Melting Ice Princess 3

By jaysanj

1.5M 61.2K 27.9K

Si Zap at Kriza ay hindi mapaghiwalay nung bata pa lang pero habang lumalaki ay hindi matanggap ni Kriza na m... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Epilogue
Special Chapter: Welcome back Zaparta
Special Chapter: Reyes Battle
Special Chapter: Tyrant Torres
Special Chapter: Eloiza Martinez
Special Chapter: Unexpected Couple
Special Chapter: Cat vs Dog
Special Chapter: Queen Part 1
Special Chapter: Queen Part 2

Chapter 5

17.1K 737 431
By jaysanj


Zaparta's POV

Isang linggo simula nung dumating na ang mga seniors at sinimulan ang pagpapahirap samin sa training. Kasama namin sa Blue team sina Amaya, Delta at Sierra habang sa Red team ang team nila Faith nung nakaraan kasama sina Apple at Courtney. Sa kanila din si Lulu na ikinagulat ng madaming na nandito pala ang anak ng NBA player na si Mama Japan. Kasama si Lulu na lumaban sa West Team kaya hindi namin sya nakita nung nakaraang araw.

At bago naman dumating ang mga seniors, naglaro pa ulit kami dahil hindi naniniwala ang mga kasamahan namin na mas magaling ako kay Kriza at pinilit akong makipaglaro sa kanila. Pumayag na lang ako dahil hindi talaga nila ako tinantanan noon pero hindi na sumali samin si Kriza sa paglaro. Lahat ng laro ko sa kanila, ang team ko palagi ang nananalo. Hindi ko naman binubuhos lahat ng galing ko, sakto lang para matalo sila. Ayoko na madagdagan ang gustong kalabanin at talunin ako. Sapat na sakin si Kriza lang.

"Nine hundred eighty seven!" sigaw ni Sakura, ang taga bilang sa mga ginagawa namin. Ngayon, ang ginagawa namin ay mag-sit ups.

"Kaya ninyo yan girls!" pagche-cheer ni Rian. Nakangiti ito samin. Si Rian pinakamabait sa mga seniors.

"Hi-hindi ko na kaya!" sigaw ni Marceline pero patuloy naman sa pag-sit ups.

"Ano gusto mo Marceline? Mag-squat ng isang oras o tiisin ang natitirang bilang?" nakangiting sabi ni Lori. Nakabantay ito kay Cleo na naparusaan sa pagtigil sa pag-sit ups kanina. Yun ang parusa kapag hindi tinuloy ang pag-sit ups. Nung una walang librong hawak pero kapag umalis sa pwesto ay dadagdagan ng libro. Tatlo sa magkabilang kamay na ang hawak ni Cleo ngayon.

"Shit." mura ko na lang dahil ang sakit na ng tiyan ko. Grabe magpahirap naman kasi itong mga seniors. Sa loob ng isang linggong training namin sa kanila, never kaming humawak ng bola. Puro basic exercise ang ginawa namin tapos puro one thousands ang bilang.

"Bilisan ninyo, aba! meron pa tayong isang gagawin!" sigaw ni Sakuno.

Nakarinig naman ako ng mga mura sa mga ibang kasamahan ko. Kahit ako mapapamura dahil nakakapagod ang ganito. Buong araw talaga sa training, pagod na pagod kami pagkatapos. Pahinga na lang namin yung tulog sa sobrang pagod. May rest day naman kami pero every after two days naman 'yon at mabuti na lang bukas na 'yon. Makakapagpahinga na kami ng matagal.

"Kaya mo yan." sabi ni Stace na nasa harapan ko. "Magkaka-abs ka nyan."

"Me-meron na ako non." sabi ko.

"Nine hundred ninety one!" sigaw ni Sakura.

"Weh? patingin." hindi na ako nakaangal sa kanya dahil itinaas nya ang damit ko. "Wow, may abs ka nga." sabi nya habang titig na titig doon.

"Patingin, patingin." napatingin ako kay Lori na lumapit samin. "Wow Zap, sexy natin ah?"

"Grabe ngayon lang ninyo nalaman na may abs si Zap?" sabat naman ni Sakuno.

"Bakit alam mo?" tanong ni Stace.

"Oo, minsan na namin sya nakasabay maligo. Wala nga syang dibdib eh, 'di ba Sakura?" sabi ni Sakuno.

"Hoy!" sigaw ko bigla dahil sinabi nya 'yon. Natawa naman ang lahat.

"Oo nga 'no." napatingin ako kay Stace na itinaas ang damit ko. Mabilis ko naman ibinaba.

"Bwisit kayo!" lalo silang natawa. Nahiya naman ako. Eh anong magagawa ko kung flat chested ako?

"Dapat kasi pinapahimas mo yan kay Kriza eh." sabi ni Marceline.

"Marceline!" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Namula ang mukha ko nang tumawa na naman silang lahat. Aba nakalimutan na nilang nasa training kami?

"Baka kasi si Zap yung naghihimas kay Kriza. Ang laki ng dibdib ni Kriza 'di ba?" sabat ni Amaya.

"Hindi ah!" sigaw ko. Mali ata ang ginawa kong 'yon dahil lalo silang natawa. Jeez, pinagtri-tripan ako ng mga 'to!

"Tama na yan. Ituloy na ninyo ang training." sabi ni Jacky. Nakatingin lang kami sa kanya. Napataas ang kilay nya. "Ano? gawin na ninyo kung ayaw na ninyong sabihin ko kay coach Ella na hindi kayo nagtra-training."

"Sungit talaga nito." bulong ni Stace.

"Himasin mo kasi para hindi magsungit." sabi ni Sakura.

"Ayaw ngang magpahimas eh." nakangusong sabi ni Stace. Nakatingin lang ako sa kanya na nagtataka.

"May something ba sa inyo ni Jacky?" tanong ni Marceline.

"Secret!" sabi ni Stace. Nakangiti naman ang ibang seniors.

Halata naman sila. Nakakagulat lang na may something fishy pala ang dalawang ito. Hindi na iba sakin ang magkaroon ng karelasyon na babae dahil napapalibutan ako ng ganon.

"Ituloy na ninyo ang training!" sigaw ni Jacky na ikagulat namin.

"Oy kilos!" sigaw naman ni Sakura. Natawa ako ng bahagya dahil mukhang natakot ang mga seniors kay Jacky. Nagsibalikan sila sa mga pwesto nila pero si Stace pinuntahan si Jacky.

"Hindi ako makapaniwala na may something sa kanila." bulong ni Marceline sakin.

"Ako din." sabi ko.

Pagkatapos ng training namin at kumain ng hapunan. Pumanik na ako sa kwarto para makapagpahinga na. Wala si Kriza sa kwarto nung madatnan ko pero may naririnig akong kaluskos ng tubig sa banyo. Lagi ko na lang syang naaabutan na naliligo. Kumuha na lang ako ng susuotin ko.

Lumabas ng banyo si Kriza pero hindi nya ako pinansin at dumiretso lang sa gamit nya. Ganito kami palagi ni Kriza. Kung kumilos kami parang wala kaming kasamang tao. Hindi nag-iimikan.

Mabilis lang ako naligo dahil gusto ko ng humilata sa higaan. Sa isang linggo namin magkatabi sa higaan ni Kriza, hindi ko na naiisip na katabi ko sya dahil sa sobrang pagod ko para isipin pa 'yon. Nakakatulog din kasi ako agad.

Nakangiti akong natulog dahil makakapagpahinga na din ako sa wakas. Pero parang isang oras pa lang nakakalipas nang makarinig ako ng katok sa pintuan. Tumingin ako sa digital clock ko at napaungol dahil ala singko pa lang ng umaga. Sino naman kayang peste ang gigising sakin sa araw ng pahinga?

Inis na naglakad ako patungo sa pintuan at binuksan ito. Gusto ko sanang sigawan ang kumakatok nang mapansin ko na ang dalawang coach pala ang kumakatok.

"Bad morning eh?" nakangising sabi ni coach Avey.

"Mukhang nakalimutan mong wala kang rest day, Zap." napafacepalm ako dahil sa sinabi ni coach Ella. Oo nga pala, wala akong rest day dahil sa rest day, trinatrain ako ni coach Ella. Ang oras lang ng pahinga ko ay pagkatapos ng training ko sa kanya ng alas tres ng hapon.

"Sorry, sobrang napagod lang kahapon." sabi ko.

Nagkatinginan ang dalawang coach. Sa pagkakaalam ko may trinatrain din si coach Avey sa successor nito na magiging kapartner ko na hindi ko alam kung sino. Sa tuwing tinatanong ko si coach Ella kung sino, hindi nya sakin sinasabi.

"Sige, hahayaan kong magpahinga muna kayo. Start ng training natin ay mamayang alas nueve pero alas tres pa din ang tapos. Gigisingin na lang namin kayo sa oras na tulog pa din kayo mamaya." sabi ni coach Ella.

"Thank you." nakangiting sabi ko. Makakapagpahinga pa ako ng ilang oras.

Nahiga agad ako sa higaan pagkaalis ng dalawang coach. Tumingin ako kay Kriza na hindi man lang nagising kanina. Nailing na lang ako at natulog. Pero parang isang oras pa lang talaga nakakalipas nung makarinig ako ng tumatawag sakin at yumuyugyog sakin. Bitin sa tulog!

"Mag-ayos ka na." sabi ni coach Ella nang magising ako. Tumango ako.

"Kriza, baby, gising na." napatingin ako sa gilid ko. Ginigising ni coach Avey si Kriza.

"Simula ngayon, sasanayin na namin kayo ni Kriza na magkasama." sabi ni coach Ella na ikatingin ko sa kanya.

"Wait, si Kriza ang successor ni coach Avey?" tanong ko. Nakangiting tumango ito. Napaface palm ako. Mukha ba kaming magkakasundo ni Kriza? ano ba 'to? seryoso ba sila sa sinasabi nilang successor o gusto lang nilang magkaayos kami ni Kriza?

Nasa gym kami ngayon ng boys. Rest day din ng boys kaya pwede naming gamitin ito. Wala kasing pwedeng makaalam na trinatrain kami ng dalawang coach kaya minsan dito kami nagtra-train ni coach Ella.

"Okay, maglalaro muna tayo. Titignan namin kung ano ang natutunan ninyo sa isang linggong training ninyo." sabi ni coach Ella.

Gusto ko sanang sabihin na wala kaming natutunan dahil hindi naman kami humawak ng bola at puro lang kami basic exercise.

"Makakalaban po namin kayo?" tanong ko.

"Hindi. Makakalaban natin ang mag-ina." sabi ni coach Ella. Akala ko sasanayin nila kami ni Kriza na mag-team up? "Tapos mamayang second game, kayo naman ni Kriza ang magkakampi."

"Syempre, ang boring kung walang thrill." tumaas ang balahibo ko sa sinabi ni coach Avey. Hindi manganda ang kutob ko sa thrill nya. "Ang matatalo ay magiging slave ng isang buwan ang nanalo. Easy 'di ba?" nakahinga naman ako ng maluwag na ganon lang naman pala 'yon.

"Warm up na kayo." sabi ni coach Ella. Lumayo naman silang dalawa ni coach Avey.

Tumingin ako kay Kriza na parang wala lang sa kanya na magkakateam up kami. Okay lang sa kanya 'to?

Ilan minuto kaming nag-warm up ni Kriza bago kami tawagin ng dalawang coach.

"Let's start. Seryosohin ninyo ang larong ito huh?" sabi ni coach Avey saming dalawa ni Kriza.

"Oh gusto mo pala ng seryosohan huh." sabi ni coach Ella na ikatingin sa kanya ni coach Avey.

"It's been a years, Ella. Gusto kong maglaro ulit ng seryoso." sabi ni coach Avey.

"Okay, siguradong matatalo ka ngayon. Remember, maaga kang tumigil sa paglalaro ng basketball lamang ako, last two years lang ako nag-retire." sabi ni coach Ella.

"Hindi kumukupas ang galing ko, Ella." sabi ni coach Avey. Nakakaramdam naman ako ng tensyon sa paligid. "Remember din, never kang nanalo sakin."

Nagulat naman ako don. Hindi pa nananalo si coach Ella kay coach Avey? Akala ko mas magaling si coach Ella dahil MVP ito ng panahon nila.

"Katulad nga ng sabi mo ilang taon na rin simula nung huling seryosong laro natin. Nineteen years old pa lang tayo ang pinakahuling laro natin." nagulat na naman ako dahil sa sinabi ni coach Ella. Ilan taon na sila ngayon? forty something na tapos nineteen years old pa ang huling seryosong laro nila?

"Oh tignan natin." nakangising sabi ni coach Avey. Sa tingin ko magiging sagabal kami ni Kriza sa laro nila.

"Tapos na kayo?" napatingin kami sa nagsalita.

"Tita Kill!" mabilis na lumapit ako kay Tita Kill at niyakap ito. Mas nauna pa ako sa anak nya.

"Hindi halatang namiss ako?" nakangising sabi ni Tita Kill. Lumayo naman ako sa kanya. "O namiss mo lang ako─"

"Syempre naman namiss ko kayo!" putol ko sa sasabihin nya. Alam ko ang sasabihin nya, ayokong marinig 'yon ni Kriza. Lalo akong kakamuhiin nito kapag nalaman nyang natatalo ko si Tita Kill.

"Anong ginagawa mo dito Hon?" tanong ni coach Avey na mukhang hindi inaasahan na nandito ang asawa nya. Lumayo na ako ng konti dahil lumapit si Kriza kay Tita Kill. "Ang mga bata?"

"Kasama ko. Namiss nila kayo kaya gusto nila kayong puntahan dito pero kasama sila ni Kuya Kyle." sabi ni Tita Kill. "Hey ice princess." hinawakan ko ang bibig ko para hindi nila makitang napangiti ako sa tawag ni Tita Kill kay Kriza.

"Iba talaga ang nagagawa ng anak ng may ari ng camp." sabi ni coach Ella. "Hindi pa Visitor's Day pero dumadalaw na."

Nakitbitbalikat lang si Tita Kill. "Maglalaro kayo 'di ba? umpisahan na ninyo. Ako magsco-score."

"Let's start." sabi ni coach Avey.

"Good luck." sabi ni Tita Kill. "Sana manalo kayo kay Avey." natawa si coach Avey sa sinabi ni Tita Kill.

"Kahit pagtulungan nila ako, hindi sila mananalo sakin. Miski ikaw hindi ako matalo talo." ilang beses na ba ako nagugulat ngayong araw? hindi matalo ni Tita Kill si coach Avey?

WTF.



Kill's POV

Pinagmasdan ko ang bawat galaw ni Kriza habang pilit na kumakawala kay Ella. Hindi din naman nya maipasa kay Avey ang bola dahil binabantayan din Zap si Avey.

Ang dalawang ito, si Ella at si Avey, pinaglalaruan lang nila ang dalawa.

Nauubusan na ng oras si Kriza kaya itinapon na lang nya ang bola sa ring. Sabay na tumakbo si Avey at Zap para mag-rebound. Walang laban si Zap kay Avey pagdating sa rebound, isa sa dahilan na mas matangkad si Avey sa kanya at kaya mataas tumalon si Kriza dahil namana nya ito kay Avey.

Pagkakuha ni Avey ng bola ay agad din sya tumalon para itira ang bola pero napigilan sya ni Ella. Mabilis na inilabas ni Zap ang bola na ngayon ay nagkaharap na silang dalawa ni Kriza. Pinanood ko sila ng maigi. Tumigil sila sa pagkilos pero parehas silang naghahanap ng paraan kung paano makawala at makuha ang bola.

