*Special Chapter* [Cedric and Gie] - part 2

5K 137 7
                                    

Continuation ng flashbacks nila XD

Special Chapter

[Cedric & Gie]

Part two 

Pwede na kaya akong lumabas? Nakauwi na kaya si Agatha at Cedric? Sinilip ko yung room namin. Wala na ata sila. So pwede na rin akong umuwi? Si Cedric naman kasi eh! Ang gulo gulo. Palagi na lang akong inaaya sa mga lakad nila ni Agatha. Eh hello? Ano ako, chaperone nila? Alangan naman panoorin ko lang silang magpakasweet sa isa’t isa.

No, thank you.  Kaya iiwasan ko na lang si Ced---

 

“Gie, iniiwasan mo ba ko?” Oh shoot. “Ano bang sinisilip mo diyan?” Dahan dahan akong humarap kay Cedric. Sakto namang nakikisilip rin siya sa tinitignan ko kanina kaya ang ending nagkauntugan kami.

“Ow. Ang tigas talaga ng ulo mo, Ced. Ano ba yan.” Kinapa ko yung noo.

“Sus. Ang dami mong alam. Patingin nga.” Lumapit siya sa’kin at tinignan ng malapitan yung noo ko.

“U-u-u-uy! UY!” Ang lapit lapit niya sa'’kin! As in halos dalawang inches lang. Woah woah woah. Nakakalimutan ko na yata huminga.

 

“Bakit? May masakit ba? Totoo?” Tumitig siya sa mga mata ko at halos matunaw ako.

“Namumula ka. May sakit ka ba?” Nasapok ko na siguro si Ced kung hindi lang ako masyadong wala sa sarili ko. Tama bang sabihin pa yung obvious? Hiyang hiyang na nga ako dito at hindi ako mapakali eh!

 

“L-lumayo ka n-nga!” Nauutal kong sabi.

Matagal na tumitig sa’kin si Cedric kaya pakiramdam ko lalong uminit yung mukha ko. “Namumula ka, Gie.” Mabagal niyang bulong sa’kin. YUNG TOTOO, INAAKIT BA KO NITO? O sadyang ako lang talaga yung naakit sa mababa niyang boses? My gollyyyy. “Umamin ka nga sa’kin, nacoconscious ka ba sa lapit natin ngayon? Naaapektuhan ba kita?” And then he grinned wickedly!

“A-asa!”

 

Biglang nawala yung ngiti sa mukha ni Cedric at tinignan niya ko ng seryoso. “Tell me honestly, Gie. What do you feel right now? Do I make you nervous? Do I make your heart beat faster?”

OO! Sobra! Sobra sobra na pakiramdam ko nga sasabog na siya eh!

Pwede ko bang sabihin yun? Pero pano si....

“Ced! There you are!” ...Agatha?

Bumuntong hininga si Cedric bago lumayo sa’kin. Nakahinga ako ng maluwag nung mas malaki na sa isang dangkal yung pagitan ng mukha namin.

TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon