahimik niya.

Napasulyap agad ako sa kanya at napansing namumugto ang mga mata niya na parang galing sa pag-iyak.

"Bakit namumugto ang mga mata mo? Umiyak ka ba?"

"Wala kang pakialam." masungit na sagot niya.

"Para kang bata." hindi ko na napigilang sabihin.

"Bakit hindi mo nalang kasi ako tigilan? Bumalik ka nalang kay Bethany." aniya habang nakatanaw sa labas ng bintana.

"Bakit ba ayaw mo akong paniwalaang ikaw ang mahal ko at hindi siya?"

"Because you lied!" matigas na sabi niya.

"Is that it? Because I lied?" mahinahong tanong ko. "Hindi ka na maniniwalang mahal kita dahil nagsinungaling ako sayo ng minsan?"

"You chose her over me and our baby." garalgal na sabi niya kaya hindi na ako nakaimik.

Totoo naman kasi ang sinabi niya. Mas inuna ko si Bethany kesa sa kanila ng anak namin. At pinagsisisihan ko yun.

Mag-aalas syete na din kami ng gabi nakarating sa bahay namin sa Antipolo. Nagulat pa ang caretaker namin ng makita kami nito dahil hindi naman ako tumawag sa kanilang mag-asawa para abisuhan silang darating kami ngayong gabi. Halatang nagtataka din si Mang Lando at ang asawa nito ng makitang nakasuot lang si George ng bathrobe.

"Okay na ho Mang Lando. Kami na ho ang bahala sa bahay." sabi ko nalang ng pagbuksan nila kami ng gate.

"Magsabi lang kayo sir kung may kailangan po kayo." ani mang Lando matapos nitong iabot sa akin ang mga susi sa bahay.

"Sige ho. Salamat." sagot ko saka ako nagdrive papunta sa mountain house.

Pagdating sa mountain house bumaba agad ako ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pintuan.

"Bakit tayo nandito?" tanong niya ng hindi pa din lumalabas ng sasakyan kahit na nakabukas ang pintuan.

"Bababa ka ba o kailangan pa kitang buhatin?" inirapan niya lang ako saka padabog na bumaba ng sasakyan.

Hinawakan ko agad siya sa pulsuhan pagkasara ng pintuan ng sasakyan saka ko siya sinama sa loob ng bahay. Malinis naman ang loob ng bahay, hindi maalikabok. Mukhang nasaktuhan naming kalilinis lang nila mang Lando doon.

Hawak hawak ko pa din ang kamay niya hanggang sa pag-akyat namin sa kwarto. Binitawan ko lang iyon ng tuluyan na kaming makapasok sa loob ng kwarto.

"A-Anong ginagawa mo?" gulat na tanong niya ng pagsara ko ng pintuan ng kwarto ay agad akong nagtanggal ng pang-itaas na damit kaya siya napatakbo papunta sa pintuan. Mabuti nalang at nayakap ko siya agad bago pa siya makalabas ng pinto saka ko iyon nilock.

Inihiga ko agad siya sa kamang nandoon kasama ko.

"It's not what you think." bulong ko sa kanya habang nakahiga kami at yakap yakap ko siya mula sa likod.

Alam ko kasing iniisip niyang binabalak kong may mangyari sa amin ngayon kaya siya nagreact ng ganun ng magtanggal ako ng pang-itaas.

"I just want to hold you like this." sabay halik ko sa likod ng ulo niya.

Natigil naman agad siya sa pagpupumiglas.

"Patawarin mo ako." garalgal na sabi ko makalipas ang ilang sandaling nanatili kami sa ganoong posisyon. "Patawarin mo ako kung nagsinungaling ako sayo. Kung mas-inuna ko ang pagtulong kay Bethany kesa ang manatili sa tabi mo noong nagdadalang tao ka. I'm so sorry for making you feel so alone when you needed me beside you. I'm sorry for losing our child." hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaluha habang nagsasalita.

Ang totoo, hindi ko siya dinala dito sa bahay namin sa Antipolo para makausap siya. Nawawalan na talaga ako ng pag-asang mapapatawad niya pa ako sa lahat ng nangyari. Alam ko naman kasing hindi niya din ako pakikinggan at paniniwalaan. I know she deserves better at kung talgang ayaw niya na tatanggapin ko. Gusto ko lang talagang mayakap at makasama siya sa huling pagkakataon.

"Mahal na mahal kita and I want you back." umiiyak na sabi ko pa. "But I want you to be happy more than that. At kung ang annulment ng kasal natin ang makapagpapasaya sayo. Kung talagang ayaw mo na. Kung hindi mo na talaga ako kayang patawarin sa lahat ng nagawa ko sayo, maiintindihan ko. Hindi na kita guguluhin pagkatapos nito. I will let you go and I will let you move on without me. Pero nakikiusap ako George, hayaan mo muna akong makasama ka ngayong gabi. Gusto ko lang maalala ang pakiramdam na kasama ka. Gusto ko lang maramdaman ulit ang yakap mo. Hayaan mo lang sana akong makasama at mayakap ka sa huling pagkakataon."

Continue Reading

You'll Also Like

166K 9.1K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
706K 25.1K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
10.7K 343 20
Si Yani ay isang mapagmahal at masayahing dalaga na lahat ay kakayanin alang-alang sa pamilya. Mula sa probinsiya ay lumuwas siya ng Maynila para mak...
19.6K 1.7K 32
[Completed] "May mga bagay sa mundo na hindi kaya baguhin ng panahon. Pero kayang ayusin kapag nabigyan ng pagkakataon." - Liam Arnault "Matatago mo...