Kumanan si Zap na sinundan ni Kriza pero tumigil si Zap at pinadaloy ang bola sa likuran nya papunta sa kaliwang kamay. Nag-step right si Zap na sinundan ni Kriza pero dumaan sa kaliwa si Zap. Sinundan agad sya ni Kriza. Hindi tumigil si Zap hanggang makarating sya ng ilalim. Hindi sya nagpapigil kahit na kasabay nya lang si Kriza. Naglay up si Zap at sinundan ng talon ni Kriza. Nakatingin sa ring si Zap pero ibinaba nya ang bola at ipinasa kay Ella na nasa likuran nya. Si Ella ang imiiscore.

"Nice pass, Zap!" sabi ni Ella.

Pinagmasdan ko muna sila bago ko ibahin ang score nila Ella. Tinignan ko ang scoreboard. 19-20, mas lamang sila Ella. May sampung minuto na lang silang natitira sa first half nila.

Sa tingin ko pinaglalaruan ng dalawa sila Kriza sa first half para sa second half, doon na nila seseryosohin. Hindi pa ipinapakita ng dalawa ang totoong galing nila. Hindi ko alam kung may balak nga ba silang ipakita iyon sa dalawa o balak nilang ituloy ang laban nila ni Avey. Matagal na din nung huling naglaban ang dalawa.

At hindi nga ako nagkamali, sineryoso na nila ang laro pero silang dalawa lang ang mukhang naglalaro dahil yung dalawang bata mukhang taga kuha lang ng bola dahil pinapasa agad nila sa dalawa. Mukhang napansin din nila na magiging hadlang lang silang dalawa sa dalawang seryosong naglalaro.

Nang hindi na nakakahawak ang bola ang dalawang bata ay pinaalis ko na sila sa court. Magiging sagabal lang sila at masasaktan pa sila.

"Grabe, nakalimutan na kami." sabi ni Zap habang nakatingin sa dalawa na seryosong naglalaro.

"Mom, ganyan ba talaga si Mama maglaro?" tanong ni Kriza. Tutok na tutok sya sa galaw ni Avey.

"Oo, si Ella ang pinakarival nya sa lahat na nakalaban nya. Kaya dyaan ninyo makikita kung gaano kagaling ang Mama Avey ninyo." miski ako hindi ko matatalo ang asawa ko. Natalo ko sya sa unang laban namin pero alam kong hindi pa 'yon ang buong lakas nya. Alam ko din naman na sa tuwing magkalaban kami ni Avey, hindi nya binibigay ang lahat. Isang beses lang sya nagseryoso sakin at doon ko nalaman na sobrang layo ng agwat namin.

"Edi mas magaling po si coach Ella kaysa sa inyo?" tanong ni Zap.

"Oo, dati pero habang tumatagal ay mas lalo akong gumagaling sa kanya." amin ko.

Unang laban namin sa kanya kasama ang Miracle, nagagawa nya akong pigilan. Nahirapan ako sa kanya noon pero mabuti na lang ay nakakaya ko pang maglaro. Hanggang sa kayang kaya ko na syang talunin na minsan ay natatalo nya pa rin ako.

"Woah." napatingin ako kay Zap.

Ang batang ito, sumusunod sya sa yapak nila Avey. Bukod kay Ella, sya lang din ang kaya akong talunin. Nagawa nya din talunin si Japan na nangunguna ngayon sa larangan ng basketball. Si Alexa na best player din dito sa pilipinas ay natalo nya.

Hindi man sila magkadugo ni Zoe, namana ni Zap ang pagiging deteminasyon ni Zoe sa basketball. Plus pa na tinuturuan ni Zoe si Zap. Sa tingin ko nga, kung hindi naputulan ng kanang braso si Zoe, isa din sya sa nakatalo samin at sigurado akong goal nyang talunin si Ella o Avey at si Steph.

Si Steph na isa ding kilalang basketball player. Nasa America sya ngayon at doon naglalaro. Hindi ko pa sya nakakaharap, ewan ko kung bakit ayaw ako non kalabanin. Niyayaya ko 'yon pero ayaw nya. Pero si Ella nakalaban na daw nya si Steph at sinabi nyang muntik na syang matalo ni Steph.

Madami ng magagaling na basketbolista ngayon. Kasama na ang dalawang ito at ang taong tatalo sa dalawang ito.

Inakbayan ko ang dalawa. Nakatingin kaming tatlo sa naglalaro.

"May isang taong kayang talunin si Avey." napatingin sakin ang dalawa. "Nasa Miracle sya. Kaya kung ako sa inyo, pagbutihan ninyo ang training ninyo dito dahil kayang kaya kayong talunin ng taong 'yon."



Zaparta's POV

Grabe, ang hahalimaw naman ng dalawang ito. Ang intense ng laban nila, walang nagbibigayan o pinapalusot. Pinaalis na nga kami ni Tita Kill dahil mukhang nakalimutan na kami nila coach. Para silang mababangis na tigre.

"Kulang ang kalhating oras sa kanila." sabi ni Tita Kill.

"Eh? hindi po ba sila mapapagod nyan?" tanong ko. Ang intense kaya ng laro nila.

"Mukhang hindi pa pinapakita sa inyo ang totoong training dito sa camp." sabi nya.

Hindi pa ba 'yon ang totoong training? pagod na pagod na nga kami pagkatapos non.

"One month before Cup, makikita ninyo kung ano ang practice na ginagawa ng mga seniors ninyo."

Ibigsabihin, may malalang training pa ang mangyayari samin dito. Kaya pala wala talagang nakakatalo sa Dragon Empire. Sana kayanan ko 'yon.

Pagkatapos ng laban nila coach hindi muna kami naglaro dahil naubos ata nila ang lakas nila sa isa't isa. Ang nanalo sa kanilang dalawa ay si coach Avey. Unbeatable talaga si coach Avey, sa kwento palang ni Tita Kill ay humanga na ako sa kanya. Kung dati si Tita Kill ang idol ko, ngayon si coach Avey na. Parang gusto ko din syang makaharap pero hindi muna sa ngayon, alam kong matatalo lang ako ngayon kaya pag-iigihan ko muna lalo na ang sinabi ni Tita Kill kanina na may isa pang taong mas magaling samin ni Kriza at kayang talunin si coach Avey na miyembro ng Miracle.

Pero bago yon...

"Kayong dalawa muna ni Kriza ang maglaro." sabi ni coach Avey.

Napangiwi ako. Yung anak nya ang problema ko.

"Dadagdagan ko ang thrill ko sa inyo para naman seryosohin ninyo talaga ang laro. Pagsisilbihan ng natalo ang nanalo kasama na don ang ipagluluto sya ng pagkain sa loob ng isang buwan. Plus, sasayaw sya sa harap ng seniors at rookies." sabi ni coach Avey.

Nagitlang ako. Sasayaw? hindi ako marunong sumayaw!

"Ma naman." sabi ni Kriza. Parehas kasi kaming hindi marunong sumayaw.

"Oh bakit? angal ka?" mataray na sabi ni coach Avey sa anak nya.

"Wala po." akala ko pa naman may magagawa syang pigilan ang Mama nya pero wala din pala.

"Mamaya din agad ang sayaw pagkatapos ng laro natin. Tapos meron pa."

"Meron pa?" sabay na sabi namin ni Kriza. Nagkatinginan kami pero umiwas din agad.

"Oo, meron pa." nakangising sabi ni coach Avey. "May isisigaw kayo sa harap nila pagkatapos sumayaw, kung ano ang isisigaw ninyo ay sasabihin ko pagkatapos at asahan na ninyong nakakahiya 'yon kaya kailangan ninyong seryosohin ang laro."

Shit, iba talaga ang feeling ko kapag may thrill na sasabihin si coach Avey. Hindi rin ata maganda ang huling gagawin namin kung sakali.

"Okay game! ibuhos ninyo ang galing ninyo at ipakita din ninyo ang natutunan ninyo sa training." sabi ni coach Ella.

