Spirits

By Slylxymndr

450K 22.7K 1.6K

Kapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit for... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
Announcement
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Part 2 Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
Announcement!!
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
New Story Teaser
43
44
:)

14

4.5K 222 20
By Slylxymndr

Naiwan si Kid sa gitna ng daan. Nakatayo siya habang ang likod ni Ana ay unti unting lumalayo sa kanya. Tinignan niya ang kanyang hawak na kahon ng mga pills at nagdesisyon kung ibabalik ba niya iyon o hindi.

Ilang sandali pa, bumalik na siya sa tindahan. Pagpasok niya sa loob, naabutan niya ang lalaking nagbenta sa kanya ng pill na gumagawa ng isang pill.

Tahimik lang si kid na pinagmasdan ang lalaki at tinignan niya ang ginagawa nito. Nang malapit na siya matapos, biglang naglabas ng mabaho at itim na usok ang kanyang ginagawa na umusok sa kanyang mukha.

Agad na nagtakip si Kid ng kanyang ilong ganon rin ang lalaki.

"Gggrrrh! Ano bang mali!?" Sabi ng lalaki at inilabas ang kanina pa niyang binabasang libro. Napansin ni Kid na ang kaninang libro na kanyang binabasa ay ang librong tinitignan niya ngayon.

Lumapit si Kid papunta sa pwesto ng lalaki at tinagawa ang pansin nito.

"Uhm, tao po?" Aniya. Bigla namang napaharap ang lalaki sa pwesto ni Kid. Nang makita ang binata, bigla siyang nataranta at muntikan pang matapon ang mabahong pill na kanyang ginawa.

"S-sandali!" Sigaw niya sabay alis sa kanayng tindahan at lumabas sa pinto sa likod niya. Dala niya ang Cauldron● na kanyang lutuan. Pagbalik nito, wala na ang laman ng cauldron at ipinatong ito sa lapag.

Lumapit ito kay Kid at tinanong. "Bakit bata? May bibilhin ka ba?" Tanong niya.

"Ako po yung bumili sa inyo kanina ng mga pills na ito...," sabay labas ng kahon na may lamang pills. "Gusto ko lang po sanang ibalik." Sabi ni Kid.

Nang marinig ito ng lalaki, agad na nanlaki ang kanyang kamay at pibglang hinawakan ang kamay ni Kid. Nagulat si Kid sa aksyon ng lalaki kung kaya't hindi nito napigilang magulat.

"A-anong epekto ng mga pill? May nangyari ba sa katawan mo? May kakaiba ka bang nararamdaman? Nakainom ka na ba ng pills na iyan? Siguro ay nakainom ka na." Aniya at binitawan ang kamay ni Kid pagkabitaw niya, inilagay niya ang kanyang kamay sa balikat ni Kid. "Haha! Mabuti at nagtagumpay na ako! Sa loob ng limang taon, sa wakas ay nagtagumpay na ako! Ha ha ha!" Sabi niya sa sarili niya.

Hindi naman maipinta ang mukha ni kid at hindi na napigilang ngumiti.

"Hhmm, kuya, hindi ko pa po naiinom ang mga pills na ito, nandito po ako para ibalik ito. May nakapag sabi po kasi sa akin na delikado ang mga pills ninyo kaya ibabalik ko nalang po ito." Sabi ni Kid.

"Ay..," sabi ng lalaki at nadismaya. Natigil ang pagtawa nito. "Ganon ba, osya, ilapag mo nalang yung kahon jan sa mesa. Kukunin ko lang ang binayad mo kanina." Sabi nito.

Bakas ang lungkot sa mukha ng lalaki ngunit hindi niya ito ipinapahalata. Ang lalaking ito at may pangalang Glen. Si Glen ay isang Pill maker. Nagsimula siyang gumawa ng pill noong nakaraang limang taon. Gusto kasi niyang gayahin ang kanyang ama na kilala bilang isa sa magagaling na Pill Maker sa Central City.

Nong taong iyon, nagkaroon ng isang pagrehistro sa Central city sa pagiging Pill Maker at isa sa mga kalahok doon si Glenn. Bilang anak siya ng magaling na Pill maker, mataas ang ekspektasyon sa kanya ng mga tao pero doon nagsimula ang kalbaryo niya.

Doon niya nalaman na mayroon siyang problema sa kanyang paggawa ng pill. Tuwing gumagawa siya ng pill, lahat ng kanyang ginagawa ay may masamang epekto sa cultivation ng gagamit nito.

Nang malaman ito ng kanyang ama, itinakwil siya nito at doon niya nalaman na anak siya ng kanyang ama sa ibang babae. Nalaman rdin niya na ang kanyang totoong ina ay matagal nang nawala sa mundo. Naging marahas kay Glen ang tadhana pero hindi parin nawala sa kanya na gumawa ng pill. Ibinili niya ang kanyang ipon ng maliit na pwesto sa pamilihan ng Central City at doon ay nagtinda diya ng mga pill na siya mismo ang gumagwa.

Naniniwala siya na balang araw ay makakagawa siya ng isang pill kung saan mapapalakas nito ang sinumang iinom nito. Dahil sa pangarap na iyon, hanggang ngayon na limang taon nang nakalipas ay hindi parin siya nawawalan ng pag asa.

Sa limang taon niyang pagtitinda ng pill, nakilala siya sa buong Central City. Nakilala siya bilang "Ang Maninira" dahil minsan nang nagkaroon ng insidente na gumamit ng kanyang pill at unti unting nasira ang cultivation nito at tuluyang nanghina.

Kung kaya't madami ang galit at takot sa kanya dahil doon. Kumalat ito sa buong bayan at naririnig ito sa iba pang pangunahing City sa lupain ng mga tao.

Napansin naman ni Kid ang Cauldron na hawak kanina ni Glen. Biglang parang kuryente na pumasok sa isip ni Kid ang kanyang mga nabasa sa Library.

"T-teka, gumagawa po kayo ng Pill?" Sabi ni Kid. Medyo maririnig sa moses niya ang pagtataka at pagkamangha.

Humarap si Glen sa pwesto ni Kid at tumango ito. "Oo. Haha! Pero huwag kang mamangha sa akin! Isa akong kahihiyan sa paggawa ng Pills." Aniya sa sarili at inabot sa binata ang isang bilog na silver para ibalik ang bayad nito.

Napansin din ni Kid ang hawak na kahon ni Glen na lagayan niya ng benta ng mga Pills malakas ang kalantsing ng mga barya sa loob at maririnig mo na wala pang limang pirasong silver ang laman nito.

Bumakat ang tanong at awa sa mukha ni Kid. Hinawakan ni Kid ang isang silver na ibinalik sa kanya ni Glen. Malungkot na ipinatong ni Glen ang kahon ng kanyang kita sa lamesa at umupo sa katabi nitong bangko.

Ipinikit ni Kid ang kanyang mata ng ilang segundo at huminga ng malalim. Ilang sandali pa, may nakita si Glen na isang kamay na nasa harap niya. Kamay ito ni Kid.

"Bayad ko po." Aniya sa lalaki. Namuo ang pagtataka ni Glen sa sinabi ni Kid.

"Para saan ito?" Sabi niya kay Kid.

Inabot ni Kid ang kamay ni Glen at ibinigay ito sa lalaki. "Bayad ko iyan sa iyo." Sabi niya. "Gusto kong makita kung paano gumawa ng Pill ang mundong ito at magawa narin ang mga nabasa kong Pills sa Library kanina." Sabi niya kay Glen.

"Pero hindi p--"

"Ayos lang. Ang babayaran ko ang panonood ko sayo sa paggawa ng pill. Sa tingin ko ay may matututunan ako sa iyo eh haha!" Sabi ni Kid sabay kamot sa kanyang batok.

Napangiti naman si Glen sabay tayo. Para bang inapuyan ang puwetan nito at mabilis na kumilos. Kinuha niya ang Cauldron, mga sangkap sa paggawa ng pill at ilan pang kagamitan.

"Pangarap kong mahagawa ng isang Pill. Ang uri ng pill a ito ay magbibigay ng lakas sa iinom nito." Sabi ni Glen habang hinahanda na ang lahat.

"Ah, parang Body Enhancing Pill?" Sabi ni kid.

Ipinitik naman ni Glen ang kanyang mga daliri at itinuro kay Kid. "Tumpak! Pero napansin mo ang mga pinebentang mga Assembling Pill diba? Halos kakaunti lang ang epekto nito sa katawan lalu na sa Cultivation, diba? Kung kaya't pangarap kong gumaw ang pill na mahihigitan ang epecto ng Assembling Pill." Sabi niya.

"Ah! Parang Nurturing Pill?"

"Mali! Ang Nurturing Pill ay ang mas mataas na bersyon ng Assembling Pill pero ang tinutukoy ko ay ang Body Concentrating Pill! Pero ang problema ay hindi alam ang mga sangkap nito at walang nakakaalam kung saan inilagay ni Ingram ang totoong kopya ng mga sangkap nito." Mabilis na sabi ni Glen kay Kid.

"T-teka, Ingram?!" Tanong ni Kid kay Glen. "Parang kanina lang nabasa ko ang libro niya sa Library ah!"

"Ha! Nabasa mo rin pala ang Librong iyon! Madaming nagsasabi na si Ingram ang nakadiskubre ng paraan sa paggawa ng Concentrating Pill at toto iyon. Ang problema lang ay ang librong kanyang ginawa dahil ang totoong kopya ng librong iyon ay nawawala. Ang nabasa mong libro ay tanging kopya lamang ng orihinal kung kaya't ang paraan ng paggawa ng Concentrating pill ay hindi malaman."

Nanlaki ang mga mata ni Kid. "Sabi na nga ba!" Aniya sa sarili. "Ang tinutukoy niyang libro na puno ng kaalaman ay parte ng librong iyon!" Aniya sa kanyang kasama.

"Oo! Tama! Parte ang paggawa ng Concentrating Pill sa librong iyon pero nang hanapin iyon sa orihinal na libro ay nawawala na ito. Kung kaya't agad na kinopya ng mga taga Capital City ang libro at itinago ang orihinal. Nagbabakasakali silang may parte sa orihinal na libro ang hindi natanggal na makakatulong sa paggawa ng Concentrating Pill at hanggang ngayon ay pinag aaralan parin nila ito." Sabi ni Glen.

"Ang pangarap ko ay mahanap ang iba pang parte ng libro at magawa ang Body Concentrating Pill." Sabi niya.

Sinimulan na niya ang paggawa niya ng Nurturing Pill. Pinanood ni Kid ang lahat ng Kilos ni Glen. Ilang sandali pa ay natapos na ni Glen ang isang pill. Nang buksan na ang Cauldron, tumambad ang isang pill, ang pill na iyon ay kulay itim at may masangsang na amoy.

"Mali nanaman!" Sigaw ni Glen sa inis. Binabalot na si Glen ng lungkot at dismaya sa sarili nang makaramdam siya ng kamay sa kanyang balikat.

"Alam ko na ang problema." Sabi ni Kid. "Handa kitang tulungan pero, maaari ko bang subukan ang Pill na iyan?" Tanong ni Kid.

"H-ha!? Nahihibang ka na ba? Bakit mo ito susubukan? Paano kung masira ko rin ang Cultivation mo?" Tanong niya kay Kid.

Kinuha naman ni Kid ang pill. "Huwag kang mag alala." Aniya ay akma nang piapasok sa kanyang bibig ang pill.

Nasa isip ni Kid ang mga posibleng nangyari. Nang makita niya ang ginagawang pill ni Glen, ang ginawa niyang Pill ay isang Nurturing Pill. Nakita rin niya na walang mali sa kanyang paraan. Kung ikukumpara nga ito sa ibang pill maker ay alam mong kabisadong kabisado na ni Glen ito. Pero nang matapos ni Glen ang paggawa ng Pill, doon napansin ni Kid ang mali. Gusto niyang subukan ang mangyayari kapag ginamit niya ang pill na iyon. Pero hindi iyon natuloy.

Biglang lumabas si Sky sa loob ng singsing at kinain ang pill na nasa kamay ni Kid. Para pitong buwaya na nakakita ng baboy at biglang sinakmal ang pagkain.

Nang makita ito ni Kid at Glen, biglang nanlaki ang mga mata nila. Iba kasi ang medisina para sa Fate Beasts at para sa mga Cultivators. May mga ibang epekto sa mga Fate Beast ang mga pills na ginawa para sa Cultivators.

