Chapter 9 [Part 1] : "You owe me one."

9.5K 261 25
                                    

Chapter 9 [Part 1]

Naestatwa ako sa mga lumalabas sa bibig ni Kyle at hindi na ko makaimik.

Ano bang trip nitong si Kyle? Pero hindi naman ako pwedeng kumontra kasi mabubuking kami ni Andrew lalo pa't may nakakita pala sa'min kanina.

Sa gulat ko bigla niyang inalis yung pagkakaakbay niya sa'kin tapos hinila niya 'yung kamay ko papasok sa court. Hindi siya tumigil hanggang nasa tapat na kami ni Andrew.

"Narinig niyo ba 'yun? She's my girl so no one can mess with her kung hindi, ako 'yung makakalaban niyo." Obvious naman na sina Trixie at yung mga kaibigan niya yung kinakausap ni Kyle pero kay Andrew lang siya nakatingin. Sa smirk sa mukha niya at sa mga mata niya, halatang chinachallenge niya si Andrew na tumutol.

Tinignan siya ng masama ni Drew kaya pinilit ko na agad magsalita. "Kyle..." Tumingin sa'kin si Kyle at nakita ko sa gilid ng mga mata ko na pati si Drew nakatingin sa'kin. 

"Tara." Hinatak ako ulit ni Kyle at palabas ng court. Huminto siya nung medyo malayo na kami sa court.

 "K-kyle.. yung ano... A-ano..?" Sa gulat ko ngumiti siya at ginulo yung buhak ko.

"Akala ko naiintindihan ko 'yung desisyon mo. Hindi pala." Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa malayo. "I don't understand you. Si Andrew Castillo.. why are you settling for someone like him when you deserve someone so much better? Love is not like a fairytale. The reality is love is either being hurt or hurting others. You choose. At sa ngayon, ikaw lang yung nasasaktan sa set-up niyo ni Andrew. Wag mong hayaang saktan ka niya, George. Wag mong iwala yung sarili mo dahil lang sa mahal mo siya." Bumuntong hininga siya. "Pero sa ngayon, gamitin mo muna akong excuse para hindi kayo mabuking. I don't mind. Magpanggap na lang tayo sa ngayon."

"Honestly, sobrang thankful ako sa ginawa mo. I owe you one. Pero masyado kang negative. Hindi mo naman kailangang laging masaktan pag nagmamahal ka." 

Tumingin siya sa'kin at umiling. "Sa tingin mo happy ending yung magiging kalabasan ng ginagawa niyo? Sooner or later, mabubuking din kayo. Sooner or later, masasaktan ka."

"Why do you care? Kung masaktan man ako o hindi?" 

Kumunot yung noo ni Kyle sa sinabi ko at para siyang napaisip. "I honestly don't know." Sa gulat ko, he grinned boyishly. At aaminin ko, iba talaga 'yung kagwapuhan ni Kyle. Kung wala lang siguro si Andrew, isa na ko sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. "Hindi ko kakalimutan 'yung sinabi mo. You owe me one." Ngumuso siya. "Sisingilin ko sa'yo 'yun next time. Bye, George." Lumakad siya palayo at kumawau sa'kin. 

Seryoso. Sumasakit ang ulo ko kay Kyle Villanueva.

* * *

(Kyle's POV)

Hinarang ako ni Andrew pagkatapos ng practice. Hindi na ko nagulat. Kanina pa ko pinag-iinitan nung lokong 'to sa practice eh. Nakakairita talaga 'to -___-

"May gusto ka kay Gigi? Niloloko mo ba ko?" 

Napangisi ako sa sinasabi nitong si Andrew. Ako? May gusto kay George? Syempre wala. Pero hindi na 'yun kailangan malaman ni Andrew.

"Di mo ba ko narinig kanina? Sinabi ko na, gusto ko siya."

"Layuan mo si Gigi." Tumawa ako sa sinabi niya. 

Ewan ko pero naiinis ako sa kanya. Ang gago kasi nung mga ginagawa niya. Ang kapal ng mukha nitong taong 'to. Hindi mo sinasaktan at pinapahirapan yung taong mahal mo tulad ng ginagawa niya.

"Bakit kita susundin? Boyfriend ka ba niya? Hindi ba tapos na kayo at si Trixie na 'yung girlfriend mo?" 

Kumunot yung noo ni Andrew at tinignan ako ng masama. Gusto ko tuloy matawa.

Wala kang masagot ngayon? Tss.

"I love her and she loves me too." Matapang niyang sabi.

Aish. Kelan ba matatapos 'tong usapan namin? Gusto ko nang magshower.

I smirked. "Ganyan ka magmahal? May iba kang girlfriend pero ayaw mo pa ring pakawalan si George? You'd rather be selfish para lang masaya ka kahit pa nahihirapan siya? Ang pangit mo pala magmahal." 

"Ikaw---" Lumapit siya sa'kin at akala ko susuntukin niya ko. Tinitigan ko lang siya. Sige, suntukin mo ko, susuntukin kita ng mas malakas at pareho tayong isususpend ni Coach. Wala akong pakialam pero 'tong isang 'to na mas gusto pang saktan yung mahal niya para sa basketball? Syempre hindi.

Tulad ng inaasahan ko, walang suntok na dumating. "Ingat ka. Baka maagaw ko siya sa'yo. Because she deserves someone better than you." At iniwasan ko na siya para makapunta na ko sa shower room.

"At ano? Ikaw 'yun?" 

Hindi ko alam kung bakit ako nakikialam sa kanila kahit pa sinabi ko na na ayoko nang magkaron ng pakialam sa kahit sino para hindi na ko masaktan. Hindi ko alam kung bakit ko pinagtanggol si George kanina. At mas lalong hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang protektahan. 

But what the hell, kung ano mang rason, hindi ako papayag na isawalang-bahala lang siya nitong Andrew na 'to.

Lumingon ako kay Andrew. "Oo, ako nga. Bakit, may problema ka ba dun?" 

========================================

Salamat sa votes at comments last chapter :> Iba talaga pag si Kyle no? Grabe yung reaction niyo eh. Hahaha XD  

TGK 2: Sealed With A Kiss [Complete]Where stories live. Discover now