Alpha's Babies (FOR EDITING)

By pooooritangsab

630K 13K 395

#Werewolf story More

Prologue:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
CHapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
EPILOGUE
author's note.

Chapter 17

16.1K 367 4
By pooooritangsab

  Triton's POV

PINAGMAMASDAN ko lang syang asikasuhin ang dalawa- dahil aminin ko man o hindi ay nahihiya akong humarap sa mga anak ko.

Tama sila..

"nais daw makilala ng konseho ang mga anak mo" pagbibigay alam ni dylan sa akin

Napatingin ako sa kanya "panung-"

"nakarating sa kanila ang pagkamatay ni reese at ang panggugulo ng mga bampira sa kanila pati ang pakikipaglaban ng mga anak mo. Pati ang mga anak ni reese"

"bakit?"

"di ko din alam, pero pwede mong kausapin ang detang pinadala nila" tumango ako saka sumunod sa kanya "dito lang ako alpha" sabi nya saka nanatili sa pinto.

"deta, anung gusto ng konseho sa mga anak ko?"

Ngumisi sya "gusto lang makita ng konseho ang mga bata wala namang gagawing masama, pwera nalang kung tao sila at walang nakuha sa pagiging lobo ng mga ama nila. Wala nga ba?"

Hinatak ko ang kwelyo nya saka inilapit sakin "sabihin mo sakanila, sa oras na malaman kong may gawin silang masama sa mga anak ko. Ako mismo ang tatapos sa malalagim na buhay nila"

"dapat na ba kaming matakot?" nanguuyam nyang wika "dahil sa totoo lang, kating kati na kaming tapusin ang pack mo.."

Hinawakan ko ang leeg nya saka sinakal sya "nararamdaman mo na ba ang katapusan mo?" saka ko tinitigan ang mga mata nyang paunti unti nang pumipikit "dahil higit padyan ang gagawin ko!"

"makinig ka triton! Walang sino mang tao ang dapat makatapak sa mundo natin at maging parte ng lahi natin!"

"pakisabi sa kanila, nagaganap na ang matagal na nilang iniiwasan. At hangga't nabubuhay ako, di ko papayagang maulit muli ang kung anu mang nangyari nang panahon nila lolo."

Ngumisi sya "ang iyong luna ay magagaya lamang sa'yong lola, habang ikaw ay pinapanuod kung panu namin sya patayin gaya ng iyong lolo.. Makikita mo ang pagkamatay nya, gaya nang kung panung pinanuod ng iyong lolo ang pagkamatay ng kanyang asawa at bunsong anak"

Agad ko syang nilusob,

"ALPHA!" agad kong naramdaman ang pag awat ng mga tauhan ko

"BAGO NYO PA MAGAWA ANG BAGAY NA YUN UUNAHAN KO NA KAYO!"


"umalis ka na deta!" pasigaw na utos ni dad

Pero ngumisi lang sya "sisiguraduhin kong mawawala ang iyong luna"

"SINUNG MAWAWALA?!" galit na tanung ni kaitou "SI MAMA?!"

Pero mas hindi namin inaasahan ang mabilis na pag atake ng isang maliit na puting lobo sa deta.

Napasigaw sa sakit ang deta ng simulang lapain ng maliit na lobo ang tyan pero maya maya ay huminto ito at bumalik sa pagiging bata- si karma.

Sinabunutan nya ang deta saka tinitigan sa mga mata "sisiguraduhin mong gagawin nyo ang planong pinagmamalaki mo, dahil kung hindi makakakita ka ng demonyo" saka sinaksak ng isang patalim sa balikat ang deta "karma jinx garcia" sabi nya habang dinidiinan ang patalim "tatandaan mo ang pangalan ko deta, dahil sa oras na magkita pa tayo ako ang magpaparanas sayo ng impyerno. At sisiguraduhin kong ikaw mismo ang hihiling ng kamatayan mo.." hinugot nya ang patalim bago naglakad pabalik at di ininda ang mga nakatingin sa kanya.

"makakaalis ka na!" malakas na sigaw ni kaitou saka sya naggrowl

  Nagmadali namang umalis ang deta pero di ko alam kung mabubuhay pa ba sya.

"pasundan mo" napatingin ako sa nagsalita- si matilda "baka mamatay sya"

"nagpapatawa ka ba? Tama lang yun-"

"di tama yun! Pasundan mo!"

"tsk. Levi, sundan nyo yun at dalhin nyo si paulo at isang zeta. Shawn, sumama ka"

"yes alpha" saka sila umalis

"eta! dix at manly, sundan nyo ang tatlo at siguraduhing makakabalik"

"masusunod alpha"

Humarap ako sa- teka? Asan na yun...

Ah...

Karga karga na nya si karma na mukhang nawalan ng malay habang si kaitou naman ay nakasunod lang sa kanila.

"alpha" napatingin ako kay keith na isa sa mga zeta ko "kung di mo mamasamain, nais naming malaman kung bakit nasabi yun ng deta?"

"di ko din alam"

"masyadong malakas ang loob nya upang kalabanin ka" dagdag pa nya

"maganda naring di mo sya pinuruhan" napatingin kami kay xian "naalala mo ang batas? Kapag sinaktan ng alpha ang isa sa myembro ng pack ng konseho ay ipapatay"

"at dahil hindi ang alpha ang gumawa kundi ang anak nya, walang kaso yun tama?" tanung ni dylan

"anu bang dahilan kung bakit andito ang deta?" tanung ni angela na isang mu

"nais daw makita ng konseho ang mga anak ni alpha at reese" sagot ni dylan

Tumingin sakin si angela "masama ang kutob ko alpha.."

"ako rin" pag sang ayon ko

"para saan at nais ng konsehong makita ang mga bata?" tanung ni calvin na isang sigma

"nais nilang malaman kung puro lobo ba o may tao-"

"tao lang reina" singit ni thea na isang rho "panu sya alpha?"

Napatiim bagang ako "di ko alam, ipapatay sya ng konseho kapag nakita sya"

"di natin pwedeng hayaan yun, maaga mang umalis sa ating pack si reese parte parin natin sya. Isa din syang magaling na zeta" pagpapaalala sakin ni keith

"alam ko" sabi ko "pero di ko alam kung panung matatakasan ng bata ang kapalaran nya sa konseho"

"pag usapan natin ito mamaya alpha" suhestyon ni danielle bago naglakad palayo

Nagtanguan kami bago naglakad papasok.

Ako nama'y dumiretso sa silid ng kambal.

Mukhang kasama nila ang mga anak ni reese at ang mga nanay nila.  

  Kumatok ako ng ilang beses bago buksan ang pinto.

"ay sige matilda, labas muna kami-"

"walang lalabas. Gusto ko sanang makausap kayo sa harap ng mga bata"

"ano yun?" tanung ni matilda

"nais ng konsehong makita ang mga bata"

"h-ha?"

"konseho?"

"oo, anabeth, konseho.. Nais nilang makita ang mga bata upang malaman kung puro lobo silang apat."

"ah yun lang pala" sabi ni matilda

"oo, pero ang alam ko, papatayin ang tao.."

"ayan lang pala eh" sabi ni matilda

"tao lang si reina" napatingin sila sakin "oo, may dugo ni reese na nalaytay sa katawan nya pero di sya gaya ng kapatid nya na kayang mapalit anyo"

"a-anung ma-mangyayari sa anak ko?"

"kailangan natin syang itago" sabi ko   

  "imposible" napatingin kami kay kaitou "alam na nila ang bawat plano mo. Kaya imposible magiging successful yan"

"is that so? Ano bang plano mo?" tanung ko

"patayin si reina" napatingin kaming lahat kay karma "yun ang mangyayari"

Napatingin ako sa batang babae na mukhang papaiyak na "ayaw ko.."

"pero kailangan, para mailigtas ka" pangungumbinsi ni kaitou

"bakit po ba gusto nilang patayin kapag di isang ganap na lobo?" tanung ng binatilyo

"nung panahon ng lolo ko, naganap ang pang malawakang patayan ng mga tao at lobo- or should i say pinagpapatay ang mga taong lobo ng mga tao.

Marami ang namatay dito, hanggang sa malapit nang sumapit ang extinction. Kaya nga malaki ang galit ng mga kalahi namin sa mga tao. Pero hindi si lolo, he fell for a human girl na dating kaschoolmate nya bago pa magkabukingan sa existance ng mga werewolves. Dun lang din nalaman ni lolo na sya ang mate nya, nagalit kay lolo ang mga magulang nya pero syempre di nagtagal pero nang malaman ng konseho ay di sila natuwa. Pero nanahimik muna sila. At wala silang ginawa. Pero ng maipanganak si dad, dun nagsimula ang lahat. Ang alam ko, halos ang konseho ang nagpalaki kay dad. Dahil nung 8 years old sya, pinatay sa harap ni lolo si lola at ang kapatid nyang bunso. Na isang tao lang. Ganun kasi yun, may circumstance kasi na ang panganay makuha ang pagkalobo ng ama gaya nyo at ang bunso hindi" nakita ko namang nagtinginan ang dalawang anak ko


"bakit kami parehas lobo?" tanung ni kaitou

"kambal kasi kayo pero kapag magkapatid kayo," umiling ako "tao nadin sya"

"oh sya sya, papatayin natin si-" natigilan sya ng batukan sya ng kakambal "araw!"

"galit ka ba sa mga tao?" tanung ni karma

Galit nga ba ako? "hindi, siguro?"

"ba't di ka sigurado?" tanung ni matilda

"dahil..."

"nahihiya syang sabihin sayo, mama."

Anak ng-

"alpha?" dugtong pa ni kaitou sa sabihin ko sa ISIP KO

Ngumisi sya "ma, mahal ka daw nya"

"wala akong sinasabi"

"nakikita kong iniisip ng isang parte ng utak mo" sabi nya "pero di ka namin hahayaan!"

"ha?"

"gusto mo maging okay kayo ni mama?" tinaasan ko sya ng kilay "pwes hindi!"

"teka nga! Ba't napunta dyan ang usapan?! Si reina ang usapin dito! Di ako!"

"tsh! Tama si mama. Di ba gusto mong itago si reina? Naisip ko kasi ano ba ang konseho?" tanung ni karma

"konseho? Sila ang pinaka mayamang pangkat ng lobo sa buong mundo. Lahat sila purong lobo at lahat ay kayang pumatay ng walang pangdadalawang isip. Kahit kapwa nila lobo"

"ano bang pinagkaiba natin sa kanila?"

"ano? Mmm, pinapakinggan sila ng lahat ng alpha, pati ang pinaka mataas ng alpha nakikinig sa kanila" sagot ko

Nagtinginan silang dalawa bago bumaling sakin- dahilan upang manlaki ang mga mata ko.

"are you kidding me?" umiling silang dalawa, napamaang ako "you want me to- pfft. No"

"c'mon!" sabi ni kaitou "para matapos na 'to at wala nang gaya ni reina ang kailangang itago, wala nang gaya ng lola mo ang mawala!"

Huminga ako ng malalim "tama naman kayo pero-"

"natatakot ka?"

Umiling ako "hindi, problema lang yun!"

"tsk" sabi nya "duwag ka, di ba ma? Duwag"   

  "tsk. Di mo naiintindihan, di tayo pwedeng pumalit sa konseho dahil di pa handa ang mga kasamahan natin ni di pa nga tayo kasing lawak ng pangkat nila." bumuntong hininga ako "kailangan natin ng maraming myembro at kai-"

"edi ang mga taong kagaya mo na nakapangasawa na normal kagaya ni mama" sabi ni karma

Ngumisi ako "maganda yan, kung alam natin kung nasaan ang mga yon. Dahil gaya ni reese nagsipagtaguan na sila"

Huminga sila ng malalim at inis na ginulo ang mga buhok "AHHH!!!!"

"okay na okay na, dalawang plano ang gagawin natin. Una yung sa konseho, pangalawa kay reina. Okay na?" natigilan silang dalawa bago ngumiti

"OKAY!"

"pero di tayo bati ah?" paalala ni kaitou "galit padin kami"

"psh. Oo na, galit padin kayo.."

"good" saka humarap kay reina "rein, wag kang mag aalala di namin hahayaang saktan ka nila. Dahil kapag saktan ka nila, uubusin natin sila. Ha?"

Tumango yung bata "okay, kai. Nagtitiwala ako sainyo nila kuya."  

Continue Reading

You'll Also Like

5.8K 164 23
Isang masakit na surprisa ang bumulaga kay Carlyn sa birthday party ng isang kaibigan. Sinundan pa 'yon ng isang aksidenteng walang sinumang may gust...
848K 22.1K 32
BOOK 1: Unwanted Series ''Anong?! sa gwapo kong 'to! mukha akong kapre?!'' Loko itong aswang na 'to, tawagin daw ba akong kapre? ''Bakit ba para ka...
461K 12.9K 73
I am living a normal life until one tragic accident happened that kills the life of many and brought me to an unknown world of Eos. I am not sure if...
946K 25.9K 42
Surrounded by all kinds of dangerous men, I was then announced to be, "SOLD!" To an Alpha... ----- This is a Tagalog story. Walang masyadong plot twi...