TGK 2: Sealed With A Kiss [Co...

De PrincessInJeans

561K 11.3K 1.3K

The Gangster's Kiss Book 2. A parallel story of The Gangster's Vow. Kyle's Story. The girl who's always been... Mais

Teaser
Chapter 1: "I dare you to kiss a stranger."
*Special Chapter* [Clarisse & Mark]
*Special Chapter* [Clarisse and Mark] -- part 2
Chapter 2: "Susuko ka na?"
Chapter 3: "Mahuhulog ka sakin"
Chapter 4: "No offense, pero gago yung boyfriend mo."
Chapter 5: "Sana man lang nagsorry ka sa girlfriend mo, pare."
Chapter 6: "Bunch of heartbroken people"
Chapter 7: "Love makes people do crazy things"
Chapter 8: "Boyfriend niya ko."
Chapter 9 [Part 1] : "You owe me one."
Chapter 9 [Part 2] : "You owe me one."
Chapter 10: "I'm here."
Chapter 11: "All is fair in love and pillow fights."
Chapter 12: "Fight back."
Chapter 13: "You're so selfish."
Chapter 14: "We're breaking his heart."
Chapter 15: "...ikaw na lang 'yung mag-alaga sa'kin."
Chapter 16: "Friends."
Chapter 17: "...hindi kita pababayaan."
Chapter 18: "Please don't make me fall in love with you."
Chapter 19: "Hindi mo masagot no?"
Chapter 20: "Hypothetically."
Chapter 21: "Kiss me."
Chapter 22: "Is there a problem?"
Chapter 24: "Cherrie."
Chapter 25: "I need you."
Chapter 26: "Ayaw ko 'tong marinig."
Chapter 27: "You'll regret it."
Chapter 28: "Until the end."
Chapter 29: "Wish granted."
Chapter 30: "No happy endings"
*Special Chapter* [Cedric and Gie]
*Special Chapter* [Cedric and Gie] - part 2
*Special Chapter* [Cedric and Gie] - part 3
Chapter 31: "Bye, Kyle!"
Chapter 32: "May past kayo?"
Chapter 33: "Hindi ko siya kilala."
Chapter 34: "Kailangan mo kong panagutan."
Chpater 35: "...pinagsisisihan ko."
Chapter 36: "I missed this."
Chapter 37: "I love you, Kyle."
Chapter 38: "Nothing will change"
Chapter 39: "Are you in love with my boyfriend?
Chapter 40: "Forget about it."
Chapter 41: "Choose me"
Chapter 42: "See you in two weeks."
Chapter 43: "I can't wait to see you."
Chapter 44: "They stayed friends until the end."

Chapter 23: "This feels right."

8.8K 209 13
De PrincessInJeans

Chapter 23

"Hep, hep! Lilinawin ko lang yung pagkakaintindi ko sa sinabi mo ha, nagkakagusto ka na kay Papa K?" Napatingin ako ulit sa may kwarto ni Kyle. Kahit pa alam ko namang hindi pa siya umuuwi mula kahapon, hindi ko pa rin maiwasang kabahan na baka mamaya, somehow, marinig niya yung mga sinasabi ni Tanya.

Tumango ako.

"Ang hirap ng lagay mo, girl. Aba, kung ako lang ah, ewan ko. Parang ang hirap mamili kung mas gusto ko ba ay nagsusungit na lang sa'kin si Papa Kyle at dinededma yung beauty ko or yung katulad niyo na chummy chummy kami kaso bawal namang mainlababo sa kanya. I mean, teeeh, feslak at boses palang nung taong 'yun, nakakainlove na at kung kasing sweet siya tulad ng sinasabi mo, ay nako. Ang hirap iwasang sunggaban nun ha! Tapos ineexpect niya, BFFs lang ang drama niyo? Nakakaloka." 

I sighed. "That's the point. Kaya nga ako nahihirapan."

"Pero alam mo, ikaw, hindi ka talaga marunong!" Binato ako ng unan ni Tanya.

"What? Ano na namang ginawa ko?"

"Hindi mo ba nakuha yung announcement? Ang unang mahulog, talo. Bakit nauna ka na namang nafall, girl?!"

"Eh anong magagawa ko, nandito na eh. Hindi ko na to mapipigilan."

"Exactly! Ikaw yung talo! Di mo ba alam, sa laro ng loveeee, ang unang mahulog, siya yung kawawa. Siya yung mas masasaktan. At sa inyo ni Papa Kyle, ikaw ang talo!"

"Laro? Bakit may laro?"

"Masyado ka kasing seryoso! Kita mo, sa inyo nung hinayupak na Andrew na yun, ikaw lang pala yung nagseseryoso sa relationship niyo. Niloko ka tuloy nung dimuho na yun!" 

Masamang hindi magseryoso pagdating sa mga taong nagugustuhan ko, sa mga taong mahal ko? Hindi ako naniniwala sa mga relationships na trip trip lang. Para sa'kin, kung papasok ka sa isang relationship na short-term lang ang ineexpect mo, nagsasayang ka lang ng oras. Hindi ba't ang point ng relationships ay para mahanap mo yung taong mapapangasawa at makakasama mo habang buhay? Kaya hindi ko naiintindihan yung mga taong laro-laro lang ang tingin sa mga relationsips.

"Hindi naman ako magagawang lokohin at itake advantage ng ganun ni Kyle."

"Pero nasasaktan ka pa rin, bestfriend." 

* * *

 (Cedric's POV) 

May coding na pinapagawa yung prof namin pero lintek lang, hindi ako makapagconcentrate at wala akong magawa.

Habang lumalakad lakad siya sa palibot ng room para tulungan sa codes yung mga kaklase ko, hindi na maalis sa kanya yung tingin at atensyon ko.

What the hell is wrong with me? Galit ako sa babaeng 'yan! She fucking broke my heart ng wala man lang explanation. Tapos anong ginagawa ko? Ninananakawan siya ng tingin? 

"Miss Belmonte!" Nakita kong tinawag si Gie nung kaklase kong nagsabi kanina na gusto niyang pormahan at bakuran si Gie.

Agad namang lumapit si Gie kay Rick, yung kaklase ko, na nakaupo sa tapat ng computer sa harap ko.

"Yes?" 

"Di ko makita yung error eh." Yumuko si Gie para makita ng maayos yung screen ni Rick. Nakita ko yung titig sa kanya ni RIck. Shit, 'tong hinayupak na 'to. Nakakabastos na yung tingin niya ah. Sinipa ko yung upuan niya. Malakas, kaya natumba yung upuan at nahulog siya sa upuan.

Napatingin sa'kin si Gie at mas natitigan ng maayos at malapitan yung mukha niya. Wala siyang pinagbago. Sobrang ganda pa rin niya. Mala-anghel pa rin yung mukha niya. Nagmature lang kaunti yung hitsura siya. But she's still the same girl I loved before.

"Mr. Mendoza!" Dumating yung prof ko at sinamaan ako ng tingin. "What do you think you're doing?!" 

"Sorry, sir, nadulas lang!"

"Wag mo nga akong pinagloloko!"

"Sir, nadulas lang talaga ako. Di ba, Rick?" Tinignan ko si Rick na nasa sahig pa rin. Tinitigan ko siya ng mabuti. Wala siyang kwenta pero mas marunong siya kaysa banggain ako. 

"O-opo, sir. Aksidente lang."

"I'm watching you, Mr. Mendoza!" Banta nung prof ko bago siya naglakad palayo.

"Miss Belmonte, kailangan ko ng tulong mo." Sabi ko kay Gie. Mukha siyang nag-aalangan at kinakabahan pero tumango at naglakad papunta sa'kin.

Amoy rosas... pareho pa rin yung pabangong gamit niya. Yung pabango niya na paborito ko.

Shit lang talaga.

"Cedric!" Lumingon ako mula sa nilalaro kong kotse at nakita ko yung kaklase kong si Gie na tumatakbo papunta sa'kin. "Tignan mo oh, may napitas akong roses!"

Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit ba ko kinakausap nito? Naglalaro kami ng mga pangkarerang kotse at istorbo yung makulit na 'to. Grabe talaga yung mga babae, ang hilig manggulo tapos ang iingay pa!

"Layo ka nga. Bawal dito girls!" Sigaw ko sa kanya.

"Pero friends naman tayo, Ced ah?"

"Hindi no!"

"Crush mo lang si Ced eh!" Asar sa kanya nung isang kalaro ko. Tinitigan namin siyang lahat. Pati yung mga babaeng naglalaro ng manika sa kabilang parte nung kwarto ay lumapit na rin.

"Totoo ba yun, Gie?" Tanong sa kanya nung mga babae.

Dahan-dahan siyang tumango habang nakatingin pa rin sa'kin.

Crush? Kadiri! Ano ba 'yan! May crush sa'kin yung maingay at makulit na 'to? 

