Chapter 21: "Kiss me."

9.3K 216 18
                                    

Chapter 21 

Maingat kong pinili yung damit na susuutin ko sa school ngayong araw. Nag-ayos din ako. Nagmake-up pa ako at kinulot ko nang kaunti yung buhok ko. Ngayong maayos na si Papa at nakabalik na siya sa bahay, balik na ako sa mission ko.

Pumunta ako sa milk tea shop kung san kami nag-usap na magkikita ni Kyle bago yung practice nila. Nung tumingala siya at nagtama yung paningin namin, parang tumigil ng saglit sa pagtibok yung puso ko bago biglang bumilis.

Nakakaloka. Di kaya may sakit na ko sa puso? Kung wala pa man, sigurado akong magkakaron ako soon dahil sigurado namang hindi na normal yung nagagawa ni Kyle sa puso ko.

Umupo ako sa tabi niya. "Uy." 

"Hey. Anong plano?" 

 

"Dinedma ko si Drew simula nung dumalaw kay Papa sa ospital. Hindi ko rin siya pinansin buong araw ngayon kahit ilang beses ko siyang nakasalubong at ilang beses siyang nagtext sa'kin. Gusto kong mabaliw siya kakaisip kung bakit bigla akong naging cold sa kanya. And then, at the end of the day, aattend ako ng practice niyo at pagseselosin natin siya. I want to him to feel kung pano maghabol at pagmukhaing tanga lang." 

Tumango tango si Kyle. 

 Umorder ako ng milk tea sa counter bago kami naglakad ni Kyle papuntang basketball court. 

Nung umikot kami sa corner papunta sa basketball court, biglang nagsalita si Kyle. "Ubusin mo na 'yan. Bawal yung pagkain at inumin sa loob ng basketball court." 

Sumimangot ako sa kanya. "Wait. Busog na ko. Bundat na bundat na ata ako. Nahihirapan akong ubusin." 

Tumawa si Kyle tapos kinuha niya yung milk tea sa kamay ko. Tinaasan niya ko ng kilay nung nakakatitig lang siya. "Bakit? Tutulungan na kitang ubusin. Kalahati pa 'to oh." 

"Er.. okay." Uminom siya dun sa milk tea tapos sumimangot siya. "Oh? Bakit?"

"Ang weird talaga ng lasa ng milk tea." 

Hindi pala siya mahilig sa ganitong inumin. "Akin na nga." Kinuha ko sa kanya ulit yung milk tea. Dahil ayaw niya ng lasa at busog na busog na ko, nagtulong na lang kami sa pag-ubos nung milk tea. Salit-salitan kami sa pag-inom.

Oh shiz, quotang quota na ko sa indirect kiss! Hahaha, joke lang. 

Binato ko yung walang laman na baso sa isang trash can na two meters away. Nashoot ko siya. Ngumiti ako ng malaki. "Two points for Mendoza! Woohoooo!" Tumawa kaming dalawa ni Kyle.

"Hindi ako makapaniwala. Ang ganda na ni George ngayon." Napatigil kaming dalawa ni Kyle nung may narinig kaming mga boses na papalapit. Tumingin kami sa corner na papunta dito sa basketball court.

TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu