Spirits

By Slylxymndr

450K 22.7K 1.6K

Kapag ang isang bata ay tumungtong na sa edad na 12, sila ay bibigyan ng pagkakataon na pumunta sa spirit for... More

Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
Announcement
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
Announcement!!
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
New Story Teaser
43
44
:)

Part 2 Prologue

4.9K 225 3
By Slylxymndr

Nang makapasok si Kid sa portal, hindi niya akalaing ganito na kaagad ang kanyang mararanasan pagkapasok na pagkapasok niya. Naghahalo ang takot at panik sa kaniyang katawan samahannpa ng malakas at malamig na simoy ng buso ng hangin na sumasalubong sa kanya.

"Master! Masteeer!" Gigil na sigaw niya. Unti unti naman itong narinig ng kanyang master kung kaya't sumagot ito habang inaararo ang lupa na kanyang pagtatamnan.

"Bakit Kid? May problema ba?" Kaswal na sagot nito mula sa singsing. Narinig ito ni Kid kung kaya'y walang anu- ano'y sumagot agad ito.

"N-nahuhulog ako Master mula sa langit. Mamamatay ako nito pag nagkataooon!" Medyo nabubulol niyang sabo dahil sa kaba.

Nang marinig ito ni Val, walang emosyon ang kanyang mukha.

"Aah." Singhal niya.

Biglang namula ang mukha ni Kid sa narinig. Para bang wala lang sa kanyang Master na unti unti na siyang nahuhulog mula sa langit.

Halos isang segundo nalang ay babagsak na siyang tuluyan sa mapunong lugar na iyon. King kaya't mlalong kinabahan si Kid at hindi napigilang sumigaw.

"MASTER VAL!" sigaw nito at unti unti na siyang babagsak sa lupa. Halos limang metro nalang ang layo niya sa punong kanyang babagsakan.

Napapikit ito at tinakpan ang kanyang  ulo mula sa mga dahong tatama sa kanya. Hinihintay na lamang niya ang sakit na mararamdaman niya na tuluyang magbibigay wakas sa kanyang buhay.

Ngunit nagtaka siya dahil halos sampung minuto na pero hindi parin niya nararamdaman ang sakit ng kanyang katawan dahil sa mga baling buto.

Dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at nakita niya na halos maabot na niya ang mga dahon sa tuktok ng puno dahil sa sobrang lapit na niya.

Napansin niyang lumulutang siya sa ere kung kaya't nagulat siya sa nangyari.

"Hindi ko pala nasabi sa iyo, kapag pumapasok pala sa isang portal, kadalasan ay manggagaling ka sa ere at babagsak papunta sa lupa ng mundong iyong mapupuntahan. Hehe" sabi ni Val sa kanyang disciple.

Ang bilis ng kabog ng dibdib ni Kid ay hindi parin mawala kahit na unti unti na siyang bumabakgak mula sa pagkakalutang. Kinontrol ni Val ang katawan ni Kid at gumawa ng isang uri ng technique dahilan para lumutang ito.

Nang nababa na sa lupa, lubos na nanghina ang mga tuhod ni Kid na para bang natunaw ang lahat ng kanyang buto kasama ng kanyang lakas.

Walang anu ano'y pumasok si kid sa kanyang singsing at hinarap si Val.

"Bakit di mo sinabi kaagad!?" Nanginginig parin nitong sabi sa Master.

"Nakalimutan ko eh" sabi ni Val sabay kamot sa kanyang ulo at nakangiti.

"DAPAT IYON ANG UNA MONG SINABI SA AKIN! Akala ko mamamatay na. Akoo!" Sani ni kid habang maluha luha.

Lumapit si Val sa kanya at hinawakan ito sa kanyang balikat. "Mabuti at alam mo na ngayon. Sa susunod, hindi ka na magugulat at matarakot pa kapag pumasok muli tayo sa Portal". Sabi ni Val sa kanya.

Hindi mapigilan ang ngisi ni Val sa kanyang mukha ang nangyari sa kanyang disciple. Halos ganoon rin kasi ang nangyari sa kanya noon makapasok siya sa una niyang napuntahan na portal. Mabuti na lamang at nagkataong sa tubig siya bumagsak.

Binigyan ni Val si Kid ng isang pill para raw mapakalma ang kanyang sarili. Ilang segundo lang at umepekto na ang gamot at sabay silang lumabas sa singsing.

Pinagmasdan nila ang paligid nila at nakumpirma naman ni Val na hindi pa siya nakakarating sa mundong ito. Halos walang pinagkaiba naman ito sa mundo kung saan sila nanggaling kung kaya't hindi masyadong malaki ang pag a-adjustnagagawin ni Kid sa kanyang katawan.

"Ang kaibahan lang aiguro ng gubat na ito ay masyadong mabigat ang hangin dito siguro ay nasa isang bundok ka bumagsak Kid." Sabi ni Val.

Maayadong dense ang hangin doon dala na rin ng masukal at maraming puno. Ang mga punong ito ay matataas at mayayabong. Angniba ay may mga hunga na maaaring makain.

Nang unti unti nang bumalik sapagka espiritu ng katawan ni Val ay bumalik na siya sa singsing. Dahil sa essence na nasa loob ng singsing, unti unting nagkakaroon ng katawan muli si Val kapag lumabas na ito ng singsing ngunit sa limitadong oras lamang.

Sinabihan ni Val si Kid na mangalap na muna ng makakain at lugar na magpapahingahan bago magsimulang maglakbay. Sa ganitong paraan, mabulis mag adjust ang katawan ni Kid sa mga pagbabagong dulot ng mundong ito.

Unti unti nang pumitas at nanguha si kid ng mga pagkain na nasa kaanyang paligid. Ipinasok niya ito sa loob ng kanyang swintas upang hindi siya mahirapang magbitbit nito.

Nang makahanap ng pagkain, naghanap na siya ngayon ng lugar na kanyang mapagpapahingahan.

Ang mainam na lugar ay sa tabing ilog. Una ay malapit sa pinanggagalingan ng tubig at pangalawa ay mabilis na matatandaan ang lugar kung saan ka nagtayo ng iyong tent kung malapit ito sa ilog.

Ang malaking kapalit lang nito ay kadalasan ng mga hayop ay pumupunta sa ilog para uminom o kaya'y kumuha ng pagkain. Ibig sabihin ay maaaring makasalubong siya ng isang hayop o di kaya'y isang spirit beast pagpunta roon kung kaya't mabilis at maingat siyang naghanap ng isang ilog.

Marami siyang nasalubong na mga hayop at karamihan dito ay mga kuneho. Natatakam mang kumain ng karne, pinigilan ni Kid ito para makahanap na ng lugar na pagpapahingahan.

Ilang sandali pa, naramdaman ni kid na medyo basa na ang lupang kayang tinatapakan. Indikasyon ito na may malapit nang anyong tubig sa kanyang lugar. Nilibot niya ang kanyang mata nagbabakasakaling makakita siya ng indikasyon ng isang ilog.

Nang mapadpad ang tingin niya sa kanang bahagi ay nakarinig siya ng pagaspas ng tubig. Ahad niyang sinundan ang tunog at pumunta siya doon.  Dahan dahan siyang pumunta sa pinanggagalingan ng tunog ay nang hawiin niya ang mga matataas na damo ay bumungad sa kanya ang kanyang hinahanap.

Isang ilog.

"Nakakamangha ang ganda." Sabi niya nang makita ang ilog. Malinis at malinaw ang tubig. Nalos makikita mo na ang mga isda sa ilog sa sobrang linaw. Nilingon nito ang magkabilang dulo upang makasigurado na walang ibang hayop na nandoon.

Nang makasigurong wlaa siyang kasama ay agad siyang lumapit sa ilog.

Dumakot ng tubig at ininom ito.

*gulp gulp

*Phaaaa

"Napakasarap talaga ng malinis na tubig!" Aniya. Muli niyang naalala ang kanyang mga naranasan sa Spirit Forest at katulad doon, napakalinis ng ilog doon kung kaya't napakasarap inumin.

Mabilis niyang hinugasan ang mga prutas na kanyang nakuha at kinain ang mga ito.

"Hmm! Napakatamis. Masarap ang uri ng prutas na ito." Sabi niya at itinira ang mga buto nito para itanim sa loob ng kanyang singsing.

Mabilis lumipas ang gabi at naghanda na si Kid para sa kanyang pagtulog. Nagtayo siya ng maliit na 'tent' gawa sa mga malalaking dahon at kawayan na nakuha niya sa gubat.
Nagsindi siya ng isang apoy para ihawin ang mga isdang kanyang nakuha sa ilog. Nang maluto at nilantakan agad niya ito dahil nakakatukso ang amoy nito.

Agad niyang pinatay ang apoy dahil baka mapansin ito ng mga malalaking hayop o di kaya'y mga spirits pero hindi parin siya sigurado kung may nga spirits bang naandito sa mundong ito.

Kinabukasan ay tunanggal niya ang mga kalat at ang kanyang tent at itinabi sa mga matataas na damo para hindi makapansin ng atensyon ng iba.

Nilakbay niya ang bawat dulo ng ilog para malaman kung ano ang mayroon at kung saan ito naggagaling ang tubig na ito.

Inabot siya ng dalawang araw para malibot ang ilog na ito. Sa kabing dulo ay mayroong isang talon kung saan nanggagaling ang tubig na umaagos sa  ilog at hindi na niya nalaman ang nasa kabilang dilo dahil masyadong mahaba ang ilog.

Wala rin siyang nasalubong na mga Spirit beares na nakasama niya papasok dito kung kaya't ininanong niya ito sa kanyang master.

"Ganoon talaga ang palaging nangyayari sa pagpasok mo sa Portal. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit pero sa tingin ko ay para malaman mo ang limitasyon mo at para mapalakas mo ang sarili mo nang hindi humihingi ng tulong sa iba." Aniya na sinang ayunan naman ni Kid.

Ang dahilan kung bakit hiwa hiwalay sila nang makarating s mundong ito ay dahil walang katiyakan ang lugar kung saan magbubukas ang portal. Kumbaga, isa lamang ang pasukan at marami at magkakalayo ang labasan.

"Ngunit kapag dumating na ang takdang oras, makalipas ng 10 taon, muling magbubukas ang portal. Ang portal na iyon ay malalaman ng bawat bayan sa mundong ito dahil isa lang ang portal napapasukan at lalabasan ninyo." Sabi pa niya.

Nang maging malinaw na ito kay kid ay bumalik na siya sa kanyang base dahil magdidilim na rin.

Habang naglalakad soya pabalik sa kanyang lugar ay mayroon siyang narinig.

"Aaaaaaahhh!" Sigaw iyon ng isang bata.

Agad siyang tumakbo papunta kung saan nanggaling ang boses. Agad niyang sinuot ang kanyang gauntlet at sinugod ang nagtatangkang umatake sa bata. Mayroon itong hawak na dagger sa kanyang kamay na aakmang tutusok sa bata.

Tumalsik ang dugo sa paligid.

Continue Reading

You'll Also Like

6.1K 689 36
Isang Annual Harvest Month na naman ang nilahukan ni Wong Ming na siyang dinaluhan ng napakaraming outer disciple. Ano namang kakaibang karanasan ang...
564K 114K 102
Synopsis: Sa bagong yugto ng buhay ni Finn, isang panibagong pakikipagsapalaran at paglalakbay ang kanyang mararanasan kasama sina Poll, Eon, at Paul...
24.1K 1.7K 50
Nakapagdesisyon na ang batang si Li Xiaolong na gusto nitong pumasok sa loob ng isang prestirhiyosong paaralan sa Dou City, ang Cosmic Dragon Instit...
109K 11.4K 103
Si Clyde Rosario ang pinakamahinang hunter sa kasaysayan. Puro panunuya ang kanyang natatanggap. Ngunit isang insidente ang babago ng lahat. Ang mga...