Spirits

By Slylxymndr

449K 22.6K 1.6K

Kapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit for... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
Announcement
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Part 2 Prologue
1
2
3
4
5
6
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
Announcement!!
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
New Story Teaser
43
44
:)

7

4.7K 245 12
By Slylxymndr

Binati ng mag ama si Kid sa kanyang pagkapanalo sa pagsusulit.

"Sabi ko na nga ba eh! Makakapasok ka talaga kuya!" Sigaw ni Emy habang tumatakbo ito sa pwesto ni Kid. Makikita sa mukha nito ang pagkatuwa sa nalamang balita. Si Gary naman ay nakangiting sinalubong si Kid.

Sa sandaling nakasama niya ang binata, parang itinuring na niya itong isang anak. Makikita sa mukha nito na ipinagmamalaki niya ang tagumpay ni Kid. Nandoon rin si Aling Rosa at si Hann na sumalubong rin sa tagumpay niya.

"Osya, mag ayos ka na ng mga gamit mo. Pasensya na at itong mga damit lamang ang mga kasya sa iyo. Dalhin mo na ang mga iyan kaysa naman na wala akng maisuot doon." Sabi ni Gary kay Kid.

Inilabas nito ang isang maliit na bag na gawa sa tela. Kulay itim ito na may tali na nagsisilbing pambukas dito. Laman nito ay lima o anim ng piraso ng damit. Hindi naman ito masyadong maganda. Maayos pa naman ang estado nito ngunit mapapansin mo na may kalumaan na ang mga ito.

"Ilang sandali namang at aalis na itong si Kid. Mabuti pa ay magsaya tayo!" Sigaw ni Aling Rosa sa mga kasama. Nakangiti ang mga ito at naghanda na para sa isang maliot na selebrasyon.

Sa mahigit isang linggong paninirahan ni Kid dito sa lugar na ito, napamahal na siya sa pamilyang kahit sandali ay kumupkop sa kanya. Ngayon nalang ulit ni Kid na makakita ng ganitong kasayang pamilya.

Sa saglit na panahon ay naalala niya ang ang mga mikha ng kanyang mga magulang. Hindi napansin ni Kid na napangiti siya sa pag aalala ng kanyang mga magulang.

"Kung sakaling nabubuhay pa sila ngayon, siguro ay ganito rin kami kasaya." Sabi niya sa sarili.

Tumulong si Kid sa paghahanda ng mga pagkain para sa maliit na salo salo nila.

Ilang sandali pa at dumating na ang hapon. Natapos na ang kanilang paghahanda. Tinawag ng pamiya ni Gary ang mga malalapit sa kanila at isinama sa maliit na handaan.

Karamihan dito ay binati ang binata sa kanyang tagumpay na nakamit. At ilang sandali pa ay nagkainan na ang lahat. Kahit na munti lang ang salo salong ito, marami ang kanilang handa sapat para mapakain ang kanilang mga bisita.

Kumakain si Kid ng mga handang kanilang inihanda nang nilapitan siya ni Hann. Hawak nito ang kanyang plato at tumabi kay Kid.

Nang makaupo sa tabi ni Kid, tinignan niya ang binata at tumingin sa langit. Halatang malalim ang kanyang iniisap.

"Mabuti at maganda ang panahon ngayon." Sabi nito. Napatingin si Kid sa matanda. Walang emosyon si Kid at tumingin rin sa langit.

"Oo nga po." Sabi niya.

Tahimik ang dalawa. Ang ingay sa kanilang paligid ay rinig na rinig dahil sa katahimikan na bumalot sa kanila.

"Napansin ko, sa halos isang linggo mong magtira sa baryong ito. Napahanga mo ako sa iyong abilid." Pambasag niya ng katahimikan.

"Minsan kong nakita ang sarili ko sa iyo. Mahilig sa mga libro at kaalaman na gustong iparating sa akin ng mundong ito. Napahanga mo ako dahil doon" sabi ni Hann.

"S-salamat po." Sabi ni Kid.

"Nang mabasa mo ang pinakahuling libro sa aklatan, ang akala ko ay magtatanong ka sa akin ng mga bagay na nakakagulo sa iyo pero hindi. At hanga ako sa iyo dahil doon. Ang ibig lang sabihin non ay naintindihan mo ang mga nakasulat doon." Aniya. "Noong kabataan ko, nangarap din akong makapunta sa Capital City. Ngunit hindi ako pasado sa kahit anong pagsusulit na kanilang ginawa. Ang akala ko ay wala na akong pakinabang sa mundo. Pero binago mo ang aking pananaw." Aniya.

Naglabas ito ng isang libro. Luma na rin ito katulad ng mga libro sa aklatan. Ang iba lang dito ay ang librong ito ay mas maliit kaysa sa mga librong nakasanayang mahawakan ni Kid.

"Isa iyan sa mga librong aking inaral noong kabataan ko." Aniya. "Isa iyang Martial Art Skill. Ang martial art skill na iyan ay ang Free Wave Step." Aniya.

Nagbigay naman ito kay Kid ng nagtatanong na mukha.

Martial Arts?

Free Wave Step?

Ang dalawang iyan ang tumatakbo sa isipan ni Kid. Ano ang mga iyon?

Ang Martial Arts ay isang uri ng sining kung saan ginagamit ito sa pakikipaglaban. Ito ang paraan ng mundong ito para palakasin ang kanilang mga sarili.

Malaking kaibahan ito sa paraan ng pagpapalakas sa mundo nila Kid. Ang paraan ng pagpapalakas sa mundo ni Kid ay nababase sa kung anong kakayanan ng bearer at ng Spirit. Iba sa mindong ito.

Sa mundo ni Kid, tinatawag ang paraan ng pagpapalakas na Meditation at Breakthrough. Kailangan mong mag meditate ng katawan mo habang naka morph sa iyong spirit para makatanggap ka ng Breakthrough na magbibigay ng lakas sa iyong katawan.

Sa mundong ito, ang paraan ng pagpapalakas ay tinatawag na  Martial Arts at Cultivation.
Ang Martial arts ay ang pagpapalakas ng katawan ng isang tao hanggang sa kanyang limit at kaipangan mo itong maaral upang magamit ang buong lakas nito. Cultivation naman ang kailangan ng iyong katawan para mapalakas ang Martial Arts na iyong nakuha.

Magkaibang konsepto pero iisa lamang ang mensaheng nais iparating, ang palakasin ang isang indibidwal. Dahil kahit saang mundo ka man makarating, iisa lamang ang batas na tumatakbo.

Ang mas malakas ang nasa tuktok at ang mga mahihina ang nasa ilalim.

Inabot niya ito kay Kid. "Ingatan mo ang isang iyan. Alam kong makakatulong iyan sa iyo sa pagiging gwardya ng Capital." Aniya sa binata at ngumiti.

Naguguluhan man ay tinanggap ni Kid ang libro. Ang mga bagabag at tanong ni Kid ay maaaring masagot ni Master Val kung kaya't kayang ikinibit' balikat na niya ito at inilagay sa kanyang kwintas.

Ilang sandali pa ay maririnig na ang mga hakbang mg mga kabayo sa labas ng baryo. Nag aabang na si Lee sa labas ng baryo dala ang dalawang bag na bitbit niya.

Nagpaalam na si Kid kila Gary at sa iba pa. Umiiyak namang nagpaalam si Emy sa kanya kung kaya't nilapitan ni Kid ang bata.

"Huwag kang umiyak. Huwag kang mag alala, kung gusto mo akong makita ulit, kapag may oras ay babalik ako dito." Aniya sa bata.

"Magiging Gwardya rin ako!" Sigaw nito habang umaagos ang mga luha sa kanyang mga mata. Ikinangiti naman ito ni Kid at ginulo ang buhok ng bata.

"Ibig sabihin, kailangan mo nang magsanay! Aasahan kita na makikita kita doon ah!" Sabi ni kid sa bata.

"Uhn!" Tango nito sa binata at pinahid ang mga luha sa mukha.

Nagpaalam na ng tuluyan si Kid at pumunta na rin sa labas ng Baryo kung saan naghihintay si Lee.

"Napamahal ka na kay Emy ah!" Salubong ni Lee kay Kid. Napangiti naman si Kid sa sinabi ni Lee.

"Oo. Haha" sabi niya. Ilang sandali pa ay huminto na ang mahabang karwahe at lumabas ang isang nakapormal na lalake.

Tumingin ito sa pwesto ni Kid at Lee. "Kayo siguro ang bagong Gwardya. Tama ba?" Aniya.

Nayroon itong bigote na nakakulot. May pagkamatanda na ito at may maaungit na tono.

Tumango ang dalawa at pinapasok na sila ng lalaki. Pagkasara ng karwahe ay muli nanaman itong umalis para pumunta sa susunod na bayan.

Habang nasa loob, napansin ni Kid na nasa walo palang ang nasa loob. Sampu kung kasam sila.

"Sila ang iba pang makakasama ninyo. Umupo nalang kayo sa tabi nila." Sabi ng lalaki at bumalik na sa kanyang pwesto. Naghanap naman si Kid at Lee ng mauupuan sa medyo masikip na lugar na ito.

Inilibot ni Kid ang kanyang mga mata pero wala siyang namumuhkaan sa kanila.

"Walang mga taga ibang mundo." Aniya sa kanyang sarili.

Nang makapwesto ay umupo na siya at pumikit. Katabi niya si Lee. Habang nakapikit, pumaaok na si Kid sa loob ng Singsing para makausap na si Master Val.

"Master Val!" Pagtawag ni Kid sa atensyon nito. Agad napatingin naman si Val sa pwesto ni Kid na kasalukuyang pumipitas ng ilang mga halaman niya.

"Oh Kid! Halika rito tignan mo, madami na akong nakuhang mga bunga! Grabe. Ilang araw palang may bunga na ang mga halaman ko." Aniya.

Hindi naman masyadong pinansin ni Kid ang mga sinabi ni Val at agad na nagtanong ito tungkol sa kanyang mga nalaman sa mundong ito.

"Hhmmm. Martial Arts. Medyo pamilyar iyan sa akin..." aniya at sinabi na ang kanyang mga nalalaman tungkol doon. "... Iyon lang ang nalalaman ko tungkol diyan. Osya. Basahin nga natin iyang libro na ibinigay sa iyo nang malaman natin ang isang iyan." Sabi niya kay Kid. Agad naman inilabas ni Kid ang lumang libro at binuksan ang libro sa harap nilang dalawa.

Ang Free Wave Step ay isang Core rank Movement Martial Arts kung saan inihalintulad ito sa agos ng alon. Mabilis at malaya.

3★ - sa bawat hakbang na iyong gagawin, magkakaroon ng anino ng mga alon.

5★ - ang bawat hakbang ay hindi na matitiyak ang mismong paroroonan. Magkakaroon ng ilusyon ng mga alon sa bawat hakbang.

Nang mabasa ito ni Kid at Val, nagulat sila sa kanilang nabasa.

Ang Free Wave Step ay isang Core rank ng Martial art skill. Isa ito sa mga pinakamababang uri ng martial art skill.

Mayroong apat na rank ang martial art skill. Ang Core, Mid, High at Peak Rank. Sa Core rank. Mayroon itong 5 star; Sa Mid, 8 Star; High, 10 star; Peak, 15 star.

Ang mga stars ay ang magsasabi ng mastery ng martial arts na inaral ng isang tao. Sa lagay ng Free Wave Step, kapag umabot na ng 3★ ang skill mastery, magkakaroon na ng kakaibang epekto ang skill kapag ginamit. Ganoon rin kapag naman namaster na ang Skill, na sa lagay ng Core Rank, 5★.

Mas malalim at mas malawak ang pagkakaintindi sa skill, mas mabilis itong mapeperpekto.

"Osya, aralin nalang Kid. Wala namang mawawala kung aaralin mo iyan." Sabi ni Master Val.

Agad namang binasa ni Kid ang libro. Mabilis niya itong nabasa at natandaan naman niya itong mabuti. Agad siyang pumwesto.  Umupo siya sa lapag habang ang kanyang mga paa ay magkasalungat sa isat isa. Ang kanyang kamay ay kanyang punagdikit at gumawa ng isang bilog, Diretso ang likod at pumikit.

Isa isa niyang inalala at tinandaan ang mg anakasulat sa libro. Habang inaalala niya ang mga nakasulat doon. Nakarinig siya ng mga maliliit na pagsabok sa loob ng kanyang katawan.

*Peng!

*Peng!

*Peng!

Ang kanyang isip at pakiramdam ay parang inaalon at sumasabay sa bawat galaw ng tubig. Ang kanyang katawan ay mistula bang alon. Siya ang mismong alon. Ilang sandali pa ay dumilat na si Kid. Gumaan ang kanyang pakiramdam niya.

Tumayo siya at sinubukang maglakad. Ganoon parin naman ang kanyang pakiramdam. Normal parin naman katulad ng dati.

Ngunit nang gamitin na niya ang naturang Martial arts.,

"Free Wave Step!"

Napansin niya na para bang ang kanyang bawat hakbang ay mas kalmado at para bang sumasabay lang sa agos.

"Ano itong pakiramdam na ito?!" Sabi ni Kid sa sarili. Ngayon lang siya nakaranas ng ganitong pakiramdam. Hindi siya makapaniwala sa kanyang mga nalaman ngayong araw.

Continue Reading

You'll Also Like

31.2K 2.6K 72
Sa panibagong yugto ng buhay ng batang si Li Xiaolong, could he really do the things he wants to do? Paano na lamang kung sunod-sunod na kalbaryo ang...
1.6M 64K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
47.5K 2.8K 48
Ang binatang si Jharel at ang kaniyang mga kasamahan ay aksidenteng napunta sa ibang mundo na tinatawag na Eragon, panahon ng mga kaharian o medieval...
8.2K 999 59
"Tired of your country? then prove your worth and create your own." Ito ang mga katagang nakaimprenta sa isang kahon. Nasa loob noon ay isang virtual...