Tumawa yung mga kalaro kong lalaki. Pinagtatawanan nila ako. Hindi nakikihalo yung mga boys sa mga girls. Iba kasi yung trip nila. Weird kasi sila. Tapos maiingay pa. Kaya nakakahiya na magkaron ng kaibigan babae.

"Ayoko sa'yo! Umalis ka nga!" Sigaw ko kay Gie. Nakita ko siyang parang iiyak tapos tumakbo siya palayo. 

Nalungkot ako nung nakita kong napaiyak ko siya. Bakit ganon? 

"Anong kailangan mo?" Tahimik na tanong ni Gie. Nanginginig yung mga kamay niya. Gusto ko tuloy hawakan ng mahigpit yung mga kamay niya.

"Kailangan ko ng explanation."

"H-ha?"

"A little too late, don't you think, Gie? But it's better than never. Tell me, why the hell did you fuck me up three years ago? Bakit mo na lang ako biglang hiniwalayan without a goddamn reason?" 

She cringed dahil sa mga mapapait na salitang sinabi ko. Harsh ako, alam ko. Pero hindi ako yung nanakit saming dalawa. Ako yung nagmukhang tanga nung bigla niya kong hiniwalayan ng walang sinasabing dahilan pagkatapos bigla akong iniwasan.

"You should call me Miss Belmonte. Kung wala ka nang kailangan, mauuna na ko." Umalis siya. Hinatak ko siya pabalik.

"Gie... bakit?"

"Please let me go, Cedric." At nung kumawala siya sa hawak ko, it stung. It stung so bad.

Teka, bakit siya pa yung nagagalit sa'kin? E siya nga itong may atraso sa'kin! Tsaka nga. Bakit ko ba siya hinahabol? Bahala nga siya sa buhay niya!

Aaaargh, three years later, ginugulo pa rin ni Ezgi Belmonte ang buhay ko. Siya ang first love at kauna-unahang (at nag-iisang) naging seryosong girlfriend ko.

Kaya nga lang, siya rin ang first love ng kuya ko, si Kuya Rod. Kaya hindi naging madali yung love story namin noon.

* * *

(George's POV)

"San ka pupunta?" Tanong ni Kuya Rod nung madaanan ko siya sa sala.

"Dun lang sa may soccer field, kailangan ko ng stress reliever."

"Bakit hindi mo subukang manood ng romcoms na pelikula pangstress reliever mo tulad ng isang normal na babae?" Sarcastic na sabi niya. Binato ko sa kanya yung bola ko ng soccer at tumawa siya. "Joke lang." 

"Akin na nga 'yan, Kuya." Binato niya sa'kin pabalik yung bola.

Marami sa mga tao sa subdivision namin ang natutuwa dito dahil sa malaking swimming pool. Pero ako, paborito ko yung mga sports facilities sa subdivision namin. Yung tennis court, yung basketball court at yung soccer field.

Naglalakad ako papunta sa soccer field habang jinujuggle ko sa tuhod ko yung soccer ball nung biglang may humintong kotse sa gilid ko. Napatigil ako bigla at natamaan ako nung bola sa ulo ko.

Bumaba yung bintana ng kotse at bumungad sa'kin ang nakangiting mukha ni Kyle. "Okay ka lang?" 

Hinimas ko yung ulo kong natamaan ng bola. "Yeah... I think. Malayo naman 'to sa bituka." Ngumiti ako sa kanya.

"San ka?" 

Tinaasan ko siya ng kilay tapos tinapat sa kanya yung bola ng soccer na dala ko. "Um, baka sa soccer field?" Sabi ko in a sarcastic voice.

Tumawa si Kyle. "Hindi ba masyadong maputik dun ngayon kasi umulan ng malakas kagabi?" 

I shrugged. "Hindi naman ako allergic sa putik so I don't care." 

Ngumisi si Kyle. "Teka, hintayin mo ko." Pinaandar niya yung kotse niya at pinanood ko siyang magpark sa tapat ng apartment niya. Pagkatapos nun, dumiretso siya agad sa'kin.

"Okay... anong ginagawa mo?"

"Boring atang maglaro ng soccer kung wala ka namang kalaban."

I gulped. Maglalaro ako ng soccer para matigil naman kahit papano yung utak ko sa kakaisip kay Kyle at magkaron ako ng peace of mind kahit ilang oras lang. Pero kung kasama ko yung mismong nagpapagulo ng utak ko, makakapag-isip pa ba ko ng matino?

"Err, okay." Sino bang niloko ko? Syempre, pipillin ko pa ring makasama si Kyle.

"Naglalaro ka rin pala ng soccer? Kala ko basketball lang."

I shrugged. "Nilalaro ko halos lahat ng sports. Pero favorite ko yung basketball."

"Tara!" Bakit ba ang laki ng ngiti ng taong 'to?

"Mukha kang adik, alam mo yun?"

"Ow. Ang sama nito sa'kin."

"Bakit ka ba kasi ngiti ng ngiti diyan?"

"I missed you, KS." Bigla niyang sabi. 

Natapilok ako at muntik pa kong madapa sa sinabi niya. Takte, hindi naman ako clumsy na tao ah? Binibigla kasi ako nitong si Kyle eh!! "H-ha? Isang gabi ka lang nawala ah?" Kahit pa nagsusumigaw yung utak at puso ko na, 'Namiss rin kita. Sobra.' Pero pwede bang magsabi ng ganun sa kaibigan?

"Huh? Weird ba 'yun? Na sabihin yun sa kaibi---ah." Tinignan ko si Kyle. He's biting his lip at mukhang nag-iisip siya ng maigi. "Joke lang syempre." Tumawa siya ng pilit.

Shemay, lumukso yung tibok ng puso ko dun!

Pareho kami ng iniisip ni Kyle. Pareho rin kami ng kilos. Ganyan yung kilos ko pag may nasasabi akong hindi ko dapat sabihin sa kanya bilang isang kaibigan at pinagtatakpan ko yung feelings ko.

Sheeeet.

Posible kaya?

May chance ba na may gusto rin sa'kin si Kyle?

Biglang inagaw sa'kin ni Kyle yung bola at tumakbo siya papunta sa soccer field.

Teka... "Hoy! Madayaaa!" 

Tumawa siya bilang sagot sa'kin.

* * *

Gusto ko na kasing-hilig ko sa paglalaro ng sports si Kyle.

Gusto ko na hindi niya iniisip na weird ako dahil babae ako at mahilig ako sa ganito.

Gusto ko yung mga ngiti, tawa at saya sa mukha niya pag naglalaro kami.

Gusto ko na hindi niya ko pinapabayaang manalo na lang basta basta, na nirerespeto niya yung galing ko at alam niyang mas gugustuhin ko pang matalo kaysa lang panalunin niya.

Gustong-gusto ko na ata si Kyle.

Punong puno ng putik yung mga paa namin pero tawa pa rin kami ng tawa habang naghahabulan kami sa soccer field.

"Aha!" Sabi ko sa kanya nung maagaw ko yung bola bago pa man niya masipa yun papunta sa goal.

"Shoot." Sabi niya kaya napatawa ako. Mabilis akong tumakbo papunta sa kabilang side ng field.

"KS!" Hinapit ako bigla ni Kyle sa bewang at hinatak papunta sa kanya.

"Hoy, bawal 'yan! Ang daya mo!" Humarap ako sa kanya at sinamaan ko siya ng tingin.

Tumatawa siya sa gilid ng tenga ko. Ramdam ko yung paghinga niya sa tenga ko. Nakikiliti ako. Sheteee ka talaga kahit kelan, Kyle Villanueva! 

Kaya pinatid ko na lang siya sa paa kaya ang ending ay nadulas siya at bumagsak. Late na nung marealize kong wrong move yun kasi nakabalot ba nga pala yung mga braso niya sa bewang ko kaya nadala tuloy ako. Sakto pang sa isang mud puddle kami bumagsak kaya ang dungis dungis na tuloy namin pareho.

Tumatawa pa rin si Kyle habang nakayakap pa rin siya sa'kin. Kinurot ko siya sa tagiliran niya pero lalo lang siyang tumawa.

"I hate you!" sabi ko sa kanya.

"Really? You hate me?" He smirked. Langya, dapat illegal na may ganito kagwapo eh! 

"Talaga!"

"Talaga ah?" Bigla niya ko kiniliti sa bewang.

Tumatawa ako habang pinipilit kong makalayo sa kanya, na hindi ko naman magawa dahil ang higpit ng hawak niya sa'kin. 

BAKIT BA ANG HILIG NITONG MANGILITI?

"Kyle!" 

"You can't hate me." Hinawakan ko yung mga kamay niya at this time, tumigil na siya sa pangingiliti. I know, ikaw pa ba? Sa'yo pa ba ako magagalit? Papayag ba yung puso ko na sobrang bilis yung tibok ngayon na magalit ako sa'yo? 

"Ang dungis ko na dahil sa'yo." 

Ngumiti si Kyle tapos pinunasan niya yung mukha ko. Late ko na narealize na pinunasan pa niya ko lalo ng putik.

"Kainis ka!" 

"Ang dungis mo na nga." Tumawa siya ulit.

"Yeah. Yung mga normal na mga babae hindi papayag na magmukhang ganito kadungis sa harap ng---" Napatigil ako. Sa harap ng ano, George? Sa harap ng lalaking gusto nila? "Sa harap ng ibang tao." 

"Oo nga. But you're different. I like that you're different." 

"Different? Yeah, right. Sino bang lalaki ang gusto ng babaeng parang lalaki kung kumilos at pumorma?" Pabiro kong sabi kay Kyle at ineexpect kong tatawa siya or aasarin niya ko pabalik pero nung tumingin ako sa mukha niya, nakita kong nakatitig siya ng seryoso sa'kin.

Dun ko narealize yung pwesto namin. Magkatabi kaming nakahiga sa damuhan at nakalagay pa rin sa bewang ko yung kamay ni Kyle. Ang lapit lapit namin sa isa't isa. Seryoso yung mga mata niya habang nakatingin siya sakin. Sinubukan kong tumayo pero gamit yung mga kamay niyang nasa bewang ko pa rin, hinatak ako pabalik ni Kyle, papunta sa kanya.

"Ako. I like you just the way you are. I like all of you, kahit pa minsan mas parang lalaki ka pa kaysa sa'kin." Tumawa siya tapos bigla niya kong niyakap. Nakabaon yung mukha niya sa balikat ko. "This feels right. Bakit ganun?" 

Nasa tapat ng puso niya yung isa kong kamay kaya ramdam ko yung bilis ng tibok ng puso niya. Singbilis nung sa'kin.

"It feels right that you're right beside me, that you're so close... It feels so right that you're in my arms." 

Hindi ako nagsasalita. Hindi na nga ako halos humihinga eh. Feeling ko matutunaw na lang ako dahil sa mga sinasabi ni Kyle.

"G-george, I..." He whispered.

"What, Kyle?" I whispered back. I have no idea kung bakit ba kami bumubulong.

He looked at me intently.

For a couple of seconds, I thought he was going to kiss me. Pero hindi 'yun nangyari. Tinitigan lang niya ko ng ilan pang mga segundo bago siya parang natauhan kaya sinubukan niyang tumayo ng mabilis.

Nagkauntugan tuloy kami.

Tumayo siya at naiwan ako nakahiga sa may putikan. What. Was. That?

Nakatingin sa langit si Kyle at mukha siyang humihinga ng malalim. Tumayo ako, punong puno pala ng putik yung damit ko, at hinarap ko siya. Iniiwasan niya yung tingin ko.

"Kyle, ano yung gusto mong sabihin kanina?"

"W-wala, KS."

"Kyle."

"Wala nga."

"Kyle."

"Wala talaga." Tumalikod siya sa'kin at naglakad palayo.

WALA? Yun ba yung wala lang? Pano niya nagagawang magpanggap na wala lang yung kanina? 

"Fine!" Sabi ko sa kanya tapos binato ko yung bola sa kanya. Nung luminon siya pabalik, saktong nasalo niya yung bola.

Tinignan ko siya ng masama bago ako tumakbo palayo.

Wala? Imposibleng wala. Naramdaman ko yung tibok ng puso niya. Nabasa ko yung mga mata niya. May isang parte ng puso ko na naniniwalang... baka pareho kami ng nararamdaman.

Pero bakit ayaw niyang aminin? Pano niya nagagawang magpanggap na wala lang para sa kanya yung lahat ng 'yun?

 ==================================================

Si Cedric po ay yung pinakabatang kuya ni George :) Apat silang magkakapatid: Jed, Rod, Cedric, George. (Belated happy birthday kay Georgina Abigail Mendozaaa! September 1 woohooo!)

Sa estimate ko, 30-35 chapters itong SWAK so yeah, a few more chapters at matatapos na 'to! Depende na lang yung haba sa story ni Cedric :D Sorry, bumabagal ulit yung updates per medyo hectic lang yung schedule ko sa school. 

Continue lendo

Você também vai gostar

1.4M 56.1K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
4.7M 147K 51
Inakala ni Kaizer at Sitti na magiging okay na sa kanila ang lahat dahil sa mahal na nila ang isa't-isa. Na hindi na lang pagkukunwari ang relasyon a...
107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...
1.5M 9K 11
What Gwen wants, Gwen gets. Iyan lamang ang simpleng rule ng buhay ng 17-year-old na si Gwen Guinto. She is your typical bad girl who breaks hearts o...