Alpha's Babies (FOR EDITING)

By pooooritangsab

630K 13K 395

#Werewolf story More

Prologue:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
CHapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
EPILOGUE
author's note.

Chapter 24

11.7K 250 5
By pooooritangsab


Triton's POV

"TINEST na namin ang dugo nya alpha, may maganda at masamang balita kami sainyo" sabi ni andrea matapos magtungo sa laboratory nya, dala ang blood samples ni kaitou.

Napatingin ako sa anak kong nakayakap sa akin pero nakatulala.

"pwede po ba magandang balita muna?" tanung ni karma

Nakangiting tumango si andrea "werewolf padin sya alpha at mas malakas ang dugo nyo kumpara sa lasong napasok sa sistema nya."

"good" bulalas ako saka niyakap ang anak ko na nasa aking kandungan "proud sayo si papa, anak..."

"ang bad news ay.." napatingin kaming apat sa kanya "natalo ng lason ang dugo ng luna. Ibig sabihin, kalahating vampire na ang anak nyo alpha"

Nag iwas sya ng tingin, alam ko ang ibig nyang sabihin.

Pero di ko kayang patayin ang anak ko...

Umiling ako "salamat andrea" agad naman syang umalis

"anung mangyayari kay kaitou?" nag aalalang tanung ni matilda

Hindi ko sya tinapunan ng tingin sa takot na makita nya ang nararamdaman ko.

"hindi tanggap sa mundo ng mga lobo ang mga Bampira. Kaya... Pinapatay ang mga bampirang na-" paliwanag ni dylan pero inawat ko sya

"hindi, rogue ang anak ko. Biniktima sya! At kung meron mang dapat mamatay dito yun ay ang konseho."

"alpha," pagpukaw ni danielle "ipamalita kaya natin ito sa ibang pangkat? Para sumali sila sa laban-"

"at ano beta?" inis na tanung ko "pati ang anak ko idadamay? Baka mas lalong dumami ang kalaban natin kung ganun" kinuha ko si kaitou saka binuhat "kain muna tayo.. Don't worry, gagawa akong paraan" tumango sya.

Matilda's POV

NI HINDI ko man lang napansin yun..

Alam kong dati pa man ay malaki na ang hidwaan sa pagitan ng mga lobo at bampira, pero ang di ko mawari ay panung may bampira sa konseho at wala man lang silang alam?!

Di ko alam kung magagalit ako kay triton o susugurin ang pesteng konseho na yun at paulanan-

"sasali ako sa digmaan" anunsyo ko na ikinabaling nila "oh? Bakit?"

"matilda, seryoso ang magaganap na digmaan!" inis na wika ni triton

"seryoso ako triton! Di pa nila napagbayaran ang ginawa nila sa mga anak ko."

"at anung gagawin mo dun matilda ha? Haharang?" galit na tanung ni mama "magpapakagat?"

Umiling ako "ma, tao ako, ano pa't nasa taas tayo walangyang food chain na yan kung hindi ko magawang maipaghiganti ang mga anak ko?! Ma, nanay din kayo kagaya ko, at di ako papayag na ginanun nila ang mga anak ko!"

"ano ngang magagawa mo ate?" tanung ni shane "di ka naman, lobo, di karin bampira, anung magagawa mo?"

"shane, sapat nang sagot ang nanay ako. Di ko kailangang maging isa sa kanila. Pero nanay ako.. Okay? Balang araw kapag nagkaroon ka na ng anak, maiintindihan mo din ako" sagot ko "excuse me.." saka binuhat si kaitou at karma paalis.

Nakakainis! Ano naman kung tao lang ako? Argh!

"ma,"

"oh? Kikwestyunin mo din ako?" tanung ko kay karma

Umiling lang sya "basta, nasa tabi mo kami lagi mama.."

Pumasok kami sa kwarto saka ko sila inilapag.

"ngayon, kailangan nating patunayan na-"

"matilda" napatingin kami sa kumatok, nakangiting pumasok si ate anabeth "pumayag sila triton, na umuwi muna kami sa maynila, para hindi madamay." nalungkot naman ako sa narinig "nung kasal namin ni reese may iniregalo sya sa akin, na laging nasa bahay." kumunot ang noo ko "sabi nya, poprotektahan daw kami nun ni russel... Nung una di ko magets kung bakit ganun, pero ngayon nakuha ko na."

Muli syang lumabas at sa pagbalik nya ay may hawak na syang kulay puting espada.

"pinagawa nya daw ito sa isang sikat na panday sa japan. Gawa sa purong pilak ang talim nito at totoong ginto ang mga nakalagay sa casing. Di ko nagamit, dahil di ko alam. At isa pa di naman kinailangan.."

Napatango ako saka kinuha ang espada.

"alam mo ba, nung umaga bago tuluyang mawala si reese may sinabi syang ikinainis ko.. Panung hindi, kakagising pa lang nya, ikaw na ang nasa isip nya? Pagkatiwalaan daw kita, kasi may dahilan kung bakit ikaw daw ang pinili ng buwan na maging kabiyak ng iyong asawa. Sabi ko pa nga, bakit buwan? Di ba tadhana? Inilingan lang nya ako at ang sabi nya.." kumunot ang noo nya tila inaalala "hindi kamatayan ang naging dahilan, ito lamang ang naging daan upang maisagawa ang nakatakda." naguguluhan ako, ako ba talaga ang ibig sabihin ni ate? "alam mo ba napanaginipan ko si reese bago yung gulo, sabi nya mag iingat daw ako sa mga traydor ng kanilang lahi, ingatan ko daw ang mga kinabukasan, at gabayan daw kita. Sabi nya, may tatlong digmaan tayong pagdaraanan. Una ay traydor, pangalawa ay pagkakaisa, pangatlo ay katapusan."

"di ko makuha?"

"matilda, matapang kang tao, oo may pagkataklesa ka pero kapag pamilya mo na ang ginalaw, lumalabas ang parte mo na di halata." ngumiti sya saka pinakatitigan ako bago bumulong.

Napasinghap ako ng maalalang "tanda mo pa yun?!"

Tumawa sya "syempre" saka umalis.

"mama" napatingin ako sa mga anak ko "ginawa mo yun?"

"mga anak, bata pa ako nun mga 12 ata tapos akala ko cool maging takaw gulo kaya ayun. Matagal na yun, nakalimutan ko na nga eh."

Nagtinginan sila "so yung alam namin sa'yo talaga? Di kay papa?!"

"hindi" sagot ko saka tumayo "halika na maligo muna tayo" pag aya ko sa dalawa  

  Triton's POV

"ALAM mo shane, wag mong gaganunin ang ate mo.." pangaral ni papa kay shane

"pa, delikado ang gusto ni ate"

Ngumiti sya ng makahulugan "kaya nya yun"

"pwede ba matteo, tao ang anak mo"

"oh bakit? May titulo pa pagdating sa gulo?" huminga si papa "at isa pa, kaya nya yun, una sa lahat anak ko sya at pangalawa, san pa ba magmamana yung kambal? Edi sa nanay"

"kay triton sila nagmana-" umiling si papa

"alam mo ang ibig kong sabihin"

"matteo, tao ang mga nakaaway nya dati! Hindi bampira! Dyos ko!"

"may utak sya na gagamitin, sasha, magtiwala ka kay matilda. Ilang beses na ba syang napatawag sa guidance nung kinder sya? Ilang beses na ba syang halos makulong nung junior high sya? Tsk. Kundi pa nga nacomma yung kaibigan nya di sya magtitino. What i'm saying is, hindi tanga si matilda na basta susugod nalang. Matalino ang anak natin, at laging one or step ahead kung magplano. Haist." tumayo si papa "yun ang nakalimutan mo, yung ganito ng kambal?" saka turo sa sentido nya "galing sa kanya"  

  Nagtataka man ay nanatili akong tahimik na pinagmamasdan ang pag alis ni papa.

"haist, utak lang naman ang meron sya." sabi ni mama

--

"ma, pa, triton, mommy, daddy. Aalis po muna kami ng kambal" kasalukuyan kaming nasa salas at nag uusap usap ng biglang sumulpot si matilda kasama ang mga bata "may dadalawin lang po kami"

Tumango sila pero ako "sasama ako"

"wag na papa, kailangan din talaga namin lumuwas." paliwanag ni kaitou "kailangan ko pong alamin kung kagaya na ako ng mga bampira.."

"anak..." wika ko saka lumapit sa kanya "ang sabi ni andrea, di ba mas malakas ang dugo ni papa?"

"opo, pero papa.. Please?"

"aish. May magagawa pa ba ako? Basta magpahatid kayo hanggang sa paglabas sa boundary ng city. Okay?"

"aye, aye" sagot ni matilda

"at kaya, abangan nyo ang pagdating nila at magreport kayo sakin" tumango naman ang mga upsilon at lambda na sasama sa kanila.

Agad din naman silang umalis.

"saan kaya sila pupunta?" tanung ni mom

"sana naman ay di sila magtagal, dahil pauwi na ang papa" masayang sabi ni dad

"ah, balae, sigurado bang ayos lang sa ama nyo na may mga tao dito?" tanung ni mama

Ngumiti naman si dad "matagal nya ng pangarap ang pagkakaisa ng lahat." napatango si mama

"sana, kasama dyan ang bampira.." singit ni papa

"yun ang di ko sigurado..." saad ni dad "at wala namang bampira sa atin- oo nga pala.. Tama ka, sana nga"

Ang alam ko ay simula ng mawala sa sarili si lolo ay si dad na ang naghawak sa pack sa batang edad na siyam.

Dise otso sya ng kuhanin ng italya ang lolo ko para dun pagalingin, at hanggang ngayon andun parin sya.

Sana lang..

Matilda's POV

GABI na kaming nakabalik sa maynila at agad akong dumiretso sa TMG hotel na ngayon daw ay pinapatakbo ng pinsan ni triton- speaking of pinsan, sa pagkakaalala ko nag iisang anak lang ang papa ni triton? Ay baka sa side ng mama nya.

Ngumuso ako at dahil gabi na ay medyo marami ng mga tao. Agad naman kaming umakyat para makakuha ng kwarto.

Bukas na bukas kakausapin ko si elize para makuha ang number nung dating kaibigan namin.

"anung gagawin natin dito ma?" tanung ni karma

"may kakausapin na dating kaibigan si mama.." saka kinuha ang laptop para magtipa ng ireresearch.

Bukas mukhang dapat magbalik loob na ako sa gym.

Napangiti ako ng maalala yung mga panahong isinasama ako ni papa sa gym para sabay kaming magbuhat ng barbell.

Dati kasi gym trainor si papa, side line nya yun, kaya tinuruan nya ako. By age of 8 nagbubuhat na ako ng mga dumbells hanggang sa matuto ako nung barbell pero nagstop lang ako ng magkaroon na ako. Hehe. Nalaman kasi ni mama.

Lahat ng alam ng mga tungkol sa bampira ay hindi tototo.. Psh. Ni wala ngang-

Natigilan ako sa pagrarant ng may post akong mabasa.

oracles.eye.com lahat ay puro sa werewolves  at vampires.

Nanlaki ang mga mata ko sa mga nabasa kong mga impormasyon ukol sa mga werewolves, vampires, mates at oracles chu chu.

Karamihan dito ay totoo at mga narinig ko na!

Napasapo ako sa aking bibig sapagkat ilang pangalang binanggit dito ay kilala ko!

Si daddy tapos si mr maximo tapos yung mga magulang ni reese!

Napapailing kong ini-scan ang lahat ng pangalan na may mga larawan- panung nagawa ang blog na 'to ng di alam ng mga lobo?

Ang tanung buhay pa kaya ang gumawa nito?

"mama, ligo muna po kami" paalam ni karma

"okay, basta walang magtatagal ha?" sagot ko habang patuloy sa pagscan ng mga pangalan.

"halika na" dinig ko pang sabi nya

Pati pala sila triton andito! Maski si maxine at maxwell!

Lahat recorded pero teka...

Half blood si...

Napasinghap ako ng mapagtanto kung sino...

Si keaton.

Half werewolf, half vampire sya..

Napaupo ako mula sa pagkakadapa at napasapo sa bunganga ko..

Myembro sya ng konseho...

At di alam ni triton yun?!

Continue Reading

You'll Also Like

37.7K 2K 32
Sa isang lugar na malayo sa makabagong buhay matatagpuan ang palasyo ng Maganlahi. Naninirahan dito ang isang prinsesa na bukod tangi, bukod tanging...
222K 4.8K 63
Meet Xania Madrid she is one of the top notch Lawyer in the country lahat ng kasong hawak niya ay panalo never pa siyang natalo.Pero may problema the...
46.1K 1.7K 25
Kilala bilang isang taong lobo na may dugong Alpha, ang katotohanan sa likod ng katauhan ni Priscilla ay isa siyang dakip mula sa kalabang pack. Sa k...
21.9K 842 29
He forget and She remember Bad Girl Series 01 C.G