Chapter 34: "Kailangan mo kong panagutan."

5.3K 201 46
                                    

Dahil Christmas a few  minutes ago. Another update! Haha. Although maikli lang. But oh well, enjoy :P

Chapter 34

“Good afternoon, Sir!” Sabay sabay na bati nung mga housekeeping staff sa unahan ko nung makasalubong namin si Kyle. Tumango sa kanila si Kyle.

Ako yung sunod niyang nakasalubong. Ngumiti ako sa kanya. “Good after---“Pero nilagpasan lang niya ko ng hindi man lang ako pinapatapos.

Ugh, ano bang problema niya? Galit ba siya sa’kin? Daig pa niya yung batang nagrerebelde. Nung nakalipas na tatlong araw simula nung kausapin niya ko sa office niya, dinededma niya ko tuwing nagakasalubong kami! Sabi ko naman, wag lang ipahalata sa iba  na magkakilala kami noon pa pero hindi ba extreme naman ‘tong ginagawa niya?

“GEORGE!” Sigaw ni Chef Alec pagpasok ko sa kitchen. Siya yung head chef dito. And he’s well... intense. At sobrang nakakatakot. Parang laging nakaloudspeaker yung boses niya dahil lagi siyang nakasigaw sa lahat ng tao dito sa kitchen. Daig pa rin niya yung mga nagmemenopause sa sobrang kasungitan niya. But he’s a good chef and we all respect his skills. Pero never niya pa kong napagbuntunan ng galit niya kaya natatakot ako ngayong ako yung tinatawag niya.

“Yes, Chef?”

“Pakidala sa office ni Sir Kyle yung lunch niya.”

 

“Ako po?” Nagtataka kong tanong. Dining room staff ang kadalasang nagdadala ng pagkain ni Kyle. Hindi tulad kong sa kitchen nakaassign.

“Bingi ka ba? Kailangan ko pang ulitin yung sinabi ko?”

 

“No, Chef. Okay po.” Mabilis kong sagot bago pa biglang atakihin ng pagkamonster niya si Chef Alec.

Binitbit ko yung tray at dumiretso sa elevator. Tuloy-tuloy ako hanggang makapasok ako sa office ni Kyle. Naabutan ko siyang nakasandal sa upuan niya at nakapikit. Binaba ko yung tray sa table niya.

“Sir, eto na po yung lunch niyo.”

Dumilat siya at tumango sa’kin ng hindi ako tinitignan.

“Um, bakit ako yung nagdala nito? Hindi ‘to kasama sa job description ko, di ba?”

 

“Because I said so. At mula ngayon, ikaw na magdadala ng lunch ko dito sa office ko araw-araw.”

 

“What? Bakit---“

 

“You may go back, Miss Mendoza.” Malamig na sabi ni Kyle.

I glared at him. First, dinededma niya ko ng sobra tapos ngayon inuutasan niya ko ng kung anu-ano? I am not his personal assistant! Hindi ko trabaho ‘to! I stormed out of his office.

TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon