Chapter 31: "Bye, Kyle!"

7.2K 182 24
                                    

Chapter 31 


4 years later. 


(George's POV)


Juliet Luna calling... 


"Hello?"


"George! Malelate ako ng ilang minuto. Ang lala kasi ng traffic dito sa EDSA. Sorry!" Napabagal yung paglalakad ko. Nagmamadali pa naman ako dahil ako nandun na siya sa restaurant kung san kami nag-usap na magkikita at hinihintay niya ko.


"Okay lang. Wala pa rin naman ako dun. Pero baliw ka, wag kang tumawag habang nadadrive." 


Tumawa siya. "Okay, okay. Chill. Sige, sorry talaga. See you in a few!" 


Napailing na lang ako habang binabalik ko yung phone ko sa bag ko. Si Juliet yung pinakaclose kong kaibigan sa culinary school na pinapasukan ko ngayon. Pareho kami noong transferee, kaya pareho rin kaming out of place sa mga classmates naming magkakaclose na. Kaya ayun, automatic na naging magkaibigan kami kahit pa wala naman kami halos na pagkakapareho. Masyado kasing mabait 'tong si Juliet na minsan nag-aalala na ko para sa kanya.


"Waaaaah. Mamaaaaa!" Napatingin ako sa isang batang lalaki na umiiyak sa gilid, na nilalagpasan ng napakaraming tao sa mall na 'to. Nilapitan ko siya.


"Okay ka lang? Nawawala ka ba?" Mahinang tanong ko sa kanya para hindi naman siya matakot sa'kin


"Mamaaaaa!" 


"Tahan na. Tutulungan ka ni Ate. Hahanapin natin yung Mama mo, okay?" Ngumiti ako sa kanya habang pinupunasan ko yung mga luha niya. Mabilis naman siyang tumango sa'kin. Naku, ang cute cute ng batang 'to! Natetempt na kong pisilin yung pisngi niya kaso baka lalo siyang umiyak.


"KYLE!" Nanigas ako nung marinig ko ang boses ng isang babae na tinatawag yung pangalan yun. "Kyle, nasan ka?!"


"Mama!" Sigaw nung bata sa harap ko. Agad namang may babaeng lumapit sa'min at niyakap yung bata—-si Kyle.


Unti-unti kong binitiwan yung hiningang kanina ko pa pala pinipigilan. It's been so long since I last heard that name. 


"Miss, thank you sa pagpapatahan sa anak ko ha? Ang likot kasi nung batang 'to kaya nagkahiwalay kami." Ngumiti ako dun sa mama ni Kyle at tumayo.


"Walang anuman po. Ilang taon na po ba siya?"


"Four years old. Sige ha, mauna na kami? Thank you ulit!"


"Sige po."


"Bye bye, Ate!" Masayang sabi sa'kin ni Kyle.


TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang