I Love You, ARA

By JFstories

27.3M 696K 789K

Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with cauti... More

✞DOCUMENTARY✞
--
c
UNO✞
DOS ✞
TRES✞
KUWATRO ✞
SINCO ✞
SEIS ✞
OCHO ✞
NUEVE ✞
DIES ✞
ONSE✞
DOSE✞
TRESE✞
KATORSE✞
KINSE✞
✞DISI SAIS✞
DISI-SIETE✞
DISI-OCHO✞
DISI-NUEVE✞
BENTE✞
BENTE-UNO✞
BENTE-DOS✞
BENTE TRES ✞
BENTE-CUATRO ✞
BENTE-SINCO ✞
BENTE-SEIS ✞
EPILOGUE✞
Ara pastel art
xxx

SIETE ✞

714K 22K 37.8K
By JFstories

VII

Food And Foot

Sunday, 10:15 P.M.


Ara's P.O.V.


Malakas na ingay ang gumising sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Ang paligid, tanging liwanag lang ng buwan mula sa bintana ang nagsisilbing ilaw.


Ilang sandali pa'y nakaamoy ako ng malansa. Napakasangsang at nakakasulasok ang amoy na iyon. Dahan-dahan kong sinilip nang mabuti kung ano ang kanyang ginagawa. May hawak siyang putol na paa! Oo, putol na paa! Paa ng isang...


TAO!


Dahil sa kagimbal-gimbal na eksenang aking nakita, hindi ko na napigilang mag-panic. Napabalikwas ako ng bangon paupo mula sa aking kinahihigaan. Malamig, giniginaw ako.


Pero bakit ganito? Hindi ako makabangon. Pinagmasdan ko ang paligid at napansin kong malalim ang aking kinalalagyan.


Nasa bathtub ako! Malamig! Malansa! Madilim.


Tanging liwanag lang ng buwan mula sa bintana ang nagsisilbi ilaw. Kalahati ng bathtub ay may tubig. Halos kalahati ng aking katawan ay nakatubog sa tubig!


Pinagmasdan ko ang tubig, kulay pula ito. May dugo ang tubig na kinalalagyan ko ngayon. Kalahati ng katawan ko ang nasa ilalim ng tubig dahilan para makaramdam ako ng matinding lamig.


Pinilit kong makatayo subalit hindi ko magawa. Pinasadahan ko ng tingin ang buong paligid at naging malinaw sa akin ang katotohanang kasalukyan akong nasa malawak na banyo. Puti ang tiles nito ngunit...


Nagkalat ang dugo sa paligid!


Doon na napansin ni Roli na gising na ako. Tiningnan niya ako nang matalim subalit may ngiti sa kanyang mga labi. Puro dugo ang kanyang makinis at maamong mukha. "Gising ka na pala..."


Nang mga oras na ito, nanumbalik na sa aking alaala ang mga huling pangyayari bago ako mapunta sa lugar kung nasaan ako ngayon. Naalala kong tinakasan ko siya. Tinakasan ko siya dahil natuklasan ko na ang totoo! Demonyo siya at mamamatay tao!


Siya ang pumatay sa pamilya nya─kay auntie at sa pinsan ko.


Hindi ko na napigilang mapaluha. Hindi ko maipaliwanag ang galit na nararamdaman ko para sa kanya."Lamimnyungonum..." Teka,bakit hindi ako makapagsalita?!


Then I slowly touch my mouth. Napakalagkit ng bibig ko, napakalansa. Nang tingnan ko ang aking kamay matapos kong hawakan ang bibig ko, napaatras ako sa aking nakita.


Dugo!


What the hell is happening to me?! Bakit puro dugo ang bibig ko? Nang yumuko ako'y nakita kong umaagos ang dugo hanggang sa aking dibdib. Maging ang suot ko'y puno na rin ng dugo subalit mukhang natuyo na kaya namankulay itim na.


Then I feel the pain in my head. Nang kapain ko ang ulo ko, nakita kong may dugo rin ito. Naalala kong pinukpok may pumukpok nga pala sa ulo ko dahilan para mawalan ako ng malay. Nakaramdam din ako ng kirot sa aking bibig kaya naman napanganga ako dahil sa sakit. Bahagya akong napayuko at tumulo mula rito ang masagana at malapot na dugo.


Sa puntong ito ay tuluyan na akong napaiyak. Nangangatog na ako dahil sa takot. Napakalakas ng kabog sa dibdib ko.


Si Roli ba talaga ang gumawa sa akin nito? Shit! Hindi malayong tuluyan niya akong patayin.


Pero mahal niya ako, di ba? Bakit niya ako sinaktan? Bakit niya ako sasaktan?!


Maya-maya'y narinig ko na ang paghakbang nya palapit sa akin. Hindi ko sya magawang tingnan. Nanghihilakbot ako sa kanyang itsura. Puno ng dugo ang kanyang mga kamay, maging ang kanyang mukha. Batay sa ikinikilos niya, sa tingin ko'y wala na siya sa tamang katinuan.


Hindi na siya ang boyfriend ko na mahal ako. Hindi na siya ang Roli na kilala ko. O hindi ko lang siya lubos na kilala?


Tiningnan ko siya nang matalim. 


Gusto ko siya'ng murahin at pagsalitaan ng masama. Gusto ko siya'ng saktan. Ngunit walang lumalabas na boses mula sa aking bibig at wala rin akong lakas para labanan siya. Nanghihina ako, hindi ko magawang kumilos. Nanlalabo na rin ang aking mga mata.Subalitpilit kong pinatatagang aking loob. Kailangan kong lumaban, kailangan ko siyang labanan. Inisip ko si Nana, ang mama ko. Siya ang pinaghugutan ko ng lakas.


"Ara...sandali lang ha. Kukuha lang ako ng pagkain..." Malambing ang tinig nya. Pagkatapos noon ay naglakad na sya palabas at tuluyan nang nawala sa aking paningin. Pagkakataon ko na para makatakas.


Nakakarinig ako ng ingay. Ingay ng mga insekto tulad ng langaw at kuliglig. Subalit kahit anong gawin kong paghahanap ay wala akong makita. Naririnig ko lang ang ingay ng mga ito.


Sinubukan kong muling bumangon ngnit hindi ko talaga magawa. Bakit? Nangmapalingon ako sa aking likuran, doon ko nakita ang isang kadena─kadenang nakatali sa makapal at malaking tubo sa aking likuran. Kinapa ko ito mula sa ilalim ng tubig at nalaman kong nakatali ito sa aking beywang. Nakabuhol nga ito nang makailang ulit sa aking beywang.


Pinagmasdan ko ang pinto ng banyo, it's ajar. He left it ajar for a purpose. Kaya naman mabilis kong kinalas ang kadenang nakabuhol sa akin. Ilang beses kaya itong ibinuhol? Isa? Dalawa? Mga tatlong buhol.


Dali ko itong sinubukang kalasin. Nakalas ko ang unang buhol. Maya-maya'y nakarinig ako ng langitngit sa sahig─yabag ni Roli! Lalong kong binilisan ang kilos ko. Kinapa kong muli ang kadena, mahigpit ang pangalawang buhol.


"Ara..." tinig ni Roli. Pero mahina ang kanyang boses.


Buong lakas kong kinalas ang mahigpit na pagkakabuhol ng kadena. Nakalas ko! Isang buhol na lang!


"Ara..." Papalapit na siya. Rinig na rinig ko na siya!


Huminga ako nang malalim. Mahigpit ang pangatlong buhol!


"Ara."


Ayan na siya. Bilis pa, Ara! Bilis pa!


"Ara?"


Malapit ko nang matanggal. Bilis pa!


"Ara!"