Makikita ang pill na pumasok mula sa bibig ni Sky papunta sa kanyang lalamunan. Pag inom niya ng pill, nakatingin lang si Sky sa dalawa at nabalot ng katahimikan ang loob ng tindahan.

Biglang namula ang mga mata ni Sky at tumalon talon ito na para bang mayroong apoy sa kanyang buntot.

"Anong ginawa ko Sky!?" Sabi ni kid habang natatatanta para sa kanyang Fate Beast. Hindi narin mapakali si Glen sa kanyang nakita dahil ang pill na ininom ni Sky ay galing sa kanya.

Nang matapos lang kanyang pagtatalon talon, biglang huminto si Sky at nasa lamesa siya bumagsak. Parang umuusok ang kanyang katawan. Nakapikit ito at parang walang buhay.

Naiiyak na si Kid at biglang tumakbo papunta sa pwesto ni Sky. Pero nang mahawakan na niya si Sky, bigla itong dumilat at biglang ibinuka ang bibig.

*gaaahhhh

Lumabas ang itim na usok sa kanyang bibig. Kasabay nito ay ang pill na ginawa ni Glen. Balot ito ng laway ni Sky pero hindi naman basa ang mismong pill. Para bang mayroong kakaibang nakabalot sa pill na iyon.

Nang makalabas na ito sa bibig ni sky, inusog usog niya ang pill papunta kay Kid na para hang sinasabi na kunin niya ang pill at gamitin.

Wala nang nagawa si Kid kundi kunin ang pill at tinignan ito.

Pinunasan niya ang pill para matanggal ang laway na nakabalot sa pill pati narin ang kakaibang mala jelly na nakabalot doon.

Ang kaninang masangsang na amoy ay napalitan ng mabango at sariwang amoy. Parang nasa isang bukid na punong puno ng mga bulaklak at mga paro paro.

"T-teka! Isang Nurturing Pill iyan!" Sabi ni Glen kay Kid. "Pero paano?!"

Iyan rin ang tanong ni Kid sa kanyang isipan. Ano ang ginawa ni Sky sa pill para matanggal ang masamang awra sa pill?

Ang mali ni Glen sa paggawa ng pill ay hindi niya naatim ang Supreme Calmness. Madaming tumatakbo sa kanyang isipan tuwing gumagawa ito ng pill at napansin iyon ni Kid. Madaming tumatakbo sa kanyang isipan na nakakaapekto sa benipisyong naibibigay ng Pill.

Nang mapagtanto ito ni Kid ay alam niyang mali na ang pill at maglalabas ito ng itim na awra kapag ininom. Sinubukan niyang inumin ang pill na ito para malaman ang mangyayari kung walang kalmadong isipan ang gagawa ng pill. At base sa ipinakita ni Sky, magkakaroon ng kaguluhan sa Cultivation ang iinom nito.

Pero ang kakaiba dito ay naayos ni Sky ang problema sa pill at ginawa itong perpekto. Isa ito sa mga sikretong abilidad ni Sky, ang tanggalin ang mga imperpeksyon sa pill at gawin itong perpekto.

Sinabi na ni Kid kay Glen ang napansin niyang mga problema sa kanayng paggagawa ng pill.

"Isa rin akong Pill maker sa mundo namin. Kung kaya't may alam akong kaunti tungkol sa paggawa nito." Sabi ni Kid. "Parehas din ang proseso ng paggawa ng pill sa inyo kung kaya't nang malaman ko ang problema ay gusto kong malaman ang mangyayari kapag hindi iyon ginawa. Ang tinutukoy ay ang Supreme calmness." Aniya.

"Supreme Calmness?"

"Oo. Isa itong proseso sa aming mundo kung saan ang estado ng iyong isipan ay gagawin mong kalmado. Tatanggalin mo ang lahat ng mga iniisip at bumabagabag sa iyo bago ka gumawa ng pill." Aniya.

"Sinabi sa akin ng aking guro na kailangang magkaroon nv kalmadong isipan sa paggawa ng pill dahil ang laman ng isipan ng pill maker ay makakaapekto sa pill na kanyang ginawa." Dagdag pa ni Kid.

"Pero tuwing gumagawa ako ng pill, naiisip ko, paano kung magkamali ako? Anong mangyayari? May mapapahamak nanaman ba akong Cultivator? Babalik pa ba ang tiwala sa akin ng mga tao? Ng aking ama? Paano na yu--" pinatigil siya ni Kid.