Gusto ko sanang sumagot na hindi pa naman kami humahawak ng bola sa loob ng isang linggo. Puro stamina roll ang ginawa namin.

Magkaharap kami ni Kriza. Ngayon lang ulit kami nagkatinginan na dalawa. Nanghahamon ang mga tingin nya at mukhang ayaw magpatalo. Lamang ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Sayo na." sabi nya at pinasa sakin ang bola.

Drinibble ko ang bola. Napansin ko na medyo malayo sya sakin kaya naman tumalon ako para itira ang bola pero mabilis din syang nakatalon. Nakaharang agad ang kamay nya sa ring.

Hinawakan ko ang bola ng mahigpit sa kanang kamay ko at hinagis ang bola sa side. Pagkalapag ko sa sahig ay tumingin ako sa ring. Pasok. Napangiti ako pero nawala din agad nang tignan ako ni Kriza na walang emosyon.

Shit.

Kinuha nya ang bola at nag-dribble. Humanda naman akong pigilan sya. Bumilis ang pagdribble nya at mabilis din kumilos pero sinasabayan ko ang bawat kilos nya. Hindi sya makalagpas sakin.

Biglang pumito si coach Avey at hingal na tumigil naman kami ni Kriza. Inis na pinasa sakin ni Kriza ang bola. Hindi ko naman agad nasalo 'yon kaya nasaktan yung dibdib ko.

"Nice one, Zap!" sigaw ni coach Ella.

Ngumiti naman ako ng alanganin sa kanya.

Nagpalit kami ni Kriza ng pwesto. Sya na ngayon ang nagbabantay sakin at sobrang dikit nya magbantay sakin. Dinidribble ko ang bola habang nakatalikod sa kanya para hindi nya makuha ang bola sakin. Ginigitgit ko sya para makaambante pero sadyang malakas si Kriza at hindi sya natitinag.

Nag-isip ako ng plano bago pa maubos ang oras ko katulad sa kanya. Habang nag-iisip ay naalala ko ang napanood ko sa facebook na trick kapag ganito ang position nasa ilalim. Hindi ko sure kung magagawa ko pero sa totoo lang, isang bagay ang tinuro sakin ni Ate Zoe kaya walang palya ang mga tira nya. Yun ay ang mga kakaibang tricks sa pag-shoot ng bola sa ring.

Madiin kong drinidribble ang bola sa kaliwang kamay ko. Malakas kong pinatalbog ang bola. Hindi ko 'yon sinalo, hinayaan ko lang 'yon tumalbog, umikot ako pakanan at tumalon na para bang magshoshoot ako ng bola, nakasunod naman sakin si Kriza at tumalon din sya na para iblock ang bola na nasa likuran lang nya at pumasok sa ring.

Hindi ako makapaniwala na nagawa ko ang trick na 'yon. Napa-'yes' ako at sana navideohan yung moves ko na 'yon para ipakita kay Ate Zoe.

"Wow! Ang galing mo Zap!" Sabi ni coach Avey. Ngumiti naman ako.

Tumingin ako kay Kriza. Nawala ang ngiti ko nung makita syang masama ang tingin sakin. Patay.

Nasa gilid kami ng stage ng gym habang hinihintay dumating ang mga seniors at rookies. Pagkatapos ng laro agad tinawag ni coach Ella ang seniors at rookies para sa gagawing parusa. Habang pagod na pagod kami ni Kriza na nakaupo sa hagdanan ng stage pero magkalayo kami. Nasa itaas sya habang nasa huling palapag ako.

"Anong kantang patutugtugin ko?" Tanong ni coach Avey habang nakangiting nang-aasar.

"Spaghetti pababa pataas." Sabi ni Tita Kill na nakangiti din na nang-aasar.

"Tama. Sige." Agad na umalis si coach Avey kaya hindi na ako nakaangal.

Natalo ako ni Kriza. Actually, hindi nya ako totally na natalo dahil nadulas ako sa huling tira ko kaya hindi pumasok yung bola at naubos ang oras. Lamang sya non kaya sya ang nanalo pero hindi nya tanggap na natalo nya ako dahil sabi nya mananalo ako kung hindi ako nadulas. Ayaw na lang tanggapin na nanalo na sya sakin.