Malapit na siya. Malapit na si Roli! Napahinto ako habang habol ko ang aking hininga.


Katahimikan.


Nawala ang tinig niya. Gumaan ang aking mga kamay at marahan kong tinanggal ang pangatlong buhol ng kadena. Nararamdaman ko, nasa paligid lang siya. Malapit sa akin. Pinagmamasdan ako, sinisilip.


Huminga muli ako nang malalim upang paliitin ang aking tiyan. Sa ganitong paraan, madali kong matatanggal ang buhol.


Isa...


Huminga ako nang malalim. Hila! Hila!


Dalawa...


Hila! Hila! Ara, hila pa! Buong lakas ko ang aking ibinuhos matagal lamang ang buhol habang ang aking mga mata ay sa pinto lang nakatingin.


Tatlo!!!


Huminto ako sa aking ginagawa at kulang na lang ay lumubog ako sa aking kinalalagyan.Napadako ang aking paningin sa may pintuan. May nakikita akong mga mata. Nakasilip ito sa akin. Kumukurap ang mga ito habang nakatingin sa akin.


Kumilos muli ang aking mga kamay upang tanggalin ang pangatlong buhol habang ang paningin ko ay hindi kumakalas sa mga matang nakasilip sa akin. Sigurado akong hindi kay Roli ang mga matang ito. Kung gayon, kanino ang mga matang ito?


Maya-maya'y nakalas ko na ang pangatlong buhol. Bahagya akong umangat sa aking pagkakaupo upang pagmasdan nang mabuti ang mga matang ito na ngayon ay nakasilip pa rin sa akin.


Parang nakita ko na ang mga matang ito dati. Habang tumatagal kasi, unti-unti itong nagiging pamilyar sa akin. Sino nga ba ang may mga matang katulad ng kasalukuyan kong nakikita?


Napalunok ako nang mariin nang mapagtanto ko na kung sino ang nagmamay-ari ng mga matang iyon. Tama! Kilala ko na kung kaninong mga mata ito! Pero... Imposible!


Napaigtad ako sa gulat nang biglang sumara nang malakas ang pinto. Habul-habol ko ang aking paghinga at napakatindi ng aking kaba.Kilala ko kung sino ang taong iyon! Kilala ko ang nakasilip na iyon!


Ilang segundo lang ay marahang bumukas ang pinto. Rinig na rinig ko ang paglangitngit nito dahilan para mapapikit ako sa takot. Pakiramdam ko'y hindi ko kakayaning makita kung sino man ang iluluwa ng naturang pintuan.


Katahimikan.


Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.


"Ara!"


Napakawag ako sa sobrang gulat!


"Kumain ka muna," ani Roli habang inilalahad sa akin ang dala niyang plato. Madilim ang kanyang mukha at tanging ang nakakatakot niyang ngiti ang aking nakikita.


Hindi ko siya kinibo. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi ko gusto ang kanyang iniaalok, pero paano? Hindi ako makapagsalita.


Umupo siya sa aking harapan at sinilip niya ang aking mukha. "Kumain ka muna, pagkatapos...uuwi na tayo."


Uuwi? Sinong niloko nya?Umiling ako.


"Kumain ka muna, sige na..." pagsusumamo nya habang pilit na iniaabot sa akin ang hawak nyang plato.


"Ngwi..." Umungol lang ako dahil wala talagang boses na lumalabas sa aking bibig.Bukod dito, pakiramdam ko'y may kakaiba sa bibig ko. Mahapdi. Masakit. Hindi ko maipaliwanag.


"Kailangan mong kumain, Ara! Wag matigas ang ulo mo! Paano ka lalakas kung di mo ito kakainin?!"


Iniabot nya sa akin ang isang platitong may kaunting kanin. Sa ibabaw nito ay may ulam. Inabot ko naman iyon mula sa kanya.


"Kumain ka, please, Ara. Bilisan mo na para mahatid na kita pauwi sa inyo. Please, Ara. Kailangan mo nang umuwi..." Heto na naman sya, masuyo ang tono.


Wala naman akong ibang choice kundi kumain. Isa pa, kailangan ko rin ito para magkaroon ako ng lakas. LAKAS para makatakas.


Pinagmasdan ko ang pagkain─mainit na kanin at sa ibabaw nito ay may isang pirasong ulam. 


Teka, anong klaseng ulam ito? Mukhang nanlalabo yata ang paningin ko. 


Kinusot ko ang aking mga mata upang makasigurong hindi ako nagkakamali ng tingin. Piraso ito ng karne. Kulay pula ito. Hindi! Mas matingkad sa pula. Kulay rosas!Hinawakan ko ito, medyo matigas na magaspang, malagkit at...


Oh, Hindi! Hindi pwede! Kaya ba ako ganito? Totoo ba ang nakikita ko? Tama ba ang hinala ko?


"Kainin mo yan, Ara. Para makapagsalita ka na..." pagkasabi nya noo'y ngumisi sya.


Muli akong napahagulhol habang iniaangat nang marahan ang aking kamay upang kapain ang aking bibig. Marahan kong binuksan ang aking bibig at kinapa ang aking dila. Wala ang aking dila! Kaya pala hindi ako makapagsalita. Pinutol nya pala ang dila ko.


Halos pawian ako ng ulirat dahil sa nadiskubre ko. Ang hayop na ito, ipapakain pa sa akin ang sarili kong dila!


"Kainin mo yan!" Pinandilatan nya ako.


Ang maamo niyang mukha ay tuluyan nang naging madilim. 


Sa takot ko, pikit mata ko iyong kinain. 


Inuna ko ang kanin at marahan ko itong nginuya. Isinunod ko ang ulam─ang aking dila. Nginuya ko rin ito ngunit wala akong malasahan. Basta ang alam ko lang, pilit koi tong nginunguya nang marahan.


Nakatingin lang si Roli sa akin. Pinagmamasdan ang bawat pagnguya ko. Ang mga mata niya'ynasa sa akin lamangsubalit napakalikot ng mga ito.


Kasabay ng aking pagnguya ay ang aking pagluha.


Pahihirapan niya ba muna ako bago niya ako patayin? Hindi pwede. Hindi ako pwedeng mamatay. Paano si Nana? Paano ang mama ko?


"Roli?!" Tinig iyon ng isang babae mula sa labas.


Nang mawala sya sa paningin ko ay buong lakas akong bumangon. Umahon ako mula sa tubig ng bathtub. Since nakalas ko na ang kadena, ito na ang pagkakataon ko para makatakas.


Humakbang ako paahon. Nang aapakna ako sa sahig, napaluhod ako. Bakit? Bakit hindi ako makahakbang?


Lumingon ako sa aking likuran. Nanlambot ako sa aking nakita.


Nangingipuspos ako.


Tila napako ako sa aking kinasasadlakan.


Hindi maaari. 


Paano na ako?


Gayunpaman, gumapang ako. Nakita ko ang isang putol na paa sa isang sulok. Paang sa tingin ko na si Roli ang pumutol. 


Pagkatapos ay tumungo ako sa sulok at niyakap ko iyon. Hindi ko na napigilang mapahagulgol. Ang paang ito, ang isang paang ito...


Ito ang...


KANANG PAA ko...


JAMILLEFUMAH

@JFstories 


Continue Reading

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
134K 5.8K 61
Teenage Paranormal Detectives are a group of students that tackles different paranormal mysteries and entities while juggling their teenage everyday...
81.5K 628 5
One shot: Break rules. First published under (c) 2012-2013 lalice0610 uncivilized stories. Edited version published under (c) 2015-2016 lalice0610 ci...
111K 1.9K 28
A billionaire woman who alone in life that pretends to be a beggar to choose who should inherit her treasure. But, she found love.