"Hindi mo kailangang isipin ang mga iyon." Aniya. Napalingon naman si Glen kay Kid na nakangiti sa kanya.

"Kaya mo iyan." aniya.

Sa buong gabing iyon, hindi bumalik ng barracks si Kid at ipinagpatuloy ang paggawa ng pill sa maliit na tindahan ni Glen. Isang buwan ang lumipas at sa wakas ay nakagawa na si Glen ng isang Body Nurturing Pill kung saan wala nang masamang awra sa pill. Nang subukan ito ni Sky ay agad na niya itong nilunok ay dumighay. Ibig sabihin ay natatanggap na ng kayawan ni Sky ang pill hudyat na ligtas itong gamitin.

Halos umabot sa isang daan ang mga maling nagawa ni Glen at sa isandaang iyon, ngayon ay nagtagumpay na siya. Lahat ng mga naunang pill na mali at ipinakain ni Kid kay Sky para maging perpekto ito at itinago niya ito para sa kanyang sarili. Malaking tulong ang mga pill na ibinabalik ni Sky kay Kid dahil ito na ang gagamitin niya para sa kanyang Cultivation. Gumawa pa si Glen ng isa pang Pill para saktong 100 na ang hawak ni Kid na Body Nurturing Pill.

Sa maikling panahon ay nagdesisyon si Kid na mula sa araw na iyon ay lagi na siyang pupunta sa tindahan ni Glen kung sakaming makaisip sila ni Maater Val ng isang pill para ipagawa ito sa lalaki at ibenta sa kanyang tindahan.

Matapos ang mga araw na iyon ay bumalik na si Kid sa Barracks. Sa isang buwan na wala siya ay marami na ang nagbago sa loob ng barracks.

Halos karamihan ng mga bagong gwardya ay nasa 1st Mortal Realm na kasama dito si Lee. Halos sabay sabay nilang ginastos ang kanilang 10 sliver at ang Body Assembling Pill kung kaya't ganoon ang nangyari. Nasa 2nd Mortal Realm na si Lee at sa tantya nya ay sa susunod na dalawang buwan ay makakamit na niya ang 3rd Mortal Realm.

"Oh! Kid!? Saan ka nanggaling?" Tanong ni Lee kay Kid. Nakangiti lang si Kid at pumunta na sa kanyang bahay.

Papasok na siya nang tawagin siya ni Lee. "Kid! Nga pala, sa susunod na linggo na ang buwanang kompetisyon sa barracks. Inatasan tayo ni Priest Meng na magpalakas na para manalo sa Kompetisyon dahil may premyo raw ang mananalo." Aniya.

Bigla namang nanlaki ang mga tainga ni kid nang marinig ang Premyo. Agad itong lumingon kay Lee at kinausap. "Ha? Totoo? Ano raw ang premyo?" Tanong ni Kid na halatang nakuha ang atensyon nito.

"Hindi ko sigurado pero mukhang Pill daw eh para sa Cultivation." Aniya. Parang nawalan naman ng interes si Kid sa sinabi. Tumalikod ito at bumalik na sa kanyang bahay.

"Mayroon na akong mahigit 100 na Body Nurturing Pill, hindi ko na kailangan ng iba pang Pill." Aniya sa sarili at sinarado ang pinto.

Cauldron● - see picture as reference.

Continue Reading

You'll Also Like

6.1K 689 36
Isang Annual Harvest Month na naman ang nilahukan ni Wong Ming na siyang dinaluhan ng napakaraming outer disciple. Ano namang kakaibang karanasan ang...
37.2K 3.5K 95
Matapos ang lahat ng pangyayari at sunod-sunod na pagkabigong natamo ng batang si Li Xiaolong dahil sa naging desisyon niya. Could he really find aga...
564K 114K 102
Synopsis: Sa bagong yugto ng buhay ni Finn, isang panibagong pakikipagsapalaran at paglalakbay ang kanyang mararanasan kasama sina Poll, Eon, at Paul...
24.1K 1.7K 50
Nakapagdesisyon na ang batang si Li Xiaolong na gusto nitong pumasok sa loob ng isang prestirhiyosong paaralan sa Dou City, ang Cosmic Dragon Instit...