Nagsidatingan na ang mga teammates namin. Nung una may inannounce sila coach kaya natagalan pa bago ako parusahin.

"Handa ka na." Sabi ni Tita Kill.

Kinakabahan naman ako dahil sasayaw ako sa harap nila. Hindi pa naman ako marunong sumayaw at nahihiya ako kapag madaming manonood. Nakaka-tense lang masyado.

Lumapit samin si coach Avey. Pinapapunta na nya ako sa stage pero hindi ako umakyat. Nahihiya ako at kinakabahan. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako sasayaw sa harap ng madaming tao. Mapapahiya lang ako at pagtatawanan ng mga 'yon dahil hindi talaga ako marunong sumayaw.

"Dalian mo na." Pagpupumilit ni coach Avey. "Kapag hindi ka pa pumunta doon, dadagdagan ko ang parusa mo."

"Eh kasi naman eh." Maktol ko pero tinarayan lang ako ni coach Avey kaya naman dahan-dahan na akong naglakad paakyat sa stage.

Kita sa mukha ng mga kateammates ko kung bakit nasa stage ako.

"Sasayaw ka Zap?!" Sigaw ni Sakura na ikatawa nila. Namula ang mukha ko sa hiya.

Maya-maya tumugtog ang nirequest ni Tita Kill. Nagsitawanan na naman sila habang ako nakayuko at nahihiyang kumilos.

"Ayusin mo ang sayaw mo Zap!" Rinig kong sigaw ni Math.

"Go Zap!" Cheer nila pero pinagtatawanan ako. Galing 'no?

Sobrang pula ang mukha ko buong kanta at nakayuko. Tawa naman sila ng tawa at kinakatyaw pa nila ako. Sigurado akong may video ako nito. Bwisit sila.

Pagkatapos ng kanta ay aalis na dapat ako nang biglang umakyat si coach Avey at lumapit sakin.

"May isisigaw ka pa 'di ba?" Nakangising sabi nya. Hindi talaga maganda ang kutob ko sa ipapasigaw nya.

Binulong nya ang sasabihin ko na ikagulat ko.

"Paano ninyo nalaman 'yon?!" Gulat na tanong ko sa kanya. Akala ko walang nakakita sa ginawa ko! Shet! Ayoko na! Hiyang hiya na ako sa sayaw tapos ito pa?!

"Secret. Kapag hindi mo isinigaw yan mas malala pa ang gagawin mo." Sabi nya na hindi umalis sa pwesto nya.

Napalunok ulit ako at tumingin sa harapan na halatang hinihintay ang gagawin ko pa. Nasa harap na din sila Tita Kill at Kriza.

Huminga ako ng malalim at nagdasal na pagkatapos kong isigaw ang sinabi ni coach Avey ay lamunin na ako ng lupa.

Lord, kunin na ninyo ako.

"KRIZA!!" Panimula ko. Halatang nagulat at nagtaka sila lalo na syempre ang taong isinigaw ko ang pangalan. Bago ituloy ang sunod na sasabihin, mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Lord, advance nyo na, kunin na ninyo ako ngayon din!

"KINUHA KO ANG PANTY MONG SPONGEBOB NUNG TEN YEARS OLD TAYO!!"



----------------------


Continue Reading

You'll Also Like

6.7K 201 30
I offered my sister to help with teaching her new private student. I don't know her that well but I recognize her. We met a long time ago by accident...
756K 20.3K 42
Limited Time SALE: 40% off! Unlock the next part for 3 Coins or the whole story for 30 Coins only until May 5. While moonlighting as a stripper, Emer...
70.3K 7.3K 53
The story starts from the time Shivaay and Annika get married the first time. Both Shivaay and Annika are trying to view their relationship from the...
18.6K 340 21
Mason was the Jock that everybody loved perfect skin, perfect girlfriend,perfect family, perfect life!. Carter was the person that everybody